Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Tears of a Concubine (Tagalog)

🇵🇭mejuan
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.4k
Views
Synopsis
"Ano to? Nasaan ako?" sambit ni Ivana Chu. "Lady Chu, ngayon po ang ika labing-limang taon mong kaarawan. Aayusan ka na po namin at naghihintay na ang iyong ama sa bulwagan." Paliwanag ng isang katiwala. "Ano daw? Birthday ko? Ba't ang pormal ng mga tao dito? At ano tong suot ko? Diyos ko naman! Ang sikip at napakainit. Hubaran nalang kaya ninyo ako." sa isip ni Ivana. At tumingin siya sa kanyang paligid. "Wow naman! Ang gandang silid. Napaka-elegante ng mga Furnitures na parang ako'y nasa... Wait lang! mga Chinese Furnitures ito! At itong suot ko Traditional Chinese dress din 'to ah! Nasa anong panahon ba ako? Sandali lang, pano ako napunta dito?" sambit ni Ivana. "Lady Chu?" naguluhan ang katulong sa mga sinasabi ng kanyang binibini. Napabuntong hininga nalamang si Ivana sabay sabi "Ah wala, punta na tayo sa bulwagan." *Author's thought* Ano kaya ang kaugnayan ng paninikip at pagsakit ng kanyang dibdib sa pag transmigrate niya sa ibang panahon at oras? Abangan! :) ---First tym ko pong magsulat. Heheh kaya pagpasensyahan niyo poh kung may mga mali-mali man sa aking grammar. Peace yoew.. ;) ty. have a great tym reading!
VIEW MORE

Chapter 1 - Ang Pagkahimatay ni Ivana.

"Ivana! Ivana!"Tawag sa kanya ng isang boses ng babae.

Halos pikit na ang mga mata ni Ivana ngunit ramdam niya parin ang sakit na pilit tumatagos sa kanyang puso.

"Ang sakit.. Ang sakit.." sambit ni Ivana. Sabay haplos sa kanyang dibdib

Hindi lubos maintindihan ni Ivana bakit sa tuwing papalubog na ang araw. Sakit ang kanyang nararamdaman.

"Ivana!" Tawag muli ng isang babae. Pilit na binuka ni Ivana ang kanyang mga mata at nakita niya si Monika.

Si Monika Fei ay kanyang kaibigan at classmate sa paalaran na kanyang pinapasukan. Anak siya ng kilalang negosyante sa City S.

"What's wrong Ivy?" tanong ni Monika. Hindi na nagawang sumagot ni Ivana dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Nagising nalang siya na may luha sa kanyang mga pisngi. Hindi na bago sa kanya ang ganitong pangyayari. Labing-dalawang taong gulang siya noon, nang magsimula ang paghahapdi ng kanyang dibdib sa tuwing papalubog ang araw. Kadalasa'y hanggang hapdi lang ang kanyang nararamdaman. Ngunit nitong mga nakaraang araw, mas lalo na itong lumalala. Ang nakakapagtaka pa ay lumuluha sya ng hindi niya namamalayan.

Napabuntong hininga nalamang siya at napatanong sa sarili. "Ano ba ang nangyayari sa akin?"

Napahinto siya sa kanyang iniisip ng marinig niyang may kumakatok sa pintuan ng kanyang silid at binuksan ito.

"My sweetheart. Ivy baby girl. Kuya Zack is here. Kuya rush from States upon hearing the news from Monika that you got fainted. Kuya was so worried. Don't scare Kuya next time ok?"

"Kuya, I am alright. Sadyang napagod lang ako masyado sa activity namin Today. Sagot ni Ivana sa kanyang kapatid. Ayaw niya itong mag-alala sa kanya. Kaya nilihim niya rito ang kanyang mga nararamdaman nitong mga nakaraang araw.

"Ivana... ano man ang nararamdaman mo.Sabihan mo si Kuya ok?" paalala ng kanyang Kuya.

"Ay opo naman Kuya. Malakas kaya 'tong bunso niyo noh? 'Di bah nga noong bata pa tayo nagawa nga kitang buhatin noon. Hindi ka pa nga makapaniwala dahil sa liit ko'y nakaya kitang buhatin. Kaya wag kanang magalala Kuya malakas toh na parang kalabaw." sagot ni Ivana ng may halong biro at guilt.

"O sya, ikaw ng malakas sweetheart. Magpahinga ka pa at nang maging mas malakas ka pa para buhatin tong Kuya mo. hahaha" Humahalakhak ang kanyang Kuya sabay halik sa kanyang noo.