Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Archiedelle

Orie_Kae
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.7k
Views
Synopsis
Mary Tamayo, isang babaeng carefree at masayahin. Masipag na bata at mabuting estudyante rin. Ngunit paano nalang kung nagkaroon ng nuglaang trahedya na ikinamatay niya? At dahilan din na mareincarnate siya bilang isang commoner sa di kilalang lugar. Ano na lang kaya ang gagawin niya sa panibago niyang buhay?

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1:

Nagpakabuti naman ako. Hindi ako naging masama sa kung kanino. Mabait akong anak at kaibigan. Matulungin din ako at marespeto. Pero bakit ganito?

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ayoko pang mamatay!!!

"TUMAWAG NA KAYO NG AMBULANSYA!!"

"Kawawang bata. Nahit and run. Ke-bata bata pa para mamatay ng maaga."

H-hindi pa ako mamamatay!!

"A-aa--h..."

Sinubukan kong magsalita ngunit hindi ko magawa dahil puro pagsusuka na lamang ng dugo ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko na rin magalaw ang buong katawan ko. Sobrang lamig. Nawawalan na rin ako ng kamalayan.

"Jusko kawawa."

"Nasaan na ba yung ambulansya?!"

"Walang awa yung may gawa nito."

M-mama, papa, kuya, mahal na mahal ko kayo. Ayaw ko man kayo iwan ngunit wala akong magagawa.

Onti onti ng dumidilim ang paningin ko kasabay ng paghina ng paghinga ko. Ilang saglit lang ay nailabas ko na ang huling hininga ko at namatay na.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

HUH?!

Mabilis pa sa kidlat ang pagdilat ko. A-akala ko patay na ako?

Anong nangyari?

Sinubukan kong lumingon lingon pero parang limitado lang ang aking galaw.

"Bwa!" .....BWA?!

Agad kong itinaas ang aking kamay at tinignan ito. A-ano ito?! Kamay ng sanggol??

"Uhhh!!!" EEEHHH??!!

Hindi ko alam kung instinct ito ng mga sanggol pero napaiyak na lang ako ng malakas.

"Uwaaahhh!!! Waaaahhh!!"

Kung naging sanggol man ako, bakit naman ako naririto sa labas?! Itinapon lang na ako?

Habang umiiyak ako ay bigla na lang may sumulpot na mag-asawa.

"Oh my, tignan mo, dear. Nakakaawang bata iniwan lang dito sa gilid." Sabi ng babaeng may kagandahan kahit na may katandaan na.

Kung naaawa ka aba ampunin niyo ako! Ayoko naman mamatay ulit! Nilakasan ko na lang yung iyak ko at kinumpas kumpas ang kamay ko patungo sa kanila.

"Napakagandang bata pero itinapon lamang." Saad naman ng matandang lalake at inilahad niya yung kamay sa harapan ko.

Agad ko naman itong hinawakan ng mahigpit at nagpatuloy lang sa pag-iyak.

"Ano na ang gagawin natin Archie?" Tanong ng babae at nakita kong ngumiti lang tung lalake.

"Simula ngayon isa ka ng McMillan, Archiedelle McMillan." A-archiedelle?! Teka ang fancy naman nilang magpangalan? Well, weird din sila manamit para bang nasa victorian era ako....teka.... Hwag mong sabihing...nareincarnate ako kagaya na lamang sa mga nababasa ko sa manga?!

Panaginip lang ata ito e!! Namatay na ako bakit hindi pa ako napunta sa heaven?!

"Look dear, tumigil na siya sa pag-iyak." Oh? Ngayon ko lang napansin na buhat buhat na pala nila ako at patungo kami sa kung saan man.

Dahil medyo napagod ako kakaiyak, inaantok na ako. Hindi ko namalayang dahan dahan na pala akong nakatulog sa bisig ng kikilalanin kong ina simula ngayon.