Chapter 13: What is the Meaning of This?
"Sa'n baga kasi tayo pupunta?!" I guess 15 minutes ko nang kinukulit itong mokong na 'to, ngunit kahit anong gawin ko, ayaw niya pa rin akong sagutin. Nakakainis na nga eh, sasabihin lang naman niya, 'di pa magawa. Gaano ba kahirap 'yon?
By the way, we are here in the middle of traffic habang nakasakay kami sa kotse niya. Take note kasama namin 'yong driver niya at wala akong pakialam kung nakakahiya man sa kanya sa ginagawa kong pangungulit kay Oliver.
Tinanggal ni Oliver 'yong suot niyang earphone at lumingon siya sa akin nang naka-poker face look.
"I told you, it's a secret." Bakit ba kailangan pang i-sekreto kung malalaman ko rin naman? May pa-surprise pa, wait surprise ba ang correct term no'n? hindi naman 'ata masama kung umasa 'di ba na may surprise? Kung meron man, he just make sure na masu-surprise talaga ako, kung hindi ay babatukan ko siya.
"Dali na, sabihin mo na kasi! Ang dali-dali lang naman sabihin, hindi pa magawa." Pangungulit ko.
"Can you please be shut up? Nakakarindi na 'yan maingay mong boses. Kanina ka pa, 'pag sinabi kong secret, secret. Huwag nang makulit!" Okay? Galit na ba siya niyan? Gaga Jamilla, 'di pa ba obvious? Siguro, galit na nga siya. Nakakatakot naman siyang magalit, para siyang mangangain ng tao. Gusto ko lang naman malaman kung saan kami pupunta eh, 'yong lang naman ang gusto kong makuhang sagot mula sa kanya, 'di niya pa maibigay.
Diniretso na niya ulit ang tingin niya sa labas at sinuot na niya muli ang earphone niya. Sungit.
"May pa-gano'n pang nalalaman, 'kala mo naman ikina-cool." Bulong ko sa sarili ko at diniretso rin ang tingin sa labas ng kalsada. Alam ko naman na kahit anong pangungulit na gawin ko sa kanya ay he will never tell me where we go. But I can't control myself to avoid being stifling. Hindi naman mahirap 'yong tanong ko, it just a simple question that it has a simple answer, pero bakit hindi niya talaga masagot-sagot? Ang hirap naman suyuin nito, eh.
-
Nandito na kami ni Oliver sa loob ng mall. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito kasi nga wala siyang balak sabihin sa akin. Actually, kinukulit ko na naman siya kanina no'n pagkapasok pa lamang namin dito pero as always he still ignored my question. Inis na inis na inis na inis na talaga ako sa kanya.
After several minutes...
Hindi pa rin ako pinapansin ni Oliver hanggang ngayon. Kung ayaw niya 'kong pansinin, hindi ko rin siya papansinin. Gantihan lang.
Sumusunod lang ako sa kanya hanggang pumasok kami sa isang bookstore. Napansin kong may mga nag-aayos ng mga upuan at meron rin nakalagay na table sa harapan habang may nakapatong na karton sa ibabaw nito na may nakasulat na 'shadowboythatyouloved'. Napansin ko rin na may mahabang pila ng mga tao sa labas at may mga hawak na libro ni Oliver. Wait? What's the meaning of this? Don't tell me he has a booksigning today? Anong gagawin ko dito? Gosh.
"No way," bulong ko.
"Oliver may booksigning ka!?" gulat kong tanong sa kanya. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na hindi ko siya papansin kasi hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko magtanong.
"Obviously." Simple niyang sagot
"So, pwede na 'kong lumbas at maglibot-libot dito sa loob ng mall?" Ngi-ngiti-ngiti kong tanong.
"No, you will stay with me. Tatabi ka sa 'kin." I stared at him with a incredulously look. Wow! Anong nakain niya para ipagawa niya 'yan sa akin? Tatabi sa kanya? Seriously? Psh. Ayoko nga! Issue na naman 'to panigurado, hindi ko na nga sinusubukan mag-facebook kasi alam kong sikat na sikat na ako do'n. I will never agree on what his desicion. As in NEVER.
"Wait, so it means sasamahan kita doon habang pumipirma ka ng mga libro?" To makes things clearly, I asked him. Sinong engot na uthor na isasama 'yong classmate slash slave niya sa sarili niyang booksigning pero hindi basta sama lamang kundi ay tatabi pa sa kanya. Hindi naman niya 'ko kaibigan at mas lalong hindi niya ako Girlfriend para umarte siya nang ganyan. Slave niya lang ako, dapat ang gagawin ko lang ay nandito lang ako sa likod ng venue at hihintay siya. Gosh.
"Kakasabi ko lang 'di ba?" Masama na bang i-klaro ang sinabi niya? Ang sama niya talaga.
"'Yoko nga! Big deal 'yon sa akin 'no."
"Bakit naman?" Tumingin siya sa akin nang deretso. Loko rin 'tong mokong na 'to, 'di talaga siya nag-iisip. Basta-basta kasing nagdedesisyon, ayaw munang pag-isipan mabuti.
"Hello? 'Di mo ba talaga naisip na sisikat ako? Ayoko nga ng gano'n!" Ayokong sumikat kasi ayokong magkaroon ng bashers, all I know kasi bawat sikat na tao ngayon ay hinding-hindi nawawalan ng mga bashers, imbes na gumawa ng importanteng bagay 'tong mga bashers na 'to ay nasa social media at doon naninira. Feeling mga perfect na tao.
"Sikat ka na, matagal na, there's so a lot of pictures na naka post ngayon sa social media na magkasama tayo." Ito na nga ba sinasabi ko. Hindi ko na talaga gagalawin 'yon mga social media accounts ko kasi ayokong makita 'yong mga pictures na tinutukoy niya. Mangdidiri lang ako do'n. T'saka, bakit kailangan pa nila kaming picturan ni Oliver at i-post sa social media? Big deal na bang magkaroon ng kasama si Oliver at para gawin nila iyon? Mga tao nga naman ngayon, binibigyan ng meaning kahit wala naman.
"Ikaw kasi may kasalanan, lagi mo kasi akong gustong isama sa 'yo kahit ayoko naman. Look what happened, hindi na ako ang ordinaryong Jamilla na hindi kilala ng iba. Nakakabwiset ka na talaga e! Dapat mga kaibigan ko ang kasama ko ngayon at hindi ikaw. Argh! Nakakairita talaga. Bakit kasi nakilala pa kita?!" I yelled. Napansin ko 'yong masamang niyang awra kanina ay napalitan ng malungkot na awra. May sinabi ba 'kong masama? Gusto ko lang naman ilabas sa kanya 'yong mga hinanaing ko sa kanya, masama ba 'yon? At para naman maging aware naman siya na pagod na akong maging slave niya.
"Gusto mo na ba talagang umuwi?" He asked me with a sad tone.
"Hindi ba obvious?" Masaya kong sabi. Actually, ayoko pang umuwi dahil gusto kong sumama ngayon kila Claire and Jess, alam ko naman kasi na gumagala sila ngayon. Lagi kasi sila lumalabas tuwing sabado.
"Tara na, hatid na muna kita kay manong driver, para maihatid ka na pauwi." Tumayo siya at sinuot ang kanyang mask. Baka kasi pagga-guluhan siya sa labas kaya sinuot niya ito. Nagsimula na siyang maglakad kaya tumayo na rin ako sa akin kinauupuan at sumunod na sa kanya.
-
Tahimik lang kami naglalakad. Bakit gano'n? Ba't parang na-gu-guilty ako sa sinabi ko sa kanya kanina? I must be happy now and not this guilty to. Bakit gano'n?
Pwede ba akong mag-sorry sa kanya para mag-apology sa sinabi ko sa kanya kanina? Mas gugustuhin ko pang maging mayabang siya kaysa sa inaarte niya ngayon.
Tumigil ako sa paglalakad at napansin kong tumigil rin siya.
"Ba't ka tumigil?" He asked me. Tumingin ako sa mga mata niya at halata rito na nalulungkot talaga siya. Argh! Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa kanya 'yon, hindi ko naman ine-expect na gan'to pala kalaki ang impact no'n sa kanya. Nagmumukha siyang parang ang OA.
"Sorry."
"For what?" Nagtataka niyang tanong.
"Kasi about do'n sa sinabi ko sa 'yo kanina, 'di ko sinasadya." Yumuko ako nang dahan-dahan, nahihiya kasi ako sa kanya, feeling ko nasaktan ko 'yong puso niya.
"That's okay, sinabi mo lang naman ang gusto mong sabihin about sa akin kaya okay lang 'yon." Tinaas ko ulit ang ulo ko at nakita ko siyang ngumingiti kahit alam kong malungkot siya. Nakokonsensiya talaga ako.
"Balik na tayo." Wika ko at bigla-bigla ko na lang hinili ang braso niya para bumalik sa venue. Hindi na naman siya nagpumiglas sa halip ay hinayaan na lang magpatangay sa hila ko.
Pagkabalik namin ay sinalubong ka agad kami ng isang staff na halatang pawis na pawis. Kanina pa niya yata hinahanap si Oliver, feeling ko ako 'yon may kasalan kung bakit ganyan itsura niya ngayon. Hays.
"Sir Oliver, magsisimula na po 'yon booksigning mo po, balik na po kayo do'n sa likod at maghintay na lang po kayo na tawagin kayo no'n emcee." Paliwag no'n staff. Um-oo na lang si Oliver at sumunod na kami sa sinabi niya, naglakad na kami papunta sa likod ng venue.
-
Habang naghihintay kami na tawagin si Oliver ay kinausap ko muna siya para makiusap na 'wag na lang ako tatabi sa kanya. Ayoko kasi talaga, sana naman pagbigyan na niya 'ko. "Hmm, Oliver? Pwedeng hintayin na lang kita dito? Nahihiya kasi talaga akong humarap sa maraming tao eh, please?" Pakiusap ko. Kung sikat na 'ko sa social media, ayoko pang mas sumikat pa lalo at bigyan ng mas malalim na meaning kung bakit lagi kaming magkasama ni Oliver. Ma-judge na kasi 'yon mga tao ngayon. Konting galaw, may meaning na.
"Of course, basta dito ka lang sa likod at huwag na huwag kang aalis kasi baka maligaw ka pa." Concern ba siya? Ba't parang nakakakilig? Eh! Normal lang naman kiligin 'di ba? Kahit kanino naman 'yon, hindi lang naman sa isang tao. So it means, that I feel it's just a normal feelings, lagi naman ako kinikilig kahit sa ibang tao. Agrh! Ba't ko pinaliwag?
"Sige." Masaya kong wika. Napansin kong nakahawak pa rin ako sa braso niya at hindi ko pa pala natatanggal, wait? Ano gagawin ko? Pa'no ko tatanggalin ang kamay ko? Dapat pala sinabi ko na lang sa kanya kanina na bumalik na lang kami at dire-diretso akong naglalakad babalik, hindi 'yon hinila ko pa ang braso niya, 'yan tuloy pa'no ako didiskarte para tanggalin ang kamay ko?
Nakaisip ako ng paraan kaya bigla kong tinanggal 'yong kamay ko sa braso niya and I pretend that I have a cold, so I get my handkerchieft from my pocket. Galing ko 'di ba? At least meron akong ikinadahilan. Napansin kong nagulat siya pero isinawalang bahala niya rin ito.
"Let us all welcome the bestseller book from this year 20**, the author of I Catch Your Heart, Oliver Ethan Lee o mas kilalang Shadowboythatyouloved!" Sabi ng emcee kaya nagsimula na maglakad si Oliver papunta sa unahan, pero bago siya kumaway sa mga taong na nandoroon, kinawayan niya muna ako sabay kindat kaya tumingin na lang ako sa ibang direksisyon, gwapo niya kasi. Gosh! Pang-ilan beses ko na bang sinabihan si Oliver na gwapo?
Tumingin na ulit ako sa kanya at bahagya akong napangiti habang pinapanood siyang kumakaway at habang ngumingiti sa mga fans niya. 'Yung kaninang malungkot na awra ni Oliver ay napalitan na muli ng kasiyahan.
Dapat pala lagi siya sinasabihan ng mga neggative thoughts para hindi siya magsungit. Hihi! I have a plan, nahuli ko rin ang kahinaan mo Oliver.
After 30 minutes....
Nakaupo ako ngayon sa isang upuan dito sa may backstage. Hindi ko alam kung backstage ba ang tawag rito, basta sa likod ng venue. Hinihintay ko lang matapos si Oliver, actually nakakahiya na nga dito eh, dumadaan kasi 'yong ibang mga staffs at minsan ay tumitingin pa sa akin, 'yong tingin na papuri, nagagandahan 'ata sila sa akin, e. Charot!
Lumipas pa ang mga minuto, medyo naiinip na ako na masaya, I don't know what I feeling right now but I can say na masaya ako, siguro dahil meron na 'kong bagong plano para hindi na magsungit sa 'kin si Oliver. I can't wait to apply it again to you, Oliver.
"Ba't kasi hindi mo pa nilagay sa 'mesa itong bottled water ni Sir Oliver, baka mahimatay pa ako do'n pagpunta ko mamaya dahil sa kagwapuhan ni Sir." Meron akong narinig na nagsasalita. Wait? That voice it sounds so familiar? Parang siya 'yon babae na si Marya? Maya? Mara? Whatever. Basta siya 'ata 'yong hinulaan ko ang name, 'yong bobo. Hehe! I just telling the truth na bobo talaga siya.
"Wala ka naman sinasabi kanina, ah?!" Sabi naman no'n kasama niya. Nangangamoy away, lumingon na ako sa kanila at tama nga 'yong hula ko na 'yong isang babae ay si Marya.
"Meron akong sinabi, hindi mo lang yata narinig." Sabat naman ni Marya. Nakita kong biglang siyang napalingon sa gawi ko kaya nakita ko ang paglaki ng mga mata niya. Ang pangit naman magulat nito, halos iluwa na 'yon mgamata. Charot. "Ma'am kayo po 'yong magaling manghula 'di ba po ba?"
So, She doesn't know yet na may name plate talaga siyang suot noon? 'Di pa ba niya alam na niloloko ko lang talaga siya? Stupid.
"Yes?" Lumapit sa akin si Marya at 'yon kasama rin niya.
"Pa'no po kayo nakapasok rito?" Pagtataka niyang tanong.
"Hmm, classmate kami ni Oliver?" Patanong kong sagot, hindi ko kasi talaga alam kung classmate lang ba talaga kami ni Oliver, hindi ko naman masasabi na friend ko siya kasi wala naman kaming officialy na sinabing magkaibigan kami.
"Ah, 'kala ko po Boyfriend." Sabat no'n kasama niya. Boyfriend talaga? Ano ba 'yan! Napapansin ko lang ah, ang rami na nag-aakala na boyfriend ko si Oliver kahit hindi. Hindi naman kami bagay, eh.
"Ah, hindi." I said.
"Hoy! Alam mo ba? Ang galing niyang manghula ng pangalan." Napatawa na lamang ako dahil sa sinabi ni Marya, sigurado na 'kong bobo talaga siya. Sorry for that bad word pero gano'n talaga siya eh. Just kiddin'.
"Talaga?!" Manghang sabi naman no'n kasama niyang babae, hinanap ko ka agad sa damit niya 'yon name plate niyang suot. Hindi naman ako gano'n nahirapan dahil nakita ko agad, ramdam ko kasi na magtatanong rin siya. So, ready na 'ko sa kalokohan ko for her.
"Oo, totoo 'to, tingnan mo. Ano pong pangalan niya?!" Tanong sa akin ni Marya. Psh.
"Ellive." Nakangiti kong sabi, halata sa mukha ni Ellive na manghang-mangha talaga siya. Tss. Ano bobo rin?
"Ang galing niyo naman po." Mangha niyang saad.
"Sabi ko naman sa 'yo, eh." Sabat ni Marya. So? Anong eksena 'to? May dalawa ng bobo? Naku naman! Pwede na ba 'ko umalis sa gitna nilang dalawa? Hindi na kasi ako makahinga! Baka mahawaan pa nila ako at maging bobo na rin. Slow na nga 'ko tapos ngayon magiging bobo na rin? 'Yoko na nga umabot sa gano'n. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na 'pag sumama ka sa mga magaganda, gaganda ka rin, 'pag sumama ka mga matatalino, tatalino ka na rin, kaya 'pag sumama ka sa mga bobo, bobobo ka rin. So? Baka maging gano'n rin ako.
"Maria! Ellive! Naibigay niyo na 'yon tubig ni Sir?" Lumapit 'yon isa pang staff sa 'min kaya naputol 'yon pagiging mangha nila sa akin. Psh. Mabuti naman at may lumapit sa 'min at nagtanong kung hindi, I know they won't stop talking about me.
Pero I am right? Maria 'yong tawag kay Marya? Mabuti't sa isip ko lang siya tinatawag na Marya kung hindi ay kanina pa 'ko napahiya. Kakalimutin ko talaga minsan.
"Hindi pa, nahihiya kasi kami lumapit, ang gwapo niya kasi." Sabi ni Ellive. Gwapo raw si Oliver? Well, totoo naman.
"Hmm, ipa-abot na lang natin kay ma'am, eh magkaklase naman sila." Gaano ba kahirap ibigay itong bottled water na 'to kay Oliver? Ang dali-dali lang naman.
Hindi ko na sila hinintay pang magsalita muli dahil kinuha ko na sa kamay ni Ellive 'yon tubig na hawak niya, baka kasi maikuwento pa ni Maria sa isa pa nilang ka-trabaho na magaling ako manghula ng pangalan. Baka magtanong pa, baka maging tatlo na silang bobo, naaawa na 'ko.
"Salamat po!" Rinig kong sigaw ni Maria salikod ko pero isinawalang bahala ko na lang ito.
Pagkapasok ko sa venue ay saka ko lang napagtanto na wrong move pala 'yong ginawa ko, dapat pala hinayaan ko na lang sila Maria na i-abot 'to kasi pinagbubulungan na 'ko ng mga tao rito. Ito na nga ba ang sinasabi ko, nahawaan ako nila Maria ng bakas ng kabobohan.
"Si Jamilla 'yon 'di ba?" Fan 1.
"Ang ganda niya sa suot niyang dress!" Fan 2.
"Yie! Supportive Girlfriend." Fan 3.
Nagulat ako sa sinabi ng isa niya pang fan na pangatlo, wala naman official na sinabi si Oliver na kami. Kasi we're just classmate, 'yon lang 'yon. Gosh.
Lumapit na 'ko kay Oliver at binigay na sa kanya 'yong tubig niya. Binilisin ko na ang galaw ko para makabalik na agad sa backstage kasi hiyang-hiya na talaga ako. 'Di lang halata sa itsura ko.
"Thanks!" Nang-aasar na pasasalamat ni Oliver sa akin. Tss. Napasimangot na lang ako sa kanya.
Ngumiti na lang ako sa mga fans niya ng pilit at diniretso ang paglalakad pabalik sa backstage. I hope I will forget this day! Nakakaloka.
Bakit ko ginawa 'yon?