Chereads / Kontrabida sa Nobela / Chapter 2 - 2

Chapter 2 - 2

Handa na si Nick sa sasabihin nya kay Apple, na hindi nito mababago ng pagkalunod nya ang nararamdaman nya sa kaibigan nilang si Natasha. Tumawag sa kanya ang Doktor na gising na ang pasyente kaya't dali dali itong lumabas ng opisina hanggang makasakay sa sariling sasakyan.Malinis at masculine, ang dating ng opisina at sasakyan nito. Mula sa gray, black and white na kagamitan, at walang driver or bodyguard na katabi, masasabi mong mukhang private life ang gusto ng taong ito. Ganunpaman, bukod sa mga desperadang babaeng katulad ni Apple ang may lakas ng loob na lumapit sakanya dahil sa cold awra nito. Nagiging warm lang ito sa kanyang bunsong kapatid at sa nililigawan nitong babae. Plano nilang magkita sa isang pribadong resort dahil ibibigay na ni Natasha ang pinakahihintay na sagot nito, sa kasamaang palad ay nasundan nanaman sila nito ni Apple. Ilang beses na nya ginawa ito sa kanila, para syang linta na hindi maalis alis sa katawan nya. Kung hindi lang dahil sa pagkakaibigan nila noon ay matagal na nya itong pinagtulakan at baka nasaktan nya pa ito. Nagtitimpi lamang ito dahil kaibigan nya si Natasha.

Alam ni Nick na paraan lamang ni Apple nito para hadlangan nanaman ni Apple ang date nila pero dahil buhay na ang pinaguusapan ay sagad na ang pasensya nito sa kanya. Sasabihin nito sakanya na mula ngayon, ay wala na itong pakialam sakanya kung mamatay man ito o hindi.

Pagdating nito sa parking lot ay hindi na nag aksaya pa ng oras si Nick at agad na nagtungo sa ward ni Apple.

"Mahal kita Dok, magpakasal na tayo."

Nahulog ang records na hawak ng Doktor sa sahig kasabay ng pagbukas ni Nick sa pinto at pumasok sa kwarto nito.

Narinig ni Nick ang sinabi ni Apple sa Doktor ngunit hindi mawari nito kung bakit.

Napatingin si Apple sa lalaking kakapasok lamang. 'Isa pang oppa' sabi nito sa isip.

"Nick." tawag ng Doktor sa lalaking kakapasok lang. May pamumula ito ng bahagya dahil sa magkahalong gulat at hiya. Halatang ngayon lamang ito nakatanggap ng confession.

Bumalik sa diwa sa Nick at hinarap si Apple. "Tama kana Apple!" sabay duro nito sakanya, " ito na ang huling pagkakataon na kakausapin kita, sa susunod na sundan mo parin kami ni Natasha, ipakukulong na kita! at wala na akong paki kung sa susunod ay malunod kana ng tuluyan!"

"Huh?" nagtataka si Apple dahil pamilyar ang mga salitang sinabi ng lalaki sa kanya. 'Natasha?' 'Nick' 'Apple?' Naalala nya ang nobelang binasa nya kahapon sa trabaho bago ito magising sa pool. Para makasigurado ay nagmasid ito sa paligid, natatandaan pa nya ang mga katagang, "mamahaling ospital" "Plorerang babasagin" "Pribadong kwarto" "may sariling mini kitchen." sa bawat salitang binabanggit nito galing sa nabasa nyang nobela ay napapatingin ito sa paligid at tama ang kutob nya. Nakapunta sya sa loob ng isang Nobela!

"Nick Tamayo?" tanong nito sa lalaking nagsisisigaw.

Lumapit si Nick kay Apple at hinawakan nya ito sa pisngi ng may kaunting pwersa para matakot at ma turn off narin ito sa kanya. "Tandaan mo to. Hindi kita mahal at lalong hindi kita magugustuhan!" panggigil nito habang naaalala ang pagsira nito sa gabing pinakahihintay nya.

"Agh. Sandali." Nasasaktan ito sa paghawak ni Nick sa kanyang pisngi.

"Tigilan mona kami!? ha?!" tanong ni Nick habang humihigpit ang hawak nito sa mukha ni Apple at tinititigan ng masama habang naghihintay ng magandang sagot mula sakanya.

"Aray!!! Sandali sabi e!" sabay tulak nya sa lalaki dahil sa inis binalikan nya ito at hinila ang mga buhok nito at nakipagsabunutan.

"Akala mo ba hindi masakit!? Wala kabang magulang?!" panggigil nito.

Nagulat ang Doktor sa naging behavior ni Apple, kilala si Nick sa ospital dahil apo ito ng may ari at alam ng lahat na may isang babaeng obsessed dito at walang iba kundi si Apple Dimacali, na mayamang spoiledbrat sa pamilya na nagmamay ari naman ng ilang maliliit na mall sa lugar nila.

"Nasisiraan kana!" tinulak ni Nick si Apple at sawakas ay nahiwalay silang dalawa.

"Tse! to tatandaan mo Nick Tamayo! Kung ikaw nalang din, I'll touch myself nalang!" Sigaw nito at tumalikod patungo sa table kung nasaan ang phone nito at bag. Mukha naman sakanya gamit yon dahil nabubuksan nya kaya hinablot nya ito at mag wa-walk out na sana.

"Wait! Miss Apple!" habol ng Doktor sakanya.

Napatigil at lumingon si Apple sa poging Doktor.

"Ah.. e.. thats my bag." kibit balikat na sabi nito.

Napakunot noo si Apple at tinignan ang pambabaeng bag na hawak nito kasunod na tinignan ang Doktor mula mukha hanggang balakang nito.

"Ah naiwan ko kagabi uuwi na sana kase diba?" pag ikot ng mata nito at tumingin kay Nick, ang may kasalanan ng lahat.

Nanginginig sa buong katawan na iniabot ni Apple ang bag sa Doktor. Tinignan nya ang dalawa mula ulo hanggang paa bago tumuloy na mag walk out sa ospital.

"Hays. What happen to her?" tanong ni Nick sa Doktor habang tinitignan sa braso ang mga kalmot ni Apple sa kanya, damang dama parin nito ang kirot sa paghila nito sa buhok nya sa anit nya.

"She's crazy." sagot ng Bi na Doktor.

Sa harapan ng Ospital, "Omg, saan ba ko nakatira nito?" tumitingin tingin ito sa paligid na maraming taxi at sasakyan na dumadaan, walang bus o jeep o angkas motor sa gilid. "Pano na to?" nagsimula ng mangamba si Apple dahil kahit alam nyang mayaman ito eh hindi naman nya alam kung saan nakatira. "Kalma ka lang muna Apple." umupo muna ito sa hagdanan sa harapan ng ospital. Napansin nito ang phone nya at kinalkal, napansin nya ang SCash nito at binuksan kung may laman. Nagulat ito at napatayo ng makita laman ng Scash nya, "one.. two. three four five six digit!!" sigaw nito nagulat ang mga dumadaan ngunit pagkatapos syang tignan ay bigla silang yumuyuko at naglalakad ng patakbo na parang nakakita ng multo.

"Nabaliw na yata yung babae." bulong ng isang dumadaan sa kasama nitong nurse.

"Yan yung baliwa sa pag ibig kay Sir Nick. " sagot naman nung isa pabulonh din.

Napatingin si Apple sakanila at bigla silang nagsitakbo, "It's fine, it's fine, haters are also fans." halatang good mood ito dahil sa nakitang laman ng Scash nya, nakita nya ang isang hotel gilid ng katapat ng ospital at nagtungo doon. Mukhang mahal pero okay lang kahit isang beses man lang sa buhay nya makapag check in sya sa mamahaling hotel at sana makakain sa mamahaling restaurant. "Kontrabida sa Nobela? hah! e ano naman?!" pag ngiti nito.