Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Aliza and the white Knight

🇵🇭Daoist491347
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.5k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - chapter 1.

Habang kasarapan ng tulog ni Aliza ay isang lalaki ang tahimik na nagmamasid buhat sa sanga ng isang punong kahoy hindi kalayuan. Sa panginip naman ni Aliza ay isang hardin na punong puno ng iba't ibang uri ng mga bulaklak. At sa hindi kalayuan ay ang isang lalaki ang umagaw ng pansin ni Aliza subalit hindi naman nito makita ang kabuuan ng mukha ng misteryosong lalaki tanging isang matamis na ngiti lamang ang nasulyapan nito. Buhat sa kinatatayuan ng lalaki ay umakmang hahakbang ito palayo. Mr. sandali lang.... sino ka ba? Tanong ni Aliza sa lalaki. Subalit hindi ito umimik at nagpatuloy lang sa pag hakbang palayo. Mr. sandaliiii tawag ni Aliza at duon na ito nagising buhat sa panaginip. Habang nakaupo ay bigla na lang nitong naramdaman na may nagmamasid sa kanya buhat sa kung saan ngunit wala itong makita kahit pa bukas ang street lights sa tabi ng kanilang gate. guni -guni ko lang siguro yun. aniya sa sarili. Sino kaya yung lalaking nasa panaginip ko.? at yung hardin never ko pang nakita sa tanang buhay ko. Hayyysss siguro pagod lang ako dahil sa dami ng ginawa ko maghapon . Makatulog na nga lang ulit. Sabi nito sa sarili sabay taklob ng kumot.

Someone's P.O.V

Sa wakas natagpuan ko din siya. Aniya ng lalaking nagmamasid kanina kay Aliza. Kababalik pa lang nito buhat sa bahay nina Aliza at ngayon nga ay nakaupo at nakangisi. Kumusta naman siya? Tanong ng isa pang lalaki na nakaupo sa sirang hagdanan. mukha namang okay lang siya. Anong mukhang okay lang siya? Hindi mo ba siya kinausap? inis na tanong ni Rio. Siguro kung anu anong kalokohan na naman ang pinag ginawa mo' ano? Hindi ah. sagot naman ni red na nagseryoso na sa pakikipag usap kay Rio. Bakit hindi mo i-try na maghanap ng wala man lang ng kahit na anong impormasyon. Tingnan natin kung magawa mo ang ginawa kong paghahanap sa isang tao na nakilala mo lang sa isang propesiya. Ay ewan ko sayo. tangi na lang nasabi ni Rio sabay alis. Natatawa naman si Red dahil napikon din niya si Rio.