Hingal na hingal sina Yna ng marating ang daan patungo sa ibaba ng kakahuyan na kanilang inakyat. Noon lamang niya napagtanto na inabot na pala sila ng dilim.
"Grabe ka talaga, Teddy! Paano mo nalaman ang tungkol sa mangkukulam na 'yun?" Tanong ni Gian habang nakasakay sila sa kotse.
"Oo nga! Bakit kasi si Teddy pa ang inutusan mo Yna na maghanap ng subject natin para sa docu na 'to?" Inis na sabi ni Lora.
"My loves naman…" Kumakamot sa ulo na sabi ni Teddy habang nagmamaneho.
"Wag mo nga akong tinatawag ng ganyan! Lalo lang ako naiinis!" Pairap na sabi ni Lora.
"Relax ka lang, Lora. Isipin niyo na lang na last project na natin to! Next month graduation na!" Masigla niyang pampalubag loob sa mga kaibigan.
"Gosh! Parang kailan lang guys…" Maluha-luhang sabi naman ni Shine na niyakap ng mahigpit ang katabing si Jenny.
"Ilang days na lang guys kaya lubusin na natin. Kaya natin to!" Sigaw niya.
"Yeah!!!!" Sabay-sabay na sabi naman ng mga kasama niya sa kotse saka sila naghalakhakan. Nagsimula naming tugtugin ni Jerry ang dalang gitara. Sinabayan nila ang saliw nito ng isang masayang awitin.
Nasa chorus na sila ng awitin ng biglang mamatay ang makina ng kotse nila. Nagkatinginan sila at saba-sabay na napahiyaw. Dis-oras na kasi ng gabi at malayo pa sila sa kabayanan.
"Sige pa guys. Push lang ng push!" Ani ni Shine bilang pampalakas ng loob kina Jerry, Gian at Teddy na nagtutulak ng kotse.
"Pag napagod na kayo, kami naman ok?" Sabi naman ni Yna habang naglalakad sa likod ng mga nagtutulak na mga lalake.
"Malayo pa ba ang gasoline station, my loves?" Humuhingal na tanong ni Gian kay Yna.
"Based on my GPS, one kilometer pa 'my loves'." Pinagdiinan niyang sabi na may langkap na pang-aasar.
Napahinto naman sa pagtutulak ng kotse si Gian at nakangiting tumitig sa kanya na parang wala sa sarili.
"Tinawag mo akong my loves Yna? Haaay..gusto ko ng mamatay.." Tila nagha-halucinate na turan ni Gian.
"Baliw! Mamatay ka na nga sana ngayon para mawala ka na sa mundo! Eeeee!" Inis na sabi ni Yna sabay batok dito.
"Uy, Gian. Magtulak ka na!" Sabi naman ni Teddy na hirap na hirap sa pagtutulak dahil sa payat nitong katawan. Wala namang nagawa si Gian kundi ang bumalik sa pagtutulak.