Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Diary of a Fat girl named Twynsta (Finished)

🇵🇭Missrxist
--
chs / week
--
NOT RATINGS
57.5k
Views
Synopsis
Twynsta Ranillo was the prettiest girl in grade school; she has a lot of friends and schoolmates who wanted to be friends with her. Yasser Marta was an unattractive big fat boy with a low self confidence. Sila ay bestfriends no'ng grade school ngunit nagkawalay at ipinangakong magkikita after ten years. Twynsta was being bullied in school, napabayaan kasi siya sa kusina kaya lumaki siyang parang balyena—she is now a big fat girl! Para inggitin ang mga bumu-bully sa kanya, pinalabas niyang boyfriend niya ang lalaking kasama niya sa kanyang cell phone hanggang sa kumalat ang larawan sa buong campus. Enter Yasser Marta who grows up very handsome and cool. At hindi alam ni Twynsta na ang lalaking ipinagkalat niyang boyfriend niya sa buong campus ay ang kababata niya—things get complicated and ironically, nag-aaral din pala ang lalaki kung saan siya nag-aaral. Sooner, nalaman niya ang katotohanan na si Yas na kababata niya at si Yasser na pretend boyfriend niya ay iisa—at nahiya siyang malaman ng binata ang buong katotohanan lalo na ang makita siya sa gano'ng hitsura. Kaya pinagpanggap niya ang pinsan niya—na siya ito—at kung kailan okay na ang dalawa, saka naman siya na-in love sa kababata!
VIEW MORE

Chapter 1 - 1

DEAR DIARY,

Sinermunan na naman ako ni mama dahil inubos ko 'yong three days food stocks namin dito sa bahay sa isang upuan lang. Pakiramdam ko kasi hindi ako nabubusog, e. Ngayon, ang weight ko na ay tumataginting na two hundred pounds, super overweight na ako sa edad kong seventeen, tapos hindi pa mag-tugma sa height kong five feet and three inches. Feeling ko, imbes na tumangkad ako, tumataba naman ako lalo—mukha na akong bola! Ang hirap kasi mag-diet at tanggihan ang mga pagkaing nanunukso sa aking harapan, kaya kahit ano'ng gawin kong pagha-hunger strike, exercise o diyeta, hindi pa rin umuobra.

Sa pamilya namin, ako lang naman ang mataba; si mama, papa at si Arixtra ay magaganda ang mga pangangatawan, sadyang mahilig kasi akong tumambay sa kusina namin simula no'ng high school, kaya naging best buddies ko na ang mga pagkain. Kung hindi ko ititigil ang hobby kong ito, tiyak habambuhay na akong mananatiling NBSB, baka mas lalo din akong ma-bully sa school tulad no'ng high school.

As far as I remember, I was the cutest girl in grade school, lahat nakikipag-kaibigan sa akin at marami din akong friends, ang swerte nga daw ng mga magulang ko ayon sa mga nanay ng classmates ko dahil matalino at magandang bata daw ako—hanggang sa lahat ng mga humahanga sa akin noon ay biglang nagsiwalaan—nang tuluyang lumobo ang katawan at magkabilang pinsgi ko. Sobrang taba ko na, diary, 'yong tipong hindi na kasya ang mga damit sa akin at wala nang magkasya sa akin na size, underwears, tapos sa jeep na sinasakyan ko papunta sa school o bayan, pang-dalawang tao ang binabayaran ko, 'yong kama ko, halos mayupi na dahil hindi na ako kayang buhatin, I wonder, kapag ako nahimatay, sino kayang pwedeng magbuhat sa akin? Kaya nga naman kahit matakaw na matakaw ako, inaalagaan ko pa rin naman ang sarili ko.

Salamat diary, dahil limang taon na tayong magkasama pero hindi mo pa rin ako iniiwan, walang iwanan, ha? I love you!

Love,

Twynsta Ranillo

Napatingin si Twynsta sa picture niya no'ng nasa grade school siya na laging nakatago sa kanyang wallet—sinulatan pa nga niya ang likuran ng larawan ng "Me at seven", ang cute-cute pa niya noon, katamtaman ang pangangatawan para sa isang seven year old little girl, maputi, namumula ang mga pinsgi at mga labi at maraming mga nagkaka-crush sa kanya na mga kaedad niya, marami ding nawiwiling mga tao sa kanya kapag nakikita siya, mukha daw kasi siyang manyika, pero ngayon—mukha na siyang balyena!

Kinakabahan na nga siya dahil next week na ang start ng pasukan para sa kolehiyo, nakapag-enroll na siya sa kursong BS Nursing—dahil pangarap niyang makatulong sa pamilya at sa kapwa niya, balang-araw, kaso nangangamba siyang baka katulad no'ng high school ay i-bully din siya ng mga schoolmates niya ngayong college. Kung bakit ang hilig ng mga tao na manlait ng kapwa tao, hindi na lang matahimik sa isang lugar o manatili na lamang sa isip ang mga panlalait.

May naging kaklase din siya no'ng grade school, si Yas, kaedad niya ito at cute na cute dahil namumutok ang magkabilang pisngi nito dahil sa katabaan. Ang cute-cute nito ngunit madalas itong ma-bully na "baboy" noon sa school, kaya ramdam na ramdam niya ang nararamdaman ng kaibigan niya noon.

Naalala nga niya, naging superhero siya nito noon; dahil ipinagtatanggol niya ito sa mga nanunukso dito, ayaw kasi niyang may taong nasasaktan. No'ng una ay aloof ito sa kanya hanggang sa magkasundo sila sa paglalaro at sa pagtatanggol niya dito—naging bff pa nga sila, e. Kaso pagkatapos ng isang taon ay nalaman na lamang niya sa teacher niya na nangibang bansa na si Yas kasama ang mga magulang nito at doon na daw ito magpapatuloy ng pag-aaral.

Naisip niya tuloy, kung nasa tabi siguro niya si Yas siguro ay may best friend siya hindi lang sa buhay kundi pati sa kusina, tiyak magkakasundo sila hindi lang sa mga gimik kundi pati sa pagkain. Kumusta na kaya ang lalaki ngayon? Siguro matangkad na din ito kasi si Arixtra na nakababatang kapatid niya ay mas matangkad na sa kanya samantalang mas bata ito sa kanya ng tatlong taon. Nakaka-offend din kapag tinatanong siya ng mga tao kung magkapatid daw ba sila ni Arix, kasi hearththrob sa school ang kapatid niya at siya ay laughingstock. Umiiling-iling na lang siya.

Si Yas kaya mataba pa rin hanggang ngayon? Wala na kasi silang naging komunikasyon ng kaibigan o balita dito, sinubukan din niyang hanapin ang social media accounts nito noon ngunit walang surname kaya hirap siya.

Tandang-tanda niya ang makakapal at astig na mga kilay nito, ang mahahabang pilik-mata na parang sa isang manyika, magaganda at expressive na mga mata, matangos na ilong, ang cute at pulang-pulang mga labi at syempre pa ang maliit na nunal nitong nasa kaliwang bahagi ng pisngi nito—ang super cute nito at para itong may lahing Indian dagdag pa na magaling itong kumanta dahil madalas siyang kantahan nito noon—kaya hindi na siya magtataka kung mas lalo itong naging mas magaling na mang-aawit, balita kasi niya noon sa kaibigan niya ay mang-aawit din daw ang mga magulang nito.

Ano kaya ang kinuha nitong kurso? May girlfriend na din kaya ito ngayon? Kung gumanda na ang katawan ng kaibigan niya—tiyak marami ng mga kababaihan ang pumipila para sa atensyon nito.

Napabuga siya ng hangin. Samantalang siya, wala man lang magkamaling magkagusto sa kanya, palibhasa katawan na lang lagi ang mahalaga para sa mga kalalakihan ngayon. Ayaw man niyang bumaba ang tingin sa kanyang sarili niya—minsan hindi lang talaga niya maiwasan dahil sa paulit-ulit na pagre-remind ng mga tao sa kanya at kung gaano siya kataba. Sabi ng mga magulang niya ay mataba man siya, maganda pa rin ang mukha at puso niya—'yon nga lang, walang nakaka-appreaciate no'n—unless maganda ang katawan.

Mas marami kasing mga lalaki ang mas gusto ng mga seksi at magagandang mga babae kaysa sa mababait at matatalinong babae—sabagay sa physical look naman talaga ang unang nakikita ng isang tao, kaya hindi na siya magtataka. Hanggang secret crush na nga lang siya sa mga crushes niya at hanggang pangarap na lang kay Justin Bieber, hanggang libro at movies na lang ang mga ideal love stories niya—wala siyang magagawa, kaysa ipagpilitan niya ang sarili at masaktan lang sa huli. Hindi siya ipokrita o masokista o mas lalong manlalakbay para ipagsapalaran ang kanyang puso.

Ngunit hindi naman siya bitter sa love at naniniwala pa rin siya na meron at meron pa ring lalaking magmamahal at makakakita nang kagandahan niyang nakatago sa namumutok niyang bilbil at taba. Ramdam niyang may inilaan si God para magmahal sa kanya despite of her big size kaya dapat ay hindi siya panghinaan ng loob. Fight lang nang fight, Twynie!

Nasa 'Gadget and Repair shop' siya noon na pag-aari ng kanyang mga magulang sa isang Mall para tumulong sa pagbabantay ng shop, lalo na kapag hindi siya abala, minsan ay kasama din ang kapatid doon, ngunit nagpaalam ito ngayon sa kanila dahil may football game daw ito kasama ng mga barkada nito, kaya silang dalawa lang ng papa niya ang naroon sa shop, ang mama niya ay kasama din nila kanina ngunit nagpaalam ito saglit para mag-grocery nang makakain nila dahil nga inubos na niya ang stocks nila sa bahay.

Ang papa niya ay isang repairman at ang mama naman niya ay dating naglalako ng mga gulay sa palengke. Nang makapag-ipon ang mga ito—sa tulong na rin nang pagiging OFW ng papa niya sa Dubai—ay nakapagpatayo sila ng maliit na 'gadget and repair shop' sa mall—na may dalawang taon na rin sa serbisyong totoo—na naging daan sa pagpapaaral sa kanila ng kapatid niya.

Ten years sa Dubai ang papa niya at nag-for good na ito sa bansa dahil nagsara na rin ang kompanya na pinasukan nito—naghahanap nga uli ito ng ma-apply-an na trabaho sa abroad ngunit wala itong mahanap kaya nagpasya na lamang itong tumulong sa gadget shop.

Abala ang papa niya sa pagre-repair ng cell phone ng isang customer nila, siya naman ay abala sa panunood niya sa kanyang phone ng romcom movie—nang may dalawang lalaking pumasok sa loob ng kanilang shop.

Saglit na parang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya nang makita niya ang dalawang lalaki—dahil para siyang nakakakita ng dalawang anghel sa kanyang harapan. Lalo na ang lalaking nasa kanang bahagi niya—he is like a living mannequin; sobrang guwapo nito na cute na ang lakas ng dating—may pagka-indian ang mukha nito at mas mahahaba pa ang pilikmata kaysa sa kanya. Siguro ay magka-height ang mga ito sa taas na five feet and eleven inches at animo'y mga model sa ganda ng mga katawan. Para tuloy siyang nawawala sa kanyang sarili, oo, at madalas na siyang nakaka-encounter ng mga guwapong lalaking nagpupunta sa shop nila, pero kakaiba ang dalawang ito—lalo na 'yong nasa kanang bahagi niya.