"Ano bang lugar to Yna? Nakakatakot." Nanginginig ang tinig na sabi ni Jenn habang mahigpit na nakahaw sa braso ni Yna. Napahinga naman siya ng malalim at itinuon ang mga mata sa isang maliit na kubo sa gitna ng kakahuyan na kanilang kinaroroonan.
May isang oras ding paglalakad ang kanilang ginawa para lang maabot ang bahay ng sinasabing tinitirahan ng isang mangkukulam.
"Parang ayaw ko na yatang ituloy to, guys. Bakit kasi sa dinami-dami ng subject natin, siya pa?" Reklamo naman ni Lora.
"Tao po! Tao po!"
Sabay-sabay nilang pinigilan si Teddy sa ginawa nitong pagkatok.
"Teddy! Ano ka ba? Wala pa akong 'go' signal!" Inis na sabi ni Yna.
"Anong problema nyo? Ayaw nyo pa kasing kumilos." Sagot naman nito.
"Di ka ba talaga nag-iisip? Pano kung pagbukas ng pinto, my witch na lumabas?" Ani ni Jerry sabay batok kay Teddy.
"Sinong witch ang tinutukoy nyo?" Isang matandang tinig ang bumulaga sa kanila buhat sa pawid na pinto ng kubo.
Dahan-dahan nilang hinarap ang matandang babae ngayong nasa kanilang kaharap. Mahigpit na hinawakan nila ang kamay ng isa't-isa at nagtinginan. Mababakas ang matinding takot sa kanilang mga mukha.
"Kayo ba yung mga estudyante ng St. Matthew University?" Tanong nito. Tango lamang ang kanilang nagging tugon ditto.
"Tuloy kayo." Pormal na sabi nito sabay pasok sa loob. Sumunod na lamang sila dito habang magkakahawak pa rin sila ng kamay.
"Maupo kayo." Ani nito. Mabilis naman silang naupo. Si Gian at Jerry na man ay nanatiling nakatayo habang nagvivideo.
"Ano bang gusto ninyong malaman?" Seryoso nitong tanong.
Huminga muna ng malalim si Yna upang mamakakuha ng lakas upang magsimulang magsalita.
"Gusto lang po naming malamang kung isa nga po ba kayong mangkukulam?" Pakiramdam niya'y nanunuyo ang kaniyang lalamunan.
"Tama. Isa nga akong mangkukulam." Diretchong sagot nito. Lalong nakaramdam ng panunyo ng lalamunan si Yna. Nagsimulang bumilis ang pintig ng kanang puso.
"Ano po ba ng buhay ng isang mangkukulam?" Tanong niya.
"Buhay na katulad ninyong mga tao." Tipid na sagot nito sabay tingin ng masama sa kanya. Lalo siyang nangilabot at pakiramdam niya ay sobrang nangangatog ang kanyang tuhod. Tiningnan niya si Lora na sinenyasan na ito naman ang magtanong pagkat pakiramdam niya ay hindi na niya kaya ang tension na kanyang nararamdaman.
"Totoo po bang pananakit ang inyong ginagawang kabayaran para sa mga may kasalanan?" Mahinahong pagtatanong ni Lora nab akas din ang pag-aalala sa mukha.
"Pananakit?!" Balik na tanong ng matanda na nagsimula ng manlisik ang mga mata.
"Kamatayan! Iyan ang aking ginagawa sa mga taong walang habas sa pananakit sa mga taong mahihina!" Mariing wika nito sabay titig sa kanila na para bang binabasa ang kanilang mga kaluluwa.
"Yna, ayaw ko na..natatakot na talaga ako.." Bulong sa kanya ni Shine na humigpit ang pagkakahawak sa braso niya.
Huminga ng malalim si Yna bago muli uling nakipaglaban ng titigan sa matanda.
"Ano pong masasabi ninyo sa mga taong hindi kayo maunawaan?" Malakas ang loob na tanong niya.
"Magbabayad sila! Lahat ng humahadlang sa aking daraanan ay aking pinapahirapan! Daranasin nila ang pinakamasakit na buhay na hindi nila kailanman naranasan!" Nanggagalaiting wika nito sabay tayo. Nagmamadali itong lumapit sa isang lumang lamesa na punung-puno ng kung anu-anong tuyong halaman at iba pang lumang kagamitan.
"Makikita ninyo! Ganito ang mangyayari sa kanila!" Pasigaw na wika nito habang hawak ang isang manikang yari sa dayami at kinuha ang kutsilyo. Pinagsasaksak nito ang manika sa kanilang harapan sabay putol sa ulo nito.
Sabay-sabay silang napasigaw sa takot at nagpaunahang silang tumakbong paalis sa kubo ng matanda. Habang sila ay nagtatakbong palayo at naririnig nila ang napakalakas na halakhak ng matanda.