Chereads / ART OF MADNESS (Forsaken Kids) / Chapter 7 - vii. dongfang mafia, we're cumming

Chapter 7 - vii. dongfang mafia, we're cumming

24:09.

January 21, XXXX.

Beijing, China.

Schuster Empire.

Rooftop.

Laurist Schuster.

I WAS SUPPOSED TO BE SITTING ON MY SWIVEL CHAIR, SHOUTING AT MY EMPLOYEES FOR NOT DOING THEIR WORK PROPERLY BUT I AM CURRENTLY STUCK WITH THESE THREE DIMWITS INSIDE MY PRIVATE HELICOPTER.

After they made a ruckus in front of my company, they extorted me some of my expensive equipments. They made me launch my helicopter, made me buy boxes of sanitizers, alcohol, disinfectants, and masks.

Yes. Expensive. Definitely not cheap because all of those were made from the highest quality materials and are only available at those VIPs disposal.

Without briefing us of any plan Ludwig has, we appointed a time. 3:00 am. Sylembourge time.

Exactly 12:03 am, we arrived at the territory of China. We landed at the rooftop of a branch company of Schuster Empire in China. We avoided any problem and restraint with the fact that they are with me. Due to my special status as being one of the pillars in business firms in China, I can also enjoy special privileges like having no constraints in entering the country using my private air vehicles.

Yes. I am rich. Mayaman. Maraming pera. Invincible. Exemption. Special.

They let me enter their country not knowing that we will wreck havoc here any moment as we landed.

"Uhh. . . tama ba 'tong pagsuot ko ng mask?" I turned my gaze towards Couver. He is trying to wear N-100 mask but does not know how to properly wear it.

Such a dimwit.

"The upper lace should be placed below the ear while the lower one should be above the ear," Ludwig explained, assisting Couver in wearing the mask.

Couver requested a dozen box of surgical mask. Dodoblehin niya raw ang susuotin para safe siya pagdating niya ng China. The crossdresser dimwit, being ignorant does not know the existence of the heavenly treasure called N-95, N-99 and N-100 mask, which can filter almost 95, 99 and 100 percent of what can be filtered respectively.

"Ito. Tama na ba 'to?" Couver asked. Ludwig nodded and gave him a thumbs up.

I sneered at them. If only Ludwig did not find out one of the Schuster's greatest secret, I wouldn't be here with these 3 idiots saving the long lost fourth idiot.

It has been fifteen minutes since we've landed here. I was waiting for further instruction from Ludwig but the latter just signalled to whom they call Sin. He nodded and started working on his laptop while the two worked on their outfit.

Crossdresser dimwit did not crossdress this time. He wore a simple fitted turtleneck three-fourths, ponytailed his long bleached hair and pin on two hairpins for his bangs. He has loose hair on both sides and he braided it. Too far from his extravagant dresses. On the other hand, Ludwig is in his usual attire, his brown trench coat.

"Bakit parang ang kaunti ng tao?" Couver asked looking down from the railings. Ludwig first open his canned coffee—he brought along and placed inside the portable refrigerator inside—before walking towards him and I followed suit, leaving Sin with his laptop.

"China is in the state of panic," he gulped a mouthful of coffee before adding "but the media wouldn't dare to broadcast it."

"Bakit may pasok pa rin sa kumpanya mo, Laurist?" Lumingon sa'kin si crossdresser dimwit at tinaasan ko siya ng kilay.

"It was just them overreacting to this issue."

"It caused many deaths already. Is it still them overreacting?" Ludwig asked me looking amused.

"Of course!"

I'm not doing anything against the law, am I? If my business isn't allowed as this time of this crisis, matagal na sanang pinasara ng government.

"Which persona are you using, young master?"

"Teka! Teka! Ano nang pinag-uusapan ninyo?" Couver snapped his fingers and went between us. He looks like he doesn't understand a thing which he usually does.

"Dimwit."

I still want to degrade the crossdresser dimwit when someone behind us fake a cough. We all turn to obviously who was it, Sin. He was pointing at his laptop.

Ludwig's eyes shone, without hiding his excitement he asked "you found something?"

Sin nodded making Ludwig more excited. He ran towards him and Couver followed immediately. While me, I rolled my eyes and unwillingly moved my feet.

Why did I even agree to this? Punyeta!

"What did you get? Can I see?" Ludwig asked.

Iniharap sa amin ni Sin ang bitbit niyang laptop. Kaming tatlo naman ay lumapit doon para mabasa nang maigi.

Nah, I'm not interested with their idiotic farce, I'm just curious. Get it? Curious!

"How despicable," I unknowingly muttured after reading those information that Sin had sorted out.

First was the organizational chart of DongFang Mafia followed by their past crimes. Rape cases, serial killings, kidnapping and name any grave crime you can think, I'm sure it's on the list.

Humans are really fucked up.

"Just like what I thought. Nice! Silver Rogue acting rougish again hahaha," Ludwig laughed as if he had already expected what was written.

Two months ago Silver and DongFang made an agreement. Silver sold the virus, DongFang sold it to the government and now DongFang wants the Silver to come up with an antidote.

"T–teka! Ang China ang may pakana ng pagkalat ng virus? Tama ba?" Couver shouted looking frustrated. His eyes trailed from Ludwig, to Sin and towards me as if waiting for a confirmation. "Pero bakit parang iba ang sabi sa atin ni Nikolas?"

Hearing that Commander's name, I raised an eyebrow. I, too, have forgotten to ask them about the whole story about this rescue operation.

"What did that Nikolas guy told you?"

Crossdresser dimwit adjusted his N-100 mask before replying. "Sabi ni Nikolas, sinisisi ng China ang Silver sa pagpakalat ng virus. Ngayon naman, ang Silver, sinisi kay Wagner-tsun. Kapag hindi raw binigay ng Silver si Wagner, magsisimula ang war sa pagitan ng Sylembourge at China."

Wow! The version had really changed 360 degrees. From, Silver being an entrepreneur to Silver being a patriot—choosing to surrender a comrade for the country.

But what piqued my interest which made me frown too hard was his very statement. Why does it sound like Sylembourge and Silver are allies?

Yes. Allies! Partners. In good terms. Magkakampi. But that was just too far from reality. Kulang na nga lang ipangalandakan mismo ng Silver sa mukha ng Sylembourge Government na sila ang may pakana sa mga hindi nila mabigyang hustisyang krimen.

"How did that happen?" Out of nowhere Ludwig spoke—probably have already notice my confused expression. "Yes, Sylembourge Government and Silver are at odds but that doesn't mean that they can't be civil. Do you think na papayag ang Silver na mapasailalim ng China ang Sylembourge?"

"But aren't they the ones who sold that virus? Why are they even doing that?" I asked. I'm starting to get confused and believed me, I don't want this. Wala dapat akong pakialam! Punyeta!

"I don't know." Ludwig shrugged his shoulder while twirling his canned coffee.

"And how are we supposed to know?"

"Young master, you probably have forgotten who we are?" He took a sip of his vanilla flavored coffee, licked his lower lip then gazed at me grinning. "We aren't detectives to squeeze are brain trying to think of the answers. We are crime enthusiasts, we wreck havoc hahaha!"

"Tama! Ano pang silbi ng blood curse natin kung hindi natin gagamitin!" Couver seconded, he gestured his hand to have a high five with Ludwig and the latter also complied before looking back at Sin

"So dear Sin, locate where that DongFang shits are hiding," he commanded finishing the last drop of his coffee. "Cursed gang, it's time to wreck havoc in China!"

_______________________

Same date.

Same country.

Couver.

"WE HAVE A PROBLEM," deklara ni Ludwig ilang minuto matapos niyang sabihing guguluhin namin ang China.

Anong problema? Hindi mahanap ni Sin-chan ang address nila?

Wala pang tatlong minuto ay na-trace na ni Sin ang headquarters ng DongFang Mafia. 'Di ba ang bilis? Si Sin kasi 'yan, kung gaano kabilis ang kamay ko sa pagnanakaw, ganoon din ang sa kanya pagdating sa pagtitipa.

Kaya hindi iyon ang problema!

Eh ano nga?

"We can't use any vehicle to go there," paglilinaw niya na nakapagpagaan naman ng loob ko.

Akala ko kung anong problema na. Madali lang naman solusyunan iyan!

"Edi lakad na lang tayo," suhestiyon ko na nakaani ng iling mula kay Ludwig.

First time ko kasing makapunta rito sa China. Nagbabakas sakali lang ako kung malilibot namin kahit itong Beiking? Beiming? Beining? Bei— ahh basta capital ng China!

"As much as I want to take a stroll too, hindi pwede at baka mahuli tayo. Kailangan pa nating iligtas si Little Wagner."

"I don't think I can use my influence here," pagsingit ni Laurist.

Isa pa 'tong mayamang maldito na 'to. Kunwari pa kanina na ayaw sumama sa amin pero mukhang mas curious pa sa'kin. Saka hindi ko na sasabihin kung gaano siya kasama. May Covid na nga rito sa China at madami na ang namamatay tapos hindi pa niya pinapatigil itong kumpanya niya.

Pero sabagay, China nga hindi pa nakikialam, sino ba naman ako? HAHAHAHAH

"I've thinking about that too," wika ni Ludwig habang hilut-hilot ang sintido. Marahil ay nag-iisip na ng paraan.

Ako nga rin mag-iisip na rin baka sakaling makatulong kahit papaano.

"Bakit?" Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay bigla ko na lang naramdaman na may kumalabit sa'kin. Nilingon ko si Sin-chan na nag-iisang gagawin iyon.

Ang cute rin ng isang ito, ilang araw na naming kasama pero ni minsan hindi ko pa naririnig ang boses. Ang galing din namin ni Ludwig dahil naiintindihan namin siya kahit turo turo lang ang kanyang ginagawa.

"May naisip ka?" tanong ko na nakakuha ng atensyon nung dalawa.

Tumingin si Sin-chan kay Ludwig saka tumango na naging dahilan para mapalabi ako. Ako ang nagtanong sa kanya sumagot! Hmpk!

"You can take us there?" tanong naman ni Ludwig at syempre, tango pa rin ang sagot ni Sin-chan.

"Eh? Paano?" 

"Punyeta?"

Halos manlaki ang mga mata ko sa pag-amin na iyon ni Sin-chan. Si Laurist naman ay parang nanakawan ng ilang million ang ekspresyon. Gulat na gulat ka ghorl? HAHAHAHA. Ako kasi gulat na gulat ako at hindi makapaniwala. Gusto ko siyang tadtarin ng tanong kaya lang alam ko namang hindi siya sasagot. Aish!

"Your blood curse, right?" tanong ulit ni Ludwig at muli na naman ngang tumango si Sin-chan .

'Yung blood curse naman pala! Ano kayang blood type niya? Mamaya ko na nga lang itatanong kay Ludwig.

"Tara na! Sunduin na natin si Wagner-tsun!" excited na sigaw ko. Sa sobrang excited ko, balak ko nang hilahin 'tong tatlo pababa.

"Let us first clear this building," pag-iinterrupt ni Laurist na nauna nang maglakad sa'min. Wala naman kaming nagawa kung hindi sundan siya.

Umihip pa ang hangin na tila nakakaramdam din sa kagaguhang darating HAHAHAHA. Pati nature wala na yatang tiwala sa amin. Pero ayos lang, wala namang pake 'tong mga kasama ko HAHAHHA.

Nang makapasok kami sa loob nang building ay kaagad kaming iginiya ni Laurist sa isang VIP elevator. Pinindot niya ang button papuntang 5th floor at matiyaga kaming naghintay hanggang sa makarating doon.

"Okay. Okay. No need to greet. Stop dilly dallying and pack your things. But before you go, get your 2 month pay at the HR."

Pagkabukas pa lang ng pintuan ay 'di na ako binigyan ng chance na makapagsalita at purihin ang interior ng building nila. Naglakad na si Laurist habang nagsasalita. Nakatitig naman sa kanya ang mga empleyado niya na tila walang maintindihan sa mundo.

Kung ako sa kanila, kanina pa ako tumayo at pumunta sa HR. Bahala sila baka magbago ang isip ni Laurist. Moody pa naman ang lolo niyo HAHAHAH.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko. Siyempre kahit pa alam kong dapat kumilos na silang lahat, 'di ko pa rin gets kung bakit gagawin ito ni Laurist.

Hello? Pinapasok niya mga empleyado niya kahit may Covid tapos papalayasin niya rin? 'Di ba naman one-fourth na tanga—hehe joke.

"Alibi," sagot niya habang pinapanood ang mga empleyado niya na magmadali sa pagkilos.

Hindi man lang ako nilingon. Hmp! Napakamaldito! Kapag ako nainis dito mag-eeskandalo ulit ako sa harap nang kumpanya niya. Ano kayang magandang disguise ang gamitin? Ah! Magpapanggap akong ni-rape ni Laurist bwahahaha.

"In case the Chinese Government blame us, we can use this alibi," saad ni Laurist na sa wakas ay nakadirekta na sa akin ang tingin ngunit hindi rin iyon nagtagal. Tumalikod na siya at muli na namang dumiretso sa elevator.

Nilingon ko ang dalawa ko pang kasama. So Ludwig ay busy sa pag-appreciate ng interior ng lugar samantalang si Sin-chan ay nakatingin lang sa'kin. Nginitian ko siya saka sumenyas na sundan na ulit 'yung malditong young master.

Ngayon, sa groundfloor naman kami dinala ng elevator. Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ay inilabas ko na rin ang tatlong N-100 mask na nahablot ko kanina.

"Teka, ako lang ang magma-mask?" tanong ko nang makita silang dire-diretsong maglakad.

Binigyan ko nang tingin sina Ludwig, Sin-chan at Laurist. Tinaasan lang ako ng kilay ni Laurist samantalang si Sin-chan, inilahad ang kamay.

"Give me one."

"Ludwig?" baling ko sa kanya pero ang loko, tumawa lang nang mahina.

"No need. I'm fine. Heaven and Hell detest me, anyway."

"Sure ka?" paniniguro ko at tumango lang siya saka bumaling kay Laurist.

"Laurist and I will be in charge of getting the information." Sunod namang niyang tinignan kami ni Sin-chan. "While you, Couver and Sin will find Little Wagner."

"Saan tayo magkikita?" Wow! Parang sure na sure akong magiging successful ito ah HAHAHHA.

"Rooftop."

"Hindi kayo sasabay sa amin?" Wala silang teleportation gaya nang kay Sin-chan. Baka mapano sila.

"Don't worry, young master and I won't die."

Kung nandito si Wagner-tsun, malamang nabatukan na niya si Ludwig. Puro na lang patay, patay, patay ang nasa isip. Ah mali—baka si Wagner-tsun na ang pumatay sa kanya.

"What are we waiting for? The cure?" iritadong ani Laurist. Kahit kailan talaga ang ikli nang pasensya tapos korni pa hmp!

"Before that—let's play a game!" deklara ni Ludwig na nag-twitwinkle twinkle pa ang mata. Napangiti naman ako. Basta kagaguhan, si Ludwig na ang leader kaya alam kong masaya 'tong laro.

"We're in the middle of—" Bago pa man matapos ng KJ ang reklamo niya ay pinutol na iyon ni Ludwig.

"Paramihan ng DongFang lackeys na mapapatumba!" nakangising aniya. Halata sa mga mata niya na hindi na siya makapaghintay.

Ako rin naman eh HAHAHA.

"Tara na!" aya ko kay Sin-chan para i-teleport na kami.

DongFang Mafia, we're cum—coming HAHAHA.