Chereads / What If? (Fool Series) / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

CHAPTER 3

What if I let him go?

"God... baby.. please stop crying." Tila nakiki-usap na anya na ni Lior habang inaalo ako.

Its been twenty minutes since his mother step out of his penthouse. Pero hanggang ngayon ay di ko pa rin matigil ang pag-iyak ko.

Lior and I have been in a relationship for too long, alam ko kung gaano kalaki ang galit ng ina niya sa akin, sa amin, sa relasyong meron kami. Ilang beses na ako nitong napagbuhatan ng kamay, may mga pagkakataon na sobra pa doo nang ginagawa niya, ito ang naging rason kung bakit pati si Lior ay nagalit sa ina.

I didn't mean to break a mother and son relationship.

Ilang beses ko na sinubukang kausapin ang ina ni Lior ngunit sarado ang isipan nito. Ang tanging nais niya ay mapaghiwalay kami ng kaniyang anak. Sinubukan ko na ring makipaghiwalay kay Lior, ngunit kay bigat sa damdamin naming parehas ang desisyon na iyon, kaya sa huli'y hindi ko rin siya nabibitawan.

"I'm sorry, baby... im sorry." Sinserong anya nito matapos sapuin ang mukha ko upang ilapit ang kaniya. Tumigil na ang pagbagsak ng aking mga luha ngunit nakatingin lamang ako dito. Marahan kong idinikit ang aking noo sa noo nito saka tumingin sa nakalulunod na mata nito.

I can't let go, I can't let Lior go. I made a promise, I will hold his hands whatever happens. I will hold and protect this love whatever it takes.

"I love you, Neytheya ko. Love you." He softly cupped my face lifting it a bit, he the tilt his head making it easy for him to capture my lips.

Our kiss last for too long, leaving us breathless.

"I love you too, Lior. I really do." I said making him smile widely.

"Thank you... thank you for loving me even though its hard." Anya nito bago marahang ibinaon ang mukha sa leeg ko.

Malalim na hininga ang pinakawalan ko bago yumakap nang mahigpit dito. Marahan kong hinaplos ang buhok nito na siyang kina-ungol ng loko. Gusto gusto nito na hinahaplos ang buhok nito, napansin ko ito noong napadalas ang pagtambay namin sa library noong magkasama pa kami sa university. Madalas itong inaantok tuwing nag-aaral ako at kapag naramdaman niya ang antok ay inilalagay nito ang kamay ko sa ulo nito. Noong una'y di ko alam kung bakit, ngunit nang simulan ko ang paghaplos sa buhok nito'y mas madali siyang nakakatulog.

Pababy!

"Tigil na!" saway ko dito nang magsimula naman itong halikan ang leeg ko. Marahan lamang itong tumawa at nang maiaalis ang mukha sa leeg ko'y mukha ko naman ang hinalikan nito.

"Love you!" natatawang lumayo ako dito, ambang tatakbo na nang mabilis nitong nahawakan ang bewang ko at marahas akong hinila paupo sa kandungan nito na kinatili ko.

"You're running away ah?... di pwede yun sweetheart!" nagitla ako at malakas na tumwa nang kilitiin ako nito sa tyan. Marahas akong nagpupumiglas sa hawak nito ngunit sobrang lakas niya kaya wala akong magawa kung hindi ang tumawa nang tumawa.

"N-noo! S—Sthaaaap! Kyaah!"

In a swift moment, our surrounding filled with laughter and joy. Tila ba walang nangyare ng araw na iyon dahil buong maghapon ay hindi na pumasok sa isip at puso ko ang sakit ng mga sinabi ng ina nito. Tila ba sa isang saglit ay nabura sa alaala namin ang nangyare ng umagang iyon.

I'm glad this day still exist, our relationship is not easy. And it is just the beginning, I don't even have a clue what will happen next, I don't know what will be our end.

But I right now, I will not give a fuck on that. I will focus on him.

I will focus on Lior for now, cause I too scared... that tomorrow will be the end.

THE START OF OUR DAY was pretty bad. Pero hindi ko yun alintana dahil ang malungkot na simula ng araw na iyon ay napalitang ng saya, labis na pagmamahal at init.

We were in the middle of watching an anime movie. Pangbatang movie ang gusto kong panoodin, anime naman ang kaniya, kaya pinagsama namin. We ended up watching My Neighbor Totoro. The movie was really cute, ang sarap muling maging bata dahil sa kanila.

Nang tignan ko ang katabi ko'y napahagalpak ako ng tawa dahil sa simangot nito na tila ba batang hindi pinagbigyan ng gusto nitong pagkain.

"The movie was really great, baby. Enjoy it!" I said mockingly making his face more distorted.

I kissed his lips but he's still pouting. Marahan akong natawa dahil sa di pagbabago ng reaksyon nito, marahan ko itong nayakap syaka ginawang unan ang dibdib.

I smelled his manly scent, probably his bath soap. Sobrang gusto ko ang amoy niya, every time na dito ako matutulog o di kaya'y maliligo ay iyin ang ginagamit ko. Noon di ko maintindihan kung bakit ayaw niyang naamoy sa akin ang bath soap niya ngunit nang minsang magkausap kami'y nagulat ako sa naging sagot niya.

"Nakaka-asar ka na ah! Noong nakaraan mo pa ako pinapagalitan sa paggamit ng sabon mo! Sana kasi binilhan mo ko diba!" galit kong asik sa nakakunot noong si Lior. Sa galit at tampo ay di ko maiwasang maluha.

Halos pitong beses ko nang ginamit ang sabon ni Lior sa paliligo dito sa penthouse niya at pitong beses niya na rin ako halos pagalitan dahil sa ginagawa kong iyon.

"Ganyan ka na?! bakit?! May iba bang gumagamit na babe sa sabon mong yan ah?!" lumakas ang hikbi ko. Napahilot na lamang ito sa sentido habang marahan akong tinitignan.

"I'm sorry. I'm sorry, okay? It's my fault baby, I know." Akmang lalapit ito sa akin nang bigla kong ibinato ang maliit na bote ng aking lotion. Agad itong nakailag at muling sinubukang lumapit sa akin ngunit agad kong ibinabato dito ang lahat ng mahawakan ko.

"Bakit nga kasi ayaw mo?!" desperadang tanong ko. Sobra na ang tampo ko dito kaya siguro ganito na ang nagiging reaksyon ko.

Masyado na ata ako? Di naman ako ganito dati.

"Fuck it, baby! You're always giving me a hard on every time I smell myself on you!" sagot nito na tila ba nawawalan na ng pasensya at pagpipigil.

Natigilan ako sa naging sagot nito na siyang kinuha nitong pagkakataon upang makalapit sa akin at mayakap ako.

"Kung ako ikaw, titigil ako sa ginagawa ko, sweetheart. You're giving me a hard on." May halong kapilyohang anya nito. Hindi man ako tumingin sa mukha nito ay ramdam ko ang titig nito at pagngisi dahil sa mga labi nitong nakadikit sa aking ulo at marahan itong dinadampian ng halik.

Halos patapos na ang movie na pinanonood namin nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

Agad akong umupo at inabot ang aking telepono, nagkaroon ng pagitan sa amin ni Lior kaya marahil ito umusog palapit at marahang ipinulupot ang braso sa aking bewang.

'Si daddy?' bulong ko sa aking sarili nang makita ang caller's ID.

Agad akong napatingin sa katabi ko na nakatingin din sa akin, tila ba hinahantay na magsabi kung sino ang tumatawag.

"Si daddy." Anya ko dito na siyang nagpa-upo dito.

Dad will never call me if it is not important. Kaya agad kong sinagot ang tawag.

"Hello, dad?"

"Go home. Now!" tanging anya na siyang kinabilis ng tibok ng puso ko.

Ayaw ko pang matapos ito, wag naman muna please.

"Why? What it is about?" Lior said. Worried was plastered on his face.

Napayuko ako at di magawang sumagot. Agad nitong sinapo ang magkabilang pisngi ko at inaangat ang aking ulo upang magkasalubong an gaming mga mata.

Ang tingin niya'y nababakasan ng kaba, pangamba at pag-aalala.

Di lamang ang kaniyang ina ang tutol sa aming relasyon. Our family has a conflict, we both know that. Labis ang galit ng ina ni Lior sa mga magulang ko, hindi ko man ang malalim na dahilan bukod sa negosyo ay sapat itong dahilan para sa ina niya na paghiwalayin kami at tumutol sa amin.

Cliché as it seem, pero yun ang hadlang sa amin.

While my family, ayaw daw nila sa lalaki kung ang pamilya nito'y hindi ako kayang tanggapin. And my family believes in arrabge marriage. They let me enter a relationship but with a contidion, once they found the man that suits their needs for the company, I need to leave him and marry the man they want.

"Hey, please talk. Answer me, sweetheart." Muling anya nito. Tila desperadong malaman ang mangyayare.

"Pina-uuwi ako ni daddy." Sa wakas ay naisagot ko.

Bumakas ang gulat at kaba sa mukha nito dahil sa naging sagot ko. Malamang ay parehas kami ng iniisip.

Dahan dahan ako nitong niyakap, mahigpit ito at puno ng pagmamahal, kaba at seguridad. Di ko na napigilan ang nagbabadyang luha ko, naramdaman ko na lang ang masaganang pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi. Marahil ay naramdaman niya iyon dahil masuyo na nitong hinahaplos ang aking ulo.

"Paano na, Lior? Paano kung mayroon nang nahanap sila Papa?" ayoko mang-isipin iyon ay alam kong yun lamang ang maaaring dahilan.

Muli, mahigpit ko siyang niyakap. Sobrang higpit dahil muli, wala na naman kaming alam kung ano ang maaring mangyari sa susunod.

"DO YOU WANT me to come with you." Nasa tapat kami ng bahay ng mga magulang ko ngunit di pa rin kami lumalabas sa saksakyan niya. Masuyo nitong kinuha ang kaliwang kamay ko at marahang hinalikan ang likod ng palad ko.

Gamit ang isang kamay ay tinanggal ko ang aking seatbelt at humarap dito. Inabot ko ang kaniyang mukha at masuyong hinaplos.

Bakit kailangan maging sobrang gwapo ng lalaking ito?

"please stay with me... please come with me." Marahang anya ko na kinangiti nito.

"With pleasure, sweetheart." Anya syaka marahang hinawakan ang kamay kong nasa pisngi niya.

Pagkatapos ng usapan na iyon ay agad nga kaming lumabas sa kaniyang sasakyan. Mahirap man ay di ko maiwasang mapangiti dahil kay Lior. Ramdam ko ang seguridad sa hawak nito.

"You know what, kung mayroon na talaga, wala pa rin akong pake." Ani nito bago umakbay sa akin.

"Theya, hija. Buti naman at nandito ka na." agad akong lumapit sa bumati sa akin. Si nanay Issang.

"Nay! Musta na po?" agad ko itong niyakap ngunit ang tingin nito'y nabaling sa kasama ko. Tinignan ako nito ng puno ng pagtatanong ang mga mata.

"Ahh, nay... si Lior po, boyfriend ko." Anya ko syaka ipinulupot ang mga braso sa bewang ni Lior, nang tignan ko ito ay kita ko ang kinang ng mga mata nito at nakangiti ng wagas. Marahan nitong hinalikan ang noo, kinurot ko naman ang bewang nito dahil sa ginawa.

Nang muling bumaling ang tingin ko kay nanay ay kita ko ang disappointment sa mukha nito.

Si nanay pa lang ito ah.

Ngumiti lamang ako dito kahit alam ko kung ano ba ang nais niyang iparating.

"Theya, alam mo naman na nai—"

"Diretso na po sa dinner table ah." Putol ko dito at hindi na hinintay ang magiging sagot nito agad kong hinila si Lior papuntang kung nasaan ang mga magulang ko.

Wala pa man kami sa Dining hall ay ramdam ko na ang kaba at bilis ng tibok ng puso. Marahan namang humahaplos sa balikat ko ang kamay ni Lior, tumahimik na ito.

Pagpasok namin sa dining hall ay iilang maid ang sumalubong at bumati sa akin, habang nakatingin ng puno ng pagtataka sa kasama ko. Dumako ang tingin ko sa limang taong nakaupo sa mahabang lamesa habang nagkukwentuhan.

Dumako ang tingin ng mga magulang ko sa akin at pati sa kasama ko. Rinig ko ang pagsinghap ng mom habang galit na tumayo si dad mula sa pagkakaupo.

"What's the meaning of this, Neytheya!" malakas na singhal nito. Humigpit ang hawak ni Lior sa balikat ko. Tumingin ako dito at kita ko ang pagtagis ng bagang nitong habang nakatingin sa ama ko.

"I'm Lior sir, I'm Neytheya's fiancée. We planned our marriage one month from now." Malamig na aniya nito. Kita ko ang gulat sa mata ng lahat ng tao sa loob ng dining hall, lalo na ang tatlong taong di ko kilala na nakaupo kasama nila mommy.

Maging ako ay nagulat sa sinabing iyon ni Lior.

Tumayo na rin si mom mula sa pagkakaupo. "Is it true, Neytheya?"

"What does this man mean, ah?" sigaw ni dad. Kinabahan ako nang makitang papalapit ito sa pwesto namin.

Malakas akong napatili nang malakas nitong sinuntok si Lior.

"No, dad. Stop!" agad akong humarang sa harap ng natumbang Lior nang makikitang aambaan na naman ito ng suntok ng aking ama. Nakita ko na nasa tabi na rin ni dad si mom.

"It's true, dad. We're getting married, can't you just be happy? Mayaman din ang pamilya ni Lior, mali mayaman mismo si Lior." Matapang na anya ko.

"Sa—" natigil ang sana'y sasabihin ko nang dumapo ang palad ni mom sa pisngi ko. Naramdaman kong tumayo si Lior sa likod ko at agad akong hinila palapit sa kaniya

Muli'y nagbadya ang luha sa mga mata ko, ni minsa'y di ito ginawa sa akin ni mom. Ganon ba talaga? Parang napakalaki ng kasalan ko.

"Ilang beses na namin sa iyong sinabi na—"

"Alam ko, mom. Paulit ulit niyong sinasabi na hindi pwede. Pero buhay ko 'to" taas noong anya ko kahit na ramdam ko ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi.

"Sorry, but you need to send them home mom. Im not marrying someone I don't love."

Agad akong tumalikod dito at hinawakan ang siko ni Lior syaka hinila ito palabas sa bahay ng mga magulang ko.

Bahay na minsa'y naging akin din.

Bahay na naging tahanan ko sa loob ng maraming taon.

Tahanan na dati'y puno ng saya.

I look at the man who is my home now.

He's my home, I don't want to leave my home.

How I wish he felt the same.

What if I face them alone?

What if I followed what my parents' order?

What if I let him go?

to be continued

COPYRIGHTS 2020