" dumating narin sa wakas!!!" ang album na binili ko hehe, bts album po ito hehe persona at opo army po si oks kaya hello mga co-army mag comment nga kayo at mag pakilala hahaha ay oo nga pala bias ko si V ehehehe KIM TAEHYUNG!!!!!!! Mag u-unboxing si oks!!
Lumalabas yung pagiging fan ko ah? Ahahaha. Bahala nga kayo change topic tayo.
Bagong dating lang po ako galing academy. So heto nanga hindi pa po ako nag papakilala, ako nga pala si Athena Nicole Saavedra, 17 years old at isa po akong cold na nerd, hindi po ba halata? Hahaha madaldal lang po ako saaking isipan kaya ganito ako, kaya po pagpasensyahan niyo na ako.
"Athena anak kain na tayo" sigaw ni mama
"opo ma baba napo" bumaba nako at nakita ko si mama at si papa na nandon na sa hapag kainan,kaya tumabi nako.
" ma may tanong ako? " tumingin naman sila saakin.
"ano yun anak? "
"ma saan niyo po nakuha yung pangalan ko? " wala kasi akong ibang maisip para mabasag yung katahimikan dito at parang na gulat naman sila sa tanong ko, at nagtinginan silang dalawa ni papa
" anak kain muna tayo ha at maguusap tayo mamaya" bakit kinakabahan ako? Iwan ko gutom lang siguro to.
Nag simula na kaming kumain at hmm ang sarap ng luto ni mama.
"anak ngapala kamusta school mo?" hindi siya ok Pa gusto kunang umalis diyan sa swelahang yan.
"hmm... Ok naman po" okay na okay po huhuhu sarap pang bigwasan yung mukha nila.
"sure ka anak" tumango nalang ako at tinapus na ang pagkain ko.
"Ma? Pa? Akyat muna ako" tumango naman sila.
Pumunta muna ako sa kwarto ko at ipinag papatuloy ko yung boy with luv na kanta.
"anak!! Alis muna kami, may emergency kasi sa school, bukas nalang tayo mag usap" hay ungapala headmistress si mama sa school na pinapasokan ko at isang top one naman na teacher ang papa ko, pero walang nakakaalam na anak nila ako.
Sinabihan kuna kasi sila na huwag nilang sabihin na anak nila ako kasi baka makikipag kaibigan lang sila saakin kasi mga magulang ko ay ang headmistress at yung tatay ko naman ay yung teacher namin.
Ayokong makipag kaibigan sa mga fake o plastic na masarap sunogin.
Kaya heto ako binubully ng mga walanghiya kung classmate.
" 'sigh' sana makauwi sila ng maaga" inaantok panaman ako, debali nanga matutulog nalang ako.
At ayun nanga....unting unti nakong nilalamon ng antok.
----------------
Nagising ako ng dahil sa may nag lalaro saking buhok.
"anak gising na" hmm si mama lang pala, kaya binuka ko na yung mga mata ko, at tumingin sa salamin na nasa bed side ko para makita kung may morning stars bako sa mata,pero wala naman.
"anak gabi na kaya bumangon kana para kumain" morning star tas gabi hay nako athena ang bobo mo.
"opo ma susunod nako" salamat at lumabas narin si mama.
"hay nako inaantok parin ako" at humikab. Ang antokin ko talaga.
Bumaba nako para kumain, total na gugutom rin lang naman ako kaya go tayo. Ay oo ngapala isa po akong matakaw na babae katulad ni EatJin yan paborito ko yan.
"anak hali kana, kakain na tayo" umupo naman ako sa sarili kong upuan, oo may sarili kaming upuan may naka pangalan na diyan.
Nagsimula na kaming kumain and i felt an awkward silence ,kaya binasag ko na.
"hmm ma? " napalingon naman sila sakin.
"ano yun anak?"
"ano po bang nangyari sa academy kanina? " wala akong ibang matanong eh hehehe.
"ahh yun bah? May mga istudyante kasing nakikipag away sa kabilang academy kaya ayon sila na detention.
"osya matulog kana para gumising ka nang maaga bukas. Okay? " ito talaga si mama.
"opo ma, matutulog napo ako" hinalikan ko sila mama at papa sa pisngi at pumunta na sa kwarto ko.
Hay nako heto nanamang mata ko inaantok nanaman. Makatulog na ngalang.
And everything went black.