Have you ever fall in love? Yung as in mahal na mahal na kahit bawal sige lang kasi wala e, YOU FELL.HAHAHA TANONG LANG!
Laging payapa ang puso ko pero ewan ko ba, bigla nalang itong sumasakit nang hindi ko alam ang dahilan. Anywaysss, Im Aizel Ven, pure Filipina ako, ewan lang kung bakit ganan ang apelyido ko HAHAHAHA. Hindi kami mayaman, sakto lang, minsan nga nawawalan ako ng pangmeryenda. Pangatlo ako sa magkakapatid. Hayzt, ang sarap magmahal kaso minsan ang sakit pag hindi minamah... ARAAAAAY! angsakit, sino bang nanghampas na yun?
"HAHAHAHA napalakas ba? Yung susi mo naiwan mo nanaman"
Si Kate pala. Kaibigan kong may toyo.
"E bakit kelangang manghampas?!"
"Ganda ko kasi. O catch! Sige bye una nako, malate ka sana"
Kalog talaga non. Ang hapti namaaaan. *Ting* Hahahaha kunwari may bumbilyang umilaw Lol HAHAHA. Malagyan na nga lang ito ng vicks. Bayae na, nakakagaling nga daw yun ng sakit ng ngipin e. Asan nga ba yun? andito lang yun sa bag e. ...*Kapa kapa kapa*... ayuuun. naito na pala. Maipahid na nga.
"Hi A"
"Ay pusa mo nalaglag" nakooo, nakakahiyaaaaaaa may nakakita tuloy sa kashongahan ko. Parang ayaw kong tumingin sa kanya. Sino naman kaya ito.
"Hahaha sorry A, nagulat tuloy kita. Hindi ko sinasadya" nakoooooo naman. Ang pogi pa naman ng boses neto.
" A e i-ikaw pala" Hayst, bakit ito pang pogi kong kaklase ang nakakita sa nakakahiyang ginagawa ko?
"Anong nangyari sa braso mo?"
"Ewan nga, paggising ko medyo malamig kaya eto pinapahiran ko ng vicks"
"Ganon ba?"
tumango nalang ako kahit ang tunay hinampas talaga to ng buset kong kaibiga. "Doon mo nalang ituloy sa room yan. 10 minutes nalang kasi magtatime na"
Huuh? talaga? Matingnan nga sa rel....
"Aaay oo nga. Wait lang itatabi ko lang to"
Tas ngumiti sya bilang pag-oo aaaat
ang pogi ng ngitiii nyaaa. Grabeee. Ang kissable ng lips nya. Ang tangos ng ilong nya tas moreno pa. Bakiit ang pogiii nyaaa?
"A? Okay ka lang ba?"
"Ay sorry"
"Haha okay lang. May mali ba sa mukha ko? Bigla ka nalang natulala dyan."
Huh? nakatulala? Hala nakakahiyaaa
"A e, wala. Parang napansin ko lang na...."
Halaaa ano kayang sasabihin ko???
"Na?" AY YUUUN.
"Na parang may namumuong pimple dyan sa ilong mo. HAHAHAHA"
"Hayst, napansin mo talaga to a. Tara na nga"
Hayzzzt. Ty sayo little pimple hehe
"Pero hindi naman halata. Tara na."
Ang pogi naman ng kasabay ko.