Chereads / Godly Mana Cultivator (TAGALOG) / Chapter 1 - Prologue

Godly Mana Cultivator (TAGALOG)

🇵🇭Anvart
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 25.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

10,000 years ago, lahat ng may buhay sa mundo ay dumaan sa malawakang evolution dahil sa misteryosong enerhiya o mas kilala sa tawag na 'Mana' na bumalot sa Earth. Ang mahiwagang pangyayaring ito ay nagsimula nung mahulog rito ang isang dambuhalang bulalakaw na bumago sa sangkatauhan.

Sa taong 2022, kung saan umuusbong ang populasyon ng mga tao, tila bang tinadhana, muli nanamang nahaharap ang buong sangkatauhan sa paglilitis. Tulad sa nangyari sa panahon ng mga dinosaur, isang nanamang higanteng bolang apoy na galing kalawakan ang nagbabantang lipulin ang lahat na madadaanan nito. Tinatayang kasing laki ito ng Mount Everest na paniguradong walang ititirang humihinga sa mundong ibabaw.

Sa katunayan, anim na buwan bago bumagsak ang bulalakaw, sinubukan na itong bombahin ng pinagsamang lakas ng america, china, germany at japan. Subalit puro fail ang kanilang mga attempt.

Ang bulalakaw na ito ay diretsong tumama sa gitnang Europa, sa lakas ng impact nito ay nabura sa kasaysayan ang ilang bansa sa loob lamang ng ilang minuto. Nagdulot ito ng malakas na lindol na yumanig sa buong mundo, bumuo ito ng mga tsunami na hanggang langit ang taas na tila bang galit na galit dumaragasa sa lahat ng direksyon na tanging sa mga Holywood Movies lang natin makikita.

Halos lahat ng bansa ay hindi nakaligtas, nilampaso ng tubig dagat ang lahat ng madadaanan nito at tanging iilan lamang ang masuwerteng tao, halaman, puno at hayop ang napanatili ang buhay nito.

Dahil sa malawakang paglilinis sa mundo, maraming bansa ang nawala at iilan lamang ang bahagyang nakaligtas. Pag may nawala, mayroon ring bagong lalabas, dahil sa bulalakaw, gumawa ito ng mga bagong pulo at continent.

Kasunod rito ay ang biglaang pagkawala ng technology, sa di malamang dahilan, lahat ng machinery, power plants, appliances at kahit anong bagay na gawa o pinapatakbo ng teknolohiya ay ayaw ng gumana. Ang tawag sa kalamidad na ito ng mga eksperto ay ang 'Great Mana Disaster'.

Binalot rin ng matinding kadiliman ang buong mundo dahil sa mga usok na tumakip rito na tumagal ng isang daang taon. Dahil sa 'Great Mana Disaster', pumasok sa bagong Era ang Planet Earth. Ang dating Earth na umuusbong ang teknolohiya, ngayon ay bumalik na sa primitive age. Subalit, dahil narin sa masusing siyasat ng mga scientists, natuklasan rin ng mga humankind kung pano sulusyonan ang malaking problemang ito, napag-alaman nila kung paano muling ibalik ang Technology sa pamamagitan ng paggamit ng Mana Crystal bilang alternatibong solusyon para mapagana muli ang makinarya. Ngunit hindi ito naging madali sa una dahil ang Mana Crystal na magsisilbing makina sa pag-unlad ng sibilisasyon ay tanging makukuha lamang sa loob ng katawan ng mga demonic animals o mas kilala sa tawag na Demonic Beast.

Dahil sa Mana na lumaganap sa bawat sulok ng mundo, lahat ng mga hayop at halaman na na-exposed nito ay dumaan sa malawakang ebolusyon! Nag-evolved ito bilang mga Demonic Beast at Miraculous Herb. Nagsilabasan rin ang mga bagong uri ng species ng mga hayop o Demonic Beast na halos lahat ay may kanya-kanyang mga abilities katulad ng sa mga fantasy movies. Ang mga Demonic Beast na ito ay talagang pang out of this world ang mga anyo, pati ang kanilang intelektuwal ay halos di nalalayo sa mga tao at ang iba pa nga ay nakakapag salita at nakaka intindi ng mga lengwahe. Majority sa mga ito at ay napaka-aggressive sa mga tao, hanggang umabot sa punto na tayong mga Humans ay hindi na TOP sa food chain. Kaya't naging pahirapan ang pagkalap ng mga Mana Crystal!

Sa kasamaang palad, hindi lahat ng nabubuhay sa mundo ang maswerteng binayaan ng evolution. Tulad ng natitirang 900 millions na surviving Humans, hindi lahat nabigyan ng Mana galing sa bulalakaw. Tanging kalahati lamang ng bilang ng tao nakatangap at pinalad na mag evolve!

Ang mga Humans na nag evolved ay nagkaroon ng mga kapangyarihan at naging mga 'key player' sa kani-kanilang bansa dahil tanging sila lamang ay may kakayahan na lumaban sa banta ng mga Demonic Beast na nag wre-wreck havoc sa mundo.

Bawat evolved human ay may mataas na position sa lipunan, hindi na kailangan ng botohan para maging lider ng bansa, nasusukat na ito ng kapangyarihan ng mga indibidwal! Kung ikaw ang pinaka malakas, ikaw ang tama at ikaw ang masusunod, kaya ang mga taong hindi pinalad ay naging mga peasants o di kaya'y slave.

Pero gayon paman, 'di parin basta-basta naapula ng mga Evolved Humans ang bagsik ng pananakop ng mga Demonic Beast, siguro sa bagong concept ng pagiging makapangyarihan ay naging kompyansa ang mga tao at naging makasarili ang mga ito kaya't isang libong taon ang lumipas ay never naging advantage ang Humans sa digmaan ng mga Demonic Beast dahil bawat isa ay may mga malalaking Ego at matataas na Pride. Nature na ng mga Humans ang pang hihila pababa ng kapwa!

Dumaan pa ang ilang mga taon ay mas lalong lumalala ang banta ng mga Demonic Beasts kaya napilitan ang mga Lider sa natitirang bansa na pumasok sa isang World Alliance. Dahil dito, may bagong apat na continent ang nabuo, ito ay ang Holy Continent, Ameca Continent, Austro Continent at ang pinaka mahina sa lahat ay ang Sea Continent.

Ang Holy Continent ay ang mga bansa na nasa parte ng europe at middle east, karamihan sa mga ito ay nagmula sa mga religious country tulad ng Vatican at Mecca.

Ang Ameca continent ay binubuo ng mga bansang nakaligtas sa parte ng Amerika pababa hanggang Africa.

Austro Continent naman ay ang bansang Australia na mas lalo lumaki ang land mass ng matapos ang Great Mana Disaster.

Ang pinaka huli ay ang pinaka mahina at populated na continent ay ang Sea Continent, kung saan majority ng populasyon nito ay mga taong walang Mana.

Sa puntong ito, sa kauna-unahang pagkakataon, sa wakas ay nagka-isa ang Humankind! Maraming mga Hero ang naglipana ang gumuhit sa kasaysayan, isa na rito ang bagitong mag-isang sinakop ang lair ng mga high level Demonic Beast at nilipun niya ito gamit ang kanyang heaven defying powers!

Sabi nila kaya ng Hero na ito na lumipad sa kalangitan at bumaliktad ng karagatan, may witness pa nga na sa isang pitik lamang ng kanyang mga daliri ay gumuho ang kabundukan!? Totoo man o hindi, isa lang masasabi ng mga historian sa kasayasayan, ang bagitong ito ang siyang dahilan kung bakit bumalik ulit sa TOP ng foodchain ang Humankind.

.....

Present day.

Sa isang malawak at masukal na gubat, may misteryosong kapatagan ang nakalatag rito, sa 'di malamang dahilan ay walang puno ang tumutubo rito even though na nasa gitna mismo ito ng kagubatan. Ang bakanteng space na ito ay mahahalintulad sa isang Oasis sa gitna ng disyerto na napaka rare makita o mahanap ng sino man. Pero ang misteryosong kapatagang ito ay hindi isang ordinaryong patag lang, dahil puno ito ng mana na nagbigay buhay sa iba't-ibang uri ng halaman at mga creatures. Ito ay ang Gurando Forest na makikita sa Sea Continent, Philippines. Nasa southern part ito ng Philippines kung saan dati ay tinatawag nila itong Mindanao.

Sa patag na ito, kung saan tirik ang sikat ng araw, may isang teenager na masipag na namimitas ng mga iba't-ibang uri na halaman at halatang hirap na hirap gumalaw sa tuwing yumuyuko dahil balot ng mga pasa ang kanyang katawan.

Ang teenager na ito ay si Rafael, labing tatlong gulang, isang normal human na hindi biniyayaan ng mana o mas kilala sa tawag na 'manaless'. Kakagaling lang niya sa matinding sakuna dahil sa pamumulot niya ng mga herbal plants sa iba't-ibang parte ng gubat, sariwa pa mga sugat nito at halatang hindi manlang ginamot. Dahil sa kagustuhan niyang makakain sila ng kanyang nakakatandang kapatid ng isang handaan ng kanin na kahit isang beses lamang sa isang araw ay binaliwala niya sakit ng katawan at ang mga piligro na nakakabit dito sa Gurando Forest.

Ba't parang ang konti yata ng Tetra Plants dito? Hmm...

Tanong ni Rafael sa kanyang sarili habang naka-kunot ang noo nito ng mapansin na iilan lamang ang mga halaman na nakikita niya sa paligid, last time ng na parito siya ay marami ang mga ito kaso nga lang ay hindi pa pwedeng pitasin dahil sa ito'y maliliit pa at 'di pwedeng gawing Talent Opening Pills para sa mga Mana Cultivator.

Ang Talent Opening Pills ay para sa mga batang biniyayaan ng Mana, sa murang edad, kailangan na nilang uminom ng maraming Talent Opening Pills para mas mapalakas nila ang Spiritual Core ng kanilang katawan. Ayon sa public records, may apat na uri ng Spiritual Core; common grade, rare grade, epic grade at legendary grade. Mas mataas na grade ay mas malaki ang potential ng isang cultivator na lumakas. Sa kasamaang palad, walang mana ang ating bida na si Rafael kaya wala din siyang Spiritual Core.

Baka naunahan nanaman ako ng grupo nila Junjun...

Napa sigh nalang si Rafael ng maisip ang posibleng nangyari.

Habang dismayado sa nangyayari ay may umagaw sa atensyon ni Rafael sa 'di kalayuan.

Ano yun?

May tila bang gumagalaw na kung anong hayop na nakatago sa damo. Nagulantang si Rafael dahil baka isa itong Demonic Beasts!

Sa takot ay halos mapatakbo agad siya ngunit napatigil siya na maramdaman ang pag sakit ng kanyang buong katawan. Sariwa pa ang mga sugat rito na dulot ng kanyang pagka hulog sa bangin dahil sa pangunguha ng herbal plants.

Ughh...

Napaungol si Rafael sa sakit, "Sabi ni Manong Quiloy, safe na safe 'tong forest! Ba't may Demonic Beasts rito?"

Bago siya pumasok sa forest na ito ay required ng mga herb pickers na katulad niya na mag report sa office, ang namamahala sa Herb Gathering office ay si Manong Quiloy. Siya rin ang nagbigay ng suggestion kung saan o safety kukuha ng mga herbs ang mga katulad ni Rafael na walang Mana na tanging trabaho lamang ay mga miscellaneous works.

Iniinda ni Rafael ang sakit ng katawan habang pawis na pawis ang mukha nito, dahan dahan siyang umaatras palayo sa gumagalaw na damo.

Oh?!

Nanlaki ang dalawang mata ni Rafael nang makita ang biglang lumabas sa damuhan. Isa itong halaman na dahan-dahang tumubo, ilang minuto lang ay bumunga na ang mga dahon nito hanggang sa dumarami at walang senyales na huminto sa paglaki.

Natulala si Rafael sa kanyang nakita.

What the hell..

"Panong tutubo ng ganito kabilis ang isang halaman?"

Tsaka nasa mysterious na kapatagan siya kung saan ay walang tumutubo ng kahit anong puno rito kundi tanging mga damo at herbal plants lang. Anong nangyayari rito?

Sa ilang sandali pa ay nakatirik na ang halaman na proud na proud na nakatayo at nakaturo ng diretso ang katawan nito sa kalangitan. Ang dati'y maliit na halaman ay isa na itong ganap na puno. Napakalaki ng Trunk nito na halos bente ka tao ang kakailanganin para tuluyan itong mapalibutan.

Nang makita ni Rafael ang higanteng puno ay napalunok siya ng laway. Dahil sa angking ganda ng puno ay dahan-dahang lumapit si Rafael, tila bang tinatawag siya rito. May sense of safety and warmth ang naramdaman niya kaya hindi siya nag alangan na lumapit rito.

Ano yun!?

Tutok na tutok si Rafael sa bahagi ng trunk ng puno, bukod sa katawan nitong umiilaw na parang punong-puno ng Mana ay may kung anong nakadikit na isang bagay.

I-isang blue card!? Tanong ni Rafael sa kanyang sarili.

Lumapit ng lumapit si Rafael hanggang sa isang metro nalang ang layo niya sa naka dikit na card sa katawan ng puno.

"Ano 'to? Ito ba yung tinatawag na ancient game cards ng mga nasa Old Earth?"

Ang card na nakita ni Rafael ay parang sa Yu-Gi-Oh Cards na tinutukoy sa history books ng pinapasukan niyang paaralan. Dati, bago nagka Great Mana Disaster ay maraming mga laro na pinag kakaabalahan ang mga kabataan noon. Isa sa mga natutunan ni Rafael sa school ay ang mga Game Cards, Internet Games at mga mobile games tulad ng PUBG at Arena of Valor (AoV) na tanging history nalamang para sa kanya at malabo niyang malalaro o masaksihan man lang.

Pero ngayon naka presenta sa kanyang harapan ang posibleng laro na tanging sa libro at guro nalamang niya na nalalaman. Excited si Rafael habang iniisip ang mga games ng nakaraan. Nilapitan niya ito at kinuha ng walang pag dadalawang isip.

Nang pagkabunot niya ng card galing sa loob ng trunk ng puno ay biglang yumanig ang kapaligiran.

Huh... A-anong nangyayari?

Nataranta si Rafael dahil kutob niya ang pagyanig na ito ay may kinalalaman sa kinuha niyang card. Dahil mas lumakas na ang pagyanig, dali-dali niyang ibinalik ang card sa kung saan niya ito kinuha. Ngunit imbes na pumasok sa trunk ang card ay bigla itong naglabas ng nakakasilaw na asul na liwanag.

Habang hawak ang card ay ang isang kamay niya naman ay ginamit niya pang takip sa kanyang mga mata. Dahil talagang sobrang nakakasilaw ang liwanag ng card na para bang mabubulag siya pag hindi siya pumikit.

Habang nakapikit ay mas lalong lumakas ng lumakas ang pag yanig, kasunod nito ang pagbitak ng mga lupa sa kinatatayuan ni Rafael.

Nang ibinuka si Rafael ang kanyang mga mata ay laking gulat niya na naglaho sa kanyang mga kamay ang hawak na card. Bago pa niyang maiisipang maghanap ay napapansin niya ang pag wala ng kulay at pag tamlay ng higanteng puno, tila bang nalalanta ito at dahan-dahang namamatay.

Tumunganga siya pataas, nagulat siya nang makita ang mga higanteng sanga nito ay napuputol at nahuhulog na sa lupa.

"Talagang namamatay na ang puno!? Anong nangyayari!?"

Pero bago pa siya mag alala sa puno ay kailanganin niya munang mag aalala sa kanyang sarili. Dahil sa higanteng punong ito, sanga palamang ay kaya nang pumatay ng Mana Cultivators pag nadaganan. Ano pa kaya si Rafael na walang mana at isa lamang ordinaryong tao?

Run!

Walang na siyang sinayang na sandali si Rafael, kahit nabitawan niya ang dalang bag na may lamang mga herbal plants ay hindi na niya ito nilingon pa. Safety First! Pano pa muling makakuha ng herbal plants kung wala na ang kukuha nito?

Wala nang pakialam si Rafael sa kanyang paligid, ang tanging nasa isipan niya habang tumatakbo ay ang kanyang masakiting ate na naghihintay sa kanya!

Boom! Braag! Buugsh!

Mga sanga at mga kahoy na bumabagsak sa lupa na halos muntikan ng tumama kay Rafael, mabuti nalamang ay maswerte siya nang lahat ng ito ay nasa kanyang likuran lamang nahuhulog at para bang mag-isang umiilag ang kanyang katawan.

Badum. Badum. Badum.

Mga pagtibok ng puso ni Rafael na halos naririnig na niya mismo sa kanyang tenga sa lakas ng kabog nito.

Walang tigil umuulan kay Rafel ang mga higanteng sanga na bahagya lamang niya naiilagan. Sa sobrang laki ng punong ito ay di pa nakakalayo si Rafael sa mismong higanteng katawan nito at nang biglang...

Pak!

Nakaapak ng bato si Rafael at nawalan siya ng balanse sa pagtakbo, natumba siya, dahil sa bilis nang kanyang pagkakatakbo ay gumulong gulong siya sa daan at hanggang bumanga siya sa isa pang malaking bato.

Baam!

Sa lakas ng kanyang pagkabangga ay para siyang mawawalan ng malay at dumoble ang kanyang paningin. Nang matauhan ay tinignan niya agad ang namamatay na puno. Natutumba na ito at ang higanteng katawan nito ay rumaragasa pababa sa kung saan pwesto ni Rafael!

Oh no!

Sa bilis ng pangyayari ay hindi na nakatayo si Rafael, nilakasan nalamang niya ang kanyang loob at napa gitil ng kanyang ngipin. Itinaas niya ang dalawang kamay at itinakip niya ang mga ito sa kanyang ulo hanggang nag mistula siyang isang cocoon.

Ang tanging magagawa niya ay protektahan ang kanyang ulo, di baleng mabalian siya ng mga buto sa katawan basta wag lang mapuruhan ang kritikal na parte ng tao - ulo!

Boom!!

Tuluyang bumagsak ang dati'y napakatikas na puno kay Rafael. Sa lakas ng impact nito, ang wave force ng pagbagsak ay dumaan sa lahat ng direksyon ng forest, kasabay nito ang pagliparan ng mga maliliit na puno sa gilid ng kapatagan. Maririnig rin ang malakas na impact nito sa kalapit na city na malapit sa Gurando Forest.

Oh god.....

Nagdadasal si Rafael habang sinalubong ang pagbagsak ng malaking puno, ipi nanalangin nalamang niya sa may kapal ang kanyang kapalaran nang mapansin niyang tumahimik na ang nag aalburotong puno.

Huh? patay naba ako?

Tanong ni Rafael sa kanyang sarili ng maramdaman niya ang pag init ng kanyang dibdib. Tila bang may warm na tubig na dumadaloy sa buo niyang katawan, kasunod nito ang malamig na enerhiya na nararamdaman niyang pumapasok sa mga pores at butas ng kanyang katawan.

Ibinuka niya ang kanyang mga mata ng makita ang sirang bahagi ng puno sa kanyang katawan, isa itong maliliit na mga parte ng kahoy na parang nagkabitak bitak sa kanyang katawan.

"Anong nangyayari saakin?"

Di maiwasan ni Rafael na magtaka sa kanyang katawan, bukod sa feeling na fresh na fresh siya at umaapaw ang kanyang vitality, ang sirang bahagi ng kahoy sa paligid ay parang intensyon na pinulbos ng di malamang lakas. Tila bang nasira ang malaking puno the moment na tumama ito sa kanya.

Ba't parang nawala ang sakit ng aking katawan?

Tinignan niya agad ang kanyang mga dating sugat sa braso, sa tiyan at pati sa kanyang legs. Halos tumalon palabas ang kanyang mga eyeballs nang makita ang makinis na balat, walang senyales ng mga sugat, kahit peklat ay wala!

Biglang tumibok ang kanyang puso, ang tunong nito ay parang mga thunder na galit na galit sa kalangitan!

Napatalon si Rafael, ramdam niya ang mana na dumadaloy sa buo niyang katawan mula sa kanyang dibdib. Inalis niya agad ang suot na damit at chineck ang kanyang dibdib nang makita ang umiilaw na card sa loob ng kanyang puso!

Oh my god!

Kaya pala naglaho ang card kanina sa kanyang mga kamay dahil actually ay sumanib ito sa kanya at nakapwesto sa dibdib. Ngayon may idea na siya kung bakit bigla nalamang namatay ang malaking puno nang tinanggal niya ito. So ito pala ang source of life ng puno...

"Kung ganon.... I-ibig sabihin ba nito ay may mana na ako??"

Excited na na tanong ni Rafael sa di maka paniwala niyang sarili, randam niya ang weird na Mana na paikot-ikot at nag ci-circulate sa kanyang katawan. Kung sakali man, may pag asa na siyang mai angat ang estado ng buhay nila ng kanyang masakiting ate!

Kung magiging isang Mana Cultivator siya ay makakapasok na siya sa Cultivator Schools na pangarap ng mga katulad niyang ordinaryong citizens.

Itutuloy.