Napapikit si James habang hawak ang telepono. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kanyang higaan matapos ihatid si Sierra sa kanyang silid. Tatawagan sana niyang ang sekretarya niya ng marinig ang dalawang babaeng nag-uusap. Iisa lang kasi ang koneksyon ng telepono niya at sa kwarto ng babae.
Tila naenganyo na lamang siyang makinig sa pag-uusap ng dalawa. At ngayo'y tila napawi lahat ng agam-agam at pag-aalala na hanggang ngayo'y hindi pa rin siya tuluyang natatanggap ng babae bilang asawa nito dahil sa pag-amin nito sa kaibigan sa kabilang linya.
Bahagya niyang inilayo ang telepono sa kanyang tenga dahil sa malakas na tili ni Karen sa kabilang linya.
"Oh my God, Sierra!" Tili nito dahil sa ginawang pag-amin ng kaibigan.
"Ang OA mo talaga, Karen!" Natatawa namang sabi ni Sierra na dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga.
"So wala naman pa lang problema, friend. Pareho ninyong mahal ang isa't-isa." Ani ni Karen.
Napabuntong-hininga muli si Sierra.
"Hay, di ko talaga alam. Parang pakiramdam ko kasi may mali. Alam mo 'yun..pinagkasundo lang kayo. Nagpakasal kang di naman seryoso. Tapos biglang sasabihin sa 'yo na totoo ang kasal mo. Parang..di ko kasi ma-feel na I'm really a bride. Parang biglaan lang lahat." Paliwanag niya sa kaibigan.
"Kung sa bagay, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Pero siguro nabigla ka lang sa katotohanan, friend. Tanggapin mo na lang ng masaya lalo pa na mahal niyo naman ang isa't-isa di ba?" Payo sa kanya ng kaibigan.
Matapos kausapin ang kaibigan ay napapasiyahan na niyang maligo. Habang lumalagaslas ang tubig ng shower sa kanyang katawan ay nakatatak pa rin sa kanyang isipan ang huling sinabi ng kaibigan.
"I need to be happy?" Tanong niya sa isipan na tila hinahanap sa sarili ang salitang "saya". Hindi niya alam kung saya nga bang matatawag ang kislap sa kanyang mga mata tuwing nakikita si James, ang pagkaramdam ng kilig tuwing mag-iiwan ito ng mga salitang nagpaparamdam sa kanya ng tunay nitong damdamin, at ang pakiramdam na ayaw na niyang kumawala pa sa mga bisig nito.
Napabuga sa hangin si Sierra. Matapos maligo ay nagbihis na siya ng kanyang pantulog at saka nagpasyang bumaba at pumunta sa hapag-kainan sapagkat kumakalam na ang kanyang sikmura.
Naamoy niya ang mabangong nilulutong pagkain. Naabutan niya ang naka-aprong si James habang pakanta-kanta pang nagluluto.
"I'm glad you came, hon. Hahatidan na lang nga sana kita ng food kung hindi ka pa bababa." Masiglang ani nita habang inilalagay sa bowl ang nilutong ulam.
Napatawa naman si Sierra sa kakaibang kinikilos ng lalake. Pinanood niya ito habang niglalagay ng plato sa mesa. Maya-maya pa ay inalis na nito ang suot na apron na tumambad sa malaking katawan nito. Wala itong saplot pang-itaas. Tanging boxer shorts lamang ang suot nito.
"God! He's really so handsome!" Bulalas ni Sierra sa sarili habang pinagmamasdan si James na naghihilamos sa lababo. Pagkatapos ay pinunasan na nito ng towel ang mukha maging ang dibdib na nalagyan ng tubig.
Agad niyang inalis ang tingin dito ng naupo na ito sa harap niya.
"Bakit ang dami mo namang niluto. Tayo lang naman ang kakain." Ani niya habang pinapanood ang paglalagay ng lalake ng pagkain sa plato niya. Punung-puno kasi ang mesa ng iba't-ibang putahe at mga desserts.
"Syempre naman. There are so many reasons to celebrate tonight." Malawak ang ngiting sabi nito na tila nagpa-cute pa sa kanya. Napangiti naman siya dahil lumabas na naman ang pagkakengkoy nito.
"I miss those smiles, honey. Mas lalo kang gumaganda." Sabi nito sabay kindat sa kanya. Napatawa naman siya dahil sa sinabi nito.
"Give me one of those reasons." Utos niya dito sa pagitan ng pagsubo. Uminon muna ng tubig ang lalake saka nagsalita.
"Well, first of course- you are again with me." Masiglang sagot nito saka pinapungay ang mga mata.
"What's next?" Tila naiinip niyang tanong dito.
"Next? After those sleepless nights I was thinking of you, I think makakatulog na ako ng mahimbing. At mas maganda kung katabi kita." Pagpapatuloy nito saka siya matiim na tinitigan. Napailing naman siyang nakangiti.
"Then what else?" Muling pangungulit niya dito.
Tila nag-isip ito at nakangiti pa ring tumitig sa kanya.
"I can kiss you as many as I want. I can hug you in my arms as long as I want." Tila nang-aakit na wika nito saka muling sumubo.
"Who told you na papayag ako?" Natatawa niyang tanong dito.
"Ako." Mabilis na sagot nito na napahalakhak pa.
"Really, huh?" Tila hindi kumbinsidong niyang wika.
"Hinahamon mo ba ako?" Nakangising ani nito saka inihinto ang pagkain at nilagok lahat ng tubig sa baso.
"Of course, not!" Natataranta naman niyang sagot ng makitang nakangiting tumayo si James at lumapit sa kanya. Nagmadali din siyang tumayo at tumakbo papunta sa sala. Parang bata naman siya nitong hinabol.
"James, stop it! Pagod na ako!" Humihingal niyang sabi. Napatili siya ng malakas ng abutan siya nito at yakapin ang kanyang bewang.
"James!" Nakangiting tili niya. Ang lalake naman at tumatawang kiniliti siya hanggang pareho silang mawalan ng balanse at mapahiga sa carpeted na sahig.