Chereads / You Are Mine (Tagalog) / Chapter 11 - The Confession

Chapter 11 - The Confession

Pagkarating nila sa airport ay inalalayan na siya ng lalake pasakay sa kotse nito. Tila nalilito pa rin si Sierra sa nangyayari ngunit naiinis siya sa sarili kung bakit hindi man lang siya pumalag o kaya naman ay tumangging sumama sa lalake. Natagpuan pa rin niya ang sarili na nakaupo na sa tabi nito. Agad na pinaandar ng lalake ang kotse saka pinatugtog ang awiting "The Scientist" ng bandang Coldplay.

Come up to meet you

Tell you I'm sorry

You don't know how lovely you are

I had to find you

Tell you I need you

Tell you I'll set you apart

Hindi naiwasan ni Sierra na mangilid ang mata ng marinig ang mga linyang iyon ng awitin.

"Sierra…" Pagpukaw nito sa atensyon niya habang nagmamaneho.

Pinunasan niya ang luhang humulagpos na sa kanyang mata at saka sumulyap dito. Matiim itong nakatitig sa kanya at mababakas ang kalungkutan sa mukha.

"When you were still young, I used to make you laugh. Madali ka kasing patawanin noon. Kahit corny ang mga jokes ko, natatawa ka pa rin." Pagsisimula nito. Napangiti naman si Sierra sa pagitan ng pagsinghot niya. Sumasabay kasi ang awitin sa naririnig niya sa emosyon na kanyang nararamdaman.

"Ngayon naman, you always cry because of me…" Malungkot ang tono ng salita ng lalake.

"James…" Tila may banta sa tinig niya na tigilan na ang ano pa mang sasabihin nito dahil pakiramdam niya ay mapapaluha na naman siya.

"Nai-imagine mo ba ang sarili mo Sierra na kasama ako sa buhay mo?" Tanong ng lalake.

Napabuntong-hininga naman siya saka bumaling sa lalaki na mapait ang ngiti ng sumulyap sa kanya.

"You've always been part of my life, James…because you are my brother." Sagot niya dito.

"Brother." Pag-uulit nito sa sinabi niya saka bumuntong-hininga. Namayani ang sandaling katahimikan sa pagitan nila. Narinig niya ang muling pagbubuntong-hininga ng lalake saka nito inihinto ang kotse sa tabi ng daan.

"I don't believe you still look at me as your brother. " Ani nito ng humarap sa kanya na nakangiti na halatang hindi naniniwala sa sinabi niya. Napamulat siya ng hawakan ng lalake ang batok niya saka sinakop ang kanyang mga labi.

"I know you love me too, Sierra. I don't know why you keep on denying your feelings. But I'll help you realize that." Wika nito na pinapungay ang mga mata ng sandaling palayain nito ang kanyang mga labi. Pagkuwa'y muli nitong inilapat ang mga labi sa kanyang mga labi. Sa pagkakataong iyon ay napakarahan nito na tila nag-eenganyo sa kanyang tugunin niya ito..

"I love you, Sierra." Bulong nito sa kanya.

"James, please stop." Nanghihina niyang saway sa lalake habang nakatukod ang kanyang mga palad sa malapad nitong dibdib upang pigilan ang lalake sa gagawin uling paghalik sa kanya.

"I'm sorry." Ang tanging salitang namutawi sa bibig ni James saka nito muling pinatakbo ang kotse. Hindi na sila nagkibuan hanggang sa marating nila ang mansion.

Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng mansion. Wala naman itong ipinagkaiba mula ng huli siyang mamalagi doon.

"Pwede ka ng magpahinga." Malamig na wika ni James na nauna ng umakyat sa kanya dala ang kanyang mga gamit. Napabuntong-hininga na lamang siyang sinundan ito. Wala itong imik habang ipinapasok sa kanyang silid na halatang pinaayos at pinalinis ng lalake. Pagkababa nito ng kanyang mga maleta ay tuluy-tuloy lang itong lumabas ng kanyang silid na hindi man lamang siya sinulyapan pa.

Napabuntong-hininga naman si Sierra at humilata sa malambot niyang kama saka nag-dial sa teleponong nakapatong sa maliit na mesa sa tabi ng kanyang kama.

"Hello, Karen." Bati niya sa babae sa kabilang linya.

"Nakakainis kang babae ka! Ang tagal mo ng hindi tumatawag sa akin. Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ng kaibigan.

"Andito na ulit ako sa mansion." Sagot niya dito.

"What?! Oh my God! So nakita ka talaga ng kuya mo." Nag-aalala ang tinig na ani ng babae.

"Yeah. I'm home again." Ani niya sabay buntong-hininga.

"Sinasabi ko na nga bang hinding-hindi mo matatakasan ang kuya mo. Pero alam mo friend, mas ok na 'yan. Siya lang ang pamilya mo kaya dapat lang na maging maayos na kayo." Pagpapalubag-loob ng kaibigan.

Napahinga naman siya ng malalim.

"Ang totoo niyan, Karen.. gusto kong magpasorry sa 'yo." Kagat-labing wika niya.

"Bakit naman?" Agad na tanong ng babae sa kabilang linya.

"Meron kasi akong hindi sinasabi sa 'yo." Ani niya sa pagitan ng buntong-hininga. Alam niyang dapat ng malaman ng kaibigan ang totoong relasyon niya kay James.

"At ano naman 'yun? Pinapakaba mo ako friend, ha." Ani nito.

"Hindi ba alam mo namang hindi ko talaga tunay na kapatid si James?" Wika niya na pinapaalala ang kwento ng buhay niya na naikwento niya dito.

"Yes. Pero itinuring mo na siyang parang tunay na hindi kapatid di ba? Bakit, hindi pa rin ba maayos ang gusot ninyong dalawa?" Muling tanong ng kaibigan.

"Hindi iyon tungkol dun, Karen. Ang totoo kasi..when I was still fourteen years old- he was twenty already that time, kinasal kami." Pag-amin niya sa kaibigan.

"What?!!!" Gulat na gulat na wika nito dahil sa narinig.

"Kinasal kayo?!!! For real?!!!" Hindi pa rin makapaniwalang tanong nito.

"That's true, friend. Mamamatay na kasi noon si Mommy Helda kaya nakiusap siya na mapakasal na kami dahil hindi na niya kaming makitang ikakasal pag nasa tamang edad na kami." Paliwanag niya sa kaibigan.

"You mean noon pa man ipinagkasundo na kayo ng mga magulang niyo na ipakasal, ganun ba?" Pagkaklaro ng kaibigan.

"Right. Kaya 'yun, pinagbigyan siya ni James. Ang sabi kasi sa 'kin ni James nun ay hindi daw talagang totoong kasal 'yun dahil wala pa kami sa tamang edad kaya pumayag ako." Muling pagsasaad niya sa babae sa kabilang linya.

"Pero nasa tamang edad na kayo ngayon. You're twenty and he's twenty seven. Oh my, Sierra- so ano na ngayon ang status ninyong dalawa? I mean, mag-asawa na talaga kayo niyan?" Tila nanabik ang tinig na tanong ng babae.

"Ganoon na nga." May langkap na lungkot na sagot niya dito.

Nailayo niya ang telepono sa tenga ng malalakas na tili ang sinagot ni Karen sa kanya sa sobrang kilig.

"Kung ako ang asawa ni James, parang ready na akong kunin ni Lord!" Tili nito na kilig na kilig pa rin.

"You please shut up Karen. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko." Tila namomoblemang ani niya.

'Why? Na-realize ba niya na hindi ka niya gusto dahil masyado pa kayong bata noong pinakasal kayo?" Tanong nito.

"No. Hindi naman. Ang totoo niyan, I feel na masyado siyang possessive sakin. He is always telling me that he loves me" Sagot niya na muling ikinatili ng kaibigan sa kabilang linya.

"Grabe! Mahihimatay na yata ako friend!" Tili nito sa sobrang kilig.

"Ano ang prinoproblema mo kung ganun? Don't tell me ikaw ang may ayaw sa kanya? Oy ha, ang swerte mo…na kay James na yata ang lahat- super gwapo, he's a real hunk, sobrang gentleman, well-respected, matalino, mayaman- saan ka pa?!" Papuri ng kaibigan kay James.

"I don't know…I feel like, I don't deserve him." Malungkot na sabi niya. Alam niyang sa taas ng profile ni James, tila hindi nababagay ang tulad niya na wala pang napapatunyan at nararating sa buhay.

"Hoy! Anong kadramahan niyan friend! Ang mahalaga doon, mahal ka niya. Ibig sabihin noon, tinatanggap niya kung ano at sino ka." Pagpapayo ng kaibigan. Bigla naman siyang napaisip dahil sa sinabi nito.

"Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang nararamdaman ko, Karen." Nalilitong ani niya sa kaibigan. Kinig niya ang pagbuntong-hininga nito.

"Sige, sagutin mo na lang ang tanong ko Sierra- Mahal mo din ba siya? Hindi bilang kapatid ha. Mahal mo ba siya bilang isang lalake na mapapangasawa mo?" Tanong nito sa kanya. Napapikit siya at dinama ang kanyang puso. Alam niyang si James talaga ang tinitibok ng kanyang puso. Na-realize niya ito ng mga panahong umalis siya sa mansion. Hindi na kasi naalis ang lalake sa isip niya. Palagi niyang naalala ang mapagmahal nitong pagtrato sa kanya at ang mga paglalambing nito sa kanya.

"Ano friend, mahal mo din ba siya? Dahil kung mahal mo naman siya, there's nothing to worry about. Hindi ka kasi magiging masaya kung puro negative ang iniisip mo. So ano, mahal mo din ba siya?" Pangungulit ng kaibigan ng manatili siyang tahimik.

Napabuntong-hininga siya.

"Yes. I love him." Sagot niya.