Chereads / Always by your side / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Nagluluto ako ngayon ng hotdog and egg for my breakfast. Ngayon ko malalaman kung matatanggap ba ako sa trabaho na inapplyan ko. How i wish na sana matanggap ako dito para matulungan ko na si lola Mamay at hindi na kami mahirapan kung saan kukuha ng makakain.

"Ayan tapos na kong magluto... Lola tara kain na po tayo." Tinawag ko na si lola para makakain na kami. Lumabas na si lola sa kwarto na kinalululunan nya at pumunta na sa lamesa para sabayan akong kumain.

"Happy birthday apo!" Maligayang bati saakin ni lola at niyakap ko.

"Salamat po lola" at niyakap ko rin sya pabalik.

"Mukang masarap ang luto ng apo ko ah" sabi ni lola na ngayon ay kumukuha na ng ulam.

"Ay si lola binobola pa ko. Baka po lumaki ulo ko nyan at mapagluto ko kayo ng paborito nyong kalderetang manok hahaha" biro ko rito. Natawa naman si lola at nagsimula nang kumain. Habang kumakain kami ay nagsimula na kaming magkwentuhan sa mga bagay-bagay.

"Apo kamusta ka naman...nakakuha ka na ba ng trabaho?" Tanong saakin ni lola.

"Ngayong araw ko po malalaman kung natanggap po ba ako o hindi...so hintay hintay lang muna po tayo at makakaraos din po tayo la..." Madamdaming sabi ko kay lola dahil masyado na kaming maraming napagdaanan at ang karamay ko lang doon ay si lola. Hindi nya ako pinabayaan at pinalaki nya ako ng maayos. Sya lahat ang nagtaguyod saakin sa pag-aaral at sumuporta sa lahat ng pangarap ko. Kaya nga gusto ko nang makapagtrabaho para masuklian lahat ng kanyang paghihirap at sakripisyo nya para saakin.

"Alam mo apo...marami ka pang mararating sa buhay. Sa sipag mo ba namang iyan at talinong taglay mo ay sigurado akong may magandang kinabukasan ang nag-aantay sayo." Yakag ni lola na nakapagpalusaw sa aking puso. Kaya hindi ko ito kayang iwan dahil napakalambing nito at mapagmahal.

Humawak ako saaking dibdib na parang natouch dahil sa sinabi ni lola. "Aww... Lola naman kay aga aga pinapaluha nyo ako! Hahaha nakakatouch naman lola kaya mas lalo ko pang pinagsisipagan dahil sainyo."

Hinawakan ko ang kamay ni lola at hinalikan ito... "Mahal na mahal ko po kayo lola at sisiguraduhin ko pong iaangat ko po kayo sa kahirapan."

"Basta lagi mong tatandaan na palagi lang akong nakasuporta sayo apo. At saka pasensya na talaga kasi hindi kita napag-aral sa kolehiyo...siguradong mas madali kang makakahanap ng trabaho kung ganon."

"Lola wag na po kayong humingi ng tawad dahil napakalaki na po ng naitulong nyo sakin...sobra sobra pa nga po eh." Sabi ko.

"Ay nako basta suportado kitang bata ka. Lagi mong tatandaan yon."

"Opo la, hahaha tama na nga baka magkaiyakan pa tayo" sabay punas sa kaunting luha na namuo sa aking mata.

Matapos kaming kumain ni lola ay umakyat na ako sa aking kwarto. Maliit lang ang bahay namin pero maayos naman itong tingnan at malinis. Hindi kami mayaman pero hindi rin naman sobrang hirap. Kung ano may ang makakaya namin ay pinagtatiyagaan nalang namin iyon para makatipid.

Nang makapasok ako sa kwarto ay nagpunta agad ako sa banyo para maligo. Sa kalagitnaan ng aking paliligo ay may biglang tumawag sa cellphone ko kaya mas binilisan ko ang pagligo. Nang makapagbihis na ay agad kong sinagot ang tawag.

"Hello?" Bati ko sa kausap.

"Goodmorning, we are the staff in the company of mendoza INC. and i would like to congrats you for being part of the company as secretary and personal assistant of Don Cristiano Mendoza." Sabi sa kabilang linya.

Nasa state of shock pa ako pagkatapos sabihin yon ng taong kausap ko. Nagbalik lang ako sa ulirat ng magsalita ulit ang staff.

"Maam? Nandyan pa po ba kayo?" Tanong ni kuya.

"A-ah tama po ba yung narinig ko? Tanggap na ko sa trabaho?" Tanong ko na hindi parin makapaniwala.

"Yes and you need to start working today"

"AAAAAHHHHHHHHHH!!!" tili ko dahil finally natanggap na ako sa trabaho.

"Um hey please maam, have a good behavior when you go to the company... without SCREAMING" pakiusap ni kuya.

At dahil don ay bigla akong nahiya sa ginawa kong pagtili. At kaagad na humingi ng tawad.

"Ay sorry po...sorry po talaga. Promise po i will behave when im in the company."

"That's good. And i have one more thing to say..."

"Anu po iyon?" Tanong ko.

"Happy birthday." And without a goodbye, he ended the call.

Huh? Pano nya nalaman na birthday ko ngayon? Maybe nakita nya sa bio data application ko? Well, i dont know. Pero at least may bumati sakin.

Agad akong bumaba ng sala para ibalita kay lola na natanggap na ako sa trabaho. "Laaaaaa!!!" Excited na sabi ko at pumasok sa kwarto nya.

"Oh susmaryosep! Bat ka naman sumisigaw ha apo? Eh para kang nawawalang bata na hindi mapakali." Pagrereklamo ni lola.

"La, first of all hindi po ako nawawala na bata at hindi na po ako bata. May maganda lang naman po akong balita." At ngumiti ng pagkakinangkinang.

"At ano naman iyon aber?" At namaywang pa ito.

"NATANGGAP NA PO AKO SA TRABAHOOO!!!" at nagsimula na akong sumayaw ng happy dance...

"Abay maganda ngang balita yan apo!" At nakisayaw narin ng happy dance.

Napangiti sya dahil nakikita nyang masaya ang kanyang lola. Nang mapagod kaming dalawa sa pagsasayaw ay tumigil na kami at inakap ko sya ng mahigpit.

"Salamat sa dyos at natanggap ka."sabi ni lola. Bumitaw na ko sa pagkakayakap at hinarap sya.

"Mamaya po la magsimba tayo para makapagpasalamat sa Diyos. Pero sa ngayon po papasok na ko sa trabaho dahil ngayon daw po ako mag-i-start." Pagpapaalam ko.

"Osige na magbihis ka na at baka malate ka pa"

Tumakbo na ko sa taas at nagpalit na akong damit pang opisina para maging presentable akong tingnan. Bumaba na ako sa sala para makapagpaalam na ako kay lola.

"La aalis na po ako." Paalam ko.

"Sige apo magiingat ka ha?"

"Opo la." At tuluyan nang lumabas sa bahay at sumakay ng jeep. Jeep nalang ang sasakyan ko para makatipid.

Nang makarating ako sa company na tutuluyan ko ay huminga muna ako ng malalim para ihanda ang aking sarili.

'Kaya mo toh cristine... fighting!'

Pumasok na ako sa loob at dumeretsyo sa front desk para magtanong.

"Excuse me miss..." Panimula ko.

"Goodmorning, welcome to the company of Mendoza INC. What can i do for you?" Sabi sakin nung cashier.

"Ahm...ako po yung bagong secretary ni Mr. Mendoza."

"Can i have your information for me to secure things?" Paninigurado nito.

"Oh here!" At inabot ko ang mga data information ko.

Binasa nya ito para makasigurado na ako nga ang bagong secretary ng kumpanya.

May tinawagan ito sa telepono pagkatapos nya basahin ang biodata ko.

"Sir nandito na po sya" sabi ng cashier.

"Sigi po." Paalam ng cashier sa kausap.

Bumaling sya saakin. "Maam sumama nalang po kayo saakin and I'll guide you to the presedent office." Nagsimula na itong maglakad kaya sumunod na rin sya rito.

Sumakay kami ng elevator para makarating sa tuktok. Lumabas na kami ng elevator at naglakad na ulit. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang kabahan...para bang may kailangan syang malaman pero hindi na nya ito inisip. Inisip nya nalang kung paano sya haharap at makikipag-usap kay Mr. Mendoza.

"Maam nandito na po tayo." Natigil lang sila sa paglalakad nang makarating sila sa isang malaking pinto. Mahahalatang ito na nga ang presedent office. Kumatok ito at ipinaalam na nandito na sya. Narinig rin nyang pinapapasok sya ng tao sa loob. "Maam pasok nalang daw po kayo." At umalis na yung babae.

Sya naman ay pumasok na ng nakayuko.

"Goodmorning sir." Pagbati ko sa presedente ng companya.

"So... your the new secretary and my personal assistant, right?" Sabi ng panlalaking boses.

Biglang kumabog ang dibdib nya at parang may kakaibang kuryente ang dumaloy sa kanyang dugo. Bigla syang napaangat ng tingin at napatitig sa taong kaharap nya.

Kung idedescribe mo itong lalaking kaharap nya ay mukang nasa 45 years old na. May itsura ito at disenteng-disente ang kanyang pananamit. Makikita mo talagang may kaya syang tao at mayaman. Hindi nya alam kung bakit ganon ang kanyang naging reaksyon, pero pinagsawalang bahala nalang nya ito. Siguro kinakabahan lang sya.

"Y-yes po, im the new secretary and your personal assistant."