Chereads / Just Night With You / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Apat na taon na pala ang nakalipas simula ng mamatay ang Daddy, hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa laki ng binago ng mundo ko. Sino ba ang mag-aakala na ang isang Zariah Selene Flores, na pinanganak na may pilak na kutsara sa kanyang bibig ay mauuwi sa pagiging personal assistant lang?

Pero ito ako ngayon, imbes na maging isang ganap na lisensyadong geologist, nauwi ako sa pagkakatulong, "personal assistant" pala. Bakit ba lagi ko nakakalimutan na hindi nga pala ako katulong kundi personal assistant ng Lola Isabel, siguro dahil ganun ang turing ng ibang mga kamag-anak ng Lola sa akin.

Magmula ng madiagnosed ang Daddy na may leukemia, naubos ang pera namin sa pagpapagamot dito. Lahat ng ari-arian namin ay naibenta na din at yung iba naman naremata na ng banko. Ang Mommy naman di kinaya ang sunod-sunod na problema, kaya winakasan nito ang sariling buhay, hindi na kasi nya matiis na unti-unting nauubos ang yaman namin pero ni hindi man lang gumagaling ang Daddy.

Sobrang laki na nga ng nagbago sa buhay ko, hindi lang sa ikot ng mundo ko kundi maging sa aking sarili mismo. Wala na ang disi-sais anyos na dalaga na may timbang na halos 70 kls. na hindi bagay sa 4'11 nyang height, ngayon ay 44 kls. na lang siya sa edad na bente anyos.

Pero hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba ang mga nangyari sa buhay ko dahil sa kabila ng lahat heto pa rin ako buhay, may makakain at matutuluyan. Gustuhin ko man na sumunod sa mga magulang ko pero may takot ako Diyos, alam ko na hindi nya ipapahintulot ang lahat kung wala Siyang nakalaan na plano para sa akin.

Bago ko nakilala si Lola Isabel na siyang amo ko na ngayon, sinubukan ko muna mag-apply bilang call center agent pero dahil karamihan sa mga aplikante ay graduate ng kolehiyo hindi ako natatanggap, bakit nga naman kasi nila pipiliin ang isang undergraduate kung makakakuha naman sila ng mga fresh graduates?

Hindi ko rin alam kung bakit wala rin tumatanggap sa akin sa mga fast food chain na inaapplayan ko. Akala ko mamamatay na ako sa gutom sa gilid ng kalsada. Pinalayas din kasi ako sa inuupahan kung bahay. Pati yung mga kamag-anak ng mga magulang ko biglang nagsilaho na parang bula. Kung siguro di ako nasagasaan ng kotse ni Lola Isabel baka nasa mental hospital na ako ngayon.

"Hija, ano na naman ba ang iniisip mo?"

Natigil ako sa pagbabalik tanaw sa nakaraan dahil sa tanong na yun ni Lola Isabel, kanina pa pala ako nito tinitingnan.

"Wala po Lola, naisip ko lang po na sobrang swerte ko at nakilala ko po kayo."

Di ko mapigilan ang magpahid ng luha na tumutulo na pala sa aking mga mata.

"Nako, itong batang 'to para namang iba ka na sa akin. Halika ka nga dito at payakap ang Lola. Wag ka ng umiyak Ria, kahit wala na ang mga magulang mo andito pa rin naman ako. Di ka na iba sa akin para na rin kitang totoong apo lalo na at nag-iisa lang naman ang apo ko at lalaki pa."

Mahigpit kung niyakap ang Lola Isabel para kahit paano man lang maibsan ang pangungulila ko sa mga magulang ko. Alam lahat ng Lola ang mga pinagdaanan ko wala akong inilihim dito. Gusto pa nga ng Lola na pag-aralin ako, pero ako na ang kusang tumanggi baka masamain pa kasi ng iba kapag tinaggap ko ang alok nya. Ayaw ko naman na isipin ng iba na inaabuso ko ang kabaitan ni Lola, pinatuloy at pinapasahod na nga ako, pag-aaralin pa. Kaya nagpakatanggi-tanggi ako at kalaunan nga ay di na ako pinilit pa ng matanda.

Kung magsalita si Lola di mo aakalain na isa siyang Donya, na nagmamay-ari sila ng iba't-ibang negosyo saan mang panig ng mundo. Damang-dama ko talaga na totoong apo na talaga ang turing nito sa akin.

"Hija, darating nga pala si Karlos, sa makalawa. Kailangan paghandaan natin ito. Gusto ko na maging magarbo ang pagsalubong sa pagbabalik bansa ng aking apo. At gusto ko ikaw ang maging punong tagapamahala. Maasahan ko ba ang tulong mo, Hija?"

Bakas ang kasiyahan at kasabikan sa mukha nito habang binabanggit ang pagbabalik ng kaisa-isang apo. Tipid akong ngumiti at tumango dito. Hindi ko kasi alam kung paano ko ibabalik sa normal ang tibok ng aking puso dahil sa pangalan na binanggit nito.

"O siya, maiwan na muna kita rito at papanhik na ako sa aking silid."

Muli ay ngumiti lamang ako, di ko pa rin maisip na pagkatapos ng ilang taong pamamalagi nito sa bansa ay babalik na ito. Pumanhik na rin ako sa akong silid at doon muli kung binalikan ang nakaraan. Ngunit sa pagkakataong ito hindi na ang alaala ng aking mga magulang ang aking iniisip kundi ang unang taon ko sa kolehiyo kung saan una kung nakita si Karlos Andres Villareal, ang nag-iisang apo ni Lola Isabel.