Habang absorb na absorb sa pag iisip si Rafael tungkol sa posibilidad na nagkaroon na siya ng Mana ay bigla nanamang lumakas ang pintig ng kanyang puso. Hindi lamang bastang tibok kundi parang pwersahang pinisil ito ng 'di malamang force ang kanyang naramadaman.
Urghhh...
Napahawak si Rafael sa kanyang dibdib dahil sa kurot na bumalot rito. Pansin niya na ang mga dati'y pagala gala na mga Mana Essence na nagkalat sa paligid ay parang na a-attract sa kanyang katawan. Bago sa feeling ni Rafael ang pangyayari ito, parang nagtransform ang kanyang katawan na parang isang malaking vacuum na pwersahang hinihila ang lahat ng Mana Essence sa paligid-ligid.
Napasigaw si Rafael sa sakit ng pag dagsa ng Mana Essence sa kanyang katawan, para siyang maliit na bangka na paulit-ulit na hinahampas ng malalaking alon sa gitna ng bagyo.
Hindi namalayan ni Rafael ay nawalan na pala siya ng malay at tuluyang bumagsak ang gulay niyang katawan sa lupa. Pumasok sa Dreamlike scenario ang consciousness ni Rafael, dinala buong ulirat niya sa isang dimension, dito napansin niyang nasa loob siya ng malawak na espasyo at ang tanging tanaw lamang niya ay ang kadiliman na bumalot sa lugar na ito.
Nagpatuloy siya sa paglakad at siyasat sa napakadalim na lugar na ito, hanggang sa may napansin si Rafael sa 'di kalayuan na may nakalutang na bagay sa hangin, habang sa baba naman nito ay isang maliit na water pool. Nang makalapit, nagulat si Rafael sa nakita, isa pala itong crystalite seed, isang buto ng halaman. Pero ang talagang nakapukaw sa atensyon ni Rafael ay ang katabi nitong isang bagay na kumikinang na parang sumasayaw na pumapalibot sa buto ng halaman, tila bang binabantayan nito ang crystalite seed.
Ang kumikinang na bagay na ito ay actually ang Blue Card na pumasok sa katawan ni Rafael kanina lamang. Dahil sa curiosity, nilapitan niya ang mga ito at pinagmasdan ang mahiwagang pangyayari sa kanyang harapan.
"Brat, how dare you na ginambala mo ang aking pagtulog..."
Isang mahinang boses ang diretsong pumasok sa tenga ni Rafael, napalingon siya at hinahanap ang source ng boses na ito ngunit ang tanging nakikita niya ay ang tahimik at madilim na lugar habang sa kanyang harapan ay ang walang tigil na sumasyaw na Blue Card sa tabi ng crystalite seed.
"S-Sino ka? ....at nasan ako?"
Tanong ni Rafael sa misteryosong boses, patuloy parin ang pag scan niya sa paligid dahil hindi niya alam kung sino at saan galing boses na iyon.
"Sa tingin mo, may karapatan kang malaman ang pangalan ko? Hmmp!"
"Hah? Ang sungit naman nito..." Speechless si Rafael sa narinig.
"Ignorante! Nasa loob ka ng iyong Soul Space at ang kulay blue na tubig sa baba ay ang iyong Mana pool." May halong mockery ang tono ng misteryosong boses dahil sa pagiging walang alam ni Rafael na pangyayari sa mismo niyang katawan. Ganito naba ka-tanga ang mga Humans sa era na'to?
"Soul Space... Mana Pool? So ito pala ang kapangyarihan ng mga Cultivator... K-kung ganon, talagang may mana na ako?"
Kahit may idea na si Rafael na may Mana na siya ay di parin siya makapaniwala sa narinig na nagpapatunay sa kanyang hinala. Nananaginip ba ako?
Ang Soul Space ay separate space na nakapwesto sa loob ng dibdib, tanging mga Mana Cultivators lamang ang nakakapasok sa sarili nilang mga Soul Space. Dito rin sa loob ng Soul Space naka pwesto ang Seed o buto ng halaman at ang Mana Pool, lahat ng ito ay ready to access ng mga cultivator para sa pag upgrade ng kanilang cultivation level.
Ayon sa mga experto, kung mas malaki ang Mana Pool ay mas malaki ang potential ng kanilang kapangyarihan na magagamit. Sa pagkakaintindi ni Rafael na nalaman niya sa textbook, ang Mana Pool ay parang isang Mana Bar sa mga ancient games 10,000 years ago. Kung mas mataas ang mana, mas marami at malakas na abilities ang magagamit. Unfortunately, ang nakikitang Mana Pool ni Rafael sa kanyang harapan ay kasing liit lamang ng isang tabo ng tubig.
Ang Seed naman na nakalutang sa ibabaw lamang ng Mana Pool ni Rafael, ito ay ang physical na anyo ng isang Spiritual Core. Ngunit ang pinagtataka ni Rafael, bakit parang nababalutan ng crystal ang kanyang Seed.
Ba't ganito Spiritual Core ko? Tsaka kulay blood red yung Seed? May kulay ba na ganito? Hmmm..
Pinagmasdan maigi ni Rafael ang kanyang Spiritual Core, ayon sa kanyang nalalaman, ang Spiritual Core ay may corresponding colors depende sa grades nito, simula sa common grade ay grey, sa rare grade ay blue, sa epic grade ay violet at golden color naman sa legendary grades. Ang tanong, ba't blood red sa kanya?
Defective kaya yung Seed ko?? Nako malaking problema to!
Di maiwasan mag alala ni Rafael, pano tutubo yung seed niya kung defective ito?
Sa tuwing tataas ang level cultivation ng isang cultivator, tutubo rin ang Seed na ito hanggang sa maging isa itong fully grown na magical tree. Paano kung hindi ito tutubo dahil ito ay defective? Edi parang disabled person si Rafael kung nagkataon.
"Wag kang shunga! Kahit naka sealed ang spiritual core mo ay may paraan para i unlock yan. Atupagin mo munang palakihin ang mana pool dahil kailangan ko rin ng maraming mana para magising ang spiritual body ko at mas madali kitang matutulungan. Kaya lumabas kana sa Soul Space at dalian mo at maghanap ka ng mapag kukuhanan ng mana dahil kung hindi ay ite-takeover ko ang control ng iyong katawan. Shoo. Shooo!" Sabi ng Misteryosong Boses nang makita ang idiotic na expression ni Rafael.
Na alarma si Rafael sa sinabi ng Misteryosong Boses.
Kung ganon... from now on, magkahati kami sa mana ng aking katawan? Edi, para akong espada na walang talim... Malabo ko na nga magagamit ng full ang abilities ko dahil sa sealed spiritual core at sa katiting na mana pool tapos ngayon may kahati pa ako sa paggamit nito? Well, wala naman talaga akong mana in the first place kaya wala akong karapatan na mag reklamo diba?
Dahil sa dejected na pagmumukha ni Rafael, nakahanap ng paraan ang Misteryosong Boses at sinabing, "Pag palagi mo akong susuplayan ng mana eh... malay mo, lagi ako nasa good mood at baka tuturuan kita ng mga ilang Abilities na makakatulong sa paglakas mo?"
"Talaga! Deal!!"
Di maiwasang maging excited ni Rafael, di lahat ng mana cultivators ay may sariling mga abilities dahil napaka hirap nito makuha. Other than sa mga malalaking Family Houses na may sariling heritages ng mga abilities mula ancient times na ipinamimigay at ituturo sa mga younger generations nila ay malabong mapasakamay ito ng mga Commoner Cultivators tulad ni Rafael. Kaya ang tanging paraan lamang makakuha ng abilities ng libre ay pag sali ng Sects, o di kaya'y sa pamamagitan ng lucky encounters sa pag pasok sa mga Dimensional Dungeons na puno ng panganib! Pero kahit gaanong kahirap pa man ito, enough na ito para maging excited si Rafael sa adventure ng isang Mana Cultivator.
....
Dahan-dahang ibinuka ni Rafael ang kanyang mata nang mapansin niyang nagambala ang kanyang pagtulog dahil sa maalog na balsa na kung saan siya isinakay papauwi sa kanila.
Napansin niya agad ang babaeng mahigpit nakahawak sa kanyang kamay habang naka tulog ito sa kanyang tabi. Ito ay ang nakakatandang kapatid ni Rafael na si Janina.
Ate...
Pinagmasdan ni Rafael ang maputla na si Janina, alam niyang super nag aalala sa kanya ito dahil nagawa nitong sunduin siya kahit na namay sarili itong malubhang sakit. Mahina ang pangangatawan ng ate ni Rafael kaya malabong kakayanin ng kanyang katawan ang byahe kahit nakasakay ito sa balsa dahil sa sobrang layo ng village nila sa forest.
Sa tuwing nakikita ni Rafael ang panghihina ng kanyang ate na parang nalalantang rosas, 'di niya maiwasang mapaluha. Paano na at ano ang kanyang gagawin pag nawala ate niya? Kakayanin ba niyang mabuhay pa?
Talagang malapit sa isa't-isa ang magkapatid dahil sa murang edad ay maaga na silang naulila dahil sa biglaang paglabas ng Dimensional Dungeons sa kanilang village na siyang kumital sa buhay ng kanilang mga magulang.
Dulot ng Mana Flux na nagsimula 10,000 years ago ay walang humpay nag sisilabasan ang mga Dimensional Dungeons sa iba't-ibang panig ng mundo. Dahil dito naglabasan ang iba't ibang uri ng Demonic Beast mula sa loob ng Dungeons para maghasik ng lagim sa sangkatauhan. Dahil sa madalasang pananakop ng mga halimaw na ito, ay nagbuo ang human kind ng mga sundalo, ito ay ang mga Mana Cultivators.
Dahil sa ganitong pangyayari ay muntik ng masakop ng mga Demonic Beast ang maliit na village kung saan nakatira sila Rafael, mabuti nalamang ay nakarating agad ang mga Mana Cultivators galing sa City kaya naitaboy nila ito at isinara ang Dimensional Dungeons. Sa ganitong pangyayari ay maraming buhay ang nawala pati narin ang mga magulang ni Rafael at Janina, kaya ganon nalamang ang kanilang pagmamahal sa isa't-isa dahil wala na silang ibang pamilya na masasandalan pa.
"Raf, ba't ba lagi mong pinag aalala ang iyong kapatid. Alam mo bang mahina ang kanyang resistensiya? Wala siyang tigil sa kakaiyak ng makita ka sa forest ng walang malay." Tanong ni Manong Ambo habang minamaneho ang balsa na hinihila ng mutant na kalabaw.
Tinignan ni Rafael ang kapatid habang tulog sa kayang tabi, pansin niya ang mas lalong lumalalang karamdaman. Pero kahit namayat na ito ay para paring anghel na sobrang ganda ang kanyang ate na si Janina, napakasakit isipin na ang ganda nito ay dahan-dahang nalalanta.
"Pasensyo na ho mang Ambo, kakailangan ko po kase ng herbal plants para makaipon ng pera para mapagamot si ate..." Reply ni Rafael habang hinihimas ang straight na buhok ng kanyang ate.
"Wag kang mag aala, may naipon akong kaunting pera sa pagbebenta ng ani ng palay. Hindi man gaano kalaki ay sapat na iyon para maipa check-up si Janina."
"Salamat ho..." Di maiwasang tumulo ng luha ni Rafael, bukod sa pangkain nila araw-araw ay prinoproblema rin niya ang pang pagamot sa kapatid. Kahit alam niyang may piligro sa pamimitas ng mga halaman sa forest ay isinantabi niya ito. Ang ate nalamang niya ang natitira sa kanilang pamilya, hindi niya alam ang gagawin pag mawawala ito lalo't na lumulubha ang karamdaman nito habang dumaraan ang mga araw.
Dahil sa kagandahang loob ni Mang Ambo ay hindi niya ito kakalimutan. Balang araw pag nakaluwag siya ay ibabalik ni Rafael ng ten folds ang tulong na ibinigay sa kanya.
Kailangan niyang makaipon ng pera sa madaling panahon, hindi sapat ang check-up lang!
Tatlong oras rin ang dumaan bago makarating sila sa village nila. Ito ang Kasaysayan Village, isa ito sa daan-daang mga village under Ginseng City na pinamamahalaan ng Asura Gate Sect.
Ibinaba at binuhat ni Rafael ng maingat ang payat na katawan ni Janina papasok sa maliit nilang kubo.
Dahil sa malalim na ang gabi at wala silang pera, imbes na ipagtimpla ni Rafael ang ate niya ng mainit na gatas ay pinainum nalamang niya ito ng mainit na tubig na may halong herbal plants.
"Hoy Brat! Nagugutom na ako!"
Biglang napatalon sa gulat si Rafael ng biglang may nagsalita.
Whew! Akala ko ano na....
Naalala niya ang boses sa loob ng kanyang Soul Space. Akala nung una ni Rafael na ang pangyayaring iyon ay panaginip lang, pero nang nagising siya habang nakasakay sa balsa ay napansin niyang wala na talaga ang mga sugat niya sa katawan at punong puno na siya ng enerhiya.
"Wala nga kaming makain.. pano kita mabibigyan?"
"Hindi ko kailangan pagkain ng mga mortal, ang gusto ko mana... kung may mana crystal ka eh mas mabuti."
Anong sabi mo... M-mana Crystal?
Halos mabulunan ng sariling laway si Rafael sa demand ng misteryosong boses. Wala nga silang pera tapos gusto niya ng Mana Crystal? Ano ba ang mana crystal? Ang Mana Crystal ay nakukuha sa mga Demonic Beast na kadalasan ginagamit ng mga Mana Cultivators para pataasin ang kanilang Level ng mabilis, Half the effort, Double the Results ika nga.
Ang isang pinaka maliit Mana Crystal at medyo kaunti lang ang laman ng mana ay nagkakahalaga ng 50,000 coins. Ang pinaka malaki at abundant ng mana ay nagkakahalaga ng 10 millions kada isa! Pano makakahanap si Rafael ng Mana Crystal eh kahit pang kain nila sa pang araw-araw ay hindi nila afford?
Dahil sa shock at helpless na mukha ni Rafael ay napa sigh nalang ang Misteryosong boses. Nanghihinayang siya kung bakit pa sa pobreng mortal siya pumasok. Hindi niya kagustuhan na pumasok dahil ang mismong Blue Card kung saan siya nakatira ay pinili ang pobre na si Rafael. Kahit siya ay 'di niya alam kung bakit na attract ang Blue Card kay Rafael, baka siguro ito na yung Fated Person na hinahanap nito.
Hanggang isang idea ang pumasok sa isipan ng Misteryosong boses, "Brat, diba herb picker ka? kung ganon tuturuan kitang gumawa ng Elixirs"
Sa masusing pag iisip ng Misteryosong Boses, mas mabuti nalang na tulungan niya ang kumag na si Rafael dahil narin sa sarili niyang interest. Kakailanganin niya ang napakaraming mana para makabalik na siya sa mortal world.
Oh!?
Totoong herb picker si Rafael, kaso ngalang naiwan niya ang naipong mga herbal plants sa kasagsagan ng pag guho ng malaking puno.
Natagalan bago makasagot si Rafael, "Ang problema ay naiwan ko sa forest yung bag ko na puno ng herbal plants..."
"Che! Forest? Ako bahala, dadalhin kita dun." Prideful na sabi ng misteryosong boses kay Rafael. Para sa ilang kilometrong layo? Sus, easy lang sakin yun!
"Teka..." Kumuha ng papel si Rafael at sinulatan ng mensahe ang kapatid at inilagay sa lamesa. Baka kasi mag aala nanaman ito pagkagising na wala siya sa bahay at sinabi niya sa sulat na maliligo lang siya sa ilog.
"Ok... tara na!" Excited si Rafael dahil feeling niya nag a-adventure siya na dati'y pinapangarap lang niya!
"Brat, ibigay mo ang control ng yung katawan, ako na bahala para mapadali ang paglalakabay natin"
Huh? Nagdadalawang isip si Rafael, di maalis sa kanyang isipan na baka tuluyang mawala sa kanyang control ang kanyang katawan. Baka ito yung masamang binabalak ng Misteryosong boses sa simula palang, pinapasakay niya ako sa pang aakit ng mana at pagtuturo ng abilities para maibaba ko ang aking depensa! Ano ako, tanga!?
Tila bang nabasa ng misteryosong boses ang tumatakbo sa isipan ni Rafael. Napa ismid nalang ito, dahil sa proud nitong sarili hinding hindi niya kukunin ang katawan ni Rafael dahil wala naman siyang mapapala rito.
"Che, ang dumi ng utak mo brat! Sino naman nagbabalak ng katawan mo na kakaunti lang ang laman ng mana pool? Madami na akong nakitang mas talented at dihamak na mas malakas sayo. Kung ako ang tatanungin, below average ang talent mo kaya wag kang assuming!" Galit na sumbat ng misteryosong boses kay Rafael, disrespectful ang pakikitungo ng mortal na ito sa kanya!
"Ow... Wala naman akong sinabi ah?" Namula ang mukha ni Rafael dahil lahat ng sinabi ng misteryosong boses ay may punto.
"Then... Wag kang lumaban at hayaan mo ang control ko."
Sa isang iglap ay hinila ang consciousness ni Rafael papasok at papunta sa kanyang Soul Space. Kumbaga nagkapalit sila ng Misteryosong Boses ng posisyon, ngayon ay full control na ng Misteryosong boses ang katawan ni Rafael.
"Woahh... Ang tagal na akong 'di nakakagalaw ng ganito! Wahahahaha! hahahaha!" Delightful na remarks ng Misteryosong boses.
Nanlumo si Rafael sa loob ng Soul Space ng marinig ang hideous na tawa ng Misteryosong Boses. Wag mong sabihin talagang kukunin niya ang katawan ko?
"Oopps! Hehe pagpasensyahan mona ako.. tagal na kasing hindi nakakaranas ng ganito... Ok, onto the forest!"
Itutuloy.