Nakaupo na kami sa hapag kainan hindi ko maiwasang malungkot at tumulo ang luha ng makita ko ang palaging inuupoan ang aking mommy at kakambal pinahid ko ang luha ko at napagpasyahang kumain . Kumuha ako ng bread at ham at ng matapos ko ng kainin yon ay ininom ko ang gatas na nakahanda para sa akin . Pagkatapos ay tumayo na ako sa upuan at napagpasyahan kong umakyat muna sa kwarto ko.
" Dad...doon muna ako sa kwarto ko." pagpapaalam ko sa kanya at tumango naman siya bilang sagot.
Naglakad ako patungo sa hagdanan at pagkarating ko sa kwarto ay dumiritso ako sa banyo kinuha ko ang toothbrush ko at nagsipilyo pagkatapos ay lumabas na ako doon sakto namang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya binuksan ko ito at bumungad sa akin si ate Lina isa sa mga kasambahay namin rito.
" Ah.... Miss Kirstine aalis na raw po kayo ni sir papuntang airport." sabi nya na bahagyang yumuko sa akin.
" hmm... sige ate pakidala na lang ang mga bagahi ko sa baba salamat." sabi ko sa kanya at lumabas na ng kwarto ko.
Pagkababa ko ay nakita kong naghihintay na doon si dad nilapitan ko siya at niyakap.
" Dad ihahatid nyo po ba ako sa airport?" tanong ko sa kanya kasabay noon ay ang pag patak na naman ng luha saking mga mata.
" Yes iha " sagot ng aking ama.
"Dad ayokong iwan kita dito ." sabi ko kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
" Anak sana ma intindihan mo ako para ito sa kaligtasan mo okay." sabi niya na may pag-alala tumango nalang ako bilang sagot.
Naglakad kami palabas at nakita ko ang tatlo kong pinsan kanina ko lang nalaman ng sabihin ni dad na anak pala sila ng nakatatandang kapatid ni mommy na si tita kristie sa totoo lang ay hindi ko pa nakikita ng personal si tita kristie . Dahil nasa California na raw ito nakatira magmula ng ikasal sina mommy at daddy.
Nginitian ko sila at nalaman ko din na ang trabaho nila ay nag tatrabaho sila sa government bilang mga imbestigador si kuya Uno ay isang NBI Agent at si kuya Dos at kuya Tres ay isang DPA o Deep Penetration Agent.
Sabi nila ay matanda sila ng 6 year sa akin 24 na sila at 18 pa lamang ako nilapitan ko sila at niyakap para kaming nag gu group hug .
" Mga kuya" sabi ko sa sabay kalas sa pag kakayap sa ka nila.
"Wag kang mag alala Kirstine hindi ka namin pa babayaan nandito kami ni kuya Dos at Tres para protektahan ka." sabi ni kuya Uno habang hinahaplos ang buhok ko.
" Salamat mga kuya at nandiyan kayo." sabi ko na tinanguan lang nila at sumakay na kami sa itim na van na naka parada di kalayuan sa kinatatayuan namin.
Nang makasakay na kaming lahat ay umusad na din ang sasakyan nasa likod namin ni daddy sina kuya Dos at kuya Tres at si kuya Uno naman ang nasa unahan katabi ang driver. Sa buong byahe ay nasa labas lang ng sasakyan ang aking paningin.
Kinabahan lang ako ng bilang bumilis ang takbo ng sinasakyan naming van na tila ba nakikipagkarerahan ito malakas ang tibok ng puso ko at lalo lang akonv nangilabot ng marinig ko ang sunod sunod na putok ng baril sa likorang bahagi ng sinasakyan naming van kinabig ako ni dad at niyakap ng mahigpit.
" Kirstine, Tito get down!" narinig kung sigaw ni kuya Uno umagos ang masaganang luha sa aking pisngi habang tinatakpan ko ang aking tenga sunod sunod na putok ng baril ang aking narinig buti nalang at bullet proof ang sasakyang ito kahit nakatakip ang tenga ko ay rinig ko paring nakikipagbarilan ang mga tauhan ni dad na nasa kabilang sasakyan. Nanginginig ang buo kong katawan ng makarating na kami sa airport nakahinga lang ako ng maluwag ng maisakay na ako ni dad sa private plane na naghihintay rito.
" Anak ...Im sorry kong nararanasan mo ito." sabi ng aking ama habang yakap ako " I love you anak yan ang pagkatatandaan mo." sabi niya sabay halik sa aking noo tumayo siya at nag lakad pababa ng eroplano kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si kuya Uno ngunit busy ito kaya si kuya Tres nalang ang tinawagan ko nagriring ang phone nya pagkaraay sinagot niya ang tawag.
" Kuya, wag nyo sanang pabayaan si daddy." humihikbing usal bumuntong hininga siya at nahimigan ko ang lungkot sa tinig niya.
" Oo wag kang mag alala Kirstine hindi namin pababayaan si Tito Zord." sabi nya na ikina panatag ng aking kalooban.
"Salamat kuya." sabi ko bago putolin ang tawag kasabay non ay ang paglipad ng aking sinasakyang eroplano.