Nakatulala lang si Dristine sa harap ng salamin tinitigan niya ang kanyang sarili nakasuot siya ng isang white off shoulder wedding gown at may nakalagay na belo sa ulo light make up lang din ang ginamit ng make up artist sa mukha niya. Napangiti siya ng mapait at ipinikit ang mga mata ngayon ang araw ng kasal sana ng kakambal niya ngunit naglayas ito kinausap siya ng kanyang ama at nagmakaawa itong siya ang pumalit na siya ang ipapakasal nito sa taong hindi niya kilala noong una ay hindi siya pumayag sa gusto nito ngunit nag makaawa ang kanyang ama ngayon lamang ito nakiusap sa kanya kaya pumayag na lamang siya para masagip sa kahihiyan ang buo niyang pamilya.
Habang nakatingin si dristine sa kanyang repleksyon ay may kumatok sa pinto ng silid kung saan siya naroon .
"Ms.Prescott tara na po magsisimula na po ang kasal." sabi ng wedding organizer na si Sidney.
"hmm..."sagot niya at naglakad patungong pinto pumasok naman si sidney para tulungan siya.
"Maam ako na po ang magdadala nito." Tukoy nito sa bouquet of white roses.
"hmm..thank you." tugon niya
"hmm ..maam alam nyo po hindi ko talaga inakalang mag aasawa pa yan si sir Crosoft ." kwento ni sidney sa kanya na curious naman siya kaya nag tanong siya .
"bakit naman hindi ?" tanong niya habang nililingon ito.
"eh kasi nakita ko kung gaano ka Mahal ni sir Crosoft si miss Darlene siya nga po ang dahilan kung bakit na aksedente si sir ." kwento nito na ikinalalim ng kunot sa kanyang noo .
" a-anong ibig mong sabihin ?" tanong niya na halatang naguguluhan sa lahat ng nalalaman.
" Gosh! maam Dristine wag nyo pong sabihin hindi nyo alam ang tungkol sa relasyon nila? Nako maam sa susunod nalang po taro mag kwentohan nandito na po tayo." sabi nito habang may ngiti sa labi kaya napatingin siya sa unahan .
Sa isang five star hotel ginanap ang kanilang kasal maraming tao ang dumalo sa kasal karamihan doon ay hindi niya kilala sa unahan lang nakatingin ang kanyang mga Mata at nakita niya roon ang lalaki kanyang papakasalan nakaupo ito sa isang wheelchair at may malaking piklat sa kaliwang pisngi walang buhay ang mga mata nito nag-init ang gilid ng kanyang mga mata habang papalapit siya rito.