"Oy Ross, umimik ka naman dyan! Ano ba, may sanib ka na ba? Come on, bro. You'll just be working with your ex," buska ni Hansen habang minamaneho nito ang kotse ni Ross.
Muntik na siyang atakihin sa puso noong nakaraang gabi nang sabihin ni Zhei na Kahsandra Limien Pontez ang pangalan ng magiging supervisor niya sa Pontez Media. Sinong hindi mabibigla? Hindi naman niya inakala na kamag-anak pala ng ex niya ang napangasawa ng kaibigan. Ang tagal na nang huli silang magkita at alam niyang hindi nito gugustuhing makaharap siya dahil sa nagawa niyang malaking kasalanan dito. Inabandona niya ito, iniwan nang hindi man lang sinabi ang tunay na dahilan. Alam niyang sa laki ng kasalanan niya ay walang epekto ang apologies na ginawa niya nang magkita sila sa Senang Hati noong isang gabi. Kinakabahan siya sa pagtatrabaho kasama ito… pero hindi rin niya maitago ang nararamdamang excitement.
Kagagaling lang nilang magkapatid sa Zeus-Apollo Academy sa Los Baños Laguna kung saan sila nagtuturo. Si Hansen bilang Prep Teacher at siya bilang Music Teacher sa high school.
"Iyon nga ang problema, bro. Parang papatayin ko naman ang sarili ko. Alam mo namang mahal ko pa siya at imposibleng mahal pa rin niya ako. Paano ang gagawin kong approach? Iyong tipong iwasan na lang para walang gulo?" Napabuntonghininga siya. "Hindi madali para sa akin ang humarap kay Sandra. After all ng nagawa kong kasalanan sa kanya, ang kapal naman ng mukha ko, 'di ba?" Pumunta na siya sa Pontez kahapon para pumirma ng kontrata. Ang akala niya ay magkakaharap na sila ni Sandra, pero si Herald at Zhei lang ang humarap sa kanya.
"Eh, bakit mo tinanggap ang offer? Aminin mo na kasi, gusto mo rin naman na makita siya palagi or makabawi man lang."
"Got it right. But I'm not sure if I'm ready or if she's okay with that. Tinanggap ko na rin iyon dahil sayang ang sweldo. Remember, puro utang na ang pamilya natin dahil sa akin."
Makahulugang binalingan siya ng kapatid. "Ako na bahala sa utang natin, Ross. Dapat nga hindi ka pa nagpapakapagod sa trabaho. And please, never scare us that hell again."
Napangiti siya. He really had a loving family. At lalo na itong kakambal niya na kahati niya sa buhay. Ang totoo ay nahihiya na siya sa problemang dinala niya sa pamilya pero nananatili ang mga itong nakasuporta sa kanya, umaalalay at nag-aalaga.
"Why a simple sorry is not enough for girls to forgive a jerk?" He sighed. "Bakit kasi ang liit ng mundo namin ni Sandra? Hindi ko na siya dapat ginugulo, 'di ba? Okay na siya, e."
"Well, you decided already and for sure, she did too. We're here." Ipinarada na nito ang kotse sa parking lot ng Pontez Building.
Kinakabahan siya. Ano nga ba ang magiging resulta ng pagtatrabaho niya sa Theater Department ng Pontez Media kung boss niya ang nag-iisang babaeng kanyang minamahal, pero hindi na niya pwedeng mahalin pa? Ang complicated.
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga nang pumasok silang magkapatid sa elevator. Sa parehong gusali rin ang rehearsal studio ng bandang sinasamahan ng kanyang kakambal.
Bumaba ito sa third floor kung saan naroon ang Pontez Recording Studio. Naiwan siya sa elevator dahil sa seventeenth floor pa ang destinasyon niya.
Biglang nag-ring ang phone niya. Si Hansen ang caller.
"Ano?" asar na sagot niya.
"Naisip ko lang, bro. Bakit hindi mo na lang kaya sabihin sa kanya ang totoo? Then tell her you still love her after all these years. Baka sakaling mapatawad ka pa niya."
"That's suicidal. Hindi pwede!"
He ended the call at lumabas ng elevator. Sakto namang nakita niya si Sandra sa hallway na may kausap na binatang mukhang teenager na tirik-tirik ang buhok, nasa tapat sila ng front door ng theater department. May bitbit na bungkos ng bulaklak si Sandra na marahil ay bigay ng kausap at katawanan nito.
Ross, tanggapin mo na. Wala ka ng puwang sa puso niya. Anytime, pwedeng may pumalit sa pwesto mo sa buhay niya. Someone better, someone more deserving, someone who's man enough to stay with her, pangaral niya sa sarili. Pero hindi niya maiwasang maapektuhan lalo na nang aksidenteng marinig niya ang usapan ng dalawa.
"So gorgeous, our date tonight is still on? Siguro naman hindi ka na busy. Remember, you owe me a date."
The guy was intently gazing at his Sandra. Ngiting-ngiti ito sa babaeng pinakamamahal niya. Nakuyom niya ang kamao sa selos na ngumingitngit sa puso niya.
"Sure, daanan mo ako dito sa office mamayang alas-sais." Pinisil ni Sandra ang pisngi ng binata. "I'll wait for you."
Lalo siyang nagselos sa tugon ni Sandra. At hindi lang iyon, humalik pa sa pisngi ni Sandra ang binata bago ito umalis, na siya namang eksaktong paglingon sa kanya ni Sandra. Asar talaga!
"O, Mr. Ferrer, anong tinatayu-tayo mo dyan? Hindi maglalakad palapit sa'yo ang opisina. Get in," sambit nito. Nauna na itong pumasok sa opisina at sumunod siya. Napaka-casual nito sa kanya.
Kahit na abala sa kanya-kanyang trabaho ang mga empleyado sa opisinang iyon ay ramdam niyang nakatingin ang mga ito sa kanya habang sumusunod lang siya sa nilalakaran ni Sandra.
"Isang bagay lang, Mr. Ferrer. I'm your boss, you're my employee. Siguro naman ay alam mo kung saan ka lulugar, ano?"
"Yes, Ma'am," nakangiting tugon niya.
Mapaglaro talaga ang tadhana. Sino ba namang magsasabing darating ang araw na ito? Ang boss niya ay ang kanyang dating asawa at siya ay isang hamak na staff lang nito. Lalo tuloy siyang nailang. Kung hindi lang nito binakuran ang posisyon nila, malamang ay kanina pa niya itong sinabihan ng kung anu-anong papuri. Sandra was damn prettier now compared before. Parang gusto niya itong yakapin at halikan ng buong pagmamahal tulad ng dati. Napangiti siya sa ilusyon.
"At ipinagbabawal ko ang malisyosong pagngiti mo, Mr. Ferrer. Malas iyan sa negosyo." Pinandilatan siya nito. "Part-timer ka lang dito pero hindi ibig sabihin noon petiks ka sa trabaho. Ayoko ng tamad na empleyado." Huminto ito sa paglalakad at itinuro ang isang bakanteng cubicle. "Iyan ang temporary place mo, but since you will be working as musical director, you could also use the music studio over there. Equipped iyon ng music instruments." Itinuro nito ang isang pinto malapit sa pantry sa may dulo ng opisina. "Kung hindi ka pa satisfied, nasa third floor ang Pontez Recording. You could also use it. Anymore question?"
"Saan po ang mesa mo, Ma'am?"
Nagtatakang binalingan siya nito. "Iyang katapat ng cubicle mo ang mesa ko." Nilingon niya at itinuro ito. Kung wala palang harang ay parang face to face lang sila ni Sandra. Tinalikuran na siya nito at hinarap ang staff habang siya ay pasimpleng naglagay ng white rose sa mesa nito.
"Guys, I would like you to meet Mr. Ross Daniel Ferrer. Siya ang bago nating Musical Director. 'Wag na kayong magtaka sa kagwapuhan niya dahil kakambal siya ni Hansen Ferrer of the famous Thunderkizz Band. Siya iyong ragged version."
A compliment from an ex-wife. Nice! tudyo niya sa sarili.
Binalingan siya nito. "Sila ang makakatrabaho mo." Isa-isa niyang pinakilala sa kanya ang mga staff at kung ano ang mga posisyon ng mga ito. "Si Ate Zhei, paminsan-minsan pumupunta rin dito kahit na sa movie production na siya naka-assign. Sina Emie at Lanlan, both from Pontez Publication, sila ang bagong scriptwriters. Sila ang gumawa ng script ng play na tatrabahuhin mo."
Patangu-tango lang siya habang binabati ng mga bago niyang workmates.
"So kung wala ka ng tanong, magtrabaho ka na. I'll give you a copy of the previous rehearsal piece para malaman mo kung anong innovation ang gagawin mo. I'll be expecting some outcome as soon as possible. Understand?"
Mataman lang siyang nakatitig kay Sandra habang nagsasalita ito. Makalipas ang walong taon, ngayon lang dumating ang pagkakataon na matitigan niya ulit ito. Oh God! I still love you, my sweetness.
"Ross!"
Nagising ang diwa niya nang pandilatan siya nito. Tumangu-tango na lang siya. Pumunta na siya sa cubicle niya para mag-ayos ng konting gamit. Hindi pa siya napipirmi sa pag-upo sa swivel chair ay may nag-landing na crumpled paper malapit sa mukha niya. Galing iyon sa kabilang cubicle kung saan naroon si Sandra. Binuksan niya ang papel. May message pala doon.
'Wag na 'wag kang magkakamaling ipagkalat sa opisina na ito ang tungkol sa ating dalawa. Wala na tayong nakaraan mula noong iniwan mo ako. At 'wag mo na rin akong bigyan ng bulaklak. May supplier na ako at hindi ko na kailangan ng supply ng bulaklak mula sa'yo. Kung may kinalaman pa rin ito sa pag-apologize mo, gusto kong malaman mo na napatawad na kita. May pakiusap lang ako, 'wag mo na akong guguluhin. Let's just be civil.
Kumuha siya ng scratch paper at sinulatan iyon ng reply niya dito. Nilamukot niya ang papel at inihagis sa kabilang cubicle. Bahala na si Lord kung anong kwento ang ibibigay Niya sa kanila. Basta sa ngayon, ie-enjoy muna niya ang presence ni Sandra. At saka na siya mag-iisip ng consequence noon.
BINUKSAN ni Sandra ang drawer para kunin ang video copy ng rehearsal ng play upang ibigay kay Ross. Hindi niya alam kung paano siya naka-survive na harapin ito na parang walang kung anumang namagitan sa kanila. Pakiramdam niya ay napakagaling niyang artista at nagawa niyang itago ang tunay niyang nararamdaman. Batid niyang nagselos ito nang halikan siya sa pisngi ni Reijan kanina. Kitang-kita niya iyon sa expressive nitong mga mata. Parang gusto siya nitong kaladkarin palayo, pero hindi nito magawa. Nung mga sandaling iyon, parang gusto niyang yakapin ito at sabihing friendly date lang naman ang lakad nila ng kanyang best friend. Pero hindi niya pwedeng gawin iyon dahil kahit papaano ay may pride pa rin naman siya. Mukhang tama ang theory ng kuya Herald niya at ni Zhei. In love pa siguro sa kanya si Ross.
Hindi pa siya nakaka-recover sa eksenang iyon ay ito na naman ang bago... Alam niyang galing kay Ross ang stemmed rose na nasa mesa niya. At tulad ng dati, hindi pa rin ito nabibigong pakiligin siya.
Bumuntong-hininga siya. Go, Sandra. Kailangan mo ng maraming energy para sa kalokohang pinaggagawa mo ngayon.
Iaabot na sana niya ang CD kay Ross nang may mag-landing na papel sa pwesto niya. Galing iyon sa cubicle ni Ross. Malamang iyon ang reply ng loko sa ibinato niyang papel dito kanina.
Masusunod Ma'am, basta nakangiti ka lang palagi tuwing makikita kita. May smiley pang naka-drawing sa papel.
Parang natunaw bigla ang ngitngit niya kay Ross. Napangiti siya. Sige na nga, wala ng sweet revenge. Magpapahabol na nga lang ako.Tutal naman, I'm a new Sandra now. No more tears from the past. Kulang na nga lang ay batukan niya ang sarili sa kagagahang naiisip. Tumayo siya. Iniabot niya ang CD dito.
"Iyan ang copy nung video ng play. Pag-aralan mo." May iniabot din siyang isang papel.
"Iginawa na kita ng account sa internal chatroom at email ng kompanya. Nakasulat dyan ang user name, password, at instructions."
"Thank you. Expect an outcome tomorrow, Ma'am," tugon nito.
Tumango lang siya at saka binalikan ang kanyang trabaho. May tinatapos siyang progress report na isa sa paraang naisip nila ni Herald para bigyan ng consideration ng board ang theater department bago ito tuluyang i-abolish.
Nagulat siya nang may nag-buzz in sa computer niya.
rossferrer: Check lang Ma'am kung gumagana.
kahsandrapontez: K
Pati siya ay natawa sa ini-reply niya. Hindi na muling nag-message si Ross kaya itinuon na lang niya ang atensyon sa tinatapos na report.
"GOOD morning, Section 2A!" puno ng siglang bati ni Ross sa mga estudyante niya.
"Good morning, Sir!" bati rin ng mga bata.
Apat na taon na nang magsimula siyang magturo ng Music sa mga high school students. So far, na-enjoy niya ang experience. Nagagamit na niya ang napag-aralan sa Prague, nagagawa pa niyang mag-feeling high school. He missed happy moments during high school dahil lahat na lang ay ipinagbabawal noon ng kanyang mga magulang at doctor.
"Okay class, now we will discuss about your yearend project."
Umangal ang mga estudyante niya as usual. Napangiti na lang siya. Lagi na lang kasi ganoon ang reaksyon ng kanyang mga estudyante sa tuwing mababanggit ang salitang, "project."
"Sir, kakasimula pa lang po ng school year," sabi ng isa sa mga ito.
"Oo nga. Kaya nga pag-uusapan na natin ito ngayon. Ayokong sumabay ang project ko sa mga ira-rush ninyong projects at the end of school year. I want you to enjoy exploring classical music for longer period of time."
"Sir, book review din po ba iyan? O movie review? O review ng album ni Beethoven?"
Nagtawanan ang mga estudyante.
"No, I will never ask you to do something like that again, dahil alam ko namang kokopyahin niyo lang ang project ng mga kapatid o kakilala ninyo last year."
Umugong ang tawanan sa klase.
"You'll be doing a TV Manga Series Review. The material would be 'Nodame Cantabile'. I hope, pamilyar kayo sa Japanese TV show na iyon."
Abot-tenga ang mga ngiti ng mga estudyante niya na waring na-excite gawin ang project. Sabi na nga ba at magugustuhan ng mga bata ang proposed project niya kapalit ng nakakaumay na film review. Buti na lang at pinayagan siya ng principal na gawin iyon.
Masaya siya at mahal niya ang kanyang propesyon. Itinuturing din niyang anak ang lahat ng kanyang mga estudyante, kaya naman malaking respeto ang ibinabalik ng mga ito sa kanya.
Sa mga sumunod na sandali ay ipinaliwang niya sa klase ang sistema ng project at ang grading system. At hindi rin nagtagal ay na-dismissed na ang huling klase niya para sa araw na iyon. Pang-umaga lang ang slots ng music classes niya at sa hapon ay sa Pontez o sa Senang Hati siya naglalagi.
Nauna siya sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya na palaging si Hansen ang nagmamaneho. Tulad niya ay Teacher din ito sa umaga ng nursery at kindergarten, sa hapon naman ay abala na ito sa sikat na banda na kinabibilangan nito. Marunong naman siyang magmaneho pero ayaw ng mga magulang nila na nagmamaneho siya lalo na kung mag-isa lang siya sa byahe, kaya lagi na lamang silang magkabuntot ng kakambal niya.
Pumunta siya sa waiting shed sa di kalayuan, at saka umupo sa bench at kinuha ang kanyang iPad sa bulsa ng dala niyang laptop bag. May kinuha na rin siyang mga papel kung saan nakasulat ang discussion niya para sa gagawing presentations. Pinasadahan niya muna ng review ang presentation na iyon.
Napatingin siya sa mga batang naglalaro. Napabuntong-hininga siya. Siguro kung hindi kami nagkahiwalay ni Sandra, malamang ay malaki na rin ang anak namin ngayon.
Isa iyon sa mga bagay na pinanghinayangan niya. Gusto rin naman niyang maranasang maging isang ama. Isang bagay na parang ipagkakait na sa kanya ng panahon dahil ang nag-iisa niyang pinangarap na maging ina ng mga magiging anak niya ay hinding-hindi na niya mababalikan pa.
LUNCH BREAK. Sama-samang kumakain ng tanghalian sa pantry ng opisina ang ilan sa mga staff ng Theater Department.
"Ay naku, babad kami ni Ross kagabi sa Facebook Messenger. Ang pagkakulit pala niya. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya," sambit ni Emie sabay subo ng adobong manok. "Doon pala siya sa Music Lounge ng kapatid ko tumutugtog. Kagabi ko lang nalaman. Small world."
Pasimpleng napakunot ang noo ni Sandra. Mukhang magkakaroon na siya ng karibal sa opisina. Huh! Mas maganda pa rin ako at wala siyang laban sa akin, dahil asawa ko si Ross! Hmmp! Tambakan ko kaya ng writing materials ang babaeng ito?
"Naku, makulit talaga si Ross. High school pa lang siya, e kilala ko na iyon. Kabarkada kasi siya ng kapatid kong tuod," segunda ni Lanlan. Ang tinutukoy nito ay si Yohann Custodio na vocalist ng Thunderkizz Band.
"Malakas din ang trip niya. Ibang level siya," hirit din ni Zhei. "At in fairness, super bait. Isa talaga siya sa pinakamabait na taong nakilala ko. Walking charity institution nga iyon. 'Di kasi siya makatanggi sa tuwing may lumalapit sa kanya para humingi ng tulong."
"Ay grabe! Crush ko na siya. Ang gwapo niya sa mga pictures sa Facebook," si Emie. "Pang-model tapos magaling kumanta! Ang lovely ng voice niya. Ang cute pa niya sa mga videos."
Hindi siya maka-relate, lalo na't content na ng Facebook account ni Ross ang pinag-uusapan ng tatlo. Gusto rin sana niyang ungkatin ang mga iyon pero bihadong mako-corner na naman siya ni Zhei at ng Kuya Herald niya. Gusto sana niyang malaman kung anong nangyari kay Ross at mukha na itong na-cast away. Baka sakaling makatulong ang mga social media accounts nito para malaman niya iyon. But through the years, she never bothered herself on searching for him online. Isa iyon sa paraan niya para maka-move on. Iniwasan niya ang kahit na anong paraan para mahanap pa ito. Kaya ngayon, out of place siya sa usapan.
Ay naku Sandra, bakit di mo na lang aminin na nami-miss mo iyong dating itsura at porma niya? I-request niya kaya ditong bumalik na ito sa dating anyo? Of course, she can't do that. Siguradong mahahalata nitong interesado pa siya dito gayong ang press release nga niya ay balewala na ito sa kanya.
"Oy, Sandra, umimik ka naman dyan. Sige ka, hindi ka matutunawan nyan," biro ni Zhei.
"Wala naman akong alam sa pinag-uusapan niyo. Pakialam ko kung gwapo sa picture ang mukhang floormat na iyon?" buska niya.
"Floormat, Ma'am Sandra? Tinawag mong floormat ang napakagwapong nilalang na si Ross?" todo emote na tanong ni Emie. Siguro nga ay napapagtripan na nito si Ross. Ang pagkakaalam niya kasi ay nililigawan ito ng creative manager ng Pontez Vision.
"Oo, kung ayaw mong floormat, pwede ring doormat o kaya naman ay trash bag. Sorry, but I hate rugged. At ayoko ng sense of music niya, masakit sa tenga."
"So, ma'am hindi mo siya type?" tanong ni Emie.
Oo, hindi ko siya type para maging sa'yo, dahil type ko siyang maging akin! "Libre kang pagnasaan siya, go ahead," labas sa ilong na hirit niya.
"Talaga, Ma'am? E, ano kaya iyong batuhan ng crumpled papers kahapon?" Lanlan grinned.
"At iyong stemmed rose?" dagdag pa ni Emie.
Natigilan siya sa sinabi ng mga ito. May nakapansin pala noon. "Wala iyon," pagkakaila niya. Binalingan niya si Zhei. Malisyosang ngiti lang ang ipinukol nito sa kanya.
"Naman, Ma'am? At saka sabi ni Ross kagabi, nagagandahan daw siya sa 'yo," dagdag ni Emie.
"Kaso lang daw, sinusungitan mo raw siya."
Binalingan niya ito. "Niloloko niyo na ako. Don't tell me, pinagkukwentuhan niyo talaga ako? Sesantehin ko kaya kayo?"
"Ako naman po ang nagtanong sa kanya kung anong tingin niya sa 'yo," sagot ni Emie. "Ay speaking of, andyan na si Ross!"
On cue pumasok si Ross sa pantry. May bitbit itong paper bag. Siya ang unang tinapunan nito ng tingin. "Good afternoon, Ma'am Sandra." Ipinatong nito sa mesa ang paper bag. "May dala akong fruit salad para sa'yo…sa inyo."
Pinigilan niyang mag-react pero deep inside humahagalpak na siya ng tawa. Mukhang kabado pa rin itong kausapin siya. Trip niyang magpayanig ng mundo ngayon kaya umarte siyang di interesado. "Salamat sa effort, Mr. Ferrer pero isinumpa ko na ang fruit salad lalo na kung galing sa isang floormat. Excuse me!"
Tumayo siya at lumabas ng pantry. Hindi muna siya lumayo para marinig ang reaksyon nito.
"Floormat? Ako ba iyon?" tanong ni Ross.
"Oo, ikaw raw iyon sabi ni Ma'am pero okay lang iyon. Gwapo ka pa rin sa paningin ko," tugon ni Emie sabay tawa. "Kahit mukha ka raw floormat."
"Sa paningin ko rin," hirit ni Zhei. "Sarap ng salad mo, Ross. The best!"
"Oo ang sarap ng salad mo parang ako...sweet," natatawang hirit ni Lanlan. "Ikaw ang bida Ross sa susunod kong nobela, ha? Gusto mo bang maging heroine si Ma'am Sandra?"
Narinig din niyang tumawa si Ross. "'Wag nga kayong ganyan, baka magselos ang asawa ko."
Nagulat siya. May asawa na si Ross? Kung gayon ay naipagpalit na pala siya nito. Napasilip tuloy siya sa pantry nang wala sa oras. Gusto niyang malaman kung saan hahantong ang usapan ng mga iyon.
"May asawa ka na? Bakit sa profile sa Facebook mo ay 'in a relationship' lang ang nakalagay?" tanong ni Lanlan.
"Well, I'm in between married and single. I secretly got married in Prague, but I stupidly broke the relationship for certain profound reason. I regret that part of my life though. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon ay sana hindi ako naging duwag noon. Siguro, masaya na kami ngayon."
Nakita niyang lumungkot ang mukha ng binata pagkatapos ay pilit na ngumiti habang ang tatlo ay maang na nakikinig sa kwento ni Ross. "So now, I'm single. Di kasi kami nakapag-divorce."
Natigilan si Sandra. Siya pala ang tinutukoy nitong asawa. Hanggang ngayon pala ay tinuturing pa rin nitong legal ang kasal nila. Wala sa sariling nabaling ang tingin niya sa palasinsingan ni Ross at nakumpirmang suot pa nito ang wedding ring nila. Pareho lang pala sila dahil hanggang ngayon ay suot pa rin niya ang wedding ring na nasa kanya.
"Oh my, chimay! Kasal pala kayo ni S—" natutop ni Zhei ang bibig. Buti na lang napigilan nitong banggitin ang pangalan niya. "Ngayon ko lang nalaman iyan, ah."
"Mahal mo pa?" tanong ni Emie.
Pumasok ulit si Sandra ng pantry. Ayaw niyang marinig ang isasagot ni Ross kaya umeksena na siya para matigilan ang mga tao roon. Hindi pa siya handang bulatlatin ang nakaraan nila. Nagpanggap siyang inuubo.
Kumuha siya ng baso at uminom ng tubig.
"Oo, sobra," sagot ni Ross. Malamang ay walang nakahalata na narinig niya ang pinag-usapan nila.
Nasamid siya ng tubig kaya naging makatotohanan ang pagpapanggap niya. Agad siyang nilapitan ni Ross.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Ross habang marahang hinahagod ang likod niya.
Napatingin tuloy siya rito. At ang titig nito ang nagpatunay ng sinabi nito kanina. Ganon pa rin ang sinasabi ng mga mata nito, mahal pa rin siya ng loko. And that made her heart skipped a bit. Ang bilis naman ng kabig ng revenge ko. Balik agad sa akin?
Umiwas siya ng tingin. "O-Oo okay lang." Dali-dali siyang lumabas ng pantry. Nagulat na lang siya sa inabutan niya sa mesa niya. Isang paper bag doon na may nakaipit na papel.
Alam kong hindi mo titikman ang dala ko sa harap nila. Masakit iyon para sa akin, hindi dahil alam kong dedeadmahin mo ako, kundi dahil hindi mo man lang matitikman ang pinaghirapan ko. Para sa iyo 'yan Sandra, este Ma'am Sandra. 'Wag mo naman sana itong tanggihan.
Ilang segundo niyang tinitigan ang paper bag. Hindi niya maintindihan ang sarili. May pakiramdam siyang gusto niya ang pagpupumilit na sweetness ni Ross. Ngunit a part of her, doesn't want to give in. She ended up setting aside that salad. Iuuwi na lang niya iyon at sa bahay kakainin.