Matulin akong tumatakbo sa kahabaan ng isang napakadilim na lugar na walang hangganan. Wala ako makita, wala rin akong mahawakan. Kailangan hindi ako tumigil sa pagtakbo, dahil sa mga yabag na humahabol sa akin sa metal na sahig na tinakbuhan namin. Kumakabog ang aking dibdib dahil nararamdaman kong marami sila. "Hindi mo matatakasan ang kamatayan!" sabay-sabay nilang sigaw sa akin. Kumakalat ang kanilang sigaw sa bawat espasyo ng dilim. Pero bakit? Ano ang ginawa ko sa kanila? Bakit nila ginagawa ito? Teka, may nakikita akong puting liwanag sa pinakadulo ng kadiliman na ito. Para itong isang nakabukas na pintuan at daanan patungo sa isang bagong dimensyon na kailangan kong mapuntahan. Kailangan kong makalapit, kailangan ko itong buksan. Ito lang ang aking pag-asa upang ako ay makatakas sa kanila. Kaso, may kumapit sa aking braso, kamay at balikat hanggang hindi na ako makakibo. Hinihila nila ako pabalik sa kadiliman at wala akong magawa. "Huwag! Pakawalan niyo ko!" sigaw ko.
"Leo," isang malambing na boses ang tumawag sa aking pangalan. Sa pagmulat ng mga mata ko ay agad kong nakita ang metal na kisame ng aming silid.
Walang ibang bagay ang meron dito kundi ang anyo ng mga bakal na pinagtagpi-tagpi upang maging mga pader, sahig, at kisame ng lugar na ito. Maging ang aking kama na hinihigaan ko ngayon ay gawa rin sa malamig na metal. Amoy kalawang rito at ang tanging oras lang na hindi ko ito naamoy ay sa aking pagtulog.
Maliit ang silid na ito, pero nagkakasya kaming sampu rito. Wala ibang makikita rito kundi puro higaan lamang. Isa lamang ito sa isandaang silid na magkakadikit na tinitirahan naming mga tao. Ayoko pa sanang bumangon, pero kailangan kong magbanat ng buto; hindi para kumita, kundi para literal na mabuhay. Minsan hindi ko mapigilang isipin na sumuko na lamang at huminto sa siklo ng pang-araw-araw kong buhay, dahil nakakasawa na. Pero mas nanaig sa aking sarili ang kagustuhan kong lumaya sa parisukat na mundong ito.
Ayaw ko ng manatili sa isang buhay na tila ba may mga lubid na nakatali sa aking mga braso, binti, at leeg at gumagalaw lamang ako sa kung paano ako gustong kumilos ng mga taong may hawak sa akin. Isa lang ang rason kung bakit nagagawa ko pa ring gumising sa bawat unang ingay ng sirena rito sa Kahon, dahil iyon sa aking pangarap. Wala akong ibang hangad ngayon kundi makamtam na dumating ang araw na matagal ko ng minimithi. Matagal na panahon ko ng inisip nang mabuti ang aking magiging plano at sisiguraduhin kong walang makakapigil sa akin. Nararamdaman ko na habang lumalakad ang panahon ay palapit ako nang palapit sa araw na pinakamimithi ko - ang araw kung saan makakalaya ako sa lugar na ito. Umupo ako sa aking higaan at nakita ko sa aking harapan ang isang payat na lalaki na nakasalamin, si Yuri. Hindi siya gaanong matalino, at sa lahat ng oras, wala siyang kwentang kausap. Hindi ko siya gusto bilang isang tao dahil sa kung paano siya mag-isip sa mga bagay-bagay. Siya yung tipo ng tao na masunurin sa lahat ng ipinag-uutos sa kanya huwag lang siyang mapahamak at masaktan. Madali para sa kanya na piliin ang mga bagay na magpapahaba ng kanyang buhay. Naaalala ko tuloy sa kanya noong bata pa ako.
Punong-puno ng takot ang puso at isipan ko at wala akong magawa kundi ang sumunod sa pinag-uutos sa akin dahil ayokong masaktan at gusto ko pang mabuhay. Pero sa pagtanda ko, napagtanto ko na ang lahat ay may hangganan. Mula sa ganoong pagkatao ay namulat ako at nauhaw sa pagkakaroon ng kalayaan. Kaya hindi ko maintindihan si Yuri dahil sa kabila ng lahat ng panahon na nagdaan para sa amin ay hindi niya nagawang magbago. May pagkakataon pa kaya sa kanya ang mamulat sa mga bagay na nalaman ko? Sa ganitong paraan siya nagiging masaya. Minabuti ko na lang na maging kaibigan siya, hindi sa ito ang madali para sa akin, pero kasama ko siya sa iisang silid, kailangan kong matuto makisalamuha. Sixteen years old lang din siya katulad ko. Mabait naman siya at gustong-gusto niya ako kaya wala na rin akong nagawa kundi maging kaibigan siya. Hindi sa lahat ng bagay ay may mapagpipilian ka.
Hindi porket ang isang bagay ay naisip mo ay magkakaroon na agad ito ng espasiyo sa reyalidad. Sadyang hindi ko lang masikmura ang paniniwala na para mabuhay ang isang tao ng mapayapa kailangan mo ang maging masunurin. Kahit kailan hindi ko masisisikmura ang makalawang na buhay na meron kami sa mundong ginagalawan namin. Sa kabilang banda, naiitindihan ko si Yuri. Mahirap gawin ang mga bagay na mahirap isipin. Mas madali pa ring piliin ang mga bagay na mas madali para sa amin. Siguro nga sa ganitong paraan gumagana ang mundo at na-a-ayon iyon sa kung ano ang madali.
Hindi natin lahat nakukuha ang mga gusto natin, dahil kung mangyayari iyon ay magiging nakakabato ang buhay. Pero, kung sobra-sobra na ang pahirap, pipiliin ko ng lumaban, naghihirap na rin naman ako.
"Tanghali na," utos ni Yuri sa akin.
Wala akong sinabi sa kanya at pinagmasdan ko lang siya dahil wala pa ako sa aking ulirat upang pakinggan ang kanyang mga sinasabi sa akin. Pasalamat na rin ako dahil sa kanya ay nagising ako. Si Yuri ang unang nakilala ko simula nang mapunta ako rito sa ilalim ng Kahon walong taon na ang nakakalipas. Ang Kahon ay isang bagong mundo sa ilalim ng lupa kung saan naninirahan kaming mga tao ngayon.
Gawa ito sa metal at makina. Hinati sa tatlo ang Kahon, ang itaas na tinatawag na Bughaw , ang gitna na tinatawag naman na Hiraya, at ang ilalim, na tinatawag na Balwarte. Nasa itaas yung may mga kapangyarihan o mas kilala bilang variant at ang mga leader ng gobyerno. Minsan na akong napunta sa itaas dahil sa bahaging iyon nagmumula ang lahat ng mga sanggol na ipinapanganak dito sa Kahon.
Nandoon din ang iba't ibang laboratoryo at mga pinununo na gumagawa ng batas. Nasa gitna naman yung mga normal at walang sakit at maging ang mga matatalino at may pisikal na lakas upang maging sundalo. Ang mga scientist sa Hiraya, sila ang responsable para ma-maintain ang supply ng hangin, pakain, at tubig sa buong kahon. Kaiba sa mga scientist na nasa itaas, na responsable naman sa pagtuklas ng mga variant sa Kahon. At huli ang mga nasa ibaba, yung mga hindi pinalad sa dalawang bagay na iyon katulad ko.
May espesyal na enerhiya na ibinibigay ang bagong mundo namin upang mabuhay ang mga nilalang dito sa loob. Kung ano man ang enerhiya na iyon, ay hindi ko pa nalalaman. Simula nang mabuhay ako at tumanda ay hindi ko naranasan na matuto sa mga bagay na gusto kong matutunan dahil labag ito sa batas na meron kami rito sa Balwarte. Ang lahat ng impormasyon na meron ako ay dahil lamang sa aking karanasan katulad ng training na aking naranasan noong ako ay bata pa. Alam kong hindi pa sapat ang mga iyon. Isa sa mga batas dito sa Balwarte ay bawal kami umakyat sa Hiraya at Bughaw ng Kahon. Kamatayan ang kaparusahan sa amin kapag ginawa naming lumabag sa batas o magtangka manlang tumungo sa dalawang bahagi na iyon. Ang Bughaw ay ang lugar para sa mga variant, commander, at scientist ng Kahon. Binubuo ito ng mga naglalakihang laboratoryo na kasing laki ng mga tinatawag na karaniwang bahay sa sinaunang panahon.
May mga mataas na gusali na may hihigit sa tatlong palapag at ang lahat ng ito ay ginawa rin sa pamamagitan ng metal. Ito ay mga training facilities, tirahan ng mga variant, commander, at scientist. Ang kaibahan lang ng Bughaw sa natitirang dalawang bahagi ay dito matatagpuan ang isang makinang pinto papunta sa labas. Ayon sa pagkakaalam ko, ang tatlong bahagi ng Kahon ay walang pinagkaiba sa isa't isa pagdating sa laki at lawak na humahalintulad lamang sa isang nayon. Katulad ng tatlong nayon na pinagpatong-patong sa isa't isa na naliligiran ng mga metal na pader sa ilalim ng lupa. Konektado ang tatlong lugar sa isang malaking elevator na tanging daan upang marating ang mga layer. Habang wala akong ideya kung ano ang meron o ano mang anyo ng Hiraya. Base lang sa aking narinig, binubuo rin daw ito ng mga laboratoryo kung saan ginagawa ang mga medisina at isang training ground para sa mga sundalo. Ang mga scientist sa gitna, sila ang responsable para ma-maintain ang supply ng hangin, pakain, at tubig sa buong Kahon.
Kaiba sa mga scientist na nasa Bughaw, na responsable naman sa pagtuklas ng mga variant sa Kahon. Tumayo na ako sa matigas kong higaan at tumingin ako sa aking kapaligiran. Dito ko na napansin na wala ng ibang tao sa silid kundi kami na lamang ni Yuri at ang ibig sabihin na lang nito ay malapit na kaming mahuli sa aming gawain. May tatlong klaseng oras kaming sinusunod dito sa maghapon na kalakip ng tatlong malalakas na klaseng sirena o wang-wang na naririnig namin sa buong Kahon. Ang unang sirena na indikasyon sa aming pagising at pagsisimula ng aming trabaho, ang pangalawang sirena na ang ibig sabihihin ay kalahating araw na at pangatlong sirena na hudyat na kailangan na naming matulog. Madalas hindi ko naririnig ang unang sirena dahil malalalim palagi ang aking pagtulog. Pasalamat na rin ako at nandiyan si Yuri dahil lagi niya akong ginigising. At least sa ganoong bagay hindi siya nakakainis. Masakit ang buo kong katawan dahil sa pagod sa trabaho na ginawa ko kahapon, pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ay hindi ako mahuli sa aking trabaho dahil mapaparusahan ako ng mga sundalo sa labas. Mahirap ang buhay kapag nasa Balwarte ka at wala kang ibang gagawin dito kundi ang sundin ang ipinagu-utos sa amin ng mga taga-Bughaw. Isa kaming alipin.
Sa oras na mawalan kami ng pakinabang ay ito na rin ang hudyat ng aming kamatayan. Wala kaming kalayaan sa mga bagay na gusto naming gawin. Wala rin kaming karapatan na magbigay ng impluwensya sa iba lalo na ang sumasalungat sa batas ng gobyerno. Bawal kaming magreklamo at bawal kaming magtanong kung bakit namin gagawin ang mga bagay na pinapagawa sa amin. "Millennium years na ng Kahon bukas," sabi ni Yuri sa akin nang may pag-aalala. "Alam mo ba ang ibig sabihin niyon?" dagdag niya pa. Lumuhod ang isa kong tuhod sa sahig at lumapit sa ilalim ng aking kama at hinila ko ang isang sulong na nakakabit dito. Sa loob ng sulong na ito ay ang aking mga damit. Kumuha ako ng isa upang magbihis. "Hindi ko alam,"mabilis kong sagot. Sa maraming pagkakataon ay hindi ako nagbibigay ng atensyon sa mga sinasabi niya. Mas mainam para sa akin na hindi magsalita masyado upang matapos kaagad kung ano man ang sinasabi o kinukuwento niya sa akin. Pero bigla akong nakonsensya at pinilit kong humarap sa kanya habang nakatingin sa kanyang nag-aalalang mukha. Ayokong mapansin niya na nababagot ako sa tuwing kausap ko siya. "Ano bang meron?" tanong ko sa kanya. Pagkatapos kong kumuha ng aking damit ay naghubad ako upang magpalit ng aking kasuotan. "Screening," sambit niya sa akin. Pinipilit niyang kumalma ngunit unti-unti siyang nagiging balisa at hindi mapakali. Imposible talaga siya. Mahina ang loob niya kahit kailan. "Hindi ka pa mamatay," mahinahong sabi ko naman sa kanya. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko siya maigi sa kanyang mga mata. Tinapik ko siya sa kanyang balikat. Ito pang bagay na ayaw ko sa kanya- literal na duwag siya. "Wag kang mag-alala, bata pa tayo at hindi nila tayo mapipili," paliwanag ko sa kanya. Bigla ko na lang naisip na matagal na panahon na rin pala ang nakalipas.
Ayon sa kasaysayan, taong dalawang-libo at tatlumpu't anim nang bumagsak ang bulalakaw sa mundo. Isang libong taon na rin pala ang nagdaan nang magbago ang lahat. Isang libong taon na rin ang lumagpas ng may isang bulalakaw ang bumagsak, sumabog, at halos bumura na sa kasaysayan ng sangkatauhan sa mundo. Ang natira na lang ay ang epekto ng pagsabog, ang mga taong nakaligtas sa trahedya na matatawag kong mga survivor.
Dahil sa trahedyang iyon, bumagsak ang ekonomiya, teknolohiya, at maging ang dating gobyerno. May probabilidad daw na sampung porsiyento lang ng mga tao ang nakaligtas sa trahedya. Nawala lahat. Nagkaroon ng bagong mundo- ang metal naming mundo na hindi na bilog, kundi isa ng parisukat. Paano kami nakaligtas? Ginawa ang Kahon bago pa man bumagsak ang bulalakaw.
Pagkatapos noon ay nabago na ang lahat para sa mga tao sa loob ng Kahon. Nagkaron ng bagong gobyerno at nagkaroon ng dibisyon dito. Ngayon ay pinamumunuan ng isang Cabeza ang
Kahon.
Siya ang pinagmumulan ng batas at may sampu siyang commanders na nagpapatupad nito. Siya ang batas at ang katarungan. Wala kaming magawa dahil ang mga variant lang ang napupunta sa posisiyon upang mamuno at pamahalaan ang Kahon. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang ganito kabulok na sistema. Isa lang gusto ko ngayon: Ang mapunta sa Bughaw at lumabas sa punyemas na Kahon na ito.