Chereads / Devil's Possession / Chapter 2 - PROLOGUE

Chapter 2 - PROLOGUE

"All you have to do is to fill this form up and everything will be fall in your way, madam."

Kanina pa nagpapaulit-ulit sa tenga ko ang mga katagang binitawan ng lalaking naka puros itim kanina.

Kanina pa ako hindi mapakali at paikot ikot sa loob ng hospital room ng nanay ko habang hawak ko sa kamay ang papel na inabot ng lalaki saakin kanina. Mahirap lang kami pero hindi ako tanga para hindi ko malaman kung anong uri ng papel ang hawak ko.

It's a marriage contract.

Napahinto ako sa ginagawang pagpapaikot-ikot ng makarinig ako ng katok mula sa pinto. Napako ang paningin ko doon habang hinihintay kung sino ang papasok. Hindi naman naka lock 'yon. Agad akong tumalima ng makita ko ang doctor na syang iniluwa ng pinto.

"Doc..."

"I'm here to check my patient." Naglakad ito patungo sa hospital bed na kinahihigaan ni nanay. May kung ano-ano syang ginawa na hindi ko alam ang tawag bago sya humarap saakin.

"Kamusta po ang lagay ng nanay ko?" Agad kong tanong dito.

Agad bumalatay ang kaba sa loob ko ng makita ang paghigit nya ng hininga bago ako sagutin. "I won't go any further, Rebecca. Isang buwan ko na ring inoobserbahan ang kalagayan ng nanay mo. At habang tumatagal, hindi na gumaganda ang kundisyon nya. She's becoming weakling and weakling every passing day. She really must need to be operate as soon as possible. Kung hindi, I'm sorry in advance." Lathala nito saka ako tinapik sa balikat bago sya lumabas ng kwarto.

Agad kong hinakbang ang pagitan ng hospital bed ni nanay mula sa kinatatayuan ko. Pinagsiklop ko sa kamay ko ang kamay nyang halos mapuno na ng kung ano-anong nakaturok doon. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko ng muling nag echo ang mga sinambit ng doctor kanina.

"N-Nay... wag mo po akong iiwan, ah? Wag, nay. Hindi ko kaya." Inilapat ko sa pisngi ko ang kamay nyang halos buto nalang dahil sa kapayatan.

"She really must need to be operate as soon as possible. Kung hindi, I'm sorry in advance."

Iniling-iling ko ang ulo ko para subukang burahin ang mga salitang 'yon sa utak ko pero nagpaulit-ulit lang iyon na parang sirang plaka.

Matagal ng sinasabi ng doctor na kailangan ng maoperahan ni nanay dahil hindi na maganda ang lagay nito. Gustohin ko man ngunit wala akong magawa. Kailangan ng malaking pera para magawa ang opearasyon. Kung wala naman akong sapat na halaga, hindi nila gagalawin ang nanay ko. Ganon kawalang kwenta ang batas ng hospital na ito.

Marahan kong binitawan ang kamay ni nanay at muling inilapag iyon sa sa gilid nya. Tumayo ako at kinuha ang 3310 na telepono sa gilid ng maliit na lamesa sa loob ng kwarto. Kinuha ko din ang maliit na kwadradong papel na iniabot saakin ng lalaking nakaitim kanina kasama ng marriage contract, dala ko 'yon ng tumayo ako at lumabas ng kwarto ni nanay saka ako nagtungo sa rooftop ng hospital.

Idinial ko ang number na nakasulat sa maliit na papel doon. Hindi pa natatapos ang paunang ring ng sinagot na ito ng kabilang linya. Mukang hinihintay talaga nila ang tawag ko.

"He—"

"What's your decision, madam?" Napangiti ako ng mapait ng putilin nito ang pagbati ko na para bang nagmamadali.

Kailangan kong gawin 'to. Para kay nanay.

"'Pag ba ginawa ko ang gusto nyo... maliligtas nyo ang buhay ng nanay ko?" Deretsyo kong tanong dito. Wala na akong oras para makipag konbersasyon sa taong 'to. Kailangan na ako ng nanay ko.

"Right away, madam. All you have to do is to fill the form up and everything will be fall in your way."

"Paano ako makakasiguro na hindi mo ako niloloko?" Kailangan kong makasiguro. Kaligtasan ng nanay ko ang nakasalalay dito.

"Bakit hindi ka bumaba at puntahan sa OR ang nanay mo? Hihintayin kita sa office ni Dr. Diego kasama ng kasagutan mo."

"OR? Paanong—Teka! Hello?" Gusto ko pa sanang magtanong kung kung ano ang ibig nyang sabihin at kung paano nya nalamang nasa taas ako pero pinutol na nya ang linya.

Walang sereseremonya kong tinakbo pababa ng rooftop hanggang sa makarating ako ng Operating Room. Ni hindi ko na naalalang may elevator palang pwedeng gamitin. Siguro'y dahil din sa adrenaline rush kaya hindi ako nakaramdam ng ano mang pagod ng marating ko ang sinabi ng kausap ko sa kabilang linya.

May nakita akong nurse na kakalabas lang ng OR kaya agad ko itong nilapit at tinanong kung sino ang nasa loob ng OR at ng sagutin nito ang tanong ko at marinig ang pangalan ng nanay ko, humalik na sa sahig ang tubig mula sa mga mata ko.

Nagpumilit akong pumasok pero hindi nya ako pinayagan. Sa halip, sinamahan lang ako nito sa opisina ni Dr. Diego. Nagtataka man ay nagpatianod na lang ako. Gusto ko din pasalamatan ang taong tumupad ng hiling ko.

Nang marating namin ang puting pinto na may nagsasabing pangalan ng doctor, ang nurse na ang kusang nagbukas no'n para saakin at saka ako ginaya sa loob. Kapagkuwan ay umalis din ito kaagad.

Natagpuan ng mga mata ko ang pamilyar na bulto mula kaninang umaga na syang nagbigay saakin ng brown envelope na naglalaman ng pangkasal na kasulatan.

"Maari ko na bang malaman ang iyong kasagutan, madam?" Tanong nito saakin.

Gusto kong sumalungat sa gusto nitong mangyari pero naiisip ko ang nanay kong ngayon ay nasa OR na ng dahil sa... kay nino nga ba?

"Maari ba muna akong magtanong bago ko sabihin ang disisyon ko?" May mga bagay muna akong gustong alamin at siguruhin dahil hindi biro ang papasukin ko.

"Hanggang tatlong katanungan lamang ngunit makakaasa kang sasagutin ko iyon ng puros katotohanan lamang." Magalang na ani nito.

Nagpakawala muna ako ng hininga bago ko binitawan ang unang katanungan ko. "Bakit ako?"

"Dahil ikaw ang napili ng amo ko."

Nangunot ang noo ko. "Sa dami ng babae sa mundo, bakit ako pa ang napili nya?" Gusto kong matawa. Ni hindi ko nga kilala ang amo nya, e.

"Sya lang ang makakasagot sa tanong mo na 'yan, madam." Sagot nito.

"Akala ko ba sasagotin mo lahat ng tanong ko?"

"Nasagot ko na nga, madam."

Anong... Mukang mali yata ang desisyon kong makipagusap pa sa lalaking 'to. Nag-isip na lang ako ng maari ko pang itanong sakanya.

"Anong pangalan ng amo mo?" Seryosong tanong ko dito.

Ngumiti ito ng matamis saakin bago nagsalita. "Nasagot ko na ang tatlong katanungan nyo, madam. It's your turn to answer mine."

"Anong... Paano nangyari 'yon?" Ginagago ba ako nito?

"Pang limang katanungan mo na 'yan." Geez! Counted ba lahat ng tanong?!

Sinamaan ko muna sya ng tingin bago ko inilabas ang marriage contract na naghihintay sa pirma ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at saka ko tinitigan ang blangkomg linya. Nagdadalawang isip ako kung pipirmahan ko ba ito o hindi.

Iniisip ko kung anong magiging kalalabasan ng buhay ko kung sakalin pirmahan ko iyon. Magiging masaya ba ako? Pero naisip ko din kung anong mangyayari sa nanay ko kung hindi ko ito lalagdaan. Marahil ay bawiin nito ang perang pinanghatid kay nanay sa OR.

Hindi ko na kayang makita ang nanay kong nahihirapan ng dahil sa sakit na iniinda nya. Halos limang lingo na din kami dito sa hospital. Gusto ko na din patigilin ang kapatid ko sa pagtatrabaho para may maipon sa panggastos namin dito sa hospital para sa araw-araw.

Sa isiping makakabuti ang gagawin ko para sa pamilya ko, pinirmahan ko iyon at saka ko ibinigay sakanya.

"I bet we're even?" Tanong ko dito.

Ngumiti sya saakin. "To make it sounds more even, madam, I'll tell your husband name if you're still interested."

Wala akong sinayang na sigundo matapos nyang bitawan ang mga salitang iyon. Agad kong tinanong kung anong pangalan nito.

"Zaitan Dwellinhell. That's your husband name, madam." Saad nito.

Hindi ko alam kung anong irereact ko o kung anong naging reaction ko.

Zaitan... Dwellinhell?

Pwede ko pa bang burahin ang pirma ko?

"Bibigayan kita ng isang linggo para maayos ang dapat mong ayusin at para gawin kung anong mga gusto mong gawin. And after that, sa mansyon ka na maninirahan kasama ang asawa mo."

Isang lingo... lang?

"Hindi mo din naman kailangan pang magtagal dahil naisaayos na ni Master ang lahat. Wala ka ng dapat alalahanin pa sa pamilya mo. Kagaya mo ay gaganda na din ang buhay nila. Pero hindi mo na sila kailanman makikita."

Anong impiyerno ang napasok ko?