"HUMANAP KA NALANG NG IBA"
"HINDI KASI TAYO BAGAY"
"HINDI KASI TAYO MAG KA-LEVEL KAYA AYAW KO SAYO"
"ANG PANGIT MO KASI TAPOS PAYATOT KAPA AT MUKHANG DUWAG PA"
Yan ang mga masasakit na salita na natanggap ko sa babaeng nililigawan noon
Siya si Kyla Caballer
Maganda siya, maputi, at matalino din
Maykaya ang pamilya niya kaya naman pati sa pag-pili ng mga kaibigan niya at manliligaw mapili siya
Halos lahat ng mga kaibigan niya mayayaman
Yung iba anak ng mga taga politiko,ang iba naman anak negosyante
Maging sa mga manliligaw niya masyado siyang mapili
Ang pinapayagan niya lang pumasok sa loob ng bahay nila ay yung manliligaw na may magagarang kotse, yung kilala at hinahangaan kahit saan.
Kaya nga labis na nadurog ang puso ko nung hindi niya ako pinapasok sa loob ng bahay nila nung gabi na dinalaw ko siya,at kahit na na-una akong dumating sa mga uras na yun—mas pinili niyang papasukin ang basket player niyang manliligaw
Habang ako ay naghihintay parin sa kanya sa labas
Dahil kaya ito sa aking pananamit na hindi na uso?
Pero hindi iyon ang naging rason ko para sumuko sa panliligaw sa kanya
Bumalik parin ako kinabukasan kahit walang nagbago sa tema
Umuuwi lang ako ng paulit-ulit na luhaan at walang pag-asa
Hanggang isang araw naisipan kung puntahan nalang siya sa paaralan niya
Yung paaralan na pang mayaman na kaya nilang bayaran ang tuition fee na kahit na yata limang taon kung pag-ipunan o kahit na mag-trabaho pa ako hindi ko kayang matumbasan.
Iniwasan niya ako at nag-kunwaring hindi kilala
Pero sinusundan ko parin siya kahit ganun ang kinikilos niya
Hanggang sa magalit siya at tinulak ako,pinag-sasasampal ako hanggang sa sumakit ang kamay niya...
Bigla namang dumating ang manliligaw niya na hindi ko alam kasintahan na niya pala
Sinugod niya ako sinipa, at pinagsusuntok hanggang mapagod siya at kusang sumuko
Hindi ko nadama ang sakit ng suntok niya sa akin dahil inaasahan kong aawatin na siya ni kyla pero..
"Sige patikimin mo payan,kulang payan"
Yan yung mga salitang lumabas sa bibig niya
Parang isangmilyong karayum ang tumusok sa puso ko nong marinig ko yong mga salitang binitawan niya
Halos patayin na ako ng kasintahan niya noon, buti nalang at may nakakita sa amin at naawat siya
Tumakbo siya kasama si Kyla at ang iba pa nilang kasama
Tanging pag-luha nalang ang nagawa ko sa mga oras na iyon, hindi dahil sa sakit na pisikal
Kung hindi, dahil sa sakit ng nararamdaman ng aking puso.
Habang pinapanood ko silang tumatakbo habang magka-hawak ang mga kamay.
Hindi ko alam kung bakit sa dami-daming babae, sa kanya pa ako nabighani at nakaramdam ng ganito?
Pagdating ko sa bahay ako'y pinagalitan ni Inay dahil akala niya ako'y nakipag basag ulo ako sa kahit kanino pero mali ang nalaman niya dahil..
Ako ang biktima sa nangyare.
Binilinan niya ako na layuan ko na daw si kyla dahil ikakasal na daw ito sa makalawa
Yung lalaking halos patayin na ako kanina.
Kamuntikan na akong malaglag sa kinau-upuan ng banggitin iyon ni Inay
Nanlaki ang mga mata ko na parang byang mga luha kong magsisimula na sa pagtulo
"alam kong masakit anak,pero kailangan mo siyang layuan, baka hindi lang iyan ang aabutin mo sa kaniyang kasintahan."
Sunod-sunod na tumulo ang aking luha
"Ang sakit Nay eh mahal na mahal ko siya pero kailangan ko na siyang layuan para sa taong mahal niya,ano pa ba ang magagawa ko? "
Nilapitan ako ni Inay
"anak tahan na,marami panamang babae diyan eh.. Makisig ka naman anak, matalino ka at nakapag-tapos pa, masipag at mabait alam kung may mas karapat-dapat pa para sa iyo. "