Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

SINAGTALA SA DAGAT

🇵🇭SenCeLia
--
chs / week
--
NOT RATINGS
20.2k
Views
Synopsis
“Habang ang paligid ay nagsusumamo, ika’y nakadungaw sa langit. Ang mga matang kay sigla ay ngayo’y nasa bingit, Ngunit, hindi ba’t dapat tapalan ang nalulugmok na hinala. Sapagkat ang mga bulung-bulungan ay nakaratay sa sinagtala! Kinamumuhian man subalit ito ang nararapat, Kahit ang tala man ay lumubog sa nanlalamong dagat.” Dalawang lahi. Dalawang kultura. Dalawang pananaw. Isang babaeng may isang paninindigan.
VIEW MORE

Chapter 1 - KABANATA ISA

*sa loob ng Teatro La Acuzar*

Ang Teatro La Acuzar ay ang pinaka tanyag na teatro kung saan ang mga pinaka kilala at pinaka magaling na mga aktor ay gumaganap sa mga kwentong gawa ni Haring Salvatore. Ngayon ay ikalawang araw ng Oktubre, kung saan huling ipapalabas muli ang pinaka tanyag na dula ni Haring Salvatore na pinamagatan na "Mga Tinig ng Alon".

Madilim ang loob ng teatro, tanging mga ilaw sa gilid lamang ng mga hagdan ang tanging gabay ng mga manonood papunta sa kanilang mga upuan. Makikita ang mga ilustrado at iba pa sa mataas na posisyon ng teatro o sa asotea sa loob ng gusali. Habang ang mga nasa babang bahagi ay ang mga indio o mga mahihirap na Pilipino. Ito rin ang unang tapak ng mga indio sa gusaling ito sa pamamagitan ng pahintulot ng Gobernador Heneral. Hindi mapagkakaila ang pagkadismaya ng mga ilustrado sa desisyong ito, subalit walang may lakas ng loob magreklamo patungkol rito, dahil mas nanaig ang kagustuhang nila mapanood ang dula kaysa sa pagkamuhi sa mga indio.

"Ano ba ang problema mo? Hindi mo ba naiintindihan na kaya kami magkasama kagabi dahil... Bakit ko ba kailangan ipaliwanag ang mga pinagkaka-abalahan ko ha? At saka, hindi ba't alam mo na ito? Kaya huwag kang sumigaw diyan na parang walang alam at lalo na wala ka ring karapatan sa akin. "

"Oo, alam ko na wala akong karapan, kaya nga hinahayaan kita sa piling niya kahit ayaw ko... Pero kung mapapahamak ka naman sa piling niya, mabuti na't ikulong kita dito. Patawad, ngunit mas mahalaga ka sa akin kaysa sa sitwasyon ngayon."

"Anton..."

Nakapigil-hininga ang mga tao na nanonood dahil sa nangyayari ngayon sa entablado. Isang lalaki na nasa gilid ng entablado ang nagmamasid sa mga mukhang ng bawat manonood. Umangat ang gilid ng labi nito dahil sa inaakto ng mga aktor ngayon sa entablado. Panandalian lamang ang kaniyang napakatamis na ngiti sapagkat napalitan agad ito ng mapait na tingin. Ilang taon na nga ba nakalipas? Tanong sa kanyang nahahabag na damdamin. Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang tanyag na dula na kanilang pinapanood ngayon ay isa palang bibliyograpiya ng isang babae sa lugar ng San Il DeFonso na napakaimportante sa misteryosong Haring Salvatore. Napatawa na lamang ang lalaki habang pinapanood ang mga tao sa loob ng teatro. Napatigil lamang siya sa kanyang pagtawa nang may mahagip ang kanyang mga mata na isang babae, kung saan taimtim na nanonood ng palabas na tila manghang-mangha ito sa mga pangyayari.

"Ang ngiti niya..." bulong nito sa hangin.

Ang ngiting iyon. Ito ang hinihingi ng lalaki simula pagkabata, ang ngiting totoo at walang bahid ng karumihan. Hindi siya nagatubili na lumabas sa likod ng entablado upang puntahan ang napakagandang dilag sa kinauupuan nito.

"Elena..."

———————————————————

"Elena..."

Bulong ng isang babae sa aking likuran.

"Elena anak..."

Isa lamang ang tumatawag sa akin ng anak. Napalingon agad ako at hindi nga ako nagkakamali, si Nay Esmeralda ang tumatawag sa akin. Hiniklat ko agad ang aking pamaypay sabay takip ng pinto sa tapat ng aking bibig gamit ang kanang kamay. Nako, ang habilin panaman sa akin ay umuwi agad bago mag-alas kwatro imedya, ngunit napasarap ang aking panonood. Nakapanghihinayang at hindi ko mapapanood si Herminia, ang sikat na mang-aawit ng Teatro La Acuzar na galing pa sa Madrid. Siya pa naman ang hinihintay ko makita, ngunit tumakas lamang naman ako upang manood, kung kaya't wala akong karapatan manatili rito.

"Anak, halika na at uuwi na ang iyong ama. Kailangan mo na rin maghanda para sa hapunan ninyo sa angkan ng mga Del Prado."

"Pasensya na po at napatakbo po kayo ng 'di oras para sunduin ako. Hindi na po mauulit, Nay Esme."

Tugon ko sa aming mayordoma na tumatayong ina ko rin simula nung limang taong gulang ako. Sumakay na kami ng kalesa upang makauwi ng maaga. Del Prado? Sila lang naman ang pumapangalawa sa pinakamayaman na angkan dito sa San Il Defonso. Sila rin ang humahawak sa kalahati ng hukbong sandatahan ng bayan, kung kaya't walang nag-aatubiling kumalaban sa kanila. Kung tutuusin, napaka-perpekto ng kanilang angkan sapagkat hawak nila ang mga hinahangad ng mga tao.

Napaka sarap ng simoy ng hangin talaga tuwing hapon. Unti-unti na ring umaasenso at gumaganda ang aming bayan, maaari na itong maikumpara sa mga ibang bayan na unang naitatag. Hindi na ito tulad ng nakaraan, na parang maliit na gubat at kakaunti lamang ang mga tao na naninirahan at bumibisita rito. Matagal na panahon na nga iyon.

"Matagal na nga siyang wala rito..." napabuntong hininga ako sa kaisipan na ito.

"Ano iyon anak?" Tanong ni Nay Esme. Napalakas pala ang pagsabi ko nito.

"Ay wala po..." sagot ko at pinagpatuloy ko nalang ang pagmasid sa Calle de Asuncion.

Napatigil ako sa pagtingin sa kawalan nang may bumati sa akin na mga taong dumadaan.

"Magandang hapon po, Senyorita Elena! Napakaganda niyo po, nawa'y pagpalain ang angkan ng mga La Guardia" ani ng mga ito.

Ngumiti ako at bumati ng pabalik sa kanila. La Guardia, ang angkan kung saan ako nabibilang, ang angkan ng mga pilantropo at abogado.

Kung iisipin ng lahat, ang pagsasanib ng pangalawa at pangatlong angkan na pinakamayaman sa bayan na ito ay isang selebrasyon, ang masasabi ko lamang, hindi ko maitatanggi na tama sila. Ako at ang tagapagmana ng Del Prado ay pinagkasundo simula nung kami ay mga sanggol pa lamang. Ako, ang unica hija ng mga La Guardia, ako rin ay nakatakda na maging Del Prado bago pa ako ipinanganak. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na matiwasay kong naipasa ang pagsusulit ng mga Del Prado na ibinibigay sa magiging asawa ng kanilang tagapagmana. Puring-puri ako ng mga guro ng mga Del Prado at tinatawag na talagang itinakda na maging asawa ng tagapagmana nila. Nakakatuwa at nakakagalak sa puso, ngunit hindi ko alam bakit may halong pagkadismaya ang aking nararamdaman.

Hindi ba't dapat masaya ako at nagbubunyi? Hindi ba't dapat nagpapasalamat ako sa Diyos? Subalit ang pagiging asawa ng isang Del Prado ay katumbas ng hindi paglaya sa mundong patriyarkal na kinagagalawan nila. Ang mga hilig ko'y natatabunan at minamaliit. Ngunit ako'y babae nga lamang, ano pa ba ang magagawa ko? Elena, wag ka na magisip pa ng ibang bagay, dahil ano pa ba ang higit na ikasasaya ng isang babae kung hindi maging katuwang sa buhay ni...

"Aaahhh... Aray! Manong bakit po kayo huminto bigla galing sa mabilis na takbo?" Tanong ko.

"Ayos ka lang ba anak?" Ani ni nay Esme.

"Pasensya na ho, senyorita, ngunit may biglang tumawid na bata kaya't na pahinto ako kaagad." Sagot ng aming kotchero.

"Ganun po ba?"

Agad ako bumaba at sinilip ang bata kung nasaktan o ayos lang ba ito.

"Bata, ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?"

Napalingon ito sa akin na tila paiyak na. Umiling siya, maya't maya pa ay humihikbi na siya. Pumantay ako sa kanyang tangkad upang makita ang kanyang mukha. Nginitian ko siya at pinatahan. Nang tumahan na siya ay humingi siya ng tawad sa akin.

"Pagpasensyahan niyo na po ako, 'di ko po sinasadyang humarang sa dinadaanan niyo. Gumulong po kasi yung bola. Patawad." Aniya sa akin habang nakatungo.

Napakabait na bata. Nakakatuwa't siya ay nakakapaglaro at nagagawa niya ang mga bagay na dapat ginagawa ng isang bata. Napahinga ako ng malalim, hindi ko naranasan ang mga ganyang bagay. Namulat ako sa mga gawaing hindi pambata kaagad tulad ng pananahi, pag-aaral, paggamit ng instrumento, pagluluto, at iba pang bagay na kailangan malaman ng isang babae na nasa mataas na posisyon sa alta-sosyalidad. Napailing na lamang ako at napangiti muli. Ang totoo, na-iingit ako sa mga ibang tao na hinahayaan ng magulang na masulit ang pagkabata.

"Gloria! Kung saan saan ka nagsusuot. Diyos ko, dapat hindi ka humihiwalay sa akin." Iyak ng isang babae na nasa kabilang kalsada.

Tumawid ang babae at niyakap ang batang babae na hawak ko ngayon. Mukhang nakakatandang kapatid niya ito, dahil mukhang kasing edad ko lamang ito. Base sa kanyang kasuotan, nakaka-angat rin ang babae sa buhay, ngunit kung ito ay kanyang kapatid, bakit tila hindi nabibigyan ng pansin ang bata? Lumang-luma ang damit nito. Hindi kaya't isa ito sa mga masasamang tao na nangunguha ng mga bata ayon sa balita?

Inilikod ko ang bata.

"Wag kang lalapit. Sigurado ka bang kakilala mo itong bata? Kaano-ano mo siya?" Pahiwatig ko na may diin sa aking boses.

May humigit ng mahina sa laylayan ng aking damit at nilingon ko ito na may katanungan sa aking mukha.

"Nakakatandang kapatid ko po siya." Sagot ng bata na may ngiti sa labi.

Naka-hinga ako ng maayos ng malaman na hindi ito isa sa mga masasamang tao ayon sa balita. Nginitian ko ang babae at ibinigay ang kamay ng bata sakanya.

"Nako, pagpasesyahan niyo na po ang kapatid ko. Masisiguro ko pong hindi na po mauulit." Paghingi ng pasensya ng babae saakin habang nakatungo.

Napatingin ako sa kanyang kamay na nanginginig. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian. "Wag ka mag-alala wala naman siyang ginawang masama. Ngunit 'wag mo siyan alisin sa iyong paningin, lalo na't sa ganyang edad ay napaka-maligalig talaga ang mga bata."

Tumango nang tumango lang ito habang humihikbi. Napahagikhik ako ng 'di oras dahil alam ko na magkapatid talaga sila. Subalit mukhang may pupuntahan ang babae na pagtitipon dahil sa kanyang kasuotan, ngunit nagulo na ang kaniyang buhok dahil siguro sa pagmamadali sa paghanap sa kanyang kapatid.

Inalis ko ang aking payneta at inayos ang buhok niya. Napitlag siya dahil sa ginawa ko. Napatawa na lamang ako.

"Napaka-ganda ng iyong kasuotan ngayon, ngunit tandaan mo, napaka-halaga rin sa isang babae ang kanyang buhok at mukha."

Aalisin niya sana ito, pero pinigilan ko ang kanyang kamay sa pagkuha nito.

"Hindi ko po ito matatanggap. Ang ipit na ito ay hindi ko kayang gamitin dahil napakaganda nito at puno ng diyamante. Ako ay isang babae na nasa mababang antas lamang."

"Ngunit bagay ito sa iyong kasuotan, kaya ko'y ibinibigay ito. Paniguradong mahuhumaling ang iyong iniibig kapag ika'y nasilayan niya sa inyong piging. Kaya't 'wag ka mag-alala at tanggapin mo na lamang ito. Huwag ka mag-alala, wala itong kapalit. Mauuna na pala ako, kailangan ko na rin umalis."

Nagpasalamat ang magkapatid. Tumalikod ako at sumakay muli sa kalesa. Paalis na ang kalesa nang humarang ang babae sa harapan namin.

"Ano po pala ang ngalan ninyo? Gusto ko po sana ibalik ang utang na loob namin sa susunod na magkita tayo. Ako nga rin po pala si Anna." Sigaw nito.

"Ako si Elena La Guardia, nagagalak akong makilala ka. Sana nga't magkita tayong muli." Tugon ko.

Umalis siya sa harapan ng kalesa at nagpaalam na kami sa isa't isa. Anna... Napakasimpleng babae, sana'y mabighani niya ang kanyang nobyo o kung sino man ang kanyang iniibig mamaya. Napatingin ako sa langit at napaisip, Ano kaya ang magiging mararamdaman ng aking mapapangasawa mamaya, lalo't na't hindi kami nagkita ng anim na taon dahil sa kanyang trabaho. Sana'y matanggap na niya ako. Napailing na lamang ako, sapagkat alam ko naman na hindi magkakatotoo ang aking hiling.