Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ten Days With You

🇵🇭YourHope
--
chs / week
--
NOT RATINGS
5.1k
Views
Synopsis
Fayre Smith, ang babaeng happy go lucky sa lahat ng bagay. Pero ng dahil sa sakit niya ay naapektuhan ang mga taong nakapaligid sa kaniya. Lalong lalo na ang fiance niya. Sa sampung araw na nalalabi kay Fayre ay kaya niya bang iwanan ang mga taong mahal na mahal niya lalo na ang fiance niya.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Synopsis

Fayre POV

"Tapos na rin sa wakas!" sigaw ko sa aking sarili pagkatapos maisaayos at maihanda ang lahat. Napangiti na lamang ako dahil naging maganda ang kinalabasan para sa gagawin kong surprise para sa aking fiance. Inayos ko ang lamesa at hinugasan na ang pinaggamitan ko kanina sa pagluluto pagkatapos ay nilabas ko ang cake sa refrigerator para dadalhin ko nalang mamaya pagkapasok niya sa loob ng condominium.

Napaupo ako bigla nang kumirot ang dibdib ko kaya huminga ako nang ilang beses para gumaan at guminhawa ang paghinga ko. Napahawak ako sa puso ko pagkatapos non, "Not now fayre, not now," sambit ko sa aking sarili at napatingin agad sa cellphone ko nang tumunog ito. Napatayo at napaayos ako bigla nang malaman kong papunta na dito ang fiance ko. Kaya kinuha ko ang cake at pinatay ang ilaw. Minutes passed when the door of the condominium open kaya napahigpit ako sa pagkakahawak ko sa cake.

"Bakit patay ang ilaw? i thought my fayre is here," my fiance said kaya kinilig ako sa huli niyang sinabi. Pagkabukas ng ilaw ay agad akong sumigaw habang hawak hawak ang cake na para sa kaniya.

"Happy birthday Asher!" nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha niya nang makita niya ako naglaon ay napalitan ito nang matamis na ngiti.

"Damn, i thought you're not here," sabi niya nang lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. "And you have a surprise for me ha? Thank you, Love," he said and this time around he kiss me on my lips.

"I hope you like my surprise for you, Happy birthday again, Love," sabi ko at niyakap siya.

"Ito na ang pinaka the best na birthday sa akin, because you are here by my side, Love. i love you," sabi ni Asher kaya bumitaw ako sa yakap niya at hinigit na siya papunta sa lamesa para kainin ang niluto ko.

Natawa pa siya nang makita niya ang mga pagkain dahil ang mga niluto ko ay ang mga paborito niya. Hinigit niya ang isang upuan para paupuin ako.

Nang makaupo na kami ay pinagsandok ko siya nang kanin at ulam na agad naman niyang tinikman, hinintay ko ang magiging reaksyon niya sa ginawa ko.

"Wow! wala paring pinagbago ang luto nang magiging misis ko," pambobola niya kaya natawa naman ako.

"Sus, baka mamaya may babae ka na pala," pagbibiro ko sa kaniya dahilan para sumeryoso siya.

"Wala akong magiging ibang babae, ikaw ang una at magiging huli ko, Fayre," sabi niya kaya imbes na kiligin ay nanikip bigla ang dibdib ko dahilan para mamutla ako kaya agad itong napansin ni Asher.

"Love, are you okay? May nararamdaman ka bang hindi maganda?" pagtatanong niya sa akin kaya agad akong umiling at ngumiti nang pilit kahit nahihirapan akong huminga.

"Baka napagod lang ako," sabi ko at lumambot naman ang ekspresyon niya.

"Dapat umorder nalang tayo, tignan mo napagod ka pa," sabi niya kaya ngumiti nalang ako at hinawakan ang kamay niya.

"No, gusto kong ako ang maghahanda para sayo."

Pagkatapos naming kumain ay tumayo si Asher at nagpatugtog, natawa pa ako nang ilahad niya ang kamay niya sa akin kaya tinanggap ko ito at dahan dahang sumayaw. Pinagdikit ko ang noo namin at pinikit ang mata ko.

I found a love for me

Darling just dive right in

And follow my lead

Well I found a girl beautiful and sweet

I never knew you were the someone waiting for me

'Cause we were just kids when we fell in love

Napangiti nalang ako nang kumanta na si Asher, napakalamig ng boses nito tila ba ay gusto kang patulugin.

Not knowing what it was

I will not give you up this time

But darling, just kiss me slow, your heart is all I own

And in your eyes you're holding mine

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath

But you heard it, darling, you look perfect tonight

Sa huling linya nang kanta niya ay tumingin siya sa akin ng deretso at ngumiti, natunaw ang puso ko sa naging kilos niya pero napatigil nalang ako nang biglang nanikip ang dibdib ko, narinig ko pa ang kaniyang pagtatanong.

"Love, anong nangyayari sayo? damn tell me!" hindi ko na siya nasagot dahil bigla nalang nandilim ang paningin ko.

Asher POV

Bigla nalang akong natulala nang masambot ko si Fayre na namumutla na, kaya agad akong tumayo at lumabas sa condominium ko para isugod na siya hospital. Nanginginig pa ako sa pagdadrive dahil kay Fayre na grabe na ang kaputlaan pagdating ko ay napasigaw na agad ako sa mga doctor at nurse na narito sa hospital.

"Emergency! my fiance need a emergency right now!" sigaw ko pagpasok kaya tumakbo sa akin ang ilang nurse na may dala nang stretcher at nilagay ko si Fayre na sinugod agad nila sa Emergency room. kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang mga magulang ni Fayre at sinabihang sinugod ko sa hospital ang fiance ko.

Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating na ang mga magulang niya na agad namang nagtanong kung ano ang nangyari.

"Bigla nalang po siyang napahawak sa dibdib niya at namutla pagkatapos po ay bigla nalang siya nawalan ng malay. May sakit po ba ang fiance ko?" pagtatanong ko sa magulang niya kaya nagkatinginan ito at ng sasagot na sila ay siya namang paglabas ng doktor na tumingin kay Fayre.

"Kayo ba ang pamilya nang pasiyente?" tanong ng doktor sa amin kaya tumango kami.

"Ano pong lagay niya ngayon?" pagtatanong ko kaya kitang kita ko pang ang pagaalinlangan niya sa pagsagot.

"Alam niyo namang pinakadelikado ang sakit ng anak niyo Mr and Mrs. Smith," sabi nang doktor kay tito at tita kaya nagtaka ako.

"Teka, teka, hindi ko kayo maintindihan ano po bang sakit ng fiance ko?" pagtatanong ko sa kanila kaya napaharap sa akin ang doktor.

"Mr. Lopez, ang fiance mo ay may sakit na Ang pagpalya ng puso o panghihina ng puso sa english ay heart failure. Ang fiance mo ay unti unti nang nanghihina at hindi ako makakapagsabi kung kailan tuluyang susuko ang puso niya" sabi nang doktor dahilan para matulala ako sa mga narinig ko.

Dahan dahan akong napaupo at napayuko. hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. I can't lose my Fayre.