š¶lagi mong tatandaan na pag umibig ang isang lalaki ay handa itong hamakin ang lahat gagawin lahat ng paraan upang makamtan ka at hindi niya kakayanin na ikaw ay mawala sa kanya..š¶
______________________________________________
"mahal im home." matamis na sabi ni Allan na pinakamamahal kong asawa habang itoy pumapasok sa pintuan.
Ako pala si Geraldine, mayroong 30 taong gulang, ang paborito kong pagkain ay sinigang, ako ay nakapagtapos ng Nursing sa Ateneo De Manila University, nakatira kami ngayon sa Batangas, Ang pangalan ng aking asawa ay Allan, ako rin ay may dinadalang sanggol sa aking sinapupuhonan.
"oh mahal, nariyan kana pala, bilisan mo kakain na tayo pinagluto kita ng paborito mong ulam." sabi ni Geraldine habang hawak ang mga ihahaing pagkain sa lamesa.
"ang sweet naman ng mahal ko." sabi muli ni Allan.
" mahal magpalit ka muna ng damit baka magkasakit ka, basang basa pa naman ng pawis yang damit mo, tsaka tatawagin ko narin si lola sa sala." matamis na sabi ni Geraldine.
(PAGKALIPAS NG ILANG MINUTO)
Geraldine's pov
habang kamiy kumakain, masaya kaming nagtatawanan at nagsusubuan ng pagkain ni Allan na aking niluto.
"alam mo mahal, ang sarap ng niluto mo,sana ganito rin kasarap ang mga lulutuhin ng ating anak pag sila ay malalaki na noh?" biro ni Allan.
"syempre manang mana sa akin ang anak natin." sabi ko habang sinusubuan si Allan.
habang sinusubuan ko si Allan
nang bigla ring nagsalita si Lola Rebecca.
"oh mga anak,sana humaba pa ang relasyon ninyong dalawa, at ikaw naman Allan wag na wag mong sasaktan si Geraldine ha?" masayang sabi ni Lola.
" syempre naman po lola, aalagaan ko po si Geraldine, pati narin po ang anak namin ay hinding hindi ko po sila pababayaan lola." mabait naman na sabi ni Allan.
At yun nga ang pangako ni Allan kay lola Rebecca na hinding hindi niya sasaktan si Geraldine.
end of Intoduction