Chereads / When God Made You / Chapter 5 - CHAPTER FOUR

Chapter 5 - CHAPTER FOUR

Walang makapawi ng ngiti ni Ross tuwing papasok siya sa trabaho. Nag-iba na ang lahat sa paligid nila ni Sandra mula nang tanggapin uli siya nito. Excited siyang pumasok sa trabaho araw-araw dahil ibig sabihin noon ay may bagong araw na naman siya kasama ito. Yes walang nabago. Boss niya ito, at employee siya nito. Pero at least, hindi na siya nito iniiwasan o sinusungitan. Sumasabay na ito sa kanya kapag lunch time. At hindi na rin ito umaapila pag nagpapa-cute siya.

Napawi lang bigla ang ngiti niya nang makita niya sina Sandra at Reijan na masayang nagkukwentuhan sa loob ng Kofi Cups and Sweets sa tapat ng Pontez Building. Napahinto tuloy siya sa paglalakad. Sadya siyang bumaba muna doon dahil balak sana niyang bumili ng kape at pastries para kay Sandra. Pero mukhang hindi na kailangan. Through glasswall ay nakita niya kung paano tumawa si Sandra sa kung anumang pinag-uusapan nila ng Reijan na iyon. Sandra looked really happy. Nakaramdam ng lungkot si Ross. Hindi niya maipaliwag ang nararamdaman sa puso niya ngayong nakikita niyang may ibang taong nagpapasaya sa taong minamahal niya. It's entirely your fault, Ross. Sinaktan mo na siya noon. 'Wag ka na umasang magiging masaya pa siya sa'yo.

Niloloko lang ba niya ang kanyang sarili? Pinapaniwala lang ba niya ang sarili na pwede pa silang bumalik sa dati? Umaasa lang ba siya na muli siya nitong mamahalin sa kabila ng lahat? O dapat na ba niya itong pakawalan?

Ilang segundo pa niyang pinanood ang dalawa habang nagtatawanan. May pag-akbay pa itong si Reijan na lalong ikinadurog ng puso niya. Asawa ko iyang inaakbayan mo! Nakuyom niya ang palad nang maalalang sa lagay nila ngayon ni Sandra, wala siyang karapatang magselos kahit legally married pa sila. Damn it!

Umalis na siya sa lugar na iyon bago pa siya saniban ng masamang espiritu ng selos. Baka pag nagtagal pa siya roon ay 'di na niya mapigilan ang sariling sumugod doon at kaladkarin palabas ang asawa niya palayo sa lalaking iyon. Sandra will never like that. Kaya, siya na mismo ang nagtimpi.

Change of plan. Hindi na siya bumili ng kape. Bagkus ay pumasok na lang siya sa office.

"Hi Ross! Oh, ba't ganyan ang itsura mo? Mukha kang nalaglagan ng wallet na may lamang ten thousand pesos," bati sa kanya ni Lanlan.

"Wala lang, malungkot lang ako."

"Ang sweet niyo na nga ni Ma'am Sandra, nalungkot ka pa? Buti nga 'di ka na nasusungitan no'n," hirit ni Emie.

"Hindi ako type no'n."

"Kaya ka nalulungkot?" Nakisama na si Zhei sa kwentuhan nila.

"Mas bata na siguro ang gusto niyang makasama." Nakita nila sina Reijan at Sandra sa labas ng office. Glasswall kasi ang haligi ng office kaya madaling makita ang mga naglalakad sa hallway.

"See?" tanging nasabi ni Ross habang nakatingin sa dalawa. Agad naman nakuha ng kanyang mga kaopisina ang pinupunto niya.

"Ay, nagseselos ang isang bata, este ang mas matanda."

Tiningnan niya nang masama si Zhei. Nag-peace sign lang ito.

"Sa'yo pa rin ang boto ko, Ross," sabi ni Emie. "Mas bagay kayo ni Ma'am Sandra."

"Sa mas matanda pa rin ang boto ko," hirit naman ni Lanlan. "Ikaw 'yon."

"Kailangan talagang sabihin niyong matanda na ako?" hirit niya. "Thirty two pa lang ako."

"Sino bang nai-insecure sa bata?" tanong ni Zhei.

Mga ilang seconds pang nag-usap ang dalawa bago humalik sa pisngi ni Sandra si Reijan at tuluyan na silang naghiwalay. May pahabol pang pagkaway itong si Sandra na lalong ikinadurog ng nagseselos niyang puso.

Lalo siyang napasimangot. "Makahanap na lang din ng mas bata."

Tinawanan lang siya ng mga katrabaho. That's the disadvantage of working in the environment dominated by women. Akala ata ng mga katrabaho niya ay nagbibiro lang siya. Sa department na iyon, tatlo lang silang lalaki, tagilid pa ang dalawa.

"Oh, para wag ka ng malungkot!" Isang Choc Nut ang binigay ni Lanlan.

"Ito naman para sa maalat mong love life!" Isang maliit na Ding Dong ang inihagis ni Emie sa mesa niya.

"At ito naman, mainit na kape para sa isang bitter!" hirit naman ni Zhei sabay patong ng isang tasang kape sa table niya. Napapakamot sa ulong humigop na lang siya ng kape. Kung anu-ano pang pinagsasabi ng mga ito about being bitter pero deadma na si Ross. Ang paghigop na lang ng bitter na kape ang inasikaso niya hanggang sa halos maubos na iyon sa hinaba-haba ng pinagsasabi ng mga katrabaho niya. Wala naman siyang mai-comment pa dahil bitter naman talaga siya.

"Ituloy mo lang ang pagka-bitter mo. Malay natin magka-future 'yan! Maging bitter-sweet," sabi pa ni Emie.

"Sinong bitter?" sabat naman ni Sandra pagkapasok nito ng opisina at lumapit sa kanila.

Nagkatinginan sila. The three girls just grinned as if telling him that they are giving him the honor to talk to Sandra. Pagkatapos ay nagkanya-kanya nang balik sa pwesto ang mga ito. Seryosong hinarap niya si Sandra. "Itong kape, bitter. Black kasi. Gusto mo?" he offered.

Umiling ito. "Kagagaling ko lang sa Kofi Cups, kasama si—" Bigla itong natigilan.

Nakasimangot na humigop uli siya ng kape. "Sino?" patay malisya niyang tanong.

"Si… Reijan." Tinitigan siya ni Sandra pero umiwas lang siya ng tingin at humigop pa uli ng kape. Napahiya naman siya sa sarili dahil wala na siyang nahigop. Ubos na pala ang iniinom niyang kape. Damn this jealousy thingy. Binuksan na lang niya ang computer niya para masimulan ang trabaho. Nagtatampo ang puso niya kaya hindi na muna niya kukulitin si Sandra.

On cue biglang may kumatok sa glasswall door kaya napalingon sila pareho ni Sandra doon. Seriously?

The glasswall opened. Pumasok sa loob ng office si Reijin. Tinapunan lang siya ng tingin nito na parang nagyayabang pa bago nito muling bumaling kay Sandra at ngumiti. "Gorgeous, I think I left my phone in your bag."

"Ay oo nga. Wait lang." Kukunin na sana ni Sandra ang phone sa bag nang unahan ito ni Reijan.

"Ako na. Alam ko naman kung saan nakalagay. Just continue what you are doing," sabi pa ni Reijan.

Sa computer na lang tumingin si Ross kaysa naman saktan pa niya lalo ang sarili. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa mouse. He managed to stay focus and pretend that he's not affected.

Until Reijan spoke up again. "You smell good, gorgeous." Mahina lang ang pagkakasabi noon ni Reijan kay Sandra pero rinig na rinig niya.

Hindi na niya iyon kaya. Nangangati na ang kamay niyang manuntok sa selos kaya agad siyang tumayo na ikinagulat ng dalawa.

"Sa Music Room lang ako, Ma'am." Walang lingong naglakad siya sa music room malapit sa pantry.

AYAW dapuan ng antok si Sandra. Nagpabaling-baling na siya sa kama pero walang nangyari. Laman ng isip niya si Ross. After niyang pumayag na maging magkaibigan sila, palagi itong hyper tuwing nagkikita sila. Pero kahapon, buong working hours itong mailap sa kanya. Anong problema ni Ross? Ba't bigla siyang nagkaganon?

Mula nang dumating si Reijan sa office kahapon ay nagkulong na si Ross sa music room. Lumabas lang ito noong breaktime at nag-merienda kasama ang iba nilang katrabaho. Ngunit nang pumasok na siya ng pantry para maki-join ay um-exit naman ito at bumalik sa music room.

Hindi siya mapakali. Why suddenly, he was giving her a cold treatment?

Pagkatapos kasi ng eksena nila sa director's booth, naging mas obvious na ito sa pagmamahal na sinasabi nito. Palagi na itong nagpapakita ng lambing kaya naging tampulan na sila ng tukso sa opisina. Pero kahit gano'n, may kung anong hindi pa rin niya maintindihan ang gumugulo sa isip niya. Hindi rin niya maisip kung bakit bigla na lang naging tahimik si Ross kahapon. Parang bigla itong nanlamig at umiiwas.

Nag-ring ang cellphone niya. Agad na kumabog ang puso niya nang rumehistro sa screen ang pangalan ni Ross. Bumuntong-hininga muna siya bago niya sinagot ang tawag.

"Hello?"

Walang boses na tumugon sa kanya. Sa halip ay piano ang narinig niya. At few notes pa, narinig niya ang boses ni Ross na kumakanta ng 'Before I Let You Go'.

Because you've gonna left me standing all alone. And I know I've got to face tomorrow on my own. But baby before I let you go I want to say I love you. I hope that you're listening coz it's true, baby. You'll be forever in my heart and I know that no one else will do. So before I let you go, I want to say… I love you.

Hindi niya namalayan na napaluha siya. Nanginginig ang boses ni Ross habang kumakanta. Alam niya, umiiyak din ito. Lungkot ang nararamdaman niya. Lungkot dahil sa panghihinayang niya sa relasyon nila. If only Ross will fight for it. Pero friendship lang ang hiningi nito sa kabila ng pag-amin na mahal pa siya nito. At sa pinupunto ng kinakanta niya ngayon, alam niyang tinutuldukan na nito ang lahat. Magpapalaam na ito. Marahil ay maghahanap na lang ito ng perfect timing para ipagtapat sa kanya ang nakaraan at kasunod nito ay ang paghingi ng closure sa kanilang relasyon. He just gave up. Nasagot na ngayon ang tanong niya kung bakit ito malungkot kahapon.

"Sandra, are you still there?" tanong ni Ross matapos itong kumanta.

"Oo." Pinigilan niya ang mapahikbi kahit masakit na ang dibdib niya sa pagpipigil.

"I just want to…I just want to say I love you before I finally let you go and say goodbye. Sobra akong nasasaktan sa tuwing makikita ko kayong magkasama ni Reijan. Para akong dinudurog. Na-realized ko na, tama na. Hahayaan na kitang mapunta sa ibang tao na kaya kang pasayahin kaysa maging malungkot ka lang sa akin. Dapat makuntento na ako sa pagkakaibigang ibinigay mo sa akin. Buksan mo ang puso mo sa iba, Sandra. Hindi lahat ng lalaki ay jerk katulad ko. You deserved to find your right man."

She heard him sobbed. Parang piniga ang puso niya. Nararamdaman niyang nasasaktan ito sa pagpapalaya sa kanya. "Bakit mo ito ginagawa, Ross?"

"Mahal kita, sobra. I want you to be happy. If letting you go will make you happy, then I will let you go kahit masakit sa'kin na hanggang magkaibigan na lang tayo. Gano'n kita kamahal. Alam ko rin naman na hindi na tulad ng dati ang nararamdaman mo sa akin. Panahon na siguro para tanggapin ko na hindi mo na ako kayang mahalin."

Naiinis siya. Ross was thinking she didn't love him anymore. "Paano mo naman nasabi na magiging masaya ako kapag ni-let go mo ako? Hindi mo ba alam na sinasaktan mo na naman ako? Bumalik ka after eight years, nakipagkaibigan. I thought everything would be better after we became friends again. And now, you're letting me go? Hindi mo man lang ba itatanong kung gusto kong makawala sa pagmamahal mo o kung ano ba ang nararamdaman ko?"

Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Akala niya ay naglaho na ito sa kabilang linya pero nanatiling naka-hang up ang call.

"Sandra, do you still love me?"

Natigilan siya. Handa na ba siyang mag-take ng risk? "Can you promise me that you will never leave me again?" kapagdaka'y tanong niya. Iyon lang naman ang gusto niyang maging assurance.

"Promise. If you will give me a chance, I will never leave you no matter what."

"Prove it."

"Open the door, Sandra. I'm outside your room."

Sa gulat ay napabalikwas siya ng bangon. Nasa labas daw ito ng kwarto niya? Binuksan niya ang pinto at tumambad nga sa harap niya ang luhaang si Ross na may bitbit na peach roses.

They stared at each other for couple of minutes. Then they both sobbed. He pulled her closer to him and lovingly embraced her.

"I love you so much, my sweetness," masuyong sambit nito. "Hinding-hindi na kita iiwan. Pangako. This second chance will be worth it."

"Siguraduhin mo lang dahil mapapatay kita 'pag iniwan mo pa ako ulit," biro niya.

Tumawa ito. He lovingly gazed at her and kissed her forehead. "I love you."

Napangiti siya. Ngayon lang ata ulit siya kinilig matapos siyang mabigo sa love department. At sadyang sa iisang lalaki lang talaga siya kinilig ng gano'n. Kay Ross lamang. "I love you."

Ross moved down and claimed her lips. Sandra's heart kept on throbbing as she accepted the invitation to express their meaning of love. She responded to that sweet fiery kisses from him. Niyakap ni Ross ang mga kamay nito sa likod niya and pulled her closer to him, as if telling her that he will never let her go. She held his nape and gave in. It took them a while before the height of emotions subsided. It ended in sweet smack kisses he showered to her lovely face and landed one last sweet kiss on her lips. Ilang segundong nakatitig sila sa isa't isa bago uli siya niyakap ni Ross nang mahigpit.

"I miss being this close to you, Sandra."

"Me, too."

"So… tayo na ba uli?"

Umirap siya. "Ay hindi! Friendship with malice lang 'yon. Maliit na bagay," biro niya na ikinatawa naman nito. "Welcome to my heart again, Ross. Tinatanggap na uli kita."

Tumawa ito habang teary-eyed. "Thank you so much, my Sweetness."

GANADO si Ross habang tumutugtog ng piano sa rehearsal ng choir ng Zeus-Apollo Academy. Siya rin kasi ang adviser ng organization na iyon. Young talented singers of the academy were humming and blending their voices while singing 'Next in Line' of After Image as part of the upcoming Concert for a Cause on Christmas day.

Sumabay siyang kumanta sa last chorus. "So I sing this song to all of my age. For these are the questions we got to face. For endless cycle that we call life, we are the one who are next in line." He superbly played the last notes at nakangiting pinuri ang mga estudyante niya. "Very good, young singers! So this will be the end of our rehearsal today. See you next meeting."

"Sir, may magandang babae po sa labas na kanina pa sumisilip dito," sambit ng isa sa mga estudyante niya.

Nilingon niya ang pinto ng music room at nakita niya si Sandra. Agad siyang napangiti. Kumaway siya rito. Ngumiti ito. Masyado siyang masaya dahil first date nila ngayon after eight years. Nakapaskil pa rin sa mukha niya ang kakaibang ngiti nang balingan niya ang nagbubungisngisan niyang mga estudyante.

"Uy, si Sir, in love!" Nagtawanan na ang grupo.

"Ang ganda ng girlfriend niyo, Sir," sambit pa ng isa.

"Kailan Sir ang kasal? Aba, kami na ang nakakontratang wedding singers niyo, ha," sambit pa ng isa.

"Sus! Hayaan niyo, una na kayo sa listahan kapag kinasal kami," sakay niya sa trip ng mga bata. "Pero sa ngayon, magde-date pa kami kaya hala sige, umuwi na rin kayo at mag-aral ng mabuti, ha?"

"Bye, Sir!" korong sambit ng mga ito bago lumabas ng music room.

"Sige, ingat kayo sa pagtawid-tawid, ha."

"Kayo rin po, Sir."

He had the sweetest sets of students. Isa iyong rason kung bakit mahal niya ang pagiging guro. Nang maglaho na ang kanyang mga estudyante ay tsaka niya sinalubong ng yakap si Sandra sa hallway.

"Masyado ka namang excited sa date natin. Pinuntahan mo pa ako dito," biro niya. Hindi rin biro ang bumyahe mula Quezon City hanggang sa Los Baños kung saan siya nagtuturo.

"Oy, ma-feeling ka, ha. Di ba't may performance ang theatro dyan sa Calamba? Nag-supervise ako doon. Naisip kong nasa Laguna na ako kaya pinuntahan na lang kita, tutal naman okay na ang stage play roon."

"Hmm… ang sabihin mo, takot ka lang na takasan kita," biro niya habang naglalakad na sila papunta sa parking lot.

Hinampas nito ang kaliwang dibdib niya. "Talaga! Baka mamaya takbuhan mo ako, mahirap na."

"Hindi na mauulit iyon. Saan mo gustong kumain?" tanong na lang niya. Nag-ring ang kanyang cellphone. Agad niyang sinagot ang tawag. "Hello, Ma."

"Anak puntahan mo ang kakambal mo sa bahay ni Lanlan dyan sa Laguna. Kanina pa sila nag-aaway ni Yohann. Umiiyak na si Ayame nang tawagan niya ako." Bakas sa tinig ng kanyang ina ang takot at pag-aalala.

Hindi na rin niya naiwasang mag-alala. "Po? Sige po, Ma." He ended the call.

"Problem?" tanong ni Sandra.

Hinarap niya ito. "May problema ang kakambal ko. Pinapapunta ako ni Mama sa bahay ni Ate Lanlan. Mukhang may away ang banda." He lovingly touched her cheeks. "Sandra…"

"Hindi matutuloy ang date natin?" Tumango siya. Nalungkot ito. "Okay lang, Ross. Unahin mo muna sila kasi mukhang seryosong problema 'yan. Ayokong mag-alala ka sa kakambal mo, mas mabuting puntahan mo muna sila."

"Alam ko, hindi ito okay sa 'yo. Pasensiya ka na," malungkot na sambit niya.

She hugged him. "Okay lang talaga. Pwede pa naman nating ituloy ito some other time."

Tinitigan niya ito. "No. We will have dinner tonight. Pupuntahan ko lang ang kapatid ko. And I'll make sure we'll have our date tonight. Okay?"

BAGSAK ANG balikat ni Sandra nang umuwi siya sa bahay nang gabing iyon. Limang oras niyang hinintay si Ross sa restaurant kung saan sila magdi-dinner. Wala ni anino ng lalaki ang sumipot sa date nila. Nagtatampo siya pero mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang pag-aalala. Hindi niya kasi ito ma-contact mula pa kanina. Ano kayang nangyari?

"So how's your date?" tanong ni Herald.

"Ang aga mo atang umuwi," dagdag pa ni Zhei.

Malungkot na umupo siya sa sofa sa tabi ng mga ito. "Hindi siya dumating."

"Ano?" bulalas ng dalawa.

"Hindi siya dumating. Hindi ko na rin ma-contact ang cellphone niya," pahayag niya.

"Niloloko ka lang ata ng asawa mong hilaw na 'yan, e!" komento ni Herald. Napasinghap lang ito nang sikuhin ng asawa. "Aray!"

"Hindi manloloko ang kaibigan ko. Wala kang alam kaya tumahimik ka ha," sita ni Zhei.

May nag-doorbell. Si Zhei ang tumayo para pagbuksan ang nag-doorbell.

"Ross! Hala, anong nangyari sa 'yo?" bulalas ni Zhei.

Napalingon siya sa pintuan. Pumasok si Ross. May benda ito sa ulo, may mga pasa at namamaga ang kaliwang pisngi, at may bahid ng dugo ang damit nito. Nag-aalalang nilapitan siya ni Sandra.

"Anong nangyari? Bakit ka duguan?" tanong niya.

Maingat na niyakap siya nito. I'm sorry, Sandra. I caught an accident with my brother. Critical ang lagay niya ngayon."

"What?!" sabay na bulalas nilang tatlo.

"I can't explain more. I need Zhei." Bumaling ito sa cousin in law niya. "We need Type AB blood for my brother. Wala kaming makuha sa blood bank. Ikaw na lang ang last chance ko, Zhei. Please, tulungan mo kami," sambit nito.

Nagkatinginan ang mag-asawa. Zhei looked at Herald as if asking permission.

"Can you do it?" Herald asked.

"Yes, I'll do it."

Napangiti na si Ross as a sign of relief. "Thank you so much. I owe you a life."

"I'll just get the car keys." Binalingan sila ni Herald at ngumiti. "At ibabalik ka namin doon. Mukhang tumakas ka lang."

On cue binalingan ni Sandra si Ross at napangiwi. "Mukha nga."

He just posted ang guilty smile to them.

SA DAAN pabalik ng hospital ay ikinuwento ni Ross ang nangyari. Isang overspeeding van ang bumangga sa kotse nila nang papasok na sila sa Senang Hati. Kasama nila sa sasakyan si Ayame. Nadamay din sa aksidente si Marie na critical din ang kondisyon.

Maliban sa bugbog sa katawan at sugat sa sentido ay may malalim rin palang sugat si Ross sa tiyan. Iyon ang dumudugo kanina pa. Hindi tuloy alam ni Sandra kung magagalit o uunawain na lang ito. He did this crazy thing na pagtakas sa hospital para lang makahanap ng dugo para sa kapatid. It was a very desperate move. Paano kung ito naman ang mapahamak?

Si Herald ang nagmaneho ng kotse. Sa tabi nito nakapwesto si Zhei at silang dalawa ni Ross ang nasa backseat.

Dumantay si Ross sa balikat niya. Niyakap niya ito. "Gusto kong magalit sa ginawa mong ito pero naiintindihan kita, Ross."

"Sorry."

"Sana tumawag ka na lang. Uso naman ang phone calls, you know?" she added. "You don't have to run for your life to save a life."

Impit na tumawa ito. "Oo nga, ano? Hindi ko na iyon naisip. Adrenalin rush na siguro. I'm afraid to lose my twin. Mamamatay din ako pag nawala siya. And my friends, Marie and Ayame… I can't afford to lose them."

Niyakap pa niya ito ng mas mahigpit. "Don't worry too much, Ross. Magiging okay din sila."

"Sana nga."

Bigla itong napapikit at bumagsak sa kanya. Naalarma siya. "Ross?! Ross!" Nawalan na ito ng malay.

"Anong nangyari?" tanong ni Zhei.

"He fainted," nag-aalalang tugon niya.

"Malapit na tayo sa hospital," sambit naman ni Herald.

Nag-ring ang phone niya. Hindi naka-register sa phonebook niya ang numero ng tumatawag. Sinagot niya ang call.

"Ms. Sandra Pontez?" anang lalaki sa kabilang linya.

"Yes."

"This is Earth Losin III. I am the owner of Senang Hati. I believe you're Ross special girl. Pinuntahan ka ba niya?"

Napakunot ang noo niya. "Oo, kasama ko nga siya ngayon."

"O, thank God!" narinig niyang usal nito.

"Bakit?"

"Sandra, ibalik mo siya sa ospital. He's not yet really okay. Tumakas lang siya sa hospital ward."

"I know. Pabalik na kami ng hospital." Nag-aalalang binalingan niya ang walang malay na si Ross habang sinasabi ni Earth ang detalye ng pagtakas diumano nito sa hospital upang maghanap ng blood donor para sa kapatid.

NAALIMPUNGATAN si Ross dahil sa narinig niyang ingay.

"I am Jhamo, James Geoffrey Kaviero for long. Registered Nurse ako."

"I am Gabriel Azuelo Arevalo, Boaz na lang para close tayo. I own branches of Salon and Spa houses around NCR and south provinces."

"I am Earth, Earthilberto Losin III, ako iyong tumawag sa 'yo kanina. Aside from Senang Hati, may shares din ako sa Himalayan Resort sa Tagaytay at saka kapatid ako ni Emielaine, iyong scriptwriter niyo."

"Nice meeting you all," narinig niyang tugon ni Sandra.

"Very nice!" korong sambit ng mga ito.

"Wow, kaya naman pala nagkakandarapa itong si Ross. Napakaganda mo pala sa personal Sandra. Sa picture ka lang namin nakita e," sambit ni Boaz.

"Ay, may gano'ng bola?" tugon ni Sandra.

Napakunot-noo si Ross. Ang mga siraulo niyang kaibigan! Nakatulog lang siya, nasunggaban na ang Sandra niya. "Oy!" untag niya sa mga ito. Agad na nagsilingunan ang mga ito. "'Wag niyo ngang mahawak-hawakan si Sandra. Baka nakakalimutan niyong may mga cell numbers ako ng mga girlfriends niyo. Isumbong ko kaya kayo?"

"Yown naman, possesive!" hirit ni Jhamo.

Lumapit sa kanya si Sandra. Kunot pa rin ang noo niya. "Bakit ka nagpapahawak sa mga 'yan? Taken na lahat ang mga 'yan."

"Oy, 'wag mo nga akong pagtataasan ng tono, ha. Inuunahan mo ako, e. Ako dapat ang nanenermon sa 'yo ngayon, Ross Daniel. Dahil sa kalokohan mo, muntik ng magka-infection ang mga sugat mo, alam mo ba iyon? Lakas mong maka-teleserye, eh."

Binalingan ni Ross si Sandra. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito.

"Ano? Tititigan mo na lang ba ako?" tanong nito sa kanya.

"Ay LQ na 'yan. Exit na kami. Doon muna kami kay Marie, ha," sambit ni Boaz pagkatapos ay mabilis na nawala ang tatlo. Naiwan silang dalawa.

"Ano na, Ross?"

"Magulo na ang isip ko noon. Basta ang alam ko lang, kailangan kong makahanap ng dugo para mailigtas ang kapatid ko. I can't lose him," sambit niya. Hindi niya napigilan ang mapaluha. Nararamdaman niyang hindi pa okay ang kakambal niya.

Niyakap siya ni Sandra. "Naiintindihan ko naman iyon. Pero sana, pinakiusap mo na lang sa mga kaibigan mo ang pagpapatawag o pagpunta kay Ate Zhei. Hindi mo na inisip ang sarili mo. May awa si Lord. Magiging okay din lahat."

"Nasaan si Hansen?"

Hinaplos ni Sandra ang pisngi niya. "Nasa ICU siya. Doon daw muna siya oobserbahan dahil critical pa siya."

"Si Marie?"

Natigilan ito pawang naghahanap ng isasagot sa kanya.

"Anong nangyari sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Ross.

"Siya ay….o-okay siya. Nasa ibang room."

Mukhang may itinatago sa kanya si Sandra tungkol kay Marie. "Si Ayame?"

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang stretcher lulan si Ayame. Kasunod nito si Penpen at isang nurse.

Habang inaasikaso si Ayame ng nurse ay binalingan naman siya ni Penpen. "Ross, 'wag ka ng mag-alala. Ligtas na si Ayame. Ligtas na rin si Hansen."

"Si Marie?"

Natigilan din ito sa tanong niya. Ano ba talagang nangyari kay Marie? Hindi na maganda ang nararamdaman niya.

"Doc Pen, sabihin mo na sa akin kung anong nangyari sa kanya. Magkakabarkada tayo, I deserve to know, please."

Penpen held his hand and blew a sigh. "Marie is…she is in coma state."

Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig. And for a moment, he was speechless. Agad siyang nagdasal na sana'y umayos na ang lagay ni Marie.

Mayamaya pa ay lumabas na rin ng silid si Penpen at ang nurse na kasama nito. Wala pa rin siyang masabi. Maraming bagay ang gumugulo sa isip niya nang mga oras na iyon. Ni hindi na nga niya namalayang umiiyak na pala siya.

Sandra embraced him. He lost his defenses. He weeped. "She can't die, Sandra. May asawang naghihintay sa kanya at may adopted baby pa siya. Hindi pwedeng mawala si Marie."

"Relax. She will not die. For sure she will be okay soon. Magpahinga ka na. Bukas daw pwede ka na ring lumabas. Reserve all your strengths para mabantayan at maalagaan mo ang mga kaibigan mo at ang kapatid mo."

Kumalas siya sa pagkakayakap nito at mataman na tinitigan. "Sandra, salamat. Thank you for staying here beside me."

Ngumiti ito. "I'll always be here for you, Ross."

He kissed her forehead. "I love you."

"I love you."