Chereads / Finding Sehria / Chapter 2 - Chapter 1 - The Guy With Blue Eyes

Chapter 2 - Chapter 1 - The Guy With Blue Eyes

A/N: Ang Sehir po ay pronounce as Sehr (Ser) Silent 'h' and 'i' po. Nakalimutan ko kung sa anong language ko siya nakuha. Yung orig word nung pinagkuhanan ko ng Sehir, meaning nun magic. Pero sa story ko syempre iba. Hoho

Lei's POV

"Ginupitan mo na naman ang buhok mo?!!"

Malakas na tili ni Fina nang makita niya ang hanggang leeg ko na lang na buhok. Napatingin tuloy sa aming lahat ang mga estudyante na kasama namin sa locker hall. Agaw pansin ba naman ang tili niya na parang naipit na daga.

"Yeah! And it feels so good! So fresh," tugon ko dito sabay flip sa kaliwa at sa kanan ng imaginary long hair ko.

"Akala ko ba magpapahaba ka na ng buhok? Naman eh! Wala na kong mapagpapraktisan," busangot nito.

Bakit ba? Buhok ko naman 'to. Palibhasa maganda at bagsak na bagksak ang mahaba at itim na itim kong buhok kaya paborito niya akong ayusan. Pangarap niya kasing maging hairstylist kaya buhok ko ang napagtitripan.

Nilagay ko muna sa loob ng locker ko ang mga gamit ko bago ako humarap sa kanya as I enumerate the reasons why I cut my hair short.

"Ang init eh. Tsaka magastos sa shampoo pag mahaba ang buhok. Ang hirap hirap pa magsuklay, nakakangalay. Tapos ang hirap din magpatuyo."

Napabuntong hininga na lamang siya sa pagkadismaya.

"Hayaan na nga. Tara!" May kinuha muna siya sa locker niya at nangingiting inakbayan ako. Iginiya niya ako papunta sa classroom namin pero bigla kaming huminto nang nasa harap na kami ng room. Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at piniringan ako. Ano na namang trip nito?

"Huwag mong tatanggalin hanggang di ko sinasabi ha?" bilin pa ni Fina. Pabiro pa niya akong itinulak paabante. Kapag ako nadapa hindi ko na talaga siya ilalakad sa crush niya.

Maingat ang bawat hakbang ko dahil wala akong makita. Hindi naman siguro nila ako ipapahamak?

"Bakit kailangan may piring? Ano 'to hanapang daga? Hazing ba 'to? O baka mamaya itulak niyo ko sa rooftop ha, wala akong kalaban laban. Huwag ganun marami pa akong pangarap!"

Narinig kong may humagikgik kasabay ng isang mahinang pitik na dumantay sa noo ko. Iisang tao lang naman ang mahilig gumawa nun sa akin. Hayup ka talaga, Austin! Hindi rin kita ilalakad sa crush mo. Magdusa ka!

"Daldal mo," natatawang puna niya.

"Pangit mo!" ganti ko.

Narinig ko ang mga tawanan sa paligid. Ang pangit kasi ni Austin.

"Sige na, Lei. Remove your blindfold na."

Why so conyo Fina?

Tinanggal ko ang blindfold at unti unting minulat ang mga mata ko. Hindi pa nakaka-adjust sa liwanag ang mga mata ko nang biglang may nag 'pop' nang malakas at may sumaboy sa pagmumukha ko.

"HAPPY BIRTHDAY!" sabay sabay na bati ng mga kaklase ko. Panay ang pagsaboy nila ng confetti sa akin.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng classroom. May mga color blue na balloons sa paligid at may Happy Birthday sign naman na nakadikit sa blackboard. Ayoko talaga magcelebrate kaso mapilit sila. Ang sweet talaga ng mga kaklase ko, ang sarap pektusan. Joke lang. Love ko sila.

"And here's your birthday cake Lei."

Hawak hawak ng presidente ng classroom namin ang isang chocolate cake. Sigurado ako siya ang nagbake niyan, hobby niya kasi ang magbake. Matalino na baker pa, kay Andrea na tayo!

"Blow mo na yung candle." May pagsundot pa talaga sa tagiliran ko si Sir naming pogi. Feeling close. Actually, ka-vibes lang talaga namin ang adviser namin. Parang tropa tropa lang. 26 years old lang siya. Binata. Jowain niyo na kundi ako ang jojowa diyan. Charot lang! I'm taken pala. Nasa kabilang department ang pag-ibig ko. May surprise din kaya siya? Sana mag-effort din siya.

Nakatingin silang lahat sa akin nang i-blow ko na ang candle. Bakit na naman? Ang bango kaya ng hininga ko.

"Hindi ka man lang nagwish?" May panghihinayang na tanong ni Glessy, isa sa mga malapit ko ding kaibigan. Nasa tabi ko lang pala siya. Hindi ko nakita, ang liit kasi.

"Sabi ni Sir eh blow ko na ang candle. Di ba ser?"

"Lorelei, you're really hopeless!"

Halos mag-facepalm na ang mga kaklase ko. Aba! Linawin niyo kasi mga iuutos niyo.

"Nakuw! Alam niyo naman na i-wiwish lang niyan na sana sakupin tayo ng alien o kaya magka-zombie apocalypse," singit ni Elliot. Alam na alam mga trip ko. Naghahanap kasi ako ng adventure para hindi boring ang life.

Pwede ko naman din i-wish na sana may superpowers ako katulad ng mga hero sa movie na napapanuod ko. I want to bring peace in the world. Gusto kong tulungan ang mga naaapi at parusahan ang mga masasama sa ngalan ng buwan. Kaso wala eh, ganda lang talaga ang meron ako.

"Okay class, magsimula na tayo sa klase," anunsiyo ni Sir Pogi. "Pero bago yan, linisin niyo muna ang mga kalat niyo."

Sabay sabay ulit akong tinignan ng mga kaklase ko. Ramdam ko talagang ako ang center of attention ngayong araw. Pero hindi ako natutuwa dahil nakakaloko ang mga ngisi nila!

"O, ikaw may birthday ha. Linisin mo daw." Mapang-asar na tinapik ni Austin ang balikat ko. Dapat pinaslang ko na 'to kahapon. Hindi na pwede ngayon. 18 na ko, pwede na kong makulong.

Mga hayup! Kalat niyo, linis ko. Ang galing!

****

"Mauna ka nang umuwi. May practice pa kami ng basketball."

Naningkit ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Nangako kasi siya sa akin na kakain kami sa labas.

"Birthday ko po ngayon! Mag-skip ka na lang muna sa practice niyo. Parang ngayon lang naman eh," pangungumbinsi ko.

"Sorry, Lei. Sa ibang araw na lang. Natalo kami sa game last time kaya sobrang higpit ni coach," paliwanag niya.

Parang gusto kong agawin yung bola na hawak niya at ibato sa pagmumukha niya sa sobrang inis. I am so disappointed. He broke his promise to me para lang sa basketball niya. Tinalikuran ko na lang siya at papadyak na naglakad palayo. Nabebeast mode na kasi talaga ko sa kanya.

"Lei, sorry! Sorry talaga. Babawi ako promise."

Naririnig kong sigaw niya pero hindi ko siya nilingon. Sobrang sama ng loob ko sa kanya. Mas mahalaga talaga sa kanya ang basketball kaysa sa akin na girlfriend niya. Palamunin ko kaya siya ng bola at i-dunk sa ring. Bwisit!

Lulugo lugo akong naglakad palabas sa gate ng school. Ang bigat bigat sa dibdib. Hindi ko maramdaman na importante ako sa boyfriend ko.

"What happened to your supposed to be date with the captain of the basketball team?" Salubong sa akin ni Fina sa gate. Naghihintay pala siya sa akin. Kasama niya pa talaga si Austin. My ship has sailed itself. Amen!

"Wala. Supalpal ako. Hahaha!"

Idinaan ko na lang sa biro kahit ang totoo ay nag-iinit na ang mata ko. I'm not a drama queen pero nakakaiyak talaga ang ginawa sa akin ni Franco.

"Bibingo na talaga sa akin yang si Porter! Masyado ka nang tine-take for granted ng boyfriend mo." Nanggagalaiting saad naman ni Austin na nakakuyom na ang kamao.

Aso't pusa man kami nitong kababata ko at madalas man niya akong pikunin, nag-iibang tao siya kapag naaapi na ako. Nagiging anghel ang gago.

"Hayaan niyo na siya. Lunukin niya yang basketball ring! Bwisit siya! Madapa siya sana!" Sigaw ko para gumaan-gaan naman ang pakiramdam ko.

"That's the spirit! Pero sana yung angas mo nadadala mo sa harap ng boyfriend mo. Tumitiklop ka kasi pagdating sa kanya," naiinis na komento ni Fina.

Hindi na ako nakaalma. Totoo naman kasi talaga. Para akong nahihipnotismo, sunud-sunuran minsan sa gusto niya. Kahit ayoko gagawin ko na lang ang gusto niya. Ayoko lang kasing mag-away kami. Ako na nag-aadjust.

Pasensya na, my friends. Babae lang. Nagmamahal.

*****

Parang ordinaryong araw lang talaga ang birthday ko. Wala namang kaso sa akin yun. Normal na celebration lang okay na ako basta kasama ko ang mga mahahalagang tao sa mundo ko.

Alas kuwatro na nang hapon nang maisipan naming umuwi matapos naming kumain nila Fina at Austin sa paborito naming restaurant. Mabuti na lang naramdaman nila na hindi kami matutuloy ni Franco kaya kahit papaano hindi ako uuwing luhaan.

Naisip ko na naman. Badtrip ka talaga Franco Porter! Kapag nakahanap ako ng mas gwapo sa'yo, who you ka talaga! Hayup!

"Ang dilim naman ng langit. Uulan ba?" Nakita kong nilabas na ni Fina ang payong niya. Girls scout naman this girl.

Napatingin rin tuloy ako sa kalangitan. Madilim nga kahit alas kuwatro palang. May kung anong itim ang tumatakip sa araw. Itim na ulap ata? May kakaiba sa hapon na iyon, kung anuman yun hindi ko maipaliwanag.

"Parang solar eclipse ata." Manghang sambit naman ni Austin.

Pero wala naman sinabi sa balita na magkakaroon ng solar eclipse ngayong araw.

"Tara na, uwi na tayo." Pag-aaya ko pero hindi gumalaw yung dalawa.

Ano first time makakita ng solar eclipse?

Naestatwa na rin ako sa kinatatayuan ko nang bigla na lang magdilim ang buong kapaligiran.

"Guys?" Nanginginig ang kamay ni Fina na napahawak sa akin.

Nakaramdam ako ng kaunting excitement sa mga susunod na mangyayari. Ganitong ganito mga napapanuod ko eh. Katapusan na ba ng mundo? Sasakupin na ba kami ng mga alien?

Matagal bago bumalik ang liwanag at nang bumalik ito nagimbal kaming tatlo sa nakita namin.

Doon ko napagtanto na kumpol pala ng mga maiitim na ibon ang tumatakip sa araw. Hindi ko matukoy kung mga uwak ba ito dahil mas malaki ito sa normal na size ng uwak. Yung excitement na naramdaman ko ay napalitan ng takot lalo na nang bumulusok ito pababa sa amin.

What the hell? Aatakihin ba nila kami?

"Run!" Natatarantang sigaw ko.

"A-ano?" Naguguluhang tanong naman ni Austin.

Sabay ko na lang silang hinila patakbo para makalayo kami.

"AAAAAAAAAAH! Tulong!"

"AAAAAAAAACK!"

"Tulong! Tulong!"

Pumailanlang ang nakakabinging sigawan ng mga tao. Kanya kanya silang humihingi ng saklolo. May iilan na na-corner na ng kumpulan ng mga ibon. Nagsitakbuhan na rin ang iba gaya namin ngunit may ibang minalas na naabutan ng mga itim na ibon na yun. Malalaki ang tuka nito at pulang pula ang mga mata. Parang wala itong sasantuhin.

What the hell are they?

"Yung payong! Use it to shield yourself! Bilis!"

Agad naman akong sinunod nila Austin at Fina. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang isang abandonadong gusali. Just great!

"Dito lang kayo."

Hingal na hingal kaming tatlo nang makapasok kami sa loob ng gusali.

"Saan ka naman pupunta? Don't tell me susugod ka ulit sa labas?" Alalang tanong ni Fina.

"Maraming sugatan sa labas. They need my help."

I'm not playing hero but I'm a first aider. Para saan pa ang mga certification classes ko sa Red Cross kung hindi ko naman ito gagamitin.

"Masyadong wild yung mga ibon. Baka saktan ka din nila!"

"It's alright. She knows what she's doing," Austin assured her.

****

Ang yabang ko. Puro yabang lang pala ako. Akala ko makakatulong ako pero heto ako at napaupo na lang sa kalsada. Wala kong magawa habang padami ng padami ang mga sugatan sa paligid.

I can't explain what's happening. Parang may kung anong lason ang tuka ng ibon. Lumalala lang ang mga sugat ng taong masusugatan nito. Hindi nakakatulong ang mga paunang lunas ko.

Fuck this shit!

Nabaling ang atensyon sa akin ng isang malaking kumpol ng mga ibon. Agad silang nagliparan patungo sa direksyon.

Hindi ako makatayo dahil sa panginginig ng tuhod ko. Andyan na sila. Katapusan ko na ba?

Isinalag ko ang dalawang braso ko para protektahan ang sarili ko. Napapikit na lamang ako, hinihintay ang pagsugod nila pero wala akong naramdaman.

Nang magmulat ako, nagulat ako nang makitang nanatiling nakalutang lang sa ere ang mga itim na ibon na susugod sana sa akin.

"Oh, so you can freeze and unfreeze things eh? Nice one, kiddo!"

Isang blonde na lalaki ang tumambad sa harap ko. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang itsura niya. Nakasuot ito ng school uniform namin. Schoolmate ba namin siya?

Makatawag naman ng 'kiddo'. Eh mukhang kaedad ko lang naman siya.

Napapitlag ako sa liwanag na nanggagaling sa kamay niya. Parang kumikislap kislap iyon. Isa isa niyang tinusta ang mga ibon gamit ang nilikha niyang mga kidlat sa kamay niya.

What the hell?!

Ang mga taong sugatan naman na nakahandusay sa daan ay nababalot ng kulay asul na apoy.

APOY?

"Anong nangyayari?! Masusunog sila!" Natataranta kong saad.

"Just sit back and chill, kid. That flame can heal. Amazing, eh?" sagot ng lalaking blondie ang buhok.

"Yo! Bro, did you see that? She freeze those fucking ugly birds! She's one of us, aight? You should treat me for finding her," nilingon niya ang lalaking kasama niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang masilayan ko saglit ang nagliliyab na bughaw nitong mata. Hanggang balikat ang kulay asul niya ding buhok. Bahagyang tumakip na sa mata niya ang mahabang bangs nito.

"Tulungan mo na ang iba. Ako na ang bahala dito," utos nito sa baritonong boses.

"Aye aye, captain." Kasing bilis naman ng kidlat na naglaho sa paningin ko yung lalaking blonde. Ano siya si The Flash?

"Uhm. Can someone tell me what the hell is happening here?" tanong ko sa lalaking bughaw ang mata.

Hindi niya ko sinagot. Sa isang kumpas niya tuluyan nang naging abo ang lahat ng itim na ibon.

Mas namangha pa ako sa nasaksihan. Parang wala lang ang nangyari kanina. Wala na akong makitang kahit anong bakas ng sugat sa mga taong nasaktan mula sa pagsugod ng mga itim na ibon kanina.

"What are you? You're not a human."

Napapantastikuhan kong saad.

Sigurado akong hindi sila normal na tao. Did they have superpowers? Mga mutants ba sila? Are they supernatural creatures? Metaphysical beings or whatever you call that? Totoo ba ang mga nakita ko o pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko. Nasobrahan na ba ko sa kakanuod ng sci-fi at fantasy na movie?

Banayad itong ngumiti. Kapayaan. Yun ang naramdaman ko sa ngiting ipinamalas niya.

"You're not human too," singit naman ni blondie. Ang bilis niya namang bumalik!

At ano bang pinagsasasabi niya? Tao ako. Tingin niya sa akin engkanto?

"Then what am I?" Pabiro at naghahamon kong tanong kay boy blondie.

"You're just like us, a Sehir."

Natulala ako nang bigla silang maglaho.

Ano daw? Mga mamser?