"Melissa?!!!" Hindi makapaniwalang bulalas ng matandang nasa sisenta na ang edad ng bumungad siya sa salas ng bahay mag-aalas onse na ng gabi. Nakabukas pa ang telebisyon dahil sa hilig nitong manood ng mga teledrama. Agad itong napatayo at sinugod siya ng yakap. Natatawa naman siyang niyakap din ito ng mahigpit.
"Bakit hindi ka nagpasabing uuwi, bata ka?!" Tila inis na wika ng matanda ngunit nakapinid sa mga labi nito ang isang matamis na ngiti.
"I just want to surprise you, lola." Malambing naman niyang wika na nakapulupot pa rin ang braso sa matanda.
"So the devil is here." Mula sa hagadan ay wika ng nakatatanda niyang kapatid habang pababa ito at halatang may lakad dahil sa suot nitong leather jacker at black pants. Bitbit din nito ang itim na helmet.
"Kuya!" Mangiyak-ngiyak niyang bulalas saka sinugod ito ng yakap.
"No text and no call for five years, Melissa? We thought you're dead!" Seryoso pa ring ani ng kapatid na hinayaan lang siyang manatiling nakapulupot ang braso sa katawan nito. Ang lola naman nila at patuloy ang pagpatak ng luha.
"Lola…" Nakanguso naman niyang ani saka bumitaw sa kapatid at muling niyakap ang matanda.
"Marami kang dapat ipaliwanag, Melissa. But for now I have to go for work. But I am glad you're safe." Wala pa ring ngiti sa labing ani ng kapatid saka na sila iniwan sa sala. Napawang na lamang ang labi ni Melissa habang titingnan ang paglabas ng kapatid sa bahay. Binalingan naman ni Melissa ang lola niya na hindi pa rin tumitigil sa pagluha.
"Lola…" Muli niyang pag-alo dito.
"Haaay! Akala ko mamatay na ako dahil sa inyo ni Mark. Buti at andito ka na. Ang kuya mo na lang ang proproblemahin ko." Pasinghot-singhot nitong ani saka siya tinulungang magdala ng kanyang mga bagahe papasok sa loob ng bahay.
"Kung alam mo lang, Melissa. Lagi akong kinakabahan kapag umaalis 'yang kapatid mo. Madalas uuwing may black eye…o kaya duguan. Nagagalit pa kapag tatanungin ko kung anong nangyari." Pagkwekwento nito.
Napabuntong-hinga naman si Melissa at hindi niya mapigilan ang makaramdam din ng pag-aalala para sa kapatid. Simula kasi ng mamatay ang kanilang mga magulang ay nagsimula na itong mapag-isa, laging umaalis ng bahay na halos isang lingo o isang buwan bago ulit umuwi.
"Don't worry, lola. Kakausapin ko si kuya. For now, pwede na siguro tayong matulog, la?" Paglalambing niya dito.
Napangiti naman ang matanda saka bumuntong-hinga ng malalim.