Chereads / Queen and the Nine Tailed Fox / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6

Title: Cure For The Wound

Kinabukasan...

Naglalakad na ako ngayon papunta ng bayan at ang totoo, tumakas lang ako sa mga servants ni Gani. Naiinip kasi ako sa kwarto ko. Wala ba naman ang phone ko para makapag-internet man lang ako o ano. Nakatulala lang ako sa veranda ng bahay kaya naisipan ko na lumabas muna.

Mamayang hapon pa raw si Gani uuwi pero uunahan ko na siya sa paggagala rito sa bayan. Akala niya ha. Independent kaya akong babae.

Bago nga rin pala ang damit ko na kulay dilaw ang top at peach naman ang mahabang palda. Favorite color ko ang peach kaya gustong-gusto ko talaga 'tong damit ko na 'to ngayon. Ang ganda rin ng floral na sapatos ko na parang doll shoes na gawa sa makapal na tela kaso hindi nga lang makikita sa haba ng palda ko. Nakalugay pa rin ang mahaba kong buhok at may panibagong clip ulit na maganda ang nakaipit doon.

Ayos na ayos ulit ako pero ako na ang nagpaligo at nag-ayos sa sarili ko ngayon 'di tulad kagabi.

Balik na naman kasi sa pag-attitude sa'kin ang mga servants na 'yon. Mga pakitang tao kay Gani, kainis!

Mukhang once ko lang mararanasang tratuhin dito na parang prinsesa at kagabi lang 'yon.

Sa bagay, ano bang aasahan ko? Alipin ako ng Gani na 'yon at mukhang mas mababa pa ako sa status ng mga servants niya. Tss.

Buti na lang, nakakain na ako ng almusal. 'Di nga lang 'yon katulad n'ong kinain namin ni Gani noong una akong makarating ng bahay niya at ng mga inihahain sa'kin kapag nasa bahay siya.

Masyadong nilulubos-lubos ng mga servants ang pagganti sa'kin porket wala si Gani. Tch! Pagbalik lang talaga ni Gani, ako naman ang babawi sa kanila.

Napabalik na ang lumilipad kong isip sa'kin nang marinig ko na ang ingay ng paligid at mukhang narating ko na ang pinakaplaza nitong Leibnis.

Namamanghang napatingin ako sa paligid sa dami ng mga tao—Gisune na nandito. Abalang-abala sila sa mga ginagawa nila. May mga nagtitinda ng prutas at kung anu-ano at may mga bumibili naman. May mga bata ring naglalaro sa paligid at may mga naglalakad katulad ko.

Halatang ang saya-saya nila at kuntentong-kuntento sila sa pamumuhay nang ganito dito sa Leibnis.

Patuloy lang ako sa manghang pagtitingin-tingin sa paligid... "Hindi mo ba nais na ipagpahinga muna ang iyong isipan dito?" biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Gani.

"Laging masama ang loob mo sa inyong mundo dahil maraming nakakakilala sa iyo roon at nakakaalam kung ano ang nangyari sa iyo ngunit dito, makakaakto ka kung sino ka talaga nang walang manghuhusga sa iyo. Wala ring may paki sa nasira mong tinig dahil hindi naman nila batid iyon."

Tama siya. Ni wala ngang pumapansin sa'kin dito. Walang nagbubulungan tungkol sa pagbagsak ng career ko at walang nanghahabol sa'kin para kunan ako ng pictures.

Unti-unti akong napangiti.

Sa unang pagkakataon, nasasayahan na ako na walang nakakakilala sa'kin sa lugar na 'to. Na walang sumisigaw sa pangalan ko at nagtatanong kung kailan ba ulit ako makakanta.

"Sa loob ng buwan na iyon, aliwin mo muna ang iyong sarili sa pananatili rito sa bayan naming mga Gisune. Isang magandang ideya, hindi ba?"

Hindi naman masama kung susundin ko ang advice niya. Bago naman ako mapadpad dito, plano ko na talagang pumunta sa isang lugar na walang nakakakilala sa'kin at nakakaalam ng nangyari sa'kin. Mukhang ito na ang lugar na 'yon kaya e-enjoyin ko na ang pag-stay muna rito.

Lumawak na ang ngiti ko at excited na nagshopping—window shopping pala dahil wala naman akong pera na ginagamit nila sa mundong 'to kaya hindi ako makakabili.

Okay lang. Atleast, nakakapag-ikot-ikot ako.

Marami pa akong binisitang mga tindahan katulad ng tindahan ng mga damit, sapatos at mga pagkain at sa pag-iikot ko, may mga napapatingin na sa'kin dahil wala akong buntot katulad nila.

Nang makilala pa nila ako, nagbubulungan sila na ako ang Fenea ni Gani pero wala lang sa'kin 'yon at hindi nakaspoil ng mood ko. Kahit ano pang ipagbulungan nila, basta 'wag lang ang tungkol sa pagiging failure ko sa music industry, ayos lang.

Patuloy ako sa paggagala hanggang sa narating ko ang isang napakalawak na flower field. "Waaaahhh!" manghang-manghang bulalas ko at excited na excited na tumakbo papunta ro'n.

Ang gaganda ng iba't-ibang kulay ng mga bulaklak at ang babango! May lumapit pa sa'kin na mga batang babae at lalaki na naglalaro rito tapos binigyan nila ako ng flower crown. Ang ganda ng pagkakagawa n'on na parang hindi mga bata ang gumawa kaya nagpaturo ako sa kanila.

Tuwang-tuwa naman na tinuruan nila ako habang suot ko 'yung flower crown na binigay nila at sinunod ko naman ang mga sinasabi nila.

Habang nagawa kami n'on, may batang nagbraid ng buhok ko at pinalamutian nila 'yon ng mga bulaklak dito.

Hindi ko inakalang kaya kong makisalamuha nang ganito sa mga bata dahil bunso ako sa pamilya namin at wala pa naman akong pamangkin kay kuya Marco.

Tuwang-tuwa talaga ako sa ginagawa namin at kahit mga pangit ang mga nagawa ko no'ng una, hindi sila sumuko sa pagtuturo sa'kin kaya nakagawa na ako ng maganda. Tuwang-tuwa naman sila dahil sa pagiging successful teacher nila sa'kin at doon ko lang napansin na hapon na pala. Ni hindi ko namalayan ang oras.

Tinawag na sila ng mga magulang nila para pauwiin na. Masayang nagpaalam sila sa'kin at nakangiti naman akong kumaway sa kanila.

Nang ako na lang ang natira rito, napatingin ako sa pinakamagandang flower crown na nagawa ko. Kanino ko kaya 'to ibibigay? Suot ko na kasi 'yung unang ginawa ng mga bata para sa'kin at hindi ko naman 'yon gustong itapon.

Kanino kaya? Biglang rumehistro ang nakangiting mukha ni Gani sa isip ko kaya napakurap-kurap ako at nagskipbeat na naman ang puso ko. Napahalukipkip kaagad ako. "Asa naman siya." pagsasalita ko mag-isa.

Nang mapansin ko na unti-unti nang dumidilim dahil pababa na ang sikat ng araw, napagdesisyonan ko na umuwi na. Gutom na rin naman ako.

Bumalik na ako sa plaza suot pa rin ang flower crown at ipinatong ko ro'n 'yung gawa ko. Manipis lang naman 'yung gawa ko kaya mas pinaganda n'on 'yung isa ko pang suot. Carefree lang akong naglalakad pero natigilan ako dahil hindi ko na matandaan ang daan pabalik ng bahay ni Gani.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko.

Patay. Naliligaw na ako.

Luminga-linga ako sa paligid para alalahanin kung paano ako makakauwi nang makarinig ako na may tumutugtog ng isang pamilyar na kanta.

Napatingin ako sa direksyon na pinagmumulan n'on at nakita ko na pinapanood nang marami ang isang babaeng may hawak ng lira kasama ang iba pang may iba't-iba namang instrument na tumutugtog din.

Kantang Tadhana ang tinutugtog nila kaya nagtaka ako. Pa'no nila nalaman ang kantang 'yon?

Lumapit ako sa kanila para makapakinig din nang maayos.

"Napakaganda talaga ng paboritong musika ni Ginoong Gani," sabi ng isang babaeng Gisune na nanonood din.

Doon ko naman natanto kung paano nila nalaman ang kantang 'yon. Dahil pala kay Gani. Siya nga naman ang pabalik-balik sa mundo namin.

Dumating na sa chorus ng kanta ang tinutugtog nila at napapikit naman ako sa pakikinig.

Ba't di papatulan?

Ang pagsuyong nagkulang

Tayong umaasang

Hilaga't kanluran

Ikaw hantungan

At bilang kanlungan mo

Ako ang sasagip sa'yo

Hindi ko namalayan na kinanta ko na 'yon nang mahina habang nakapikit pa rin at nang biglang tumigil ang pagtugtog, napamulat ako.

Tingin ng mga Gisune rito ang bumungad sa'kin kaya napatakip ako ng bibig. Oops.

"Hindi ba siya ang Fenea ni Ginoong Gani mula sa mundo ng mga mortal?"

"Siya nga iyon."

"Nakakainggit naman. Batid niya ang paboritong kanta ni Ginoong Gani." pag-uusap-usap nila na hindi man lang hininaan para hindi ko marinig.

Lagot. Nakakuha na ako ng atensyon.

Kailangan ko nang umalis dito.

"Fenea."

Napatigil ako sa gagawin ko sanang pag-alis nang tawagin ako n'ong babaeng tumutugtog ng lira.

"Batid mo ang awit na aming itinutugtog. Maaari bang kantahin mo iyon para sa amin?"

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya.

Nakangiti siya sa'kin at tunay 'yon na hindi mapang-insulto. Ganoon din ang ngiti ng iba pa niyang kasamang babaeng may instruments at ng mga nanonood dito.

Hindi nga pala nila alam ang pagkasira ng boses ko.

Napahawak ako sa lalamunan ko. Siguradong ipapahiya ko lang ang sarili ko katulad ng huli kong concert kung pagbibigyan ko sila. "S-sorry pero sa mundo namin, mahal ang binabayad sa'kin para lang marinig nila akong kumanta." pagyayabang ko pero ang totoo, dahilan ko lang talaga 'yon. Hinding-hindi ko aaminin sa kanila na may sakit ako sa vocal chords kaya ang pangit na ng boses ko kapag kumakanta.

"Kung ganoon ay isa kang mang-aawit." May kinuha naman siya sa loob ng sleeve niya na silk pouch at narinig ko ang kalansing ng parang mga bakal sa loob n'on nang maalog. Ipinakita niya sa'kin 'yon. "Handa akong bayaran ka kahit magkano, kantahin mo lamang ang awit na aming itinutugtog kanina." Seryosong-seryoso siya kaya napalunok ako.

Unti-unti na ring namugad ang kaba sa dibdib ko nang mag-insist na rin ang iba pa rito na babayaran din nila ako, kumanta lang ako.

Napaurong naman ako dahil sa gusto nilang ipagawa sa'kin.

Unti-unting naging nakakatakot ang mga mukha nila sa paningin ko at parang nagiging katulad na sila ng mga tao sa  mortal world na lagi kong nakikita sa mga bangungot ko simula nang masira ang boses ko.

Bakit ganito?...

Bakit nararamdaman ko na naman ang nakakairitang sakit sa loob ng dibdib ko na sa mundong pinagmulan ko lang nararamdaman noon?

'Di b,a dapat ligtas na ako rito mula sa multo ng pangit kong nakaraan?

Pero ngayon...

Queen! Ano ka ba?! Singer ka at hindi naman masama na kumanta lang ng isang kanta! Ipakita mo sa kanila ang dahilan kung bakit kinababaliwan ka sa mundong pinagmulan mo! Hindi ka gan'yan kahina. Malakas kang babae at katulad ng pangalan mo, you're a Queen!

Dahil sa pagpapalakas ng loob sa'kin ng pride ko, unti-unti nang nabura ang kabang lumalamon sa'kin kanina at tumigil na ako sa pag-urong.

Tama. Bakit nga ba ako natatakot? Hindi nga naman masama kung pagbibigyan ko sila ng isa lang na kanta.

Taas noong ngumisi na ako sa kanila. "Kung 'yan ang gusto n'yo, wala na akong magagawa."

Nagpalakpakan naman sila at dahil doon, mas nakakuha kami ng atensyon. Marami na ang lumapit sa amin para manood.

Pinakiramdaman ko naman ang lalamunan ko.

Please! Makisama ka kahit ngayon lang. Ayoko ulit mapahiya!

Sinimulan nang gumawa ng musika n'ong mga babaeng tumutugtog at intro 'yon ng Tadhana.

Huminga muna ako nang malalim...

Sa hindi inaasahang

Pagtatagpo ng mga mundo

Mayro'ng minsan lang na nagdugtong

Damang-dama na ang ugong nito

Ayos! Nakikisama ang boses ko sa'kin!

'Di pa ba sapat ang

Sakit na dinanas

Na hinding-hindi ko ipararanas sa'yo

Ibinubunyag ka ng iyong mga mata

Sumisigaw ng pagsinta

Medyo pumapalya na ang boses ko pero pinilit ko pa rin na abutin ang chorus.

Ba't di papatulan

Ang pagsuyong nagkulang

Tayong umaasang

Hilaga't kanluran

Ikaw ang hantungan—napaubo-ubo ako bigla sa sakit ng lalamunan ko dahil sa pagpilit kong abutin ang highnotes ng kanta.

"Ano ba iyan? Akala ba namin ay isa kang magaling na mang-aawit sa mundo ng mga mortal?"

"Ang pangit naman ng kaniyang tinig, pilit na pilit."

"Mali na hiniling nating pakantahin sa kaniya ang paboritong awit ni Ginoong Gani. Sinisira niya iyon sa pangit niyang tinig!"

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig kong mga sinabi nila.

Tiningnan ko sila at ang pamilyar na pamilyar na mga mapang-insultong tingin ang nakita kong nakatutok sa'kin. Ang lahat ng mga 'yon ay nakatitig sa'kin na may bakas ng pandidiri at disappointment.

Sobra kong nakuyom ang mga kamao ko at naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko dahil sa pamumuo ng mga luha roon.

Sa ngayon, panibagong lugar na naman 'to na gustong-gusto ko nang takasan.

Sa sobrang pagkapahiya, tumakbo na ako paalis pero may nabangga akong kung sino dahil hindi ko makita ang daan sa pag-iyak. Hinapit ako ng taong 'yon palapit sa kaniya at ngayon ay yakap na niya ako.

Nahulog pa ang dalawang flower crown na suot ko nang tumingala ako para tingnan kung sino siya.

Ang seryosong mukha ni Gani ang bumungad sa'kin kaya namilog ang mga mata ko. "G-gani."

"Dumating na ako ngunit hindi mo man lamang ako sinalubong nang maayos... alipin ko."

* * *

Nakaupo kami ngayon sa mga ugat ng isang napakalaking puno na may kulay peach na mga bulaklak. Umuulan ang mga bulaklak na 'yon sa'min dahil sa pagdaan ng hangin. Sinag din ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa'min dito ngayong gabi.

"Ano ang nangyari kanina? Bakit ka lumuluha nang ika'y aking maabutan?" tanong ni Gani habang nakasandal sa katawan ng puno at nakatingin sa'kin.

Nakatungo lang ako at madilim ang mukha. "Pinilit nila ako na pakantahin kanina... at napahiya ko ang sarili ko." pag-amin ko sa kaniya. Alam niya naman ang sitwasyon ko noon pa kaya madali kong naamin 'yon sa kaniya.

Napahinga naman siya nang malalim at isinandal din ang ulo sa puno saka pumikit. "Dapat ay gumawa ka na lamang ng dahilan upang hindi ka na nila napilit pa na pakantahin."

Nakuyom ko naman ang mga kamao ko at nagtagis ang mga ngipin ko. "Eh ano naman kung sinubukan kong kumanta? Kung pinilit ko na magawa ang isang bagay kung saan lang ako magaling?" Nanginginig pa ang boses ko sa pigil na pigil na galit.

Napamulat naman siya at tumingin sa'kin.

"Masama bang umasa ako na baka magawa ko na ulit makakanta katulad ng dati?" Naramdaman ko na lang ang pagdaloy ng mga luha sa magkabila kong pisngi. Kanina ko pa talaga pinipigilan na maiyak.

"Q-queen..." May nabasa akong awa sa mga mata niya na lalo lang nakadagdag sa galit ko.

"'Wag mo akong tingnan na parang ako na ang pinakanakakaawang nilalang sa mundo!" sigaw ko sa kaniya habang wala nang awat ang mga luha ko. Hindi ko alam pero biglang sumagi sa isip ko ang pagliligtas niya sa'kin sa rooftop. "Kung dahil lang din naman d'yan sa awa mo, hindi mo na sana ako sinubukang iligtas doon sa rooftop!"

"Bakit naman hindi kita ililigtas kung nakita ko ang nangyari sa iyo? Naroroon ako ng gabing iyon dahil doon ko balak buksan ang portal pabalik dito sa aming mundong ito dahil hindi na kita maririnig na kumanta."

Natigilan ako sa sinabi niya at unti-unting nanlaki ang mga mata ko.

"Ang tinig mo lamang naman ang dahilan kung bakit ako nagpaalipin sa iyo roon. Nais kong marinig muli nang malapitan ang iyong tinig ngunit hindi nangyari dahil sa pagkasira—" Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi niya kaya napatigil siya sa pagsasalita at napapaling ang ulo.

Nanlalaki ang mga mata niyang napasapo sa nasaktan niyang pisngi.

"Eh 'di sana, pinabayaan mo na akong mamatay!" napatayo na ako sa sobrang galit at sumakit din ang lalamunan ko sa pagsigaw. "Dapat umalis ka na at hindi ako pinansin noon! Wala na rin naman akong kwenta sa'yo katulad ng iba, 'di ba?!"

Nangunot naman nang sobra ang noo niya at tumayo na rin. "Ano?! Dapat nga at magpasalamat ka pa sa akin na iniligtas kita!"

"Hindi naman talaga ako dapat tatalon doon!"

"Ano bang problema mo?!"

Napapikit ako nang mariin. "Magsama-sama kayo! Kahit umalis na kayong lahat sa buhay ko ngayong wala na akong kwenta sa inyo, wala akong pakialam! Hindi ko rin kayo kailangan at kaya kong mag-isa!" Mabibigat ang mga hakbang ko na naglakad na ako paalis.

"Queen!"

Nilingon ko naman siya at pinukol ng matalim na tingin. "'Wag mo 'kong susundan." Sobrang lamig ng boses ko at siguradong nanuot 'yon sa kaniya kaya natigilan siya.

Doon ay umalis na ako habang marahas na pinupunasan ng sleeve ng damit ko ang mga pasaway na luha mula sa mga mata ko.

* * *

"Nakakainis 'yung Gani na 'yon! Kaya pala nandoon siya sa rooftop no'ng gabing 'yon eh para umuwi na dahil sa pagkasira ng boses ko!" inis na inis na sabi ko habang patuloy na tinatahak ang kasukalan ng gubat na narating ko. "Wala siyang pinagkaiba sa mga fans ko na naging antis nang mabalitaang hindi na ako makakanta uli—Aray!" reklamo ko dahil isang nakalawit na sanga na may tinik ang nakasugat sa ibabang labi ko.

Nalasahan ko agad ang dugo doon at ang hapdi n'on. Pero napatingin na ako sa paligid dahil naging aware na ako ngayon kung nasaan ako.

Isa nga itong gubat na masukal na hindi ko naintindi kanina dahil sa galit ko kay Gani. Ang dilim-dilim dito at ang tataas ng mga puno tapos sobrang tahimik pa.

Luminga-linga ako sa paligid. "G-gani..." tawag ko kay Gani dahil siya naman ang kasama ko kanina pero ang layo na ng nilakad ko kaya napahiwalay na talaga ako sa kaniya. Kailangan ko nang bumalik.

Naglakad ako pabalik sa nilakaran ko kanina pero dahil napupuno ang isip ko kanina sa pagkainis kay Gani, hindi ko matandaan ang mga direksyon na pinanggalingan ko. Ang dilim din ng gubat na 'to at magkakamukha ang mga lugar.

Hindi kaya nasa labas na ako ng Leibnis?

Mas lalo akong kinabahan sa naisip ko dahil naalala kong sabi ni Gani, hindi raw ligtas para sa'kin ang lumabas sa bayan nila.

"Gani!" malakas na tawag ko sa kaniya at umaasa na marinig niya ako pero napaos na ang boses ko sa sobrang pagsigaw ko kanina sa pagtatalo naming dalawa. "Gani... Nasaan ka?" Naglakad-lakad pa ako para subukan pa ring makabalik nang may malakas na kaluskos akong narinig sa kung saan.

Napalinga-linga naman ako nang makita ko ang isang malahalimaw na leon. Umiilaw na pula ang mga mata n'on, ang lalaki ng mga pangil at lagpas kalahati ako ang taas.

"GAAWWWR!" napakalakas na angil n'on sa'kin.

Nahilakbot naman ang buo kong pagkatao. "Aaaahhh!" Tili ko sabay karipas ng takbo kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hawak-hawak ko rin pataas ang palda ko para hindi ako matalapid. "Gani! Tulungan mo 'ko!" nangingiyak-ngiyak kong paghingi ng tulong habang tumatakbo at nang lumingon ako, nakita kong hinahabol talaga ako n'ong leon na 'yon.

Napatili ulit ako at gumana na ang adreniline rush ko. Sobrang bilis na ng takbo ko para sa buhay ko.

"Queen!" rinig kong tawag ni Gani sa'kin mula sa kung saan kaya nagkaroon ako ng pag-asa na mailigtas.

"Gan—Aaaahhhh!" Natalapid ako bigla sa isang bato at napadapa.

Ang malalakas na yabag ng leon papalapit sa'kin ang naging signal ko na naabutan na nga ako ng halimaw na 'yon. Napaupo ako at napaurong sa sobrang takot sa naglalaway na predator sa harap ko. Nangangatog ang buo kong katawan pero hindi ako papayag na mamatay nang walang kalaban-laban.

Pumulot ako ng isang bato sa gilid ko at ibinato ko 'yon doon na agad naman n'ong naiwasan. Umangil 'yon sa'kin kaya hindi ko na ulit sinubukang batuhin.

Nanlalabo na talaga ang mga mata ko sa pag-iyak kaya napapikit na lang ako nang mariin.

"GANIIIII!"

"GAAAAWWWWRR!"

May biglang yumakap sa'kin at doon narinig ko ang pagsakmal ng leon sa laman... pero wala akong nararamdamang sakit kaya siguradong hindi sa'kin 'yon.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang bunganga ng leon na nakasakmal sa balikat ng taong nakayakap sa'kin ngayon ang bumungad sa'kin.

Sobrang namilog ang mga mata ko at kahit gusto kong tumili, hindi ko magawa sa sobrang takot na nararamdaman ko.

"A-ayos ka lamang ba Queen?"

Napatingin ako sa taong 'to na nagligtas sa'kin.

"G-g-gani..." sobrang utal na sabi ko.

Inalis na ng leon ang pagkakasakmal n'on sa kaniya at tumagas ang masaganang dugo mula sa mga sugat niya papunta sa sa'kin. Basang-basa na ang damit namin ng mga dugo niya galing doon at kitang-kita ko kung gaano kalalim ang mga nakuha niyang sugat.

Sobrang bigat ng paghinga ko at walang salitang makaalpas sa mga labi ko ngayon habang nakatulala sa nagdudugo niyang balikat.

"P-pumikit ka muna Queen at takpan mo ang magkabila mong tenga," utos niya na kaagad namang sinunod ng katawan ko bilang pagiging Fenea niya.

Naramdaman ko na tumayo na siya at ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na alam dahil hindi ko naman makita 'yon.

Ilang sandali lang, kahit nakatakip ang mga tenga ko, narinig ko ang isang malakas na pagsabog kasunod ang nakabibinging pag-atungal ng leon na umalingawngaw sa tahimik na gabing ito. Doon ay matunog ang naging pagbagsak ng katawan n'on sa lupa.

"Imulat mo na ang iyong mga mata at tanggalin ang pagkakatakip sa iyong mga tenga," utos ni Gani kaya naimulat ko na ang mga mata ko at inalis ko na rin ang pagkakatakip sa mga tenga ko.

Ang nakatayong siya sa harapan ko ang una kong nakita. May gentle na ngiti na sa mga labi niya na parang walang nangyari at inabot niya sa'kin ang kamay niya para tulungan akong tumayo pero doon sa side na 'yon ang balikat niya na sinakmal ng leon.

Nangangatog pa rin na sinilip ko sa likuran niya kung ano na ang nangyari sa halimaw ng leon at napasinghap ako sabay napatakip ng bibig nang makitang duguang nakahandusay na 'yon at sunog na sunog na siguradong wala ng buhay.

Bigla niya akong binuhat na parang prinsesa at alam kong nararamdaman niya kung gaano nangangatog ang katawan ko ngayon dahil sa nangyari. "A-a-ang sugat m-mo..." pinilit kong masabi dahil patuloy ang pagdurugo ng sugat niya tapos binuhat niya pa ako.

"Nagdurugo ang iyong labi." nag-aalalang sabi niya habang nakatingin sa labi ko na nasugatan ng sanga kanina. Ni hindi niya pinansin ang sinabi ko at mas binigyang pansin pa ang sa'kin na maliit lang naman.

Pero sa lahat ng nangyari ngayon, ang sumunod niyang ginawa ang pinakahindi ko inaasahan sa lahat.

Bigla niyang idinampi ang mga labi niya sa mga labi ko... na nagpalaki sa mga mata ko...

...at nagpabilis din nang sobra sa pagtibok ng puso ko.

Ipagpapatuloy...