Chereads / Lavish Love / Chapter 1 - Lavish #1 **AYA'S POINT OF VIEW**

Lavish Love

🇵🇭Kaye_Meyer
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Lavish #1 **AYA'S POINT OF VIEW**

"Ma! Alis na po ako!" Excited kong paalam kay mama.

"Sige 'nak! Mag-iingat ha? Wag masyadong magpakagabi!" Sumilip si mama mula sa kusina at kumaway sa akin.

"Opo!"

Masaya akong lumapit sa pinto at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang mapang-asar na pagmumukha ni Nisha.

"Pupuntahan mo na naman jowa mo!"

"Eh ano naman? Birthday niya kaya nung isang araw. Time and effort is the best gift you can give to the person you love kaya!"

"At babyahe ka pa papuntang Pampanga? Wow! Ang mahal mo magmahal ah!"

"Bitter ka lang!"

"Oy hindi 'no! May ka-MU ako! Duh!"

Tumawa na lang ako. Wala pa yatang message 'yong isang 'yon.  Bakit kaya?

Gising na kaya 'yon? Nakalimutan niya bang pupunta ako ng Pampanga? Babyahe na ba ako?

Hay naku naman!

Nag-send muna ako ng SMS sa kanya kung gising na ba siya. Kasi kung hindi siya magrereply, di muna ako tutuloy. Ayokong mapunta sa wala ang effort ko.

At dahil gising na siya, nagpaalam na ulit ako kay mama at Nisha.

"Bye po Mama! Bye pangets!" Sigaw ko nang nakangiti.

"Bye lavish lover! Lavish-lavish magmahal!" At tumawa ang panget kong kapatid.

Umalis na ako ng bahay. Masaya akong sumakay ng bus. Excited na akong makita siya.

Nang simulang umandar ang bus, nag-pout ako. Bakit wala pa siyang text or chat? Alam naman niyang ngayon ang punta ko roon.

Umiling-iling ako. Baka naman busy lang yung tao.

Bakit parang di siya excited?

Hay naku naman Aya! Itigil mo na kasi 'yang mga iniisip mo! Kaloka ka! Medyo matagal-tagal din ang byahe. Mga 2 hours.

Nagtext ako sa kanya ng 11:13am pero wala pa ring reply. Ano ba? Tutuloy pa ba ako? Ako lang ba excited sa aming dalawa? Wala naman yata siyang paki.

Medyo bumigat pakiramdam ko. Bakit naman ganito? Bakit feeling ko may mali?

11:31am nagtext ulit ako sa kanya na nasa Guagua na ako.

Wala pa ring reply.

Balik na kaya ako ng bahay? Wala naman yatang pakialam 'tong pupuntahan kong tao. Dati-rati naman excited siyang makita ako. Tawag ng tawag habang nasa bus ako. Di makapaghintay dahil gusto na niya akong makita. Maagang naghihintay sa terminal tapos pagbaba ko ng bus bigla akong yayakapin.

Ganoon siguro talaga 'pag nasasanay na sa'yo 'yong tao. Wala ng excitement.

11:43 nagtext ako sa kanya na nasa San Fernando na ako. Nandito na ako sa bus terminal.

Subukan talaga niyang 'wag magreply. Uuwi na talaga ako kahit kabababa ko lang dito sa Pampanga.

"Oww sorry loves ngayon ko lang nabasa"

11:46am

Tokneneng yung sorry. Rumurupok na naman ako. Mygallllliiii!

Nagreply ako sa kanya ng okay lang. Kakain muna ako at gutom na gutom na ako.

Di na siya nagreply sa mga sumunod kong message.

Damn. I feel so unimportant. Parang pinipilit ko lang yung sarili ko sa kanya.

Ayoko ng ganito. Parang di niya na-appreciate yung pag punta ko rito.

30 minutes has passed. Tapos na akong kumain at hinihintay ko na lang talaga siyang dumating.

Ang tagal. Sirang-sira na mood ko. Parang feeling ko ayaw talaga niya.

Pero tinanong ko naman siya kahapon kung tutuloy ba ako o hindi dahil pagod siya tapos nagreply ba naman ng "ikaw yung pahinga ko, kaya magkikita tayo"

Tapos ako na naman 'tong marupok! Bigay na bigay ang lola niyo!

Nasaan na ba 'yon? Uuwi na talaga ako. Naiinis na ako ha.

"Loves!"

Liningon ko siya. At napangiti ako.  Ang rupok mo Aya! Nyemas ka!

Naka-white shirt siya ngayon at pants pero ang gulo naman ng buhok.

Parang...medyo wasted siya?

At...di niya yata ako niyakap ngayon?

Potek! Overthinker lang ba ako?

Sumakay na kami ng jeep papuntang SM Pampanga. At halos nakatulala lang siya buong byahe.

May problema talaga.

Nanood kami ng movie. Even though nakayakap siya sa akin. Ramdam ko talagang may problema. Di siya makulit ngayon eh.

Nang matapos na yung movie, tumayo na ako nang bigla niya akong hinila at niyakap. Hinalikan niya rin ako sa noo at pinulupot niya yung kamay niya sa bewang ko habang palabas kami ng cinema.

At dahil mahilig siya sa milktea, dumaan muna kami sa isang milktea shop sa loob ng SM.

Magkaharap kaming umiinom ng milktea. Ang kaunti nang pag-uusap namin. May dead air. Parang puyat siya na hindi ko maintindihan. Tapos maya't maya pa ang pagbuntong-hininga niya.

"Ano bang problema?" Tanong ko. Umiling-iling siya at sinabing wala.

"Labas muna tayo? Doon tayo sa SkyRanch"

Lumabas naman kami at umupo sa may medyo pabilog na area na maraming upuan.

Ang lungkot niya talaga.

"Ano ba kasing problema?" Muli kong tanong.

Malungkot siyang umiling.

Naiirita na ako ha! Iiling-iling siya kahit alam ko namang meron. Kanina pa ako nagtatanong kung may problema. Wala naman siya ng wala.

"Loves..." Tawag niya.

"Po?"

"Selfish ba ako?"

"Huh? Bakit naman?"

"Wala...nevermind"

And there is a cold silence again.

Yumakap siya sa akin. At dahil nasa tabi ko lang yung milktea ko, nabangga niya iyon at natapon pero wala siyang pakialam.

"Ano ba kasing problema?"

Di na naman siya sumagot. Katahimikan ulit.

"Loves..." tawag niya na naman.

"Namadali ba kita?"

"Saan?"

"Sa pagiging tayo"

"Di naman. Bakit?"

"Wala...wala naman" At bumuntong hininga na naman siya.

"Kamusta na kayo ni Akira?" Tanong ko. Pinagseselosan ko kasi 'yon.

"Ayos lang. Di na kami gaanong nagkakausap"

"Alam mo...sabi ko naman sa'yo kaunting distansya lang. Ayoko namang layuan mo si Akira kasi bago pa man din maging tayo kaibigan mo na siya"

"Yeah"

Di na siya nagsalita pagkatapos noon.

"Ano bang problema mo?" At sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, tinanong ko na naman siya ng ganun.

Akala ko pa naman magiging masaya ang araw ko ngayon. Di naman pala. Pinipilit kong i-lift up yung mood pero di ko kaya ng ako lang. Sayang lahat. Sayang yung oras. Sayang yung effort.

Nang hindi siya sumagot, tumayo na ako at naglakad palayo sa kanya. Naiinis na ako. Naiirita na ako.

Ramdam kong sumunod siya sa akin hanggang sa makapasok ako pabalik ng SM. Nahabol niya ako at hinawakan niya ako sa bewang habang naglalakad. Pilit ko namang tinatanggal 'yon dahil naiinis na ako sa kanya. Pagkatapos kong tanggalin, ibabalik niya ulit.

"Mag-c-CR lang ako" sabi ko sa kanya at dumiretso ako ng Women's Washroom.

Umihi muna ako saka nagsalamin.

Naiinis ako na nalulungkot. Parang pakiramdam ko kasi wala akong kwentang girlfriend. May problema siya pero wala akong magawa para matulungan siya. Di ko naman kasi alam kung ano 'yon.

Gusto ko siyang takasan. Ayaw ko na siyang makita muna. Nasasaktan ako.

Halos 10 minutes na akong nasa loob ng washroom. Wala na sana akong balak na magpakita sa kanya kundi ko lang nakita sa salamin na sumilip na siya sa Women's Washroom.

Lumabas na ako pero di pa rin kami nag-uusap habang naghahanap ng exit.

"Saan ba yung exit na lalabas sa mga jeep?" Casual kong tanong kahit may problema kami.

"Uhmmm...di ko rin alam"

Parehas kaming natawa nang kaunti. Nakakapagod maglakad sa totoo lang. Ang haba-haba at ang lawak-lawak ng SM Pampanga.

~♡~

"Para po!"

Bumaba na kami sa intersection at dito ang hintayan ng bus na sasakyan ko pauwi. Hanggang sa mga oras na 'to, hinihintay kong sabihin niya yung problema. Pero wala pa rin kaya di ko na lang siya pinansin.

Nauna na akong maglakad. I'm tired. Emotionally.

Bigla niya akong hinatak at niyakap.

Nasa kalsada kami! Tokneneng 'to!

Pagkatapos niya akong yakapin ay humiwalay din siya. Pilit niya akong pinapatingin sa kanya pero hindi ako tumitingin.

"Loves..."

Di pa rin ako tumitingin sa kanya. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Bakit feeling ko makikipaghiwalay na siya? Bakit ganito? Bakit ang sakit?

Natatakot ako. Natatakot akong matatapos ang araw na ito ng ganun.

He hugged me from the back kahit maraming tao.

"Sorry..." Narinig kong sabi niya.

May kinalaman ba 'to kay Akira? Bakit ang lakas ng pakiramdam ko na ganoon nga? Bakit ayaw niyang sabihin?

Pinipigilan ko yung luha ko.

"Loves...sorry"

Shit naman. Tokwa. Parang maghihiwalay na yata kami.

"Pasabi kay mama...sorry"

Pinagtitinginan na kami ng mga taong dumaraan.

Sabihin mo na kasi...sabihin mo na yung problema please.

Halos 30 minutes siyang nakayakap sa akin ng ganun. Ilang bus na pa-Olongapo na ang nakalagpas.

Nang may dumaan na ulit na bus, tinanggal ko na yung pagkakayakap niya sa akin.  Inabot ko sa kanya yung regalo ko.

Hinawakan niya yung kamay ko para pigilan akong makaakyat ng bus pero kinalag ko iyon. Di ako lumingon sa kanya. Dumiretso na akong pumasok sa bus.

Wala na. Di niya na talaga nasabi.  Di niya talaga sinabi.

Pagkaupong-pagkaupo ko ay tumulo ang luha ko.

Takte. Ang sakit naman.

Patuloy na tumutulo yung luha ko habang nasa bus ako at nakatingin sa bintana. Ramdam ko naman. Ramdam ko naman na gusto niya nang makipaghiwalay. Di niya lang masabi kaya puro sorry ang sinasabi niya.

Sana di na lang kita nakilala para hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.