Chereads / When God Made You / Chapter 4 - CHAPTER THREE

Chapter 4 - CHAPTER THREE

Alas-syete na natapos ang meeting nina Sandra tungkol sa stage play. Nai-present na ni Ross ang final changes sa music ng play at on the spot na inayos nila ang adjustment. Sa sunod na araw ay ibibigay na nila ang changes sa stage play crew at artists.

Isa-isang nag-alisan ang mga staff ng theater department. Hanggang sila na lang ni Ross ang natira. Nag-ayos na rin ito ng gamit. Papalabas na ito nang balingan siya.

"Di ka pa ba uuwi, Ma'am?" tanong nito.

"Hindi pa, may tinatapos pa akong report, e. Kailangan na 'to bukas ng umaga. Sige, mauna ka na," tugon niya habang hindi inaalis ang mata sa computer habang nagta-type.

"Are you sure gusto mong mapag-isa dito? Hindi ka ba natatakot, Ma'am?"

"Bakit naman ako matatakot?" kunot-noong tanong niya. Ross, lumayas ka na!

Sumandal ito sa hamba ng cubicle niya kaya lalo tuloy siyang hindi makapag-concentrate. Baka pag hindi siya nakapagpigil ay mayakap niya ito. Matagal na niya gustong gawin iyon.

"Alam mo ba ang kwento dito sa seventeenth floor? May nagmumulto raw dito na lalaki."

Natigilan siya. Minsan na ring naikwento ni Zhei na madalas daw itong multuhin sa opisina na iyon. At dahil reliable ang source, naniwala siya. Sinalakay tuloy siya ng takot.

"Naglalakad sa hallway tapos lalapitan ka at yayakapin," pagpapatuloy ni Ross. "At iyong ilaw sa hallway, kahit bagong palit ay laging nagpapatay-sindi. May tumatawag din daw na lalaki sa telepono, bubulungan ka ng nakakakilabot na tinig."

Bumuntong-hininga siya at nagpanggap na hindi affected nang balingan niya ito. "So? Wala akong pake sa multo dahil kailangan kong magtrabaho. Mabuti pa siguro ay lumayas ka na para matapos ko na ang ginagawa ko."

"Hindi ka talaga natatakot? As far as I can recall, takot ka sa horror stories." He moved closer to her face. Napamulagat siya. Ang siraulo, nang-aakit pa ata. Ngumiti ito. "Pwede kitang samahan kung natatakot ka. Matatagalan pa rin naman ang rehearsal ni Hansen."

"No! I'm okay. You can leave." Umiwas siya ng tingin dahil konti na lang ay baka maakit na siyang bigyan ito ng smack kiss. The temptation seemed so high lalo na't sila na lang dalawa sa office.

Umayos ito. "Okay. Sige, Ma'am. Aalis na ako."

Papalabas na ng office si Ross nang magpatay-sindi ang ilaw sa buong opisina. Sa gulat ay napatili siya at wala sa sariling natawag niya ang pangalan nito.

"Ross!"

"Yes?" malisyosong ngiting baling nito sa kanya.

At saka lang niya na-realized ang ginawa niya. "Ahm…buksan mo ulit ang computer mo. May ipapagawa ako sa iyo. Mag-overtime ka na rin. Gumawa ka ng ano…ah…adjustment report para sa music ng play." May ganon bang report?

"Sure, Ma'am!" Walang tanong na sumunod ito sa kanya.

Maya-maya pa ay nawala na ang maepal na patay-sinding ilaw. Naibigay na rin sa kanya ni Ross ang pinapagawang report. Lumapit ito sa kanya.

"Pwedeng magtanong?" sambit nito. Hinila nito ang swivel chair sa kabilang cubicle at tumabi sa kanya.

"Ano?" balewala kunong sagot niya. Pinilit niyang 'wag maapektuhan lalo pa't naaamoy na naman niya ang pabango nito. Siya ang nag-suggest dito na gamitin ang pabangong iyon na hanggang ngayon pala ay ginagamit pa nito.

"Iyon bang nakita kong kausap mo nung isang araw na mukhang teenager at pang-anime ang buhok, ahmm, boyfriend mo ba iyon?"

Napakunot ang noo niya bago balingan ito. "Sino? Anime ang buhok?" Napaisip siya at napatawa nang maisip ang tinutukoy nito. "Si Reijan! Hindi teenager iyon ano. Twenty four na iyon, mukha lang teenager."

"So, boyfriend mo nga?" alanganing tanong pa ulit nito.

Sasabihin ko ba ang totoo? "Secret." Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa. Malapit na rin kasi siyang matapos.

"Secret? Okay lang naman kung magka-boyfriend ka. Iniisip ko lang kasi na kung sakaling may plano kang magpakasal sa iba, siguro...ahm… Sabihin mo lang kung kailangan mong ipa-divorce ang kasal."

Maang na binalingan niya ito. Mariing nakapikit ito na parang takot na takot sa maaaring itutugon niya. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti.

"At saka na lang, Ross. Hindi ko pa naman kailangan."

Gulat na nagmulat ito ng mata. "Wala pa kayong planong magpakasal ng boyfriend mo?"

"Hindi ko siya boyfriend. Wala akong boyfriend. He's like a little brother to me."

He nodded."Good to hear that," bulong nito.

"Ha?"

"Wala."

Nanahimik na ito hanggang sa matapos niya ang ginagawang report. Pini-print na niya iyon nang muling magbukas ng usapan itong si Ross.

"Hindi ba ako pwedeng makahirit ng isa sa'yo? Alam ko, you're my boss and I'm just your employee. And I mean nothing to you now. Pero pwede naman siguro tayong maging magkaibigan uli. Hindi kita guguluhin. Gusto ko lang maging okay tayo."

"Nagka-amnesia ka ba at nakalimutan mo na kung ano ang ginawa mo sa akin?" kunot-noong tanong niya dito. She's not ready for friendship. Kilala niya ang sarili. Presensya pa nga lang nito, kaya ng pabalikin ang kilig sa puso niya. What more kung maging close friends sila? Ayaw niyang buksan ang chances na ma-in love uli sa taong ito.

Napangiwi ito. "Hindi. Kaya nga gusto kong gawin lahat para sa'yo…para mapatawad mo ako. Sinasabi mong napatawad mo na ako pero kilala kita, Sandra. Alam kong galit ka pa sa akin." He sighed. "Oo na, bata pa tayo noon. Duwag ako noon. Call me stupid or jerk. Alam kong hindi ko na mababawi ang lahat ng naging consequences ng nagawa ko. Nasaktan na kita at alam kong ayaw mo ng masaktan ka muli. Gusto kong lang bumawi. Gusto kong patunayan sa'yo na iba na ako ngayon."

She bravely looked at him. "Puwes, iba na rin ako ngayon. I'm wiser. And you're right. Maybe, may konting galit pa akong nararamdaman pero kaya ko na. Kinaya ko ng makita ka araw-araw. And it's a good sign. Naka-moved on na ako pero that doesn't mean na nakalimutan ko na kung paano mo winasak ang tingin ko sa love. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na ako naniniwala sa kahit sinong lalaking lumapit sa akin ngayon. Pinatay mo ang puso ko, Ross," seryoso ngunit kalmado niyang sambit.

"I'm sorry for that." Tumungo na ito. Marahil ay ayaw na nitong makita ang pain na nagre-reflect sa kanyang mga mata.

Hindi napaghandaan ni Sandra ang pagdating ng ganitong pagkakataon.

"You really should be sorry for killing a woman's heart. Dahil ako, hindi ko alam kung paano ko ire-revive ang puso ko dahil sa ginawa mo sa akin. Pero okay na ako, Ross. Sabi ko nga, di ba? Napatawad na kita. I'm in that process."

"My heart died with you, Sandra. Pero alam kong kahit anong sabihin ko ay hindi ka na maniniwala. Tell me what should I do?"

"I'm not yet ready for that friendship. I'm sorry." Umiwas na siya rito. Kinuha niya ang bag. Oras na para umalis dahil hindi na kayang manatili pa sa harap nito. Konti na lang ang supply niyang tapang. Bibigay na siya pag nagtagal pa siya roon.

Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa kanila si Reijan. On right timing ang pagdating nito. She had a perfect excuse for escape.

"Hey gorgeous, are you ready for our date?" Binalingan ng magaling niyang best friend si Ross pero wala itong sinabi. Bumaling ulit ito sa kanya. "I'll wait for you at the lobby, gorgeous." Kumindat pa si Reijan.

Pasimple siyang sumulyap kay Ross. Hindi na maipinta ang mukha nito sa pagkasimangot. That jealousy reflected in his eyes made her heart skip. Unfair nga siguro ang puso dahil madalas, may iba itong gusto na taliwas sa sinasabi ng utak. Her heart was still in love with him but her mind was telling her not to.

"I have to go. Reijan is waiting," sambit niya.

Tumango lang ito habang nakatungo. Hindi na niya hinintay na kumilos ito. She walked out of the office trying her best not to cry. Nakita niya sa mga mata ni Ross na nasaktan ito nang hindi niya tanggapin ang ino-offer nitong friendship. Kahit iba ang gusto niya, kailangan niya itong tiisin. Isang paraan lang din ito para protektahan ang kanyang sarili.

"SO, KUMUSTA naman so far ang trabaho kasama ang iyong ex?" tanong ni Reijan kay Sandra. Niyaya siya nitong magtanghalian. Araw ng Sabado.

Isa lamang show ang appearance nito noong nakaraang gabi sa office habang kausap niya si Ross. Pagkababa naman niya ng lobby ay wala naman ito roon. Nag-text lang ito na may date raw ito na Diane ang pangalan. Therefore, umeksena lang talaga ito para asarin ang ex niya.

Sinimsim muna niya ang iced tea bago sumagot. "Okay lang. Pero parang hindi."

"Okay lang na hindi? Believe me, Sandra. Your ex husband is still in love with you. Aba, kung hindi ata iyon nakapagpigil ay baka naupakan na niya ako nang halikan kita sa pisngi nung isang araw. At nakita mo ba ang reaction niya kagabi? Parang balak na niya akong ipakulam," natatawang buska nito.

Tiningnan niya ito ng masama. "Ikaw lalaki ka, umamin ka nga. Sinadya mo lang na yayain akong mag-dinner noon? Pati iyong kiss, sinadya mo rin, ano? At ang pagtawag-tawag mo sa akin ng 'gorgeous', kalokohan mo lang lahat iyon, ano?"

He nodded. "Tiningnan ko lang naman kung magre-react 'yong ex mo."

"And how did you know na siya na nga iyon?"

"Nakalimutan mo na ba? I'm the latest hottie of Thunderkizz at kasama ko ang kakambal niya sa banda. Mukhang pinagbiyak na buko ang dalawang iyon, maliban na lang sa fashion statement."

"Hindi ka kilala ni Ross."

"Hindi pa kami nagkakaharap ng pormal kasi hindi pa naman ako naipapakilala sa kanya ng kapatid niya. Pero mabalik tayo sa inyo. Anong plano?"

"Wala. Sinabi ko na sa kanya na pinapatawad ko na siya. Humihingi nga siya ng chance na maging magkaibigan kami pero I said no. Mahirap, e."

"Pero gusto mo?"

She sighed. "Okay lang ba na maging magkaibigan kami? Naisip ko rin kasi na baka iyon na ang way para malaman ko kung bakit niya ako iniwan."

"Kailangan mo pa bang malaman? Iniwan ka niya, tapos na 'yon. Whatever the reason is, still that thing is certain. Iniwan ka niya noon. He can do it again." He sipped his own iced coffee. Nagkibit-balikat ito. "Or it can be the opposite. Pwede namang magbago ang tao. Maybe he's finding the chance to prove that he will never commit the same mistakes. Walang mali kung maging friends kayo, pero ang tanong...gusto mo ba? Handa ka ba? Pag tinuloy mo 'yan, magkakaroon ka ng 99.9% chance na muling ma-in love sa kanya. Lalo na't alam mo naman sa sarili mo na you're still have the heart for him."

"Never kong sinabi 'yan, Reijan," pakli niya.

"Hindi mo na kailangang sabihin. Kilala kita at alam ko 'yan." He sipped his iced coffee again.

She sighed. "Ayos lang ba kung sakaling bumalik ako sa kanya?" tanong niya.

"Kahit anong gawin mo, okay lang. Basta hindi ka masasaktan. At ayoko nang maulit iyong nangyari noon." He smiled.

Napangiti siya. "Bahala na ang buwan, Reijan. Enough about me. Ikaw, kumusta si Miss Untouchable Woman?" pag-iiba niya ng usapan. Ang tinutukoy niya ay si Diane, ang babaeng pinagkakainteresan ng kaibigan niyang ito. According to his story, this girl was a young businesswoman.

"She's still lovely as always." Agad na abot-tengang ngiti ang sumilay kay Reijan. Mukhang in love nga ata ang kaibigan niyang ito.

INFINITY day. Iyan ang tawag ng banda sa araw ng Sabado. Maaga pa lang ay magkakasama na sila para mag-rehearsal, magkwentuhan at kung anu-ano pa. Pagsapit naman ng gabi ay on stage na sila sa Senang Hati.

Sa umagang iyon, sa salon ni Boaz sila tumambay. Nakaupo sa barber's chair si Ross. Makalipas ang ilang taon, desidido na siyang pagupitan ang mahaba niyang buhok. No more long-haired rakista look.

"Sigurado ka ba dito, Ross?" huling tanong ni Boaz. Ito mismo ang hairstylist nila.

"Oo," tipid na tugon niya.

"Ano bang pinakain sa'yo ng Sandra na 'yon at nakasentro na ata sa kanya ang buong buhay mo?" tanong ni Jhamo sabay hikab. Kakatapos lang ng graveyard duty nito sa isang pribadong hospital bilang nurse.

"Ano ka ba naman, Jhamo? Naturalmente, mahal niya iyon. Asawa niya iyon, e. At lahat gagawin ni Ross para mapasaya si Sandra," sabat ni Penpen.

"All because of love? Ang cheesy niyo!" hirit ni Earth.

"Kaysa naman sa 'yo. Taun-taon ka ng nag-oorasyon, pero hindi naman dumarating ang sinasabi mong future wife mo," sabat ni Ross.

"Dumating na kaya pero…secret muna!" tugon ni Earth.

"Ay naku, Earth. Isa ka pang magulo. Pero buti na rin nga at nangyari na ito. Imagine-in niyo guys, for eight years naumay tayo sa kwento tungkol sa never ending love ni Ross sa Sandra na iyon. At least ngayon, madudugtungan na ang kwento nila," hirit ni Marie.

"Eh pare, may progress nga ba? E, di ba sabi niya sa'yo, 'wag ka ng babalik sa kanya? May balak ka bang bumalik?" sunud-sunod na tanong ni Boaz habang abala sa pagputol ng buhok niya.

"Ewan ko nga. Olats na ata ako. Araw-araw may nagpapadala sa kanya ng bulaklak. Nanliligaw ata sa kanya iyong Reijan na kagabi ko lang nalaman na bagong member pala ng Thunderkizz. Papalitan na nga lang ako, musikero pa rin ang pipiliing ipalit sa akin. Ilang gabi na silang sabay umaalis ng office. Wala na ata akong babalikan. Kaya nga friendship na lang ang hinahabol ko. Pero pati iyon, tinanggihan din niya. Isa lang ang good news. Napatawad na raw niya ako at naka-move on na siya."

"So, anong dahilan sa pagtalikod mo sa long hair mo?" si Marie.

"Mukha raw akong floormat sabi ni Sandra. Maybe she's missing my gwapo look. I'm just taking a shot. Baka pag nakita niya 'yung dati kong look, lumambot na ang puso niya sa akin," biro niya. "Noon kasi, katulad kong manamit ang kakambal ko. Kaso madalas akong lapitan ng ibang tao, nagpapa-authograph, inaakalang ako si Hansen. Kaya naisip namin na kailangang magkaiba kami ng mukha. Kaya ayan, according kay Sandra...ako ang ragged version."

"Paano kung tanggihan ka uli?" tanong ni Boaz.

"Susubok ako ng ibang paraan. Kaya kong makipagsabayan sa tirik-tirik na buhok na iyon. I love her. Gagawin ko lahat para mahalin niya ako uli…para makabawi ako sa lahat ng pagkakamali ko sa kanya."

"Love fools," natatawang hirit ni Jhamo.

Binato niya ito ng crumpled tissue. "Ang isang 'to, 'kala mo hindi inlababo. E, ngawa ka naman nang ngawa nung isang araw dahil sa yobo mong hilaw na tinakbuhan ka." Yobo ang tawag nito sa isang babae na hindi nila maintindihan kung girlfriend nga ba nito o hindi. "O, ano na? Wala pa rin tayong napala sa pagpapadala natin ng bulaklak kay Vanessa mo?"

"Wala. Bili lang akong kendi sa labas." Bigla na lang nag-walkout si Jhamo.

"Naku, iiyak na naman iyon," si Marie.

"Kailangan niya iyon, Marie. Hindi pwedeng ganyan na lang siya palagi. Pretending na okay kahit alam naman natin na hindi. Simple lang ang buhay. Kung masaya ka, tumawa ka. Kung magaan ang pakiramdam mo, ngumiti ka. Kung mainit ang ulo mo, sumimangot ka, mang-away ka pa kung gusto mo. Kung nasasaktan ka, umiyak ka. No gender excuses. Kaming mga lalaki, pwede rin naman kaming umiyak, di ba?"

"Amen," korong sambit ng mga ito.

"Hindi ako nagbibiro," paglilinaw niya.

"Iniyakan mo ba siya? Ang sabi nila, true love raw pag iniyakan ka ng lalaki."

Napaisip siya sa tanong ni Penpen. Ilang beses na nga bang tumulo ang luha niya mula nang mahalin niya si Sandra? "Iyon lang naman ang magagawa ko maliban sa blogging."

He created a blog for Sandra. Isinusulat niya sa blog na ito ang lahat ng feelings niya. Iyon ang sandalan niya mula nang subukin ng panahon ang kanyang buhay. Someday, hinahangad din niyang malaman ni Sandra ang tungkol sa blog niya, though isang parte din ng utak niya ang pawang ayaw na mangyari iyon. If Sandra found out his real reason why he left her, sigurado siyang masasaktan na naman ito ng lubos. Ayaw na niyang mangyari iyon.

Pinilit niyang ngumiti kahit na parang gusto na rin niyang sumunod sa labas kay Jhamo at umiyak. He suddenly remembered that night when she said 'no' to friendship. Durog na durog ang puso niya noon.

"Hanggang kailan niyo ba paparusahan ang sarili niyo sa pag-ibig na 'yan? Kung hindi kayo mahal ng taong mahal niyo, then let go," si Marie. "Buti na lang, hindi pa ako nabibiktima ng sumpa na iyan."

"Madaling sabihin, mahirap gawin." Ang bumalik na si Jhamo ang sumagot.

"Tama ka do'n pare," sang-ayon ni Ross.

"Hay naku, tama na nga. Senti kayo nang senti," sita ni Penpen. "Mas mabuti pa, mag-rehearse na tayo."

"Yup. Okay na itong buhok mo, Ross."

"Pakiipon ng buhok ko 'tol, akin na lang."

"Ano naman ang gagawin mo sa buhok na 'yan?" tanong ni Boaz.

"Remembrance!"

Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Clean cut na ngayon ang gupit niya. Sana magustuhan ni Sandra ang new look ko.

EXCITED NA pumasok sa opisina si Sandra. Kagagaling lang niya sa Board Meeting at bitbit niya ang isang magandang balita. Nagtaka siya nang makitang nakatambay sa cubicle niya si Zhei. Walang tao sa opisina dahil nasa theater rehearsal ang buong team.

"O, akala ko ando'n ka rin sa auditorium?" bungad niya kay Zhei. Napansin niya ang mga kahon ng regalo sa mesa niya. "Wow, andami naman ata nyan?" Sinipat niya isa-isa ang gifts.

"Birthday mo kaya. Nakakaloka ka. Trabaho ka kasi nang trabaho kaya pati birthday mo kinalimutan mo na."

"Oy, hindi naman. Alam ko namang birthday ko ngayon. Binati ko nga ang sarili ko ng happy birthday to me, e."

Kinuha ni Zhei ang isang kahon. "Unahin mong buksan 'yan. Galing 'yan kay Ross, dali!" excited na sambit nito.

"Bakit parang excited ka? Alam mo ang laman nito, ano?" Tinanggap niya iyon.

"Hindi nga, e. Ayaw sabihin ni Ross. Nakita mo na ba siya? Aba, nagpapogi ng husto ang isang iyon para sa birthday mo," natatawang hirit nito.

"Echos!" sambit na lang niya para pagtakpan ang excitement niya. Nagpagupit kaya si Ross? No ragged look? Binuksan niya ang kahon. Tumambad sa kanya isang teddy bear na isang dangkal ang laki. Nang pisilin niya ang tiyan ng bear ay narinig niya ang boses ni Ross na kumakanta ng happy birthday. Napangiti siya. After eight years,ngayon lang uli siya nakatanggap ng simple yet sweet birthday gift.

"Aaaay! Ang sweet naman ni Ross. Nakakainggit. Dyan ka na, pupuntahan ko lang ang mister ko," sabi ni Zhei at bigla na lang lumabas ng opisina. Naiwan siyang nag-iisa roon.

Nang kunin niya ang teddy bear sa kahon ay may napansin pa siyang mas maliit na kahon. Napakunot ang noo niya nang makita ang laman noon. Buhok? Anong tingin niya sa akin? Mangkukulam na nangangailangan ng supply ng hair strands?

Hinawi niya ang buhok at natagpuan ang isang maliit na teddy bear na two inches lang ang laki. She remembered that bear. Iyon ang birthday gift niya kay Ross noong nasa Prague pa sila. She clicked the small button on bear's tummy. Narinig niya ang recorded voices nilang dalawa ni Ross singing happy birthday. In split of seconds she felt tears rushing on her cheeks. Muling nagbalik sa kanyang alaala ang masayang nakaraan nila. Kung hindi sana siya iniwan ni Ross noon, hindi sana sila kapwa nasasaktan ngayon.

Nakita niya ang nakaipit na sulat sa kahon.

Happy Birthday, sweetness! Sandra, I know whatever I'll do, you will never come back. It's hard, but I'm trying my best to accept it. All I want now is to still have you as a friend. At least, I can still be with you. That's how important you are to me. Alam ko, humindi ka na nung nag-usap tayo pero handa akong subukan pa ang lahat ng paraan para maging okay tayo. Bilang proof, isu-surrender ko sa'yo ang buhok ko. I've been living for years na mahaba ang buhok ko pero para sa'yo, pinagupitan ko na ang pinakamamahal kong buhok. Gusto ko sanang bumawi sa lahat ng pagkakamali ko. And being a good friend is a good start. I hope you can give me a chance.

She closed her eyes and asked a sign from her angel. Anak, babalikan ko na ba ang tatay mo? Few seconds more some unexplainable warm feeling enveloped her heart. She took it as a good sign. Tutal naman, lahat ng galit niya kay Ross ay tinunaw na ng katotohanang mahal pa rin niya ito. Siguro nga, makakabuti sa kanilang dalawa ang maging magkaibigan muli para tuluyang maisara ang chapter ng kanilang past.

Inabutan niyang abala ang buong theater department habang nagre-rehearse ang mga artista ng play. Sa director's booth siya nagtuloy. Naabutan niyang nag-iisa lang doon si Ross. Wala na ang long hair at ang annoying earrings nito. Hindi na rin ito nakasuot ng ragged pants, sa halip ay naka-polo at slacks na ito. Natameme siya nang balingan siya ng binata. Lalo siyang natameme nang ngumiti ito. Sus! Ang gwapo ng mister ko!

Nilapitan siya nito. "Sandra…"

Bakit ang pogi mo pa rin? Bakit ganyan ka makatingin? Gusto mo bang mahalin ako ulit? Pwede na, Ross. Handa na siguro ako.

"Okay ka lang ba, Sandra?" Natauhan siya nang pumitik ito sa hangin.

"O-Oo, okay lang ako. Ahm, okay 'yang gupit mo, mukha kang tao." Ang gaga ng sinasabi mo, Sandra, singhal naman ng isip niya.

"Like it?" tanong pa ni Ross.

I love you. Nasabi niya sa isip sabay tango sa kanya.

"Nabuksan mo na ba ang gift ko?" He lovingly looked into her eyes. She nodded. He moved closer to her and held her hand. "Pasensya ka na kung masyado akong makulit. Alam ko na guarded ka. Natatakot ka na baka masaktan uli kita, o maging magulo ang buhay mo dahil sa akin. Pero hindi ko kayang magpanggap na hindi ka mahalaga sa akin, dahil wala naman akong ibang babaeng tiningnan kundi ikaw lang. Hindi ako maghahangad ng sobra. Sana, hayaan mo lang akong maging kaibigan mo."

She felt her heart beating. Tumango ulit siya. "Okay na tayo, Ross. Don't worry."

Ngumiti si Ross. "Can I hug you?" She nodded. He immediately wrapped his loving arms around her. Hindi siya tumutol sa yakap na iyon. Matagal na niyang hinangad iyon. For couple of minutes, they stayed that way. She felt so secured habang nakakulong siya sa mga bisig nito. And she can't deny it. She missed him.

"I'm sorry, Sandra." Naramdaman niyang may tumulo na tubig sa balikat niya. Ross was crying! Hindi na rin niya napigilan ang mapaiyak. "God knows, I don't want to hurt you, but I did. I'm so sorry."

"I told you, you are already forgiven. Tama na ang paghingi mo ng sorry. Kalimutan na lang natin iyon, Ross." Kumalas siya sa pagkakayakap nito. Caught in the act, nakita pa niya ang pagtulo ng luha ni Ross. Pinawi niya iyon ng kanyang mga kamay. "Ano ka ba, 'wag ka ngang umiyak. Ang pangit mo, e."

He chuckled. Pinawi rin nito ang mga luha sa pisngi niya. "Ikaw rin ang pangit mo."

Pabirong hinampas niya ang balikat nito. Napasinghap ito at muling niyakap siya. "I still love you, my sweetness."

Natigilan siya. Narinig na nga niya iyon noon sa pantry pero iba pa rin sa pakiramdam na harapan itong sabihin sa kanya.

He looked straight into her eyes. "I love you so much. Sa loob ng walong taon, never kong kinalimutan iyong pagmamahal na 'yon, Sandra. Iniwan kita sa isang importanteng dahilan. Hindi ko iyon ginusto. Hindi totoong hindi na kita mahal, na nagsawa ako sa relasyon, at mayroon na akong iba. Sinabi ko lang iyon para bitawan mo na ako. But the truth is… I never loved anyone else since then. Ikaw lang, ikaw at ikaw lang." By looking at his eyes, she knew he was telling the truth.

"Bakit mo ako iniwan?" Muli siyang bumitaw sa pagkakayakap nito. Hindi niya alam kung handa na siya sa paliwanag nito pero hinayaan na lang niya ang sariling itanong iyon.

Pinawi nito ang sariling luha bago siya muling tinitigan. Halata sa mga mata nito na nag-aalinlangan ito sa nangyayari. Mukhang takot ito at hindi pa handang ipagtapat sa kanya ang lahat.

Umiling ito. "Hindi pa ako handang sabihin sa'yo ang lahat. Bigyan mo pa ako ng panahon, Sandra. Ayokong saktan ka ulit sa malalaman mo tungkol sa nangyari sa akin. Hope you understand. This is not easy."

Ano ba talagang nangyari noon, Ross? Tumango siya. "Then do it when you're ready. Hihintayin ko iyon, Ross."

"Thank you." He looked at her again and showed off his sweetest smile. "Parang ako ang may birthday. Higit pa ito sa isang magandang regalo, Sandra. Thank you for giving me the chance to be with you."

"I think this is also the best gift I received today. Friendship lang muna, okay?"

He nodded. "Friendship." Then he grinned. "Friendship with malice for me."

Tiningnan niya ito ng masama para itago ang kilig na naramdaman nang biglang kumabog ang puso niya. "Wag makulit!"

He grinned. "Nasabi ko na lahat kanina. It's not a secret anymore. I still love you. Kanya-kanya tayo ng version ng friendship. Basta ang friendship natin para sa akin, may malice."

She rolled her eyes. "Para-paraan ka rin, e." Tumawa lang ito. Umiwas siya ng tingin. Sinilip niya ang mga theater actors na nagre-rehearse sa stage ng theatre hall na iyon. "Mahal mo pa talaga ako?" tanong niya kay Ross.

Hindi niya alam kung anong sumanib sa kanya at tila magaan ang loob niya ngayong okay na sila ni Ross. Hindi siya sigurado kung tamang binibigyan niya ito ng panibagong chance but heck… it was her heart dictating her to do so. For once, gusto niyang malaman ang totoong nangyari. Ramdam niyang hindi totoong nambabae ito noon. Alam niyang may ibang dahilan. At kailangan niya iyong malaman mula dito. This friendship might be a way to know the truth.

"Gusto mo ng ebidensya?" He moved closer to her face. Bahagya siyang napaatras. He's about to kiss her when the door opened.

"What the—Uso ang mag-lock ng pinto, you know! Paano kung staff ang makakita sa inyo? Ay naku," litanya ni Herald bago isinara ulit ang pinto. "May conference pa iyong dalawang director niyo kaya doon na lang kayo maghintay sa baba para sa announcement," narinig pa nilang sambit nito.

Nagkatinginan sila at sabay tawa.

Ross mischievously looked at her. "I-lock daw natin iyong pinto," biro nito.

Pinandilatan niya ito. "Ayoko ng friendship with malice mo na 'yan. Nakakatakot!" He just laughed.

She turned on the mic from the equipment. "Theater staff, I would like to congratulate you for the success of our project. I'm happy to announce that we won the bid for CHED stageplay project. Well, I think that calls for a celebration." Pumailanlang sa auditorium ang boses niya. She turned it off at binalingan ulit si Ross na nahuli niyang nakatitig sa kanya.

"Still, hindi mo pa rin ako pwedeng titigan ng ganyan kapag nasa trabaho tayo. Magtatanong ang mga staff." Pinandilatan niya ito. "Friends tayo, okay? Hindi love team."

"'Pag wala na tayo sa trabaho, pwede na?" He winked.

Pinandilatan niya lang uli ito.