Chereads / Perhaps It's You / Chapter 1 - PROLOGUE

Perhaps It's You

🇵🇭allyaplace
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGUE

"PAPA! 'Pa! "

Tila sinasaksak ng libo-libong kutsilyo ang puso ng dalagita.

Mas mahigit pa yata sa pagluluksa ang kaniyang nararamdaman ngayong isang malamig na bangkay na lamang ang katawan ng kaniyang papa. Tinatakpan na lamang ito ng puting kumot habang buhat-buhat ng ilang mga kalalakihan.

Dagli niyang nilapitan ang doktor na kalalabas lamang mula sa Emergency Room ng ospital na iyon.

"Doc, how was Toffer???"

Luhaan man ay pilit pa rin niyang itinanong ang kalagayan din ng kaniyang kaibigan, kahit alam na niya ang magiging kasagutan batay sa ekspresyon ng mukha ng doktor

Hindi pa man nagsasalita ang doktor ay lalo siyang napahagulgol.

"No way... this can't be happening! " nawawalan na siya ng tinig.

Wala na rin ang kaniyang kaibigan.

She felt like she's having a nightmare.

Pakiramdam niya'y wala na rin siyang pag-asang mabuhay pa. Wala na ang mahahalagang tao sa buhay niya– mga taong naging inspirasyon niya upang mabuhay sa mundong ito.

Everything in her surrounding slowed down. Her sight is getting blurry. Iniisip pa lamang niya ang lahat ng masasayang alaala ay napakasakit na para sa kaniya.

Parang ibig niyang magising. Gisingin ang sarili mula sa isang masamang panaginip!

"2 katao ang nasawi sa pagkahulog sa bangin ng isang kotse nitong alas dyes lamang ng umaga. Kinilala ang driver ng kotse na si Atty. Gonzales at ang sakay nitong binatilyo na si Toffer Moriano. Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng pulisya ang nangyaring aksidente."