Chereads / You Are Mine (Tagalog) / Chapter 10 - I Hate You, I Love You

Chapter 10 - I Hate You, I Love You

"Hello, Sierra! Kanina pa kita tinatawagan na babae ka! Nasaan ka ba?" Iritadong tanong sa kanya ni Terry sa kabilang linya.

Ramdam niya ang pamumugto ng kanyang mata. Agad niyang tiningnan ang relo. Natatandaan niyang mag-aalas diyes ng umaga ng siya'y mahiga matapos ang madamdamin nilang pag-uusap ni James, ngunit ngayo'y alas tres na pala ng hapon.

"Oh, I'm sorry Terry. Sumama kasi ang pakiramdam ko kaya dumiretcho na muna ako dito sa hotel at natulog.Bakit ba?" Tila paos na tanong niya dito.

"Ganoon ba? Nakainom ka na ba ng gamot, or you want me to ask for a medical assistance here?" Tila nag-aalala nitong tanong.

"Yes. Uminom na ako." Pagsisinungaling niya.

"Ok. Mag-impake ka na. Mamayang alas singko daw kasi ay babalik na tayo sa Fidel. May important transactions daw kasi sina Sir James so we need to be back as soon as possible." Paliwanag nito.

"Paano 'yung taping at pictorial natin?" Tanong niya ng maalalang hindi pa sila natatapos sa dapat na trabaho nila doon.

"According to Mrs. Cornelius, pag-usapan na lang daw natin pagbalik sa Fidel. So mag-ayos ka na ng gamit mo no sister?" Maarteng utos nito sa kanya.

Matapos mag-impake at magbihis ay pinadala na niya sa hotel boy ang gamit niya pasakay sa bangkang maghahatid sa kanila papunta sa pier kung saan naghihintay ang bus na maghahatid sa kanila sa airport.

"Terry, halika na!" Tawag niya sa manager na pakendeng-kendeng pang lumapit sa kanya.

"Sa ibang bangka ako sasakay dear. May iba kang kasabay." Ani nito na tinuro ang bangkang sasakyan.

"Ha? Sino naman kaya ang kasabay ko dito?' Nakakunot ang noong tanong niya dito.

"Ako." Nakangiting sagot ni James na palapit sa kanila. Madali itong sumakay sa bangka habang inaayos ang gamit nila katulong ang magpapaandar ng bangka na si Mang Kanor. Agad na pinaandar nito ang motor ng bangka.

"Wait, Terry!" Tawag niya sa manager na nakangiting kumaway sa kanya at nagmadali na ring nagtungo sa bangkang sasakyan.

Napabuntong-hininga na lamang siya at napalitang tumunghay kay James na nakaupo sa kanyang harapan. Sa pagkakataong iyon ay seryoso ang mukha ng lalake habang nakatitig sa maganda niyang mukha.

Bagamat natatakpan ang kanyang mga mata ng suot ng shades at "hat" ay malaya pa rin nitong natutunghayan ang maamo niyang mukha.

Bahagyan ng nakalayo ang bangkang sinasakyan nila sa baybayin ng tumabi sa kanya ang lalake.

"James, please." Ani niya dito na tila nagbabanta sa lalake na 'wag ng makipag-usap pa sa kanya. Ngunit mas lalo pa itong dumikit sa kanya.

"About Veronica…hindi ko talaga alam ang sinasabi mong nakipaghalikan ako sa kanya. What I can remember that night I went to the hotel is nakipag-inuman ako sa kanya. Then ang last na naalala ko na lang ay ng humiga ako sa sofa." Pagsisimula nito.

Isang malalim na buntong-hininga lamang ang isinagot ni Sierra saka ibinaling ang tanaw sa malawak na karagatan na kanilang tinatahak.

"Sierra.." Pagpukaw nito sa atensyon niya saka nito pinulupot ang isang braso sa kanyang bewang upang lalo siyang mailapit sa katawan nito.

"James!" Gulat na ani niya saka napaharap sa lalake. Nanlaki ang kanyang mata dahil pagharap niya ay sinalubong siya ng maalab nitong halik na puno ng pananabik. Sandali lamang iyon ngunit tila huminto ang oras. Si Mang Kanor naman ay napapangiting tumalikod sa kanila.

Isang malakas na sampal ang ibinigay niya dito.

"I hate you! I hate you!" Umiiyak na singhal niya dito habang pinagsusuntok ang dibdib ng lalake na parang bata. Agad siyang niyakap nito ng mahigpit habang patuloy siya sa pag-iyak.

"I love you, Sierra. Hinding-hindi na ako papayag na lumayo ka ulit sa akin." Bulong nito sa pagitan ng kanyang paghikbi. Nanatili sila sa ganoong ayos hanggang sa tumigil na siya sa pag-iyak. Dahan-dahan na nitong pinalaya ang katawan niya mula sa pagkakayakap nito. Kita niya ang maaliwalas at masayang mukha nito.

"Pagbalik natin sa Fidel, let's visit mommy." Pagsusumamo nito sa kanya na pinapungay pa ang mga mata.

Tumango lamang siya saka tinanaw ang papalapit na pier. Pagkarating nila doon ay inalalayan siya ng lalake. Hanggang sa bus at eroplano ay hindi na ito umalis sa tabi niya ngunit nanatili lamang siyang tahimik. Hindi pa rin alam ni Sierra kung ano na sila ng lalake o kung ano na ang mangyayari sa pagbalik niya sa Fidel. Sinulyapan niya ito at kita niya ang pagsigla ng mukha nito. Nakita niyang muli ang mga ngiti nito noong kasama pa niya ang lalake sa mansion.

Tila naramdaman ng lalake ng tinitigan niya ito kaya napatingin naman ito sa kanya. Agad naman niyang binawi ang tingin dito at humalikipkip. Lalo namang napalawak ang ngiti ni James at saka siya inakbayan kaya napahilig siya sa malapd nitong dibdib. Ramdam niya ang pagkintal nito ng mailiit na halik sa kanyang pisngi.