"white rose and blue lily LOVE STORY "
"RAV AOI RUZO (BLUE ROSE) HINRICH
NEKAH SHIROI LILIUM(WHITE LILY) YAMAGUCHI "
Noong una tayong magkita biglang tumigil ang mundo ko.
Na sayo na ang lahat ng katangiang hinahanap ko sa isang lalaki.
Mabait ka , Maginoo , Mapagmahal , Mayaman , May hitsura in short gwapo ka.
Kaya siguro humanga ako ng subra sayo hanggang sa di ko namalayan na nahulog na pala ang puso ko sayo.
Nagtapat ako ng damdamin sayo sa pag aakalang mahal mo rin ako.
Minahal kita ng subra higit pa sa sarili ko .
Akala ko mamahalin mo din ako .
Akala ko pareho tayo ng nararamdaman para sa isat-isa .
Pero mali pala ako puro akala lang pala yon di mo pala kayang mahalin ako pabalik.
Subrang nasaktan ako sa sinabi mong hanggang sa pagkakabigan lang ang kaya mong ibigay.
Akala ko kaya kong tanggapin pero di pala.
Di pala ganon kadaling kalimutan ang nararamdaman ko para sayo.
Pinipilit kong bumalik sa dati ngunit di pala ganon ka dali .
Sa tuwing nakikita kitang may kasamang iba di ko pala kaya.
Minsan tinatanong ko sa sarili , ano bang meron sya na wala ako?
Pinilit kong maging masaya para sayo pero di ko pala kayang dayain ang nararamdaman ng puso ko.
Dumating na ako sa puntong nakikipagdate ako sa iba para lang makalimot.
Ngunit hindi parin yon sapat.
Iilang beses ko ng sinubukang aliwin at ibaling sa iba ang attention ko.
Pero di parin, ikaw parin ang laman nitong puso at isip ko.
Sabi nga ng mga kaibigan ko matalino akong tao ngunit pagdating sayo na giging bobo ako.
Halos gabi-gabi akong umiiyak hiniling at pinagdarasal na sana akin ka nalang na sana ako nalang ang mahalin mo.
Pero lahat ng yon may hangganan .
Di ko na malayang napapagod na pala akong palagi kang hinahabol at mamalimos ng kaunting pagtingin mula sayo.
Napagtanto kong masyado na pala akong maraming nasayang na oras at panahon .
At sa wakas natauhan din ako at ipinapangako ko sa sarili kong pagdumating ang araw na magmamahal akong muli ay hindi na ako ang maghahabol at magpapakatanga sa iba.
Pero sana pag nagkita tayong muli sana walang magbabago ako parin ang girl bestfriend mo at ikaw parin ang boy bestfriend ko.
_White Lily♡
________________________________
Pumatak ang luha sa mga mata ni Rav matapos niyang basahin ang sulat mula kay Nekah. Hindi niya inakalang subrang nasaktan niya pala ang matalik na kaibigan mula nong tanggihan niya ang nararamdaman nito para sa kanya. Hindi niya inakalang sa likod ng masayahin nitong mukha ay ang katutuhanang tinitiis nito ang sakit na siya mismo ang may gawa.
Nekah is her girl bestfriend simula noong elementary hanggang college . Magkaibigan kasi ang kanilang mga magulang kaya noong makilala niya si nekah ay magaan ang loob niya sa dalaga naging magkaibigan hanggang sa naging bestfriend niya ito.
Ngunit noong araw ng graduation na nila sa college ay hindi niya inaasahang magtatapat ito ng nararamdaman para sa kanya hindi siya naniwala dito ang akala niya ay joke o biro lang ang sinabi ng bestfriend niya bukod kasi sa masayahin si nekah ay mahilig din itong magbiro .
Flashback ________________________________
" Congratulations sating dalawa Nekah sa wakas nakapagtapos din ." sabi ni Rav kay nekah habang yakap niya ito ng mahigpit.
"Haha oo nga eh sa wakas nakapagraduate ka rin ." tawa nito habang nang aasar.
" Oo na ikaw na matalino magna cum laude eh alam mo naman diko yon abot ano! alam mo naman pinanganak akong hindi kasing talino mo."sabi naman niya habang kinukurot ang pisngi ni nekah.
Nakatulala lang ang magandang mukha ni nekah dahil sa subrang lapit ng mukha ni Rav sa kanya at lalo pa itong namula dahil sa biglang paghalik ni zach sa kanyang noo.
"NEKAH SHIROI LILIUM alam mo kong gaano ka kahalaga sakin." sabi ni rav habang nginingitian ito.
"Mahalaga ka rin sakin rav at alam mo naman diba na mahal na mahal kita noon paman."tugon nito habang nakahilig ang ulo nito sa dibdib niya.
"Haha oo naman ako mahal na mahal din kita nekah, Mahal kita bilang kaibigan."sabi niya rito habang hinahaplos ang pisngi nito pinahid niya ang luha sa gilid ng mata nito.
"Rav , sige uuwi na ako baka hinahanap na ako sa bahay." paalam nito habang nagpapahid ng luha at nagmamadaling umalis ni hindi nga siya nilingon nong tawagin niya ito.