Pagkalabas ng school dumeretso agad sa parking lot si Denver para kunin ang motor nya. Ngayon sya lilipat ng bahay at handa narin ang mga gamit nya. Hindi nya maintindihan kung anong nararamdaman nya ngayon pero parang excited na excited syang lumipat. Kinausap na rin nya ang bestfriend nyang si Jameson para tulungan sya.
"Der, ano okay na ba mga gamit mo?" tanong ni Jameson.
"Oo, kaya mo namang i-drive tong motor ko diba? ako na lang sasama sa tricycle papunta roon" paliwanag nya rito at dumeresto na sila sa boarding house nya para maghakot ng gamit. Di naman naging mahirap dahil nakapagimpake na sya kagabi ng lahat ng mga dadalhin nya. Ilang minuto lang ay nadala na ang mga ito sa bago nyang dorm. Tumulong sa pag-aayos si Jameson at Melvin kaya naisa-ayos nila ito ng mabuti.
"Oh there baby, ayos na bago mong kwarto hahahha" pang-aasar ni Jameson.
"Loko ka, salamat sa inyong dalawa, libre ko nalang kayo ng ice cream pag may time" bawi nya rito.
"teka sigurado kana talaga? si Cyron ang roommate mo hahaha mukhang mapapasubo ka" sabay kindat pa nito na halatang double meaning ang sinabi nito.
"Tss. tumahimik ka nga jan" saway nya rito at nagtawan silang tatlo nang biglang pumasok si Cyron. Biglang tumahimik ang buong kwarto. Pagkababa ng bag ni Cyron ay agad nagtapon ng tingin kay Jameson at Melvin. Tingin na nagsasabing lumabas na sila.
"Mukhang ayos na lahat hehehe, pag may kailangan ka pa, malapit lang kami Der" palusot ni Jameson at ngumisi pa ito habang hinihila si Melvin palabas.
"Oh, sige salamat!" paalam nya sa mga ito at binalingan nya si Cyron.
"Ahmm, nakalipat na ako, di ka na namin hinintay". paliwanag nya rito. Tingin lang ang tugon ni Cyon sa kanya tumalikod ito habang nagbubukas ng polo. Sobrang awkward ng pakiramdam ni Denver kaya naman pumunta sya sa kusina. Walang divider ang kwarto kaya naman makikita ang kabuuan kahit nasaang sulok pa ng kwarto. Nagluto nalang ng kanin si Denver kesa naman patuloy na mailang kay Cyron na kanina pang walang imik at ngayo'y nagbabasa na ito ng libro.
Walang ibang stock si Denver puro noodles at can goods kaya naman naggisa nalang sya ng Corned beef. Paminsan minsan sinusulyapan nya si Cyron na nagbabasa parin.
"Hindi ba sya nagugutom at nagbabasa lang sya?, ang weird nya" sa isip isip nya habang naghahain sa mesa.
"Ah, Cyron, halika gusto mo bang sumabay kumain? o baka may-" bigla itong tumayo at lumapit sa mesa. Hindi nya maintindihan ang gusto nitong mangyari pero ngayon ay kasabay nya itong kumain.
"Pasensya na, yan lang ang ulam, bago pa lang naman ako rito, pag nakapagrocery ako pwedeng madagdagan pa yan." sabi nya habang kumakain sila.
"Hmm, kahit anong ulam ayos lang," bigla itong nagsalita.
"Okay, mas maganda na yung-"
"Hindi mo kailangang magsilbi, kwarto mo na rin to at hindi kita katulong, kung anong nakahain at kahit sino magluto, kumain nalang tayo, " Nakatingin ito sa kanya habang sinasabi ito at natigilan naman sya.
"Sino bang nagsabi na katulong mo ako? nagluluto ako kasi nga dito na ako nakatira, normal lang yun" paliwanag naman nya at nagpatuloy lang sa pagkain si Cyron.
"Nung una pinuputol nya nang pinuputol ang mga sinasabi ko tas ngayon parang wala syang narinig? may sira yata tong mokong nato" sa isip isip nya at nagpatuloy nalang din sa pagkain.
Si Cyron ang nagligpit ng mga ginamit nila pagkatapos kumain bago ito nagbukas ng laptop at palagay nya'y nag-aaral ito ng report nya.
Napupuno ng katahimikan ang buong kwarto. Palagi namang walang kausap si Denver at sanay syang tahimik ang paligid sa dati nyang kwarto pero kakaiba ang dating ng nangyayaring ito sa kanya ngayon. Paminsan minsan ay nagtatama ang tingin nilang dalawa pero agad din itong napuputol.
Naupo nalang din sya sa sariling kama ang nagbukas ng laptop. Naalala nyang may system syang tinatapos at kailangan nya itong matapos para next week.
Napansin nyang nakatingin sa kanya si Cyron at napatingin rin sya rito. Doon nya mas natitigan ang mukha nito. Maamo talaga ito tignan pero iba sa ugali. Habang tumatagal lalo syang nakakaramdam ng kakaiba para rito. Tinitigan nya ang labi ni Cyron, maninipis ito at mamula mula. May kung anong pumasok sa isip nya na parang gusto nyang mahalikan si Cyron ng mga oras na iyon.
"Baka matunaw ako sa titig mo nyan" at ngumisi ito na halatang nang-aasar. Medyo napahiya naman sya sa sinabi nito.
"Familiar kasi mukha mo" palusot nya. Itinabi ni Cyron ang laptop at hinarap sya nito.
"Nakita mo na ako?" tanong nito.
"Parang ganun na nga" sagot nya lang.
"Saan?"
"S-sa Campus, syempre makikita kito dun, maliit lang ang mundo at magkapareho tayo ng school, hindi imposible" sabi nya rito.
"Ah, okay, Akala ko may iba pa" at ngumisi ulit ito at tumayo para maligo. Naiwan naman si Denver na nalilito na sa mararamdaman. Hindi sya makapaniwalang malakas ang tama nya kay Cyron kahit ngayon nya palang ito simulang nakikilala.
"Ano ba Der, umayos ka nga!" sabi nya sa sarili.
"Ikaw na" biglang sabi ni Cyron. Tapos na pala ito at gaya ng dati nakatapis lang itong lumabas ng banyo.
"Kailangan bang laging nakatapis ka lang lalabas ng banyo?" tanong nya rito.
"Bakit hindi? eh pareho naman tayong lalaki rito ah, not unless-"
"Oo na, Dami mong satsat!" tumayo sya at pumasok na sa banyo. Ngumisi lang si Cyon habang tinitingnan syang naiinis.
Pumasok sya ng banyo at nagsimulang maligo. Dahil sa medyo nakakapagod ang maghapon, narelax sya sa paliligo. Buti nalang at sanay syang maligo tuwing hapon paglabas ng school o bago matulog. Namana nya ito sa kanyang ama. Sabi nito, mas masarap daw matapos ang maghapon na alam mong malinis ka, nakakatanggal daw ng stress kaya heto at nag-eenjoy sya sa paliligo. Habang patuloy ang pagbuhos ng shower, naisip nya bigla si Cyron. Naalala nya ang mga hirit nito kanina.
"Alam ba nya? masyado ba akong halata? " kung anu-ano ang pumasok sa isip nya. Ang sigurado lang nya, hindi sya matitipuhan ni Cyron dahil naniniwala syang straight ito at walang pag-asang magkagusto sa kanya.
"Kung isa syang bisexual, madali sana eh, sa gwapo kong ito makakatanggi ba sya? Wala na syang lugi sakin, Gwapo na, malinis sa katawan, mabait, at di hamak na matalino pa, san pa sya nu?" di nya namamalayang naivoice out nya pala ang mga sinasabi nya.
"Ang masculine nyang kumilos tapos antipatiko pa, hayyy nabobroken heart ako kakaisip, nakakai-" tatlong katok ang narinig nya mula sa pinto ng banyo.
"Men, okay ka lang jan?" si Cyron at nasa tabi ito ng pinto kung saan kung anu-anong pinagsasasabi nya.
"H-ha?," sobra syang nabigla. "okay lang ako, Nag-Nagpapraktis lang ako para sa report ko bukas" nanginginig pa nyang sabi at wala na syang narinig na sagot.
"Oh sh*t! narinig kaya nya? malakas naman ang shower, sana wala syang narinig." gulong gulo ang isip nyang lumabas ng banyo.
Nakaupo parin si Cyron habang nagbabasa na naman ng aklat.
"Kanina, yung sa banyo, nag-aaral lang ako ng report ko para bukas" nakangisi nyang paliwanag dito habang nagpupunas ng buhok.
Tumingin lang ito sa kanya at pailing-iling na bumalik sa binabasa. Syempre dahil dun, mas naging uncomfortable sya kaya naupo nalang sya sa kama. Magkaharap ang mga kama nila.
"May gagawin ka ba?" biglang tanong ni Cyron.
"Ngayon?, wala naman. bakit?" tanong nya.
"Tara sa capitol." yaya nito.
Hindi naman makapaniwala si Denver sa narinig. Niyaya sya nitong lumabas.
"Seryoso? Sa capitol? anong gagawin namin dun? feeling close agad?." sa isip isip nya.
"Nuna? sama ka?" tanong ulit ni Cyron.
"Teka, ano bang meron dun? ". usisa nya.
"May fountain?" Pang-aasar nito.
"Ganun?"
"Wala, gala lang, tanggal pagod." sabi pa nito.
"Pano ba kita matatanggihan nyan?" sabi nya sa isip dahil ang totoo'y kanina pa sya napapasigaw sa tuwa.
"Sige, tara yayain natin sina Jameson."
"Tayong dalawa nalang" sagot nito na lalong nagpatigil ng mundo nya. Nakatitig pa ito sa kanya, parang nagslow motion ang paligid nya sa sinabi nito.
"mukhang ayaw mo naman yata ehh" biglang bawi nito.
"N-naku hindi, okay lang, tara na" Tumayo na sya at kinuha nya ang susi nya, lumabas silang dalaw diretso sa parking lot.
"ako na magda-drive" alok ni Cyron.
"Marunong ka?"
"Tingin mo sakin?" at kinuha nito ang susi.
Habang nasa biyahe hindi maiwasang kiligin ni Denver, Bago palang nyang naging crush si Cyron at heto't naka-angkas sya rito. Ang bango bango ni Cyron, napakagentle nya magdrive at ramdam nyang safe na safe sya rito. Ilang sandali lang at nasa kapitolyo na sila. Medyo maraming tao rito, namamasyal na mag-asawa, buong pamilya, magshota at kung sinu-sino pa. Tumigil sila sa may fountain at bumaba.
"Ang daming tao." sabi nya kay Cyron.
"Konti pa nga ngayon yan eh, kagabi mas marami" pagmamalaki nito.
"So dito pala sya pumunta kagabi" sa isip isip nya.
"tara dun, umupo tayo." yaya ni Cyron at para naman syang batang sunod lang nang sunod dito. Naupo sila sa may gilid. Maraming lovewins sa paligid at madali talaga itong mapansin.
"Anong gagawin natin dito?" tanong nya kay Cyron.
"Wala, relax relax lang, dapat ba may gawin tayo?" at ngumiti ito.
"Ewan ko sayo, wala naman talaga tayong dapat gawin dito" sabi nya lang at bumaling sya kay Cyron, nakatingin ito sa mga couples na nasa paligid at nakatitig ito sa Bi-Couple na nasa kaliwa nila. Ang sweet ng dalawang iyon at parang walang pakialam sa paligid nila. Walang kinatatakotan at walang itinatago. Magkaholding hands pa ito.
"Ang lakas ng loob nila nu?" biglang nagsalita si Cyron.
"Parang hindi sila natatakot sa mga mapanghusgang tao sa paligid nila," dugtong pa nito. Natigilan naman sya sa sinabi nito. Hindi nya alam ang isasagot dahil di gaya ng mga couples na iyon, mahina ang loob nya, May takot palagi sa puso nya na ipakita ang tunay na pagtao at nararamdaman niya.
Bigla syang nilingon ni Cyron at napatitig naman sa kanya. Kalmado ang mukha nito na parang may gustong sabihin. Titig na titig lang rin sya rito. Pero ilang saglit lang ay nagbalik ang ulirat nya at ang kanyang goal na hindi bumigay sa harap ni Cyron.
"Awkward mo men." nasabi lang nya dahil kailangan nyang lusutan ang sitwasyon na ito.
Nagbuntong hininga lang si Cyron at at tumingin sa malayo.
"May problema ba?" tanong nya rito.
"W-wala naman" at ngumiti ito sa kanya.
"Gusto mong shawarma?" biglang alok nito at tumayo ito.
"Libre mo?" nakangiti nyang sabi.
"Hindi nu, Ano ako boyfriend mo?" at natigilan sila pareho sa sinabi ni Cyron halata rin sa mukha nito ang pagkahiya.
"Sige na ako na magbabayad nung sakin" bawi nyang sabi para di maging awkward ang sitwasyon.
"Joke lang nu kaba, ako na, sagot ko na" at tumawa ito na parang nang-aasar. Lumakad ito papalapit sa stall ng shawarma, sumunod nalang sya. Si Cyron na rin ang nag decide kung ano ang pipiliing flavor.
"Uy,. Denver!" biglang may kumalabit sa tagiliran nya na sobra nyang ikinagulat, napatingin rin si Cyron.
"Kamusta pre?" si Lorrence pala ito at napatingin ito kay Cyron.
"Ayos naman, ikaw? ginagawa mo dito?" nakangiting tanong nya rito.
"Gala lang, wala nga akong kasama eh, ikaw may kasama ka yata? at tumingin ito kay Cyron na ngayo'y nakatitig lang sa dalawa.
"Oo si Cyron, bagong roommate ko, kakalipat ko lang kasi eh." paliwanag nya. "Cyron si L-" ngunit pinutol nito ang sasabihin nya.
"Lorrence, right?" walang emosyong iniabot ang kamay nito. Nakangiting kumamay naman si Lorrence. Napatingin lang si Denver sa dalawa.
"Magka kilala na ba kayong dalawa?" tanong nya ngunit nagtinginan lang ang mga ito.
"Pwede bang sumama nalang ako inyo? wala rin naman kasi akong kasama eh, di ako sinipot nung tropa ko, okay lang ba?" nakangising tanong ni Lorrence. Napatingin naman si Denver kay Cyron na walang reaksyong nakatingin lang kay Lorrence.
"Ah-h pwede naman pre, ayos lang naman" nakangiti nyang sagot.
"ayos!, kuya isa nga din po" Sabi nito sa tindero.
Punong puno ng katahimikan habang lumalakad silang tatlo paakyat sa taas. Walang may balak magsalita. Palipat lipat ng tingin si Denver sa dalawa, tahimik lang ang mga itong kumakain ng shawarma.
"Hmmm. Oo nga pala Lorrence, Anong year mo na?" pantigil katahimikang tanong nya rito.
"Same year level lang din sa inyo" sagot lang nito.
"Course?"
"BSED" At tumingin ito kay Cyron at kumagat ng shawarma.
"Ah, magkakilala kayo?" biglang tanong nya dahil naguguluhan sya.
"Hindi!" sabay namang sagot ng dalawa.
"Okay, okay kalma" sabi nya na lang.
"Tara manuod ng Volleyball" yaya ni Lorrence at muli itong tumingin kay Cyron na mukha namang naiirita na.
"Oo nga,sige tara, nakakamis rin maglaro nyan" sagot nya lang.
Naupo sila sa may gilid. Mga kabataan rin lang ang mga naglalaro at karamihan ay mga beki. Nakakatawang panuurin ang mga ito dahil sa mga asaran ng mga ito.
Napapasigaw naman si Lorrence dahil nadadala ito sa laban ng mga koponan. Ganun din si Denver, paborito nya rin kasing laro ang volleyball at katunayan palagi syang kasali sa team noong high school sya. Nilingon nya si Cyron na kanina pang walang imik at mukhang wala rin ang atensyon nito sa pinununuod. Tumingin ito sa kanya saglit at bumaling rin agad sa ibang direksyon. Kitang kita sa mukha nito na naiinip ito at hindi nag eenjoy sa pinapanuod.
"Uwi na tayo?" biglang yaya nya sa mga ito. At napatingin sa kanya ang dalawa.
"Agad?" tanong naman ni Lorrence.
"Oo eh naalala ko may gagawin pa pala akong assignment para bukas." Pagdadahilan nya at tumingin naman ng may pagkagulat si Cyron sa kanya nang biglang mag-ring ang cellphone ni Lorrence.
"teka sagutin ko lang" at lumayo ito nang konti.
Naiwan silang walang imikan. Maya maya lumapit rin naman ulit si Lorrence.
"Guys, pasensya na ,kelangan ko na rin pala talaga umalis, may importanteng tawag lang." paliwanag nito habang nakatingin pa rin kay Cyron.
"okay lang, sige puntahan mo na, mukhang importante talaga yan eh" sabi nalang nya rito at umalis na rin ito agad.
Naiwan silang dalawa ni Cyron.
"Hmm, tara dun sa may fountain" yaya nya rito.
"Di ba may gagawin ka pa?". takang tanong ni Cyron.
"ang totoo, dahilan ko lang yun, kasi halata namang di ka nag eenjoy jan sa laro eh. Alam ko namang di rin titigilan ni Lorrence yan hangga't di natatapos". paliwanag nya at tumayo lang si Cyron na nagsimula nang maglakad. Napailing nalang sya at sumunod dito.
"Gusto mo kunan kita ng picture?" tanong nya kay Cyron na titig na titig sa makulay na fountain. Mas pinalaki at pinaganda kasi ito kumpara noong unang itinayo ito.
"Sa Cellphone mo?" nakangiting tanong ni Cyron habang nakaharap pa rin sa fountain.
"Oo, masama ba? ipapasa ko naman sayo mamaya ah" sagot nya rito.
"Sige na, dun ka, ayoko ng close up." sabi nito at lumayo sya ng konti dito. Tumayo lang ito at tumingin sa camera.
"Ganyan lang talaga?" tanong nya.
"Oo bakit? "
"Wala ka manlang pacute effect?" natatawang sabi nya.
"Hahaha, di na kailangan, " At kumindat pa ito.
pero maya maya ay nagpopopose na rin ito.
Kung ano anong pose ang ginagawa nito at napapatawa na lang sya sa hitsura nito. Buti nalang at gwapo ito kaya kahit anong anggulo ang gawin ay bumabagay rito.
Habang kinukunan nya si Cyron, hindi nya maiwasang matulala kay Cyron. Kanina'y napakatahimik nito tapos ngayo'y parang batang tuwang tuwa habang nagpapacute sa camera.
"Sana lagi kang ganyan, Masaya lang. Sana di na to matapos" napangiti nalang syang naiisip ang mga bagay na ito.
Mga ilang sandali pa, nagpasya na rin silang umuwi at gaya kanina, si Cyron pa rin ang nag drive. Tahimik na ang buong dorm nang dumating sila. Kahit parang nagtagal sila kanina, maaga pa rin naman silang nakauwi.
"Kapagod" si Cyron habang inaayos ang buhok nya.
"Napagod kana agad dun?" natatawa nyang sabi.
"Oo, parang gusto ko nga ng masahe eh" at kunwari hinimas himas pa nito ang braso nito.
"Nakikipagflirt ba sya? anong gusto nya? ako magmasahe sa kanya? manigas sya nuh" sa isip isip nya lang.
"Gusto mong magpamasahe?" bigla nyang nasambit at ikinagulat naman nilang dalawa. Hiyang hiya sya dahil sa nasabi nya,tadhana talaga sabi nga, tulak ng bibig kabig ng dibdib.
"Imamasahe moko?" at napangiti naman si Cyron nang nakakaloko.
"Ako? tss magpamasahe ka sa mama mo nuh" palusot nya rito. Pero kakaiba ang dating ng sinabi nya para kay Cyron. Nagbago agad ang timpla ng mukha nito.
"Nagtatanong lang naman" Mahinang sabi nito at nahiga sa kama nya. Syempre natigilan naman sya sa ikinilos nito.
"bakit tumahimik sya ng ganito? may nasabi ba akong masama? hayy ang careless mo talaga Denver. Binalingan nya si Cyron na nagbukas ng cellphone nya, wala itong imik.
"May problema ba?" di nya matiis na magtanong. Ayaw naman nyang bago palang silang nagkakakilala eh magkakalayo na agad ang loob nila dahil lang may nasabi syang hindi maganda.
"Okay lang, Lights on, lights off?" biglang tanong nito.
"A-ah Lights off" napasagot na rin sya rito kahit medyo kakaiba ang tanong nito.
"Sigurado ka?" tanong nito.
"Tinitrip mo ba ako?" medyo nagtaas sya ng boses dito at tumingin ito sa kanya na parang nagulat.
"naninigurado lang, ikaw na magpatay," at tumalikod na ito sa kanya habang nakabalot ng kumot. Wala naman syang nagawa kundi tumayo at patayin ang ilaw. Nahiga na rin sya at Dahil medyo napagod sya, madali rin syang nakaidlip at nakatulog ng mahimbing.
Napakasaya ng gabing iyon para kay Denver. Kahit may pangamba sa loob nya dahil sa nararamdaman nya para kay Cyron. Pakiramdam nya ang swerte nya dahil ang lalaking biglaan nyang naging crush, kasama nya na sa iisang bubong ngayon.
Mga 12:30 midnight nang maalimpungatan sya. May mga kaluskos syang naririnig mula sa kama ni Cyron. Dahan dahan syang umikot paharap dito. Dahil sa tinted glass ang bintana medyo may liwanag na pumapasok sa loob ng kwarto. Nagulat pa sya nang biglang umungol ng mahina si Cyron at napabalikwas sya ng bangon. Tinitigan nya si Cyron sa kama nito na balot pa rin ng kumot. Gumagalaw ito ng bahagya at parang naghahabol ng hininga kaya naman napatayo sya at lumapit dito.
"Cyron?" mahina tawag nya rito at tinanggal nya ang kumot nito sa mukha. Nakapikit ito at pawis na pawis. Tama ang hinala nya binabangungot nga ito. Agad nyang tinapik ng dahan dahan ang balikat nito.
"Cyron gising" mahina nyang tawag rito at napabalikwas ito ng bangon na naghahabol pa rin ng hininga. Hinawakan nya ang balikat nito.
"kalma, binabangungot ka, kaya ginising kita." at tumingin naman ito sa kanya, biglang humawak din sa kamay nya, sobrang lamig ng mga kamay nito.
"Hinga lang ng dahan dahan" at unti unti naman itong kumalma. Tatayo sana sya upang kumuha ng tubig nang hilahin sya pabalik ni Cyron at napaupo syang muli, hawak nga pala nito ang kamay nya.
"Kukuha lang ako ng tubig" paliwanag nya at unti unti namang binitiwan nito ang kamay nya. Agad syang kumuha ng tubig at pinainom ito. Hindi nya maipaliwanag pero sobrang naawa sya sa hitsura nito na parang batang takot na takot sa kung ano.
"Okay kana?" tanong nya rito at tumango naman ito.
"Grabe ka namang bangungutin, kinabahan ako, buti analng nagising ako" sabi pa nya rito.
"Pwede bang buksan nalang natin ang ilaw?" napatingin sya sa sinabi nito at dun nya naisip kung bakit ganun nalang itong magtanong kanina.
"Okay, dimo naman kasi sinabi agad, ayos lang naman sakin na bukas eh." at tumayo sya para buksan ang ilaw. Dun nya nakitang basang basa pala talaga ng pawis ang suot na sando ni Cyron.
"oh yan basang basa ka ng pawis, magpalit ka ng damit mo" utos nya rito at agad namang tumayo ito para magbihis. Bumalik rin ito sa kama pagkatapos.
"okay na ako, matulog kana ulit, pasensya na sa abala" sabi nito at pumikit na ulit.
"Sige" maikli nyang sagot at bumalik narin sya sa kama nya. Nahiga sya at sinubukang matulog ulit, nilingon nya pa si Cyron at mukha namang maayos na ito kaya nakatulog na rin sya.
******************************************************************************************************************************