THIRD PERSON.
Mabilis na inokyupa ng tatlong babae ang natitirang bakanteng four-seater table sa loob ng canteen. Lunch break na kaya panigurado na silang puno na naman ang canteen, kaya mas binilisan nila ang ginawang pagpunta rito.
"Sino na mag-oorder?" Tanong ni Krazel sa mga kaibigan.
"Basta ako, dito lang ako. Sabi ko naman sa inyo, wala akong penny..." Pasimpleng sabi ni Asque na panguso-nguso pang nakatingin sa labas ng canteen—na animo'y tumataghoy na wala namang hanging lumalabas.
Glass wall ang buong canteen kaya kitang-kita ang kabuuan ng labasan—na siyang sobra namang nakamamangha dahil sa pagkamala-paraiso nito. Ito rin ang isa sa mga kalidad na ipinagmamalaki ng Kaitade Royalties Academy.
"Nag-aral ka pa dito?" Sarkastikong tanong ni Xarish na siyang tuluyan na ngang nagpanguso kay Asque sabay sagot, "Kasalanan ko bang scholar lang ako? E kaunting maling galaw ko na nga lang, paniguradong babye-scholar na aabutin ko!" Proklama niya na siyang nagpatawa ng mahina kay Krazel.
"Hmm? E kung ibenta mo na lang kaya 'yang kuwintas mo? Paniguradong yayaman ka n'yan!" Turo ni Xarish sa kuwintas na suot ni Asque.
Kaagad namang hinawakan ni Asque ang kuwintas.
"Ito na nga lang ang huling habilin ni lolo ta's ibebenta ko pa? Ang sama ko namang apo..."
"Hahayst! Oo na...oo na..." Parang nagsasawa nang makinig ang tono ni Xarish saka tumayo at walang pasabing iniwan ang dalawa.
"'Yong si Xarish, napaka-kontrabida talaga!" Kunwari pang parang naaasar si Asque habang ibinabalik sa loob ng t-shirt niya ang kuwintas.
Sanay na ang tatlo sa ugaling ipinapakita ng isa't isa kaya balewala na lamang para sa kanila ang pag-uusap na 'yon...
"Siyempre, magiging asawa niya raw ang magmamay-ari ng school e. HAHAHA!" natatawang tugon ni Krazel kay Asque na siyang nagpatawa rin kay Asque.
"Psh. Oo, alam kong mayaman ang brujang 'yon, pero ang umasang makatuluyan ang guwapong apo ng nagmamay-ari ng school..? Naku! Ako lang ang nasasayangan sa kayaman nila! Paniguradong sira na talaga ang bestfriend ko!"
"Sus! Para namang hindi rin umaasa! HAHAHA!"
"E bakit, ikaw? Hindi?!"
"HAHAHA! Siyempre ako rin. Baliw at bulag lang naman ang hindi nagkakagusto no'n!"
"Pero mas baliw talaga ang umaasang maikasal sa kaniya! HAHAHA!"
"So baliw nga tayo!"
"Hoy, hoy! Si Xarish lang!"
"Hindi, kasali ka na rin e! HAHAHA!"
"Sige na lang, agree na ako. We're crazy..."
"HAHAHAHAHA!"
Nagtawanan ang dalawa sa kadahilanang, sinumpong na talaga sila ng gutom. Natigil lamang sila sa pagtatawanan nang marinig ang tilian ng mga taong nasa loob ng canteen, at panigurado na sila kung sino ang mga dumating...
...ang Supreme Triumvirate ng Student Council o mas kilala sa tawag na Dark Triad.
Sila ang mga itinuturing na batas ng skwelahan, kaya grabeng paggalang ang ibinibigay ng lahat sa kanila.
Nang mapansin ng grupo ng mga lalake na papunta sa kinaroroonan nila ang tatlo, ay sila na mismo ang umalis sa inokyupang lamesa at diretso silang lumabas ng canteen.
Alam na nila ang mangyayari sa kanila kapag hindi man lang sila kumilos kanina.
Seryosong umupo ang tatlo sa upuang kanina lang inupuan ng grupo ng mga lalake. Maya-maya pa'y lumapit sa kanila ang dalawa sa mga tindera ng canteen bitbit ang kani-kaniyang tray. Inilapag nila sa harapan ng tatlo ang karaniwang inoorder nito na set B.
Napangiti si Asquerade Elvante habang nakatingin sa isa.
Siya si Rhythm Kaitade—ang nag-iisang heir ng Kaitade Group na kinabibilangan ng paaralang kinatatayuan nila ngayon.
Ang kasama nitong dalawa ay sina Guade Waverly at Lojjer Vanzent Lerquez. Si Guade ang pinakamadaldal sa tatlo na sinundan naman ni Vanz.
Hindi alam ni Asque, pero masiyado siyang nagtataka sa sarili niya kung bakit hanggang ngayon, si Rhythm pa rin ang crush niya. Three years na ang pagkakaroon niya ng one-sided love sa lalake, pero wala man lang kahit na anong sign na kailangan na niyang kalimutan ang one-sided love niya kay Rhythm dahil kahit kailan, wala talaga siyang magiging pag-asa.
"Huwag mong masiyadong titigan, Asque! Crush ng lahat 'yan!" Natatawa pang panukso ni Krazel na siyang nagpakurap-kurap kay Asque.
"Hayaan mo na ako! Hanggang tingin lang naman ako e!"
"Hahayst! Kung may power lang ako, Asque? Ipapa-ibig ko talaga si Ryt sa 'yo! Ipapaubaya ko na siya..."
"Waaah? Talaga Krazel?! Gagawin mo 'yon?!"
"Oo, pero kailangan muna nating manghingi ng permiso kay Xarish...HAHAHA!"
"Psh...HAHAHA!"
Nagtawanan na lamang sila muli't sa muli, na sakto namang pagdating ni Xarish bitbit ang punong tray.
"Mukhang ang sasaya natin ah? Magpasali naman kayo sa usapan..." Nakangusong ani ni Xarish pagkatapos mailapag sa harapan ng dalawa ang tray.
"Wala naman 'yon, Xar. Tungkol lang naman sa kasal ni Ryt at Asque..." Mapanuyang tugon ni Krazel na kaagad namang sinegundahan ni Asque.
"Invited ka naman e, don't worry baby!—OW!" Isang malakas na batok ang natanggap ni Asque mula kay Xarish.
"Oo na...oo na, sa 'yo na 'yang si Ryt! Kainin mo ng buo ha?!" Para pang naaasar na sabi ni Asque habang hinihimas ang batok niya.
Matagal nang may crush si Xarish Francille Halter kay Rhythm Kaitade, simula pa no'ng 5th grade pa sila ng elementarya. Nagsimula siyang magka-crush sa lalake no'ng panahong naglalaro ang buong klase sa p.e. ng baseball. Imbes na kay Xarish tumama ang bolang sinerve ay hinarangan ito ni Rhythm at sa lalake tumama ang bola, sinabihan niya pa si Xarish ng, "I hope you're fine.", bago siya iniwan para magpatuloy sa laro, at animo'y parang hindi pa siya nasaktan sa ginawang pagsangga.
"He's been my crush since elementary. Kaya, don't you dare teasing me 'bout that dream wedding of yours!" Pasigaw niyang sabi saka padabog na umupo sa upuan.
"Talo 'yang 'crush since elementary' mo sa 'over three years one-sided love' ko!" Tugon naman ni Asque na siyang nagpa-"Boo!" kay Krazel habang mapanusksong nakatingin kay Xarish.
Isa rin si Krazel Monterde sa mga babaeng nangarap na ikasal sa isang Rhythm Kaitade. Naging crush niya rin ang lalake nang ma-inspired siya sa speech niya no'ng high school graduation. Alam niyang kung ganiyang klaseng lalake lang ang makatuluyan niya, paniguradong wala na siyang hihilingin pa.
"Pinagtutulungan niyo na lang ako lagi..." Nakangusong saad ni Xarish saka nag-ekis ng braso. "Hindi niyo na ba ako mahal? Ha?!"
"Pfft! Nagtampo na naman ang baby ko, halika nga baby!" Mapanuyang saad ni Asque na para bang isang taong gulang na bata ang kausap.
"Itigil mo 'yan Asque! Nakakadiri! HAHAHA!" Saway ni Krazel na siyang ikinatawa na rin ni Xarish.
Kumain na lamang ang tatlong babae habang panakaw-nakaw ng tingin sa tatlong lalakeng nasa medyo malayong lamesa.
NATAPOS ang lunch break at nasa kani-kaniyang klase na ang tatlo. Engineering ang kurso ni Asque samantalang Culinary naman kay Krazel at Accountancy kay Xarish. Tuwing lunch break lang at uwian nakapag-bonding ang tatlo dahil kapag vacant time ng isa ay sakto namang may klase ang dalawa.
Naging excited ang buong klase—lalong-lalo na si Asque nang mapagtantong nagpalit ng schedule si Rhythm. Nagbabakasakali ang lahat na baka sa klase nila papasok ngayon ang lalake.
Mahigit kalahating oras na ang lumipas nang magsimula ang klase, pero wala pa ring kahit anino ni Rhythm.
"Sus! Huwag na kayong umasa! Paniguradong sinusundan no'n ang schedule ni Zeign!"
"Ay, oo nga, ano? Ba't 'di ko kaagad naisip 'yon?"
"Aww...nakakalungkot namang isiping in love pa rin siya kay Zeign...tsk."
"Bakit ba gustong-gusto niya ang babaeng 'yon? E wala namang kaclass-class!"
"At plastic pa! Hypocrite!"
"Sayang ang kaguwapuhan ni Ryt kung maghahabol pa rin siya sa hampaslupang 'yon!"
"Hayst...pero kahit gano'n, asawa ko pa rin si Ryt! HEHEHEHE!"
"Buti na lang talaga at may schedule ako na kaklase ko si Zeign, I'm sure nando'n rin ang asawa natin! HAHAHA!"
Napabuntong-hininga si Asque nang marinig ang mga bulungan ng mga kaklase niya. Tama ang kaniyang narinig. Kaya lang nagpalit ng schedule si Ryt ay dahil gusto nitong makasama ang Engineering Department's Deadwood Junk na si Zeigncell Martinez.
Si Zeign ay siya naman talagang may kahanga-hangang kagandahan, talento at kabaitan kaya hindi na nakapagtataka kung bakit napaibig nito si Rhythm kahit hindi siya mayaman. Pilit niyang nilalayuan si Ryt dahil sa mga dumadaming bilang na mga bashers niya. Kesyo malandi raw siya; hindi raw sila bagay ni Ryt dahil lupa lamang siya at langit si Ryt.
Napailing-iling na lamang si Asque at mas itinuon na lang ang pansin sa harapan kung saan nagsasalita ang propesor.
DIRETSONG tinungo ni Asque ang coffee shop kung saan siya palaging tumatambay tuwing uwian—ang Koffi Craver. Nakapagpaalam na ang dalawa pa niyang mga kaibigan dahil sinundo ito ng kaniya-kaniyang mga sundo.
"Ang lalim na naman ng iniisip natin ah?" Tanong ng isang lalake pagkatapos mailapag sa harapan ni Asque ang isang tasang kape.
"Gutom na ako e, pakainin mo naman ako Pare..." Saad ni Asque saka hinila ang tasa at diretsong ininom.
Nakangiting umupo sa harapan niya ang lalake at inilapag ang tray na bitbit nito kanina lang sa kabilang mesa.
"Pakasalan mo na kasi ako para hindi ka nagugutom..." Pang-aasar pa ng lalake na siyang ikina-ngisi ni Asque.
"Huwag kang mag-alala, Laye. 'Pag ako pinakain mo ngayon, baka magbago pa ang isip ko at ngayon 'agad magpapakasal na tayo. HA HA HA HA!" malakas na tumawa si Asque sa harapan ng lalake na siyang nagpatawa na rin dito.
"Dorine pakidalhan mo nga ako ng dalawang slice ng chocolate cake." Utos nito sa babaeng napadaan sa kanila, tumango ang babae sabay sabing, "Yes sir."
Siya si Laiyden Chriss Stalewood. Ang childhood bestfriend ni Asque. Ito ang nagmamay-ari sa buong coffee shop, kaya gano'n na lamang ka-walang hiya si Asque at ginawa niyang tambayan ang shop at nanghihingi pa ng pagkain. At pagdating rin sa pera, siya lang talaga ang nalalapitan niya para mautangan.
Laye ang tawag ni Asque kay Laiyden, imbes na magalit siya dahil pambabae itong pakinggan ay mas natuwa pa ito dahil napaka-espesyal pakinggan na ginawan pa siya ng sariling palayaw ng babae. Kaya may sariling tawag rin siya sa babae. Crossdy, pinaikli lang mula sa salitang Cross-Dresser.
Isang cross-dresser si Asque kaya karamihan sa mga nakakasalamuha niya ay tomboy ang unang palagay sa kaniya.
"Balita ko darating raw si Axe mamayang alas-otso. Totoo ba?" Pangungunang salita ni Laye na siyang ikina-ngiwi ni Asque.
"Huh? Ba't 'di ko alam 'yan?" Tanong ni Asque.
"Ouch! Hindi ka tinawagan? Ang sakit naman..." Pang-aasar ni Laye na siyang nagpatayo kay Asque kasabay ng paghila sa tray na nasa kabilang table at walang pasabing mahinang hinampas ito sa ulo ni Laye.
"OW!!!" daing ni Laye kasabay ng pagkamot nito sa ulo.
"Napaka-bayolente mo talaga! Tomboy ka talaga e 'no?!" Mapang-asar na tugon niya nang makabalik na sa pag-upo si Asque.
"Siyempre, kaya nga ayaw kitang pakasalan e, dahil babae rin ang hanap ko! HA HA HA HA HA!" malakas na tumawa na naman si Asque na siyang ikinaliit ng mata ni Laye.
"Tingnan lang natin kung hanggang saan 'yang tawa mo 'pag nalaman mong lilipat na ako sa Kaitade..." Kunwaring pabulong pang-sabi ni Laye na halata namang sinadya niya talagang iparinig kay Asque.
"HA HA HA HA..."
"HA HA HA..."
"HA HA..."
"HA..."
Unti-unting nawala ang tawa ni Asque, na pinalitan naman ni Laye ng malakas na pagtawa.
"T-Totoo?" Utal na pangongompirma ni Asque sa nakatawang si Laye.
Imbes na sagutin, tumatawang napatayo lang si Laye at tumatawa pa ring naglakad paalis.
Bahagyang tumikhim si Asque at madiing napatikom ng bibig, bago tumayo at sinundan si Laye.
"T-Teyka Laye. A-Ano ngang sabi mo? H-Hindi ko masiyadong narinig e." Kung pakikinggan mo siya ay para siyang nagmamaang-maangan sa kasalanang nagawa niya.
"Pakasalan mo muna ako, sasabihin ko." Pang-aasar na naman ni Laye na siyang ikina-ngiwi ni Asque.
Tumikhim na naman muli si Asque at nginitian si Laye bago hinawakan ang magkabilang braso nito.
"Laye...alam kong kung ano man 'yong narinig ko, biro mo lang 'yon 'di ba? Mahal mo 'ko e." Para bang nakatitiyak na sabi ni Asque na siyang ikina-ngisi ni Laye.
"HAHAHAHA panis 'tong pagmamahal ko sa 'yo Crossdy 'pag pinalampas ko ang pagkakataong 'to!" Patuloy na pang-aasar ni Laye na siyang nagsimulang magpakaba kay Asque.
"E-E hindi ba Laye? S-Sinabi mo sa akin na m-magiging loyal ka sa Axis-B University dahil sa laki ng tulong ni Mr. Blonde sa kompanya ng Daddy mo?"
"Well, nagbabago naman talaga ang isip ng tao, 'di ba? Kaya—"
"Hindi e! Alam kong mahal na mahal mo talaga ang ABU!"
"Noon lang 'yon, pero sa ngayon hindi ko makukuha ang mana 'pag hindi ako nakapagtapos sa kolehiyong 'yan. KRA." Mapangutyang sabi ni Laye kasabay ng pag-dila kay Asque.
Mas lalong kinabahan si Asque dahil sa mga salitang binitawan nito. Ngayon, mas lumaki na ang tsansang matutuloy siya sa pag-lipat sa KRA.
"Teyka nga...matagal na akong nagtataka kung ba't parang ayaw mong mag-aral ako sa KRA. No'ng nagkukuwento ako tungkol sa planong paglipat ko ng school, bigla mong iniba ang topic. No'ng sinabi kong parang gusto kong mag-aral sa sikat na KRA, bigla mong siniraan ang kalidad ng school. Ano bang problema mo Crossdy? HAHAHA!" Natatawang kuwento ni Laye na siyang nagpasira sa mukha ni Asque.
"Nasa'n na ang cake?" Madiing tanong niya saka umupo sa isang lamesang hinintuan nila.
"Hoy bumaba ka nga diyan, Crossdy! Nakakahiya sa mga customer—"
"Ang cake!" Naaasar na sabi ni Asque na siyang ikinakamot ni Laye sa ulo.
"Dorine! Kanina ko pa inutos ang cake!" Tawag niya sa tinderang inutusan kanina.
"S-Sorry ho sir Chriss...ito na ho!" Nagmamadaling ibinigay ni Dorine ang platong may dalawang slice ng chocolate cake kay Asque.
Mabilis na inubos ni Asque ang chocolate cake saka muling ibinaling ang kaniyang atensyon kay Laye. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita.
"Babalik ako rito mamaya. Magpapalamig muna ako..." Seryosong sabi ni Asque saka tinalikuran si Laye at diretsong tinungo ang labasan ng shop.
Napangiti si Laye dahil sa tinuran ng kaibigan.
"Kahit 'wag ka na bumalik...malulugi ang negosyo sa katakawan mong walang bayad e!" Pahabol na sabi nito kay Asque, pero kumaway lamang ang babae habang nakatalikod.
Nakangiting napailing-iling na lamang si Laye habang sinusundan sa paglakad paalis ang kaibigan.
ASQUERADE.
Hindi ako galit. Kinakabahan ako. Oo, kinakabahan ako dahil sa sinabing pag-lipat ni Laye.
Baka didikit-dikit na naman si Laye sa akin, ta's mami-misinterpet ni Ryt...
"Akala ko desenteng babae ka...pero nagkakamali ako. Sinayang ko ang atensyong ibinigay ko sa 'yo—na dapat ibinaling ko na lang sa iba—sa loob ng dalawang araw. Dalawang araw, Asque. Dalawang araw. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan ngayon dahil sa ginawa mo. Pero siguro, sinadya ito ng Panginoon, dahil 'di ka talaga nararapat sa akin." Malungkot na sabi ni Ryt saka tinalikuran ako.
"Wait! Ryt! Hindi! Mali ang nakita mo—I mean—mali ang pagkakaintindi mo sa nakita mo! Magpapaliwanag ako!" Paghabol ko sa kaniya.
Hinawakan ko ang braso niya. Ngunit puwersahan niya ring inalis ang braso niya mula sa pagkakahawak ko.
"Lubayan mo na ako! Tutal, may Laiyden ka na 'di ba?" Sigaw niya.
Pero kahit inaalis niya ang kamay ko ay pilit ko pa rin siyang hinahawakan upang mapatigil sa paglalakad.
"Ryt, makinig ka please?" Nanghihinang sabi ko saka unti-unting binitawan siya nang mapansin ko ang paghinto niya mula sa paglakad.
Napaluhod ako. Umiyak.
"Tama na ang pagpapakitang-tao Asque. Tama na." Mapait niyang sabi saka iniwan na nga ako ng tuluyan.
Napailing-iling ako sa imagination na 'yon.
Luh? Pa'no nangyari 'yon? Bakit malungkot ang ending? Hoy!
*PHONE RINGING*
Bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa istorbo. Nang umabot sa tatlong tunog ay kaagad ko nang dinukot ang cellphone ko mula sa bulsa at tiningnan ang screen.
~Incoming call...PALAKOL<3~
At dahil hindi nga ako bastos, kaya sinagot ko.
"Yes Palakol?"
(Hello Homooo~ Alam mo na?)
Nagtatampo pa ako rito.
(-_-)
Mas una niya pang ipinaalam kay Laye na darating siya e.
"Na ano?" Pagkukunwari ko saka nagpatuloy na sa paglakad.
Pauwi na ako ngayon sa bahay. Malapit lang naman kung lakarin kaya hindi na ako mag-aaksaya ng dolyares para lang makauwi.
(You still don't know?) Alam kong namimilog na ang mata at bibig nito ngayon. Ang arte-arte ng reaksyon nito lagi e. Tsk.
"Tsk. Ano nga?"
(Yeah, yeah, I know na alam mo na! Nagtatampo ka na naman? Sorry ka, hindi ako marunong manuyo! HAHAHAHA!)
"Sorry ka rin, hindi rin kasi ako madaling magpatawad. HA HA HA! Bye, bye." sarkastikong sagot ko at diretsong in-end call.
Tsk. Nakakaasar lang, parang ako pa 'yong pinaka-huli niyang pinaalam. Ganito na lang ba talaga ka hindi kaimpor-importansya 'tong mukhang 'to?! Nang-iinsulto na siya ah! Tingnan lang natin, tatanggalan ko talaga ng nunal sa labi ang gunggong na 'yon.
Ilang minuto lang nang lakarin ko ang bahay mula sa coffee shop. Nang nasa medyo malayong parte ng bahay na ako, ay napansin ko ang paglabas ni Mama at Papa mula sa bahay kasama ang iilang mga tao. May mga naka-parada pang tatlong sasakyan sa labas ng bahay, kaya nakakagulat lang talaga kung sino sila at ano ang sadya nila.
Nakaalis na ang tatlong sasakyan habang pakaway-kaway pa rin sila Mama.
Wala namang nangyaring masama 'di ba? Masiyado naman 'atang naka-ngiti sila para nasaktan ng mga 'yon! Tsk.
(-_-)
Pero dahil curious ako...
"Ma? Pa? Sino ang mga 'yon?"
Sabay silang dalawa na napalingon sa akin at nanlalaki ang mga mata nila nang mapagtantong ako ang nagsalita.
"Ma, Pa! Anak niyo ako, okay? Para naman kayong nakakita ng engkanto!" Pangunguna ko na.
Mapang-insulto rin ang mga 'to e!
(-_-)
NAKATUNGANGA at malalim akong nag-iisip habang hawak-hawak ang kuwintas. Mahigit isang oras na akong nakakulong dito sa kuwarto habang inaalala na naman ang mga sinabi nila Mama at Papa.
"Siya nga pala Ma? Sino ang mga 'yon?" Tanong ko saka umupo sa upuan sa dining table at ininom ang juice na inihanda ni Mama.
Napansin ko ang unti-unting pagkawala sa mga ngiti ni Mama sa labi at nilingon si Papa na nasa harapan na namin.
Bakit? Anong mali sa tanong ko?
"'Wag na wag kang magugulat anak ha?" Para bang pinagpapawisan na tanong ni Mama.
"Kahit anong mangyari huwag ka talagang magugulat!" Saad ni Papa na siyang ikinaliit ng mata ko.
"Ano ba kasi? Sino na ang mga 'yon? Ba't naman ako magugulat? Mga relatives ba natin 'yon? Na ngayon lang natin nalaman?!Mayaman pala talaga tayo? Anong—" Sunod-sunod kong tanong na siyang pinutol naman ni Papa na siyang nagpalaki sa mga mata ko.
"Nakipag-usap sila para sa nalalapit mong kasal!"
"KASAL?!" hindi ko napigilang sumigaw dahil sa gulat.
"BAKIT HINDI KO ALAM 'YAN?! KAILAN PA?!"
Nakita ko ang pekeng pagngiti ni Mama.
"Hindi ba sabi namin 'wag kang magugulat?" Nakangusong tugon ni Papa na siyang ikina-irap ko.
"Sino namang hindi magugulat do'n sa sinabi niyo?! Ang bata-bata ko pa, Papa, para ikasal!"
"Lagpas ka naman na sa tamang edad..." Dagdag pa ni Papa at pakunwaring tumingin sa malayo.
"Ibinibenta niyo na ba ako Inay, Itay?" Ang kaninang namimilog kong mata ay napalitan na ngayon ng panliliit nang magsink-in sa utak ko ang mga sinabi nina Mama at Papa.
Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang 'yon, napansin ko ang pagbago ng reaksyon nila. Naging seryoso. Ang kaninang parang nagbibirong si Papa ay parang may inaamin na ngayong malagim niyang sekreto.
Talaga bang ikakasal ako?! O prank na naman 'to! Mahilig 'to magbiro sila e! Pero, sa nakikita ko ngayon, talaga nga 'atang seryoso sila.
(-_-)
Umupo si Mama sa bakanteng upuan na nasa tabi ko at nilingon ako.
"Ang Papa mo...katatanggal pa lang sa trabaho. Kaya kahit ni baon mo, ay hindi namin maibigay. Nagpoproblema na nga kami kung saan kami kukuha ng perang pambayad sa susunod na exam mo. Hindi ka namin ibinibenta anak, pero ito lang talaga ang natitira nating pagkakataon. Ayaw naman naming tumanggap ng tulong mula sa kapatid mo. Alam mo 'yon..." Sabi ni Mama saka hinawakan ang kamay ko.
"Ma, Pa. 'Wag niyo na akong problemahin masiyado, kaya ko namang makapag-tapos e, nang hindi nanghihingi sa inyo. Kaya please, 'wag niyo naman akong payagang makasal ng basta-basta na lang!" Nanliliit pa rin ang mga mata ko habang sinasabi iyon.
"May kuwento ako anak...makinig ka..."
Bahagya akong napangana dahil sa sinabi ni Papa. Bihira lang siyang magkuwento, siguro nga huli kong narinig siyang nagkuwento ay no'ng Grade 7 pa ako. Pero sa tingin ko iba ang kuwento niya ngayon, masiyadong seryoso ang mukha niya kumpara kanina lang!
"May isang magsasaka na naging isang tapat na bodyguard ng napakayama't maimpluwensiyang tao. Ang mayamang tao na 'to, dahil sa kayamanan at kapangyarihan, marami ang mga natatanggap niyang death threats mula sa 'di kilalang mga tao, kaya napagdesisyunan niyang mag-assign ng mahigit limampung bodyguards. Dahil nga sa kahirapan na dinadanas ng magsasaka at ng kaniyang pamilya, napagdesisyunan niyang mabilang sa mga bodyguards na iyon...
"Dumating ang araw na inaasahan...sa labas mismo ng building hinarang ang sinasakyang limousine ng amo. Nangyari ang mga inaasang mangyayari...maraming putok. Maraming bala ang nasayang, ngunit kahit ni isa ay wala pa ring natatamaan. Natapos ang putukan at ang lahat na mga bodyguard ay nagsi-takbuhan palayo at iniwan ang amo. Halos atakihin na sa puso ang amo dahil sa nasaksihan, hindi lang dahil sa kaba, ipinaghalo na rin ang galit. Inakala na ng amo na magiging katapusan niya na pero hindi niya inaasahan na may tutulong pa sa kaniya upang makalabas sa limousine at makatakas. Sa dinami-rami ng itinalaga niyang bodyguard, isa lang...isa lang ang tumupad sa trabaho...isa lang ang naging tapat..."
Napaayos ako ng upo nang huminto si Papa sa pagsasalita at napatutok sa kuwintas na suot ko. Kaya nag-aalinlangang napatingin na rin ako sa kuwintas.
"Kuwintas..." Naagaw muli ni Papa ang atensyon ko nang magsimula na siyang magsalita.
"Dahil sa ginawang pagligtas ng magsasaka sa kaniyang amo, ginawaran ito ng isang kuwintas na kapareho ng kuwintas na suot ng kaniyang amo. Ang kuwintas na iyon, ang nagsisilbing palatandaan ng matinding ugnayan ng dalawa at ng kanilang pamilya."
Bumalik na naman ang tingin ni Papa sa akin.
"Napagdesisyunan ng amo, na ipagkasundo ang mga anak nila—bilang pasasalamat na lang rin—na siya namang sinang-ayunan ng magsasaka."
"Pero..."
"Sa kasamaang palad, puro lalake ang naging anak ng magsasaka, at nag-iisang lalake lang rin ang naging anak ng amo. Kaya sa muli, napagdesisyunan ng dalawa na sa ikalawang henerasyon na lamang matutupad ang kasunduan, o hindi kaya, sa pangatlong henerasyon..."
Hindi ko alam, pero kinakabahan ako sa maaaring susunod na sasabihin ni Papa.
"Alam mo ba kung bakit na sa iyo ang kuwintas na iyan, Ash?"
Nakaawang ang mga labing napailing ako.
"Ang magsasakang tinutukoy ko sa kuwento, ay ang Lolo mo. Ang kuwintas na 'yan naman, ang kuwintas na ibinigay ng amo. At ikaw..."
Malong kumabog ang dibdib ko nang tumayo si Papa. Bumuntong-hininga siya bago nagsalita.
"Huwag na nating pilitin, Hon. Nga naman, bata pa ang anak natin, marami pang pangarap sa buhay. Kaya, bukas na bukas rin, maghahanap muli ako ng trabaho." Sabi ni Papa saka ngumiti bago pumihit at iniwan kami sa dining table.
Alam kong nalulungkot si Papa. Gano'n 'yon siya e. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ba't parang malaking kawalan sa kanila 'pag hindi ako ikinasal?
"Ma, sorry. Pero kasi—"
"Susundan ko lang ang Papa mo." Pagputol ni Mama sa sasabihin ko at mabilis na tinungo daang tinahak ni Papa kanina.
Napabuntong-hininga na lamang ako at ininom na lang ng patuloy ang juice.
Oo. Medyo nagtatampo ako kila Mama at Papa. Hindi naman kasi tamang parang ipinamimigay na lang ako. Base sa narinig ko kay Papa, hindi 'yon tamang dahilan para pumayag na sila. 'Yong kay Mama naman, kaya ko namang maging working student e, kung talagang wala silang perang ipapaaral sa akin. Half scholar naman na ako, kaya hindi na masiyadong mahal ang tuition.
Pero...
Hindi ko alam, pero parang may malalim pa silang dahilan kung ba't sila pumayag sa kasunduang 'yon! Ni ayaw nga nilang magka-boyfriend ako, nakapagtataka namang pumayag sila sa gano'n.
HUHUHU!
Bakit ako pa?! Sa dinami-rami naming magpipinsan, ba't sa akin pa ibinigay ang pahamak na kuwintas na 'to?!
*Bzzt* *Bzzt*
Matagal bago ko kinuha ang cellphone ko sa tabi ko, at tiningnan ang text. Mula kay Palakol.
(-_-)
# PALAKOL<3 #
~Hoy babae! Malapit na kaming mangugat ni Chriss dito kahihintay sayo! Nasa'n ka na ba?
@Koffi Craver
8:11 PM
Hindi ko na lang nireplayan. Kaagad akong tumayo mula sa higaan at isinuot muli ang kuwintas. Pinalitan ang suot kong uniform bago tinahak ang labasan ng kuwarto ko.
Narinig ko ang pagtatawanan nila Mama at Papa sa dining area, kaya tinungo ko ang bandang 'yon para makapag-paalam.
"Oh anak! Kain ka na, kanina ka pa namin tinatawag, hindi ka naman sumasagot!" Nakangiting aya ni Mama na parang wala lang 'yong kanina.
Napanguso ako sa tinuran ni Mama at kaagad siyang niyakap.
Kahit nagtatampo pa rin ako sa kanila, alam ko namang hindi tama ang ginagawa ko!
"I love you, Ma!" Saad ko na siyang ikinatawa ni Mama.
"I love you too, baby..."
Narinig ko ang ginawang pag-tikhim ni Papa, kaya sabay kaming napalingon ni Mama sa kaniya.
Halos matawa ako na makita si Papa na bahagyang nakanguso.
"Nagseselos na ako!"
Napatawa naman kami ni Mama at nilapitan rin siya para yakapin.
"Kung nandito lang sana ang mga kapatid mo..."
Bahagya akong natigilan sa mahinang sampit ni Mama.
"Ay siya nga pala, Ma, Pa, punta muna ako sa Koffi Craver. Okay lang?"
"Sige, pero 'wag magpaabot ng hatinggabi ah?"
Napatawa naman ako sa sagot ni Papa bago siya tinanguan. Nagpaalam na ako at diretsong tinungo ang coffee shop. Siyempre, nilakad ko na naman, walang service e. Sayang rin ang pamasahe, HAHAHA.
"Walang motor." Diretsong salubong ko sa dalawa nang akmang magsasalita na sana si Palakol dahil sa pag-awang ng labi niya.
Nagkibit-balikat lang ako na siyang nagpakislot sa kaniya.
"Aish! Chriss! Ba't ba ganiyan 'yang babaeng 'yan?!" Naiinis niyang pagbaling sa nakangiting si Laye.
"Ganiyan 'yan magmahal, Axe! HAHAHA!"
Nanliit ang mga mata ko dahil sa sagot na iyon ni Laye. Naalala ko na naman ang kasal-kasal na 'yon!
Napaupo na lamang ako sa bakanteng upuan kaharap ng dalawa. Medyo marami-rami ang tao rito ngayon, kaya medyo maingay.
"Ahh, sige na, Axe. Ipagpatuloy mo na 'yong kuwento mo kanina..." Sabi ni Laye na siyang nakangiting nilingon ni Axe.
"So, 'yon na nga...eksaktong pagsakay ko sa bus..." Nagkuwentuhan lang sila. Sabay tawanan.
Feel ko talaga, out-of-place ako. Na 'di ako belong. Tsk!
Maya-maya pa'y napaangat ang ulo ko ng biglang may tumikhim sa tabi namin. Hindi lang atensyon ko ang naagaw, pati rin sa kanilang dalawa.
Napatingin ako sa tatlong babaeng nakangiting nakatingin sa dalawang lalakeng nasa harapan ko. Naka-uniform pa ang tatlo, at kung 'di ako nagkakamali, they're in the same school with Laye.
"Yes?" Tanong ni Axe sa tatlo.
"H-Hi...I'm Jeserrie Heartkey." Nakangiting pagpapakilala ng pinakamaganda sa tatlo.
"Tapos?" Simpleng tanong pa rin ni Axe na siyang ikinangiti namin ni Laye.
"Can we get your number?" Walang pasabing tanong ng babae na siyang mas nagpangiti sa akin at nagpailing.
Nakita ko ang pag-kunot ng noo ni Axe dahil sa pagtataka.
"Kanina ka pa namin napapansin, you look so handsome. And you seemed so close to our King! Oh by the way, good evening King..." Walang hiyang sabi ng babae at binati pa si Laye na naging dahilan sa pagtigil niya sa pagsasalita.
Itinaas lang ni Laye ang kamay niya at kumawala ng ngiti na siyang nagpakagat sa labi ng babae, at mahinang nagpatili naman sa dalawa niyang kasama.
"Oi, Chriss! Sikat ka palang g*go ka! HAHAHA! O ayan! Ikaw yata hinihingian ng number e, dinadaan lang sa 'kin! Mga babae talaga ngayon..." Warak na sabi ni Axe na siyang mas lalong nagpangiti sa akin at anytime puwede na akong humalakhak. Pero pinipigilan ko pa rin. Nakakahiya naman 'pag gano'n.
Wala lang. Natutuwa ako sa tono ni Palakol. Parang kasing ang pangit pangit talaga ng tingin niya sa sarili niya. HAHAHA.
"No, no... sa iyo talaga ako nanghihingi ng number. Okay lang ba?" Nakangiting tanong ng babae saka inabot niya ang cellphone niya kay Axe.
"Huh? Sure ka? 'Di ka nagbibiro, yeah?" Nag-aalinlangang sagot ni Axe saka tinanggap ang phone ng babae.
"Yeah. So sure."
"Eh? Oh, sa kaniya na lang! Mas guwapo 'to e! HAHAHA!" Saad ni Axe saka inabot kay Laye ang phone.
"No, no... actually, may number na kami kay King, kaya..."
"Aw, okay. Basta sigurado kayo ha? Walang bawian..." Habang sinasabi 'yon ni Axe ay tina-type niya naman ang numero niya sa phone ng babae.
"Ow! Ang guwapo ah!" Mapang-asar na sabi ni Laye saka tinapik ang braso nito.
"Ul*l! Hindi ko nga alam kung anong ginagawa ng mga 'yon!"
Sus!
"Kunwari pa, nagustuhan naman...so, lalaki na ulo mo n'yan?" Nakangiting pagpaparinig ko saka umiling-iling.
"Oh? Nakakapag-salita ka pa pala?" Sarkastikong tanong ni Axe na siya namang binatukan ng natatawang si Laye.
"G*go ka! Nagtatampo pa 'yan sa 'yo! HAHAHA!"
Napaliit na naman ang mga mata ko. Hindi dahil naalala ko ang pagtatampo kay Palakol, kun'di ang kasal-kasal na 'yon!
"Aw gano'n ba! Matampuhin talaga..."
"HAHAHA! Patay ka! Makakalibre ka talaga ng tatlong meal diyan, HAHAHA!"
"Tatlong meal lang? Tsk, cheap."
"Aba, yumayabang ah! Paniguradong bigatin na! HAHAHA!"
"Ul*l ka! Siyempre, habang buhay pa ako, gusto ko namang magyabang paminsan-minsan. HAHAHA!"
"Kahit wala namang ipagyayabang. HAHAHA!"
"Kapag pinautang mo ako, paniguradong may maipagyayabang na ako, 'di ba? HAHAHA!"
"Loko-loko kang depungal ka! HAHAHA!"
"HAHAHA!"
"Guys!" Pag-agaw ko sa mga atensyon nila.
Bahagya naman silang natigilan at sabay na napalingon sa akin.
"Ano?" Sabay na tanong ng dalawa.
Dapat ko ba talagang sabihin sa kanila? Aish. Huwag na lang...pero kasi, parang hindi ako makakatulog mamayang gabi 'pag hindi ko 'to na-share! Hayst. Pero ayaw ko namang may maisipan pang masama ang dalawang 'to tungkol sa akin. Kaya...
Sige, AAKUIN KO MUNA LAHAT SA GABING 'TO! Pero sasabihin ko, sa gabing 'to lang.
(-_-)
"Gutom na ako. Kailan pa ba tayo kakain? Hindi na ako nakapag-hapunan e dahil pinapadali niyo ako! Kaya—" napatigil ako sa pagsasalita nang aksidenteng nahagip sa mata ko ang isang pamilyar na tao.
Rhythm Kaitade?! Yes. Siya 'yon. Naka-hoodie siya pero klarong-klaro pa rin ang mukha niya. He's drinking a coffee, habang nagce-cellphone.
(*0*)
Ang pogi niya talagaaa~
"Hoy Homo? Naano ka?"
"Crossdy? Gutom ka na talaga 'no? Sige, kukuha lang ako ng makakain natin!"
Palinga-linga akong napalingon sa dalawa. Nakatayo na si Laye at akmang hihilahin sana siya paupo para magtanong. Pero 'wag na lang, dahil totoo namang gutom na ako. Puwede namang mamaya ko na itanong.
"Tulungan na kita Chriss. Iwan muna natin ang prinsipe..." Mapanuya akong tiningnan ni Axe na siyang ikina-irap ko.
Prinsipe?! Tsk! Hindi nila alam na parang ginagahasa ko na si Ryt sa utak ko!
Umalis na silang dalawa. Kaya, muli kong nilingon ang kinaroroonan ni Ryt. Inilagay ko sa baba ko ang dalawang kamay ko habang pinagmamasdan siya.
Hindi ko alam, pero siya 'yong tipo na kahit kada-minuto mo pang nakikita, hindi ka talaga magsasawa sa mukha niya. He's too handsome! Yeah, unang tingin mo sa kaniya, hindi ka talaga makakapaniwalang may taong nage-exist na ganiyan ka gwapo.
Napabuntong-hininga hininga ako nang sa muli naalala na naman 'yon. There are a lot of reasons kung bakit ayaw ko—I'm too young; ayaw kong mapangasawa ang taong hindi ko mahal—ni hindi ko nga kilala; marami pa akong gustong gawin sa buhay; at isa na rin riyan ang katotohanang mawawalan na ako ng pag-asa kay Ryt. Of course, una pa lang, wala naman na talaga akong pag-asa. E ako 'tong si Assuming e!
(-_-)
Maya-maya, hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Nakita ko kasi ang bahagyang pag-kurba ng kanang bahagi ng labi niya. Half-smile kung tawagin. Pero...
Kyaaa~ This is the first time nakita ko siyang ngumiti! D*mn! Ang gwapo talaga ng Kaitade na 'yan! F*ck!
"Hey!" Nakita ko ang pagtaas ng isang kamay niya at nakangiting nakatingin sa entrance ng coffee shop.
Sinundan ko naman ang tingin at unti-unting nawala ang ngiti ko dahil sa nakita. Zeigncell? What the...sila na ba?! Kailan pa?!
Biglang sumikip ang dibdib ko nang salubungin siya ng yakap ni Ryt. Parang anytime, iiyak na ako.
Grabe ang OA ko, para namang nobyo ko si Ryt na nahuli kong may iba. Ni hindi nga ako pinapansin n'yan e. Siguro nga, 'di pa rin ako kilala niyan hanggang ngayon.
Napabuga na lamang ako ng malakas na hangin at kinalma ang panga ko. Hindi na ako muling tumingin sa kanilang dalawa, baka maiyak pa ako. Sakit.
Aish! Ewan ko ba! Ba't ba nakaramdam ako ng ganito sa taong alam ko namang impossible akong mapansin? Tsk.
Sige sabihin na nating, nag-assume ako noon na may pag-asa ako simula no'ng nalaman kong may gusto siya kay Zeign. You know Zeign? Kapareho lang kami ng katayuan sa buhay. Siguro nga, mas mahirap pa 'yon sa akin. Kaya, siyempre napagisip-isip ko na kahit mahirap ako, maaari niya rin akong magustuhan, pero mali. Sobrang layo ko pala kay Zeign. Napakaganda niya. Mahinhin. Napaka-bait. E anong laban ko do'n?
Naiisip ko 'yong sa mga kontrabida at 'yong mga bullies sa pelikula, ganito pala ang pakiramdam nila. Kaya nga minsan naiisip kong gawin ko kaya ang ginagawa nila? Kaso, ako pa 'yong sinasampal ng katotohanang wala akong karapatang mang-api dahil pareho lang kaming mga walang pera.
(-_-)
"Ah...He-he! Ikaw talaga, Ryt! Sigurado ka ba talagang walang tiga-KRA ang nandito? Baka ma-tsismis na naman tayong nagde-date..." Nanliit ang mga mata ko nang marinig ang pabebeng boses ni Zeign.
Pabebe ba talaga? O sadiyang sa sobrang bait niya lang talaga 'yan kaya ganiyan na lang ang boses niya? Nakakairita!
"And? Totoo naman ah..." Sumalubong bigla ang kilay ko nang marinig ang boses ni Ryt.
Tang*na! So they're really dating?!
Pwes! Humanda kayong maisumbong ko kayo sa buong school! HUHUHU!
Peste! Wala man akong karapatan, pero nakakaselos masiyado! Siyempre, kahit selos na selos na ako, hindi ko naman 'ata kayang ilaglag ang Rhythm KO 'no?..
Napabuntong-hininga ako muli at hindi na nga napigilang lingunin ang dalawa.
They look good together, aaminin ko. It's also my first time to hear his voice like this—malamig pakinggan, pero napaka-sweet and meaningful. Ang ugaling ipinapakita niya ngayon ay iba sa ugaling ipinapakita niya sa school. Well, he's really in love. Masakit mang isipin pero kailangang tanggapin.
Nakabalik na mula sa kusina ng coffee shop ang dalawa at bitbit na nila ang tray na may lamang pagkain.
"Hoy Laye! Puwedeng magtanong?" Tanong ko kay Laye na kauupo pa lang sa harapan ko.
"Nagtatanong ka na nga e." Pilosopong sagot niya saka diretsong isinubo ang pagkaing dala.
"Loko! Ayusin mo pagsasalita mo kung gusto mong pakasalan kita!" Biro ko na siyang nagpangisi sa kaniya at nagpatawa kay Axe.
"O eh ano nga?" Tanong niya.
"Iyong sa table na 'yon..." Turo ko sa lamesa nila Ryt na medyo malapit lang sa lamesang kinaroroonan namin.
"Palagi ba silang pumupunta rito?"
Nakita ko ang bahagyang pagnguso ni Laye na tila ba nag-iisip.
"Ahh... actually, 'yong babae, ngayon ko pa nakita. At 'yong lalake naman...paminsan-minsan lang 'yan pumupunta rito. Weird nga e, palaging naka-hoodie, o 'di kaya naka bonnet ta's naka-mask. Tsk. Walang sense of fashion."
Anong walang sense of fashion?!
Babatukan ko na sana 'to e, kaso baka magugulat na lang siya kung ba't ko ginawa 'yon! Tsk! Wala daw'ng sense of fashion, e mas maganda pang manamit 'yon e kaysa sa kanya!
"Siya nga pala, ba't mo tinatanong? Mga kakilala mo?" Dagdag pa ni Laye na siyang nagpailing-iling sa akin.
"Huh? Hindi ah." Maang-maangan ko.
"Sus! Crush niya ang isang 'yon! Nagmamaang-maangan lang 'yan! HAHAHA!" Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba nang sabihin iyon ni Axe.
P-Paano niya nalaman?! Uwaaah~ I'm doomed! Siguro may ipinapadala 'tong Spy sa school para bantayan ang bawat kilos ko! Sh*t the f*ck!
"Huwag ako...maloloko mo ang lahat pero hindi ako, HOMOSEXUAL!"
Bahagya akong napatigil dahil sa dagdag niyang sinabi. At 'di ko na lang namalayan na tumatawa na ako!