Chereads / ang anghel sa dalawang mundo / Chapter 14 - chapter 14 ANG NAKARAAN

Chapter 14 - chapter 14 ANG NAKARAAN

mula nga doon ay naglakbay sina anghel at zandro sa nakaraan at doon ay dinala sila sa panahong maayos pa ang lahat panahong hindi aakalain ni anghel na kanyang palang mararating.

taong 1984 sa isang lunsod sa bayan ng batangas doon ay matatagpuan mo ang isang simpleng tahanan na naliligiran at nababakuran ng mga bulaklak at halaman. maganda at simple ang pamunuhay na meron ang mga tao roon. ang pangingisda sa dagat o pagtatanim ng mga gulay ang pangunahin pinagkukunan nila ng pagkain at pagkakakitan..

"asan na tayo" wika ni anghel. " ito ang pinagbayanan san juan batanggas taong 1984 at dito magsisimula ang lahat" wika ni zandro. mula doon ay lumabas ang isang babae galing sa kanilang tahanan at sinalubong ang isang lalaking may mga dalang isda. "oh joselito nandyan ka na pala.. kamusta ang laot" wika ng babae. " ayos naman medyo may huli naman" wika ng lalaki. " sino sila" tanong ni anghel kay zandro

"yan ang iyong lolo ang asawa ng lola mo" wika ni zandro. "sya pala ang lolo ko... at napakaganda pala ng lola ko ng kabataan nya" wika ni anghel bago nila muling pagmasdan ang mga nangyayari.

" nga pala miranda asan ang dalawang anak mo" wika ni joselito. "nasa loob sila..( tinawag) anghelito.. esmeralda..nandito na ang papa nyo.. tulungan nyo naman sya.. halina kayo. wika ni miranda. mula doon ay agad nga lumabas ang kanilang panganay na si anghelito. at mula sa likod ni anghelito ay lumabas si esmeralda.. at mula doon ay napatulala si anghel na makita nya sa unang pagkakataon ang kanyang ina. tila naging marahan ang lahat.. tumahimik... at gumaan na makita ni anghel ang kanyang ina sa unang pagkakataon " zandro nararamdaman ko.. sya na ang mama ko" wika ni anghel. " oo tama ka sya ang iyong ina" sagot ni zandro. " kamukhang kamuka sya ni lola pareha silang maganda" wika ni anghel. agad nga niyaya ni miranda na pumasok sila sa loob ng kanilang bahay upang kamain ng sabay sabay ( at pumasok at kumain na nga sila)

" nga pala esmeralda.. tuloy naba ung pag punta mo sa maynila anong sabi ng tiya meling mo." wika ng joselito. " opo pa' nakausap na raw po ni mama si tiya meling" wika ni esmeralda. " wag kayong mag alala kilala ko si meling tyaka hindi ka noon pababayaan wag kang mag alala.. basta magpakabait ka lang doon" wika ni miranda. " hindi ba sya mahihirapan doon miranda" wika ni joselito. " hindi naman siguro ang sabi kase sa akin ni meling tutulong lamang sya doon sa pag luluto.. oh maghuhugas ng pingan.. iyon lamang ang kanyang gagawin" wika ni miranda. " eh yang anak mo.. buo naba ang loob nya..esmeralda anak... ayokong isipin mo na pinupwersa ka namin ng mama mo na mag hanapbuhay.. hindi mo naman iyan kailangang gawin" wika ni joselito. " ayos lang po papa at tyaka nasa tamang edad naman na po ako.. gusto ko rin pong makatulong.. sainyo ni mama.. sa pag aaral ni anghelito.. balak ko rin po kase na kapag may sapat na akong ipon ay mag hahanap ako ng mas magandang trabaho sa maynila.. kakayanin ko iyon pa.. para sa iyo ni mama at ni anghelito. wag po kayong magalala saakin malaki na po ako at kaya ko na pong ingatan at alagaan ang aking sarili" wika ni esmeralda habang sila ay kumakain.