SAGLIT na natigil si Alessandro sa ginagawa nito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto, animo'y nakikiramdam. Samantalang namalayan na lamang ni Charlie na nakasandal na siya kay Tessa. Bigla siyang tinulak ng dalaga. Charlie hit her head but the pain didn't register just the semi-loud thump of her cracked head. Umalis sa pwesto nito si Tessa at sinugod siya ng nakamamatay nitong tingin ngunit kahit ganoon Charlie couldn't care less. She stared blankly in the distance. It's because there's another storm invading her insides named typhoon Alessandro.
"What the hell?! Gusto mo bang mahuli nila tayo?" marahas na bulong nito sa kanya. Hindi niya pinansin si Tessa. Wala na siyang natitirang lakas para makipagbangayan pa dito Charlie felt sick in the stomach.
"Anyway! Just shut up alright?! If you can't take it then don't look! What a prude!" dagdag pa na litanya ng dalaga. Biglang nanuyot ang lalamunan ni Charlie at distracted na napatuon siya sa direksyon na pinanggagalingan ng ingay. The scene it's replaying in her mind all over again like a bad grainy old movie. Ang lakas ng tibok ng puso niya. And there's this feeling like she swallowed something bad. And the noises, it's driving her nuts. It's even making her feel like she want to kick Ms. Cacapit and beat her senseless. Unfortunately, nagpatuloy ang mga ito sa ginagawang milagro.
"Oh baby...ohhhhh!!!! Please!" pagmamakaawa pa ni Ms. Cacapit in between labored breaths. She shut her eyes tight to somehow keep away the picture of them both naked and him grinding on top of her ngunit natatak na parang mighty bond sa utak niya ang mga nakita. Then she suddenly heard poundings, the content of the desk rattles mercilessly and rattling her feelings and senses too. Why is she feeling this? Hell, she doesn't even know them pero bakit affected siya? At ang masama pa niyon hindi pa rin siya makagalaw sa pwesto niya dahil namamanhid ang halos kalahati ng katawan niya.
"Hoy! Ayos ka lang ba?" she faintly heard Tessa asked. Charlie didn't answer. Heck! She's not fine!
And then devious Tessa took that advantage para manghalughog sa defenseless na bag ni Charlie na nasa may tabi nito. Nang makuha nito ang DSLR camera ng dalaga ay agad itong bumalik sa dati nitong pwesto samantalang si Charlie naman ay tulala pa rin ng bigla makarinig siya ng mahinang…
Click. Click. Click.
Her head snapped in attention. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa ginagawa ni Tessa. "Teka lang parang—Nababaliw ka na ba talaga?!" mahina ngunit mariing singhal ni Charlie dito. Agad niyang hinablot ang camera mula dito at itinago iyon sa likod niya.
"Pwede ba wag mo akong paandaran ng pagiging goody two shoes mo. Ibigay mo na sa akin yang camera" balewalang sagot naman ni Tessa.
"You're invading their privacy idiot!"
"E di sana ginawa nila ang kabalbalan na yan sa mas private na lugar!"
"Kahit na! Hindi ako papa—muli siyang dinamba nito at nahablot ni Tessa ang camera niya. Kulang na lang maglupasay siya…akin na yan!"
"Ayoko!"
Charlie screams inside her head. Gusto na talaga niyang umuwi sa bahay nila at magwala sa kama niya pero hindi niya gagawin iyon hangga't hindi niya nababawi ang sacred camera niya. Mahilig nga siya sa scoop. It's part of her job pero may limitasyon naman siya. She can't possibly think of ruining someone's reputation for her own gain.
"Tessa! Ibalik mo sa akin yan kundi malalagot ka talaga. Nauubusan na ako ng pasensiya sayo!"
"Whatever! Mind your own business. Hinihiram ko lang naman ang camera mo. Ang damot lang"
"Hindi ako papayag na gamitin mo ang camera ko sa kabalbalan mo. Akin na!"
"Ayoko"
At doon nagsimula ang kanilang epic battle ng agawan at hablutan. Agad na dinamba ni Charlie si Tessa para kunin ang camera niya hanggang sa pareho silang mag-slide pahiga habang naka-outstretched ang mga kamay nito sa itaas ng ulo nito, hawak-hawak ang camera niya. Muntikan na siyang tumili sa sobrang frustration but Charlie settled with a glare.
Ganoon siya ka-mature pero umiwas lamang ito ng tingin at lumipat iyon sa may gilid nito. Naramdaman niyang bigla itong nanigas. Sinundan niya ang tingin ni Tessa. Siya naman ang nanigas sa pwesto niya. Titig na titig naman sa kanila si Alessandro still fully clothed, mind you samantalang hindi magkandaugaga si Ms. Cacapit sa pagsusuot nito ng damit. Bago pa siya makapag-react buong lakas na tinulak siya ni Tessa, bumangon at kumaripas ng takbo dala dala ang camera niya. Sa pagitan pa talaga ng hindi magkandaugagang si Ms. Cacapit at animo'y estatwang si Alessandro dumaan ang bruha! Nanlalaki ang mga matang tinuro niya ang papalabas na pigura ni Tessa habang nakatitig kay Alessandro. Silently pleading to run after her or anything just to stop that crazy woman but the stupid pervert did nothing of sort. She swallows the humungous lump in her throat.
"Bakit hindi mo pinigilan?!!!!" makapatid hiningang tili niya sa binata. Nagkibit balikat lamang ito bilang sagot.
Hell! He even look bored. Parang wala lang dito ang nangyari! Anong problema niya?!!
Sisinghalan pa sana niya ulit ito ng bigla siyang natigilan ng matamaan ng nakamamatay at kumikinang sa talas na tingin ni Ms. Cacapit na para siyang isang kriminal.
Peste! "TERESITA VALDEZ!!! Bumalik ka dito!!!! Wag mo kong iwan!!!!
KASALUKUYANG binabagyo ang utak ni Charlie habang nakatingin siya sa may kawalan at nakapangalumbaba sa may desk niya sa may Prefect's Office. It's been a week since the incident that almost got her killed like literally. Hindi akalain ni Charlie na makakalabas siya ng buhay sa may laboratory. After being abandoned by that devil Tessa, ang akala talaga niya katapusan na niya mabuti na lamang napakalma ni Alessandro si Ms. Cacapit. She was more than ready to gouge her eyes out. Bukod sa pagiging panot muntikan na siyang mabulag. Women can really be outstandingly vicious it leaves her enthrallingly scared out of her wits sometimes.
She'd never been like that and she doesn't want to be like that. Ever.
"Charlie ayos ka lang?" biglang tanong ng kaibigan niyang si Jessie. Umupo ito sa may tapat ng nakapangalumbabang dalaga. Napakurap siya.
"Ha? Ako? Bakit?!" sunod-sunod na bulalas niya.
"Woah! Nawindang!" nangingiting saad nito. Lalong nawalan ito ng mata dahil sa pagkakangiti nito.
Jessica Ramirez aka Jessie. Culinary student. A prefect just like her. At kasalukuyang Treasurer ng kanilang humble organization. Tsinita at bansot. Mahilig kumain pero may pinagmamalaking curves, kaya nga lang kinulang sa height. Hindi nga lang niya sinasabi iyon sa dalaga dahil baka mabalya siya nito ng wala sa oras. Light weight pa naman siya. Inirapan niya si Jessie ngunit mas lalo lamang lumawak ang ngiti nito.
Ugh! Of all places, bakit ba dito ako pumunta?
"Hindi ko alam kung na-bully ka ba o nakalimutan mo lang magsuklay" seryosong puna naman ni Ana. Hinila ng dalaga ang sarili nitong swivel chair at tumabi kay Jessie pagkatapos ay humarap sa naaaburidong si Charlie.
Anastasia Mendez aka Ana. AB Creative Writing ang course niya. Mahilig itong magbasa at gumawa ng sariling nobela but unlike typical females, ang madalas nitong basahin at sulating stories ay tungkol sa mystery at murder cases. She's the Secretary of their humble disciplinarian organization. Uptight and a man hater but she's also popularly known as the "Amazona".
"Sinisira niyo ang moment of peace ko. Tsupi nga!" naiinis na sita niya sa mga ito pagkatapos ay inikot ang sariling upuan at humarap sa pader. Biglang naging mas interesante ang pristine white na pader ng office nila kaysa sa mga kaibigan pero ang natatandaan niya noong nakaraang linggo lang makailang ulit na niyang kinukulit si Miss Rivas na pinturahan ng ibang kulay ang pader nila para naman maging lively ang lugar at hindi parang ospital, pero ngayon, napailing na lamang si Charlie.
Such the mysteries of life don't' you think Mr. Wall?
And besides, hindi niya gustong makinig sa mga sasabihin ni Ana. Malamang kasi mapapagalitan lang siya nito. Mayamaya lang siguradong makukumpleto na silang lahat at sa sobrang pagiging matanong ng mga ito, hindi niya alam kung paano aakto sa harap ng mga kaibigan ng hindi nahahalata ng mga ito na kasalukuyan lang namang binabagyo ang utak niya at nakakaranas siya ng flashflood. Nahihirapan na nga siyang huminga pakiramdam niya malapit na siyang malunod ng mga sandaling iyon.
"Moment of peace? Patawa ka? Eh parang kang binabagyo at malapit ng lunurin ng matinding baha ng Metro Manila" sarkastikong banat naman ng isa.
She groans outloud. She knew her without even looking. Hinarap niya ang kaibigan.
"Kath" nanlulumong usal niya. Ano bang buhay 'to? Sumali na sa usapan ang mother of all psychics! She hit the bull's eye pretty hard. At pakiramdam niya namanhid ang buong katawan niya sa tinuran nito. She couldn't feel her feet—no, she couldn't feel her whole body at all.
Iris Katerina Lopez aka Kath. The Vice-President of their humble disciplinarian with lot's of hater's organization. She's sort of a psychic by the way. Isa sa mga rason kung bakit napaka-weird niya. Mahirap intindihin ang ugali. Mahirap ispelingin. Kaya wala na siyang ibang masabi pa. Period. Psychology student pala siya. Match made in heaven sila ng course niya diba?
"What happened?" ani Keilah na kararating lang din sa opisina. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang mga nag-uumpukan Wala na talagang pag-asa. Kinakailangan na niyang mag-evacuate pronto!
Keilah Aquino. The leader of their humble disciplinarian with lots of haters and death threats organization. Responsible. Brilliant. Committed. Lahat na yata ng adjectives pwede na niyang ipamudmod dito maliban sa isa. She's pretty stingy—er nope "pretty" is an understatement. Keilah Aquino is as stingy as hell. Oh, she's a fine arts student.
Napabuntong hininga na lamang si Charlie. Bumilang siya ng hanggang sampu pagkatapos ay napatuwid siya ng tayo at sinimulang mag-martsa palabas ng office nila.
"Charlie! Saan ka pupunta?!!" pahabol na sigaw ni Jessie. Nagmamadaling hinawakan ni Charlie ang door knob at pinihit iyon ng bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Sheena. Nagtatakang pinagmasdan siya nito habang nakakunot ang noo.
Sheena Delos Santos. Civil Engineering ang course niya. Mahilig sa sports kaya nga mamasel-masel ang katawan nito. She looks boyish but she's every bit as feminine a woman could be. Actually marami nga siyang man of her dreams. Paano niya nalaman ang tungkol doon? Let's just save it for another day. It's a long gory detail.
Charlie just walks past her.
"Charlie!"
Damn it! Kailangan niya ng solusyon sa problema niya. At kailangan na niyang ma-resolba iyon. Pronto! Dahil kung hindi, hindi lang pagsusuklay ang makakalimutan niyang gawin dahil sa kakaisip baka makalimutan na rin niyang maligo at mag-toothbrush!
Kinakailangan niyang makuha ang camera niya kay Tessa—pati na rin ang nilalaman niyon. Pero paano niya gagawin iyon? Siguradong hindi niya makukumbinsi si Tessa na magpakabait man lang ito kahit once in a blue moon lang at i-surrender sa kanya ang mga kuha nitong litrato ng eskandalo ni Ms. Cacapit at Alessandro. Isipin pa lang niya ang mga nakamamatay na tingin ni Ms. Cacapit pakiramdam niya malalagutan na siya ng hininga. Mukha ngang sinusundan siya nito kahit saan man siya pumunta. Mabuti na lang hindi niya ito Professor ngayong semester katulad last sem pero kahit ganoon alam niyang hindi pa rin niya ito tuluyang maiiwasan. Kung si Ms. Cacapit hindi magkandaugaga sa pagpaparamdam sa kanya ng nalalapit na niyang funeral kung hindi pa niya mababawi kay Tessa ang mga litrato nito at ng binata, si Alessandro naman parang nakalimutan na ang nangyaring insidente.
O mas tamang sabihing parang wala lang nangyari. Katulad pa rin ito ng dati. Detached. Cold. Bored. Freaking snob. Napabuntong hininga si Charlie. Alam niyang wala siyang responsibilidad sa mga ito at mas lalong hindi rin niya kasalanan na may pagka-demonyita si Tessa at naisipan ng dalaga na gawing object of wickedness nito ang paglo-lovey-dovey ng mga ito but then again, it's her camera. Kailangan niyang mabawi agad iyon dahil nag-iisa lang ang camera niya na iyon na binili niya pa ng sarili niyang ipong pera bukod pa doon lalabas na kasabwat siya sa krimen na mangyayari in the near future, if ever kung anumang kabulastugan ang balak gawin ni Tessa doon. Then that made it her problem. Hindi pa naman siguro nasisiraan ng bait si Tessa para itanggi na kasabwat siya nito, baka nga mas lalo lang siya nitong ilaglag.
She sighed—again and again. Sa sobrang kakaisip ni Charlie hindi na niya namalayan ang papalapit na pigura sa direksyon niya. The next thing she knew she fell flat on her butt.
Ouch!