"Ano na Sel!? Lagi mo na lang ba titingnan yang Mr. Engineering mo?"
Pabulong na sabi sa akin ni Mia, ang best friend ko mula grade school. Palibhasa parehong "ugly duckling" ang tingin sa amin kaya hanggang ngayon kaming dalawa lang ang laging magkasama. Kahit ngayong first year college na kami, magkadikit pa rin kami para na rin kasi kaming magkapatid. Yun nga lang magkaiba kami ng kursong pinili, kumuha ako ng Geology, samantalang si Mia naman Business Administration ang napili.
Vacant class namin ngayon kaya naisipan namin na tumambay malapit sa field. Marami namang benches na nasa ilalim ng mga puno kaya hindi mainit sa pwesto namin. Tsaka mag a-alas kwatro na din naman kaya medyo pababa na ang sikat ng araw.
Si Karlos Andres Villareal, ang tinutukoy ni Mia. Nagpapractice kasi ito ng soccer kasama ang mga teammates nito. Kaya tuwing hapon basta vacant class namin ni Mia, inaaya ko siya na manood.
Una kung nakita si Karlos, noong unang araw ng ROTC namin, kung saan isa siya sa mga military police na nakabantay. Sobrang tangkad at gwapo nya kaya hindi ko napigilan na wag mapatingin dito.
Ano nga ba yung description ng mga karakter sa libro?
Sinfully handsome... Ayun! Yun siya!
Bagay na bagay sa kanya ang tawag na yun. Mukha pa siyang walang pores. Tsaka yung mga mata nya sobrang tingkad ng pagka-brown. Ang tangos din ng ilong nya, mukha siyang hindi purong Pinoy.
Hindi ko nga lang alam kung napansin nya ako. O, kung napansin man lang nya na sulyap ako ng sulyap sa kanya. Malamang hindi, kung oo man marahil dahil lang sa laki ng katawan ko na hindi bagay sa maliit kung heigh at sa mga taba ko na gusto yatang kumawala mula sa pagkaka-tuck in ko sa white shirt ko. Pakiramdam ko nga gusto nila akong pagtawanan pero dahil nandun ang isa sa mga officer ng ROTC, pinilit na lang nilang itikom ang bibig nila. Pero di nakaligtas sa akin yung mahinang bulong ng isa sa kanila ng "Peppa Pig". Tapos may bumulong pa ng "Naglalakad na gasul."
"Hoy! Sel! Ano ba namang babae 'to! Tinatanong ka lang nawala ka na naman sa huwisyo. Malala ka na talaga."
Napapailing na lang sa akin si Mia sabay tampal sa noo nito. Sa tingin ko hindi naman ako malala, normal lang naman siguro na magkacrush lalo na kung ganyan kagwapo tapos may pa pandesal pa.
Di ko maiwasang kiligin sa naisip. Pwedeng-pwede na! Palaman na lang talaga! Habang walang sawang tinititigan si Karlos na tumatakbo sa field para makipag-agawan ng bola.
"Aray naman! Mia naman e!"
Napalakas kung sabi sabay hawak sa braso ko na kinurot ni Mia. Pinandilatan lang ako ng mata ni Mia. Nakakainis talaga itong babaeng 'to. Minsan na nga lang makasilay e, madidisturbo pa.
"Baka nakakalimutan mo na magre-review ka para sa Principles of Geology nyo na subject. Na nandito tayo para may inspirasyon ka mag-aral. Hindi para buong hapon na tumunganga dyan sa Karlos Andres mo!"
"Mia, todo na ba talaga yang dilat ng mata mo? Wala ng mas ilalaki pa? As in? Yan na yun?"
Sabay ngisi ko dito pero ang bruha inikutan lang ako ng mata sabay balik sa kung ano man ang binabasa nito. Tama naman si Mia, kaya kinuha ko na din ang pagkakapal-kapal ko na libro para makapagsimula na akong mag-summarize. Ako pa naman ang tipo na kailangan pa gumawa at magsulat ng notes para makapag-aral. Hindi epektibo sa akin ang magbasa lang. Tsaka ko na lang sisilayan si Karlos pagkatapos ng prelim namin, mahirap na bumagsak.
Kung kailan tutok na tutok ako sa ginagawa ko. Tsaka naman ako nakaramdam ng parang may tumama sa noo ko. Parang nahihilo yata ako...
Narinig ko pa ang pagsigaw ni Mia sa pangalan ko at ang pagtawag ng kung sino man ng Peppa Pig. Bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Bakit parang ang ingay?
Parang may mga bubuyog malapit sa tenga ko?
Unti-unti kung idinilat ang mga mata ko at bigla akong napabangon sa dami ng tao na nakikita ko sa harapan ko. Di ko maiwasang wag pandilatan ng mata. Siguradong mukha akong isda na inalis mula sa aquarium.
Teka... Diba mga soccer player itong mga 'to? Bakit sila nandito?
Lahat sila titig na titig sa akin. Ano ba naman 'tong mga to. Bakit ba sila nakatingin sa akin. Tsaka ko lang napansin ang paligid ko at ang pamilyar na amoy ng alcohol, nasa clinic pala ako. Naalala ko na, na parang may tumama sa ulo ko kaya parang nahilo ako pagkatapos nun di ko na alam ang nangyari.
Sila kaya ang nagdala sa akin dito?
Sino kaya sa kanila ang bumuhat sa akin? Nakakahiya... Ang bigat, bigat ko pa naman.
Di ko tuloy maiwasan na wag pamulahan ng mukha lalo na at andyan lang sa malapit si Karlos Andres. Siguradong kasing pula na ng kamatis ang mukha ko. Di ko na natiis na wag magsalita kaya ako na ang unang nagtanong sa kanila.
"Bakit po? Ano po'ng meron? Bakit po kayo andito? At sino po ang nagdala sa akin dito sa clinic?"
"Peppa P---"
Di na natuloy ng lalaki ang sasabihin nya ng bigla na lang itong siniko ni Karlos Andres. Alam ko naman na "Peppa Pig" ang gustong sabihin ng lalaking yun. Gusto ko tuloy mapairap sa hanging, kung di lang talaga nandito yung crush ko baka kanina ko pa sinimangutan ang mga 'to.
Ba't ba kasi sila nandito?
Nayayamot tuloy ako sa mga pagmumukha nila lalo na dun sa lalaking nagsalita kanina.
"Ahem... Ms. Sorry kung tinamaan ka ng bola. It was my fault but I assure you it wasn't intentional."
Ang cute tingnan ni Karlos Andres habang nagkakamot ng batok. Nahihiya ba siya sa akin?
Parang gusto kung kiligin at magpasalamat na tinamaan ako ng bola.
"Sympre sasabihin mo it wasn't intentional. Kuuuu! Kung nag-iingat ba naman kayo sa sobrang laki ng field, ba't umabot pa talaga sa amin ang bola." Malditang sabi ni Mia.
"Mia! Ano ba naman yang sinasabi mo? Nagsosorry na nga yung tao, e. Papagalitan mo pa." Mahinahon ko na sita sa kanya.
"Sus! Di porque gus-------"
Maagap kung tinakpan ang bibig ni Mia, bago pa man lumabas ang kung ano-anong bagay sa bibig nya. Kita ko ang pandidilat ng mata nito sa akin. Kaya pinandilatan ko din ito ng mata, senyales na wag siyang magkakamali na ibuko ako.
Mahirap na mabuking!
"Sige wala yun. Salamat pala sa kung sino man ang nagdala sa akin dito. Naabala ko pa tuloy ang practice nyo. Mukhang OK, naman na ako. Pwede na kayong umalis, ako na lang ang kakausap sa nurse mamaya." Nahihiyang sagot ko dito.
Parang gusto ko na silang ipagtulakan palabas. Baka kasi mamaya kung ano pa ang sabihin ni Mia, nakakahiya talaga.
Mukhang nakuha naman nila ang ibig kung sabihin. Isa-isa na din silang nagsialisan. Bukod sympre kay Karlos Andres, na siyang lihim kung kinatuwa.
"I'm really sorry, Ms. Sige, aalis na ako." Sabay ngiti nito sa akin habang humahakbang papunta sa pinto ng clinic.
Muntik na akong mapatili sa kilig. Nanakit tuloy ang labi ko sa kakakagat para lang pigilan ang sarili ko sa pag sigaw.
"Mia! Mia! Nakita mo yun! Nginitian nya ako! Mia! Ngumiti siya sa akin!" Pakiramdam ko nakalutang ako sa langit dahil sa mga ngiti nya di ko tuloy mapigil na wag ipagsalikop ang mga kamay ko sa aking harapan.
"Gaga! Malamang may kasalanan siya sayo! Alangan namang simangutan ka nya." Sabay pitik ni Mia sa aking noo. Kahit kailan talaga itong babae na to di supportive, napalabi tuloy ako ng dahil sa mga sinabi nito.
Dahil nga dinala ako sa clinic, di na ako nakapasok sa last subject ko para sa araw na yun pati na rin si Mia. Buti na lang nainform na ni Mia ang isa sa mga kaklase ko kaya na excused ako. Sabay na kaming umuwi na Mia, dahil nasa iisang subdivision lang naman kami.
Makaraan ang ilang linggo hindi ko alam kung sino ang nagpakalat ng nangyari sa akin sa loob ng classroom namin. Tuloy kaliwa't kanan ang nagtatanong sa akin kung ano daw ba ang pakiramdam ng mapalapit sa isang Karlos Andres Villareal. Samantalang yung iba naman harap-harapan akong tinataasan ng kilay. Paano ba naman sikat sa department at sa buong school namin si Karlos, bukod kasi sa gwapo na, athletic pa at di rin ito mukhang snob kaya madaming babae ang nagkakagusto dito.
Pero excuse me lang noh! Hindi naman porque crush ko na siya gusto ko ng matamaan ng bola! Tsaka hindi ko naman inutusan yung bola na sa akin pumunta, mga babaeng 'to akala mo talaga masarap masapak ng bola sa mukha. Like duh! Sila kaya ang maging goal ng bola tingnan ko lang kung pangarapin pa nila.
Yung iba naman sumusobra na kesyo nagkunwari daw ako na nahihimatay. Paano ba naman daw ako hihimatayin, e sobrang laki ko daw baka nga daw nag bounce lang ang bola. At gusto ko lang talaga magpapansin kay Karlos. Hindi ba daw ako nahihiya na binuhat ako, di ko ba daw naisip na baka madaganan ko si Karlos Andres dahil sa sobrang bigat ko.
Kamalayan ko naman! Pati ba naman yun! Ni hindi ko nga nakita kung sino ang bumuhat sa akin. Ang dami nilang issue, akala mo carrier ako ng NCov sa sobrang judgemental nila.
Halos buong school year ko ininda ang mga panunukso nila sa akin. Maski sa school paper ng University nandun ako. Hindi pa sila nakuntento sa panlalait nila sa akin. Gumawa pa talaga sila ng mga storya na "Si Peppa Pig na nag-aaral sa University", "Ang babaeng gasul" pati si Mia na wala namang ginagawa sa kanila nilalait nila, "Si Peppa Pig at ang sidekick nya na si Betty La Fia", "Betty La Fia & Peppa Pig BFF Goals."
Napakawalang hiya nila! Minsan sinasama pa nila ang mga litrato ko bilang feature ng school paper. Kahit sa mga bulletin board nagkalat ang pagmumukha ko. Dinaig ko pa ang artista dito sa University namin, para ba'ng ang laking kasalanan na napansin ako ni Karlos Andres.
Ni hindi pa nga nila alam na crush ko yung tao pero grabe na sila makapambully sa akin, paano pa kaya kapag nalaman nila? Baka di na nila ako tantanan.
Gusto kung magsumbong sa head ng course namin pero anong sasabihin ko? Na itigil yung pagpapakalat ng mukha ko? Na tigilan na nila ang paggawa ng storya tungkol sa akin? Akala ko pag nasa college na ako, hindi ko na mararanasan ang mabully, yun pala mas malala ang mararanasan ko dito. Hindi man nila ako direktang nilalapitan pero kaliwa't kanan naman ang naririnig kung mga simpleng tawanan nila, na may kasama pa na pagturo sa akin.