Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Identity

Tristan_Buendia
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.5k
Views
Synopsis
Si Kyler Sandoval tinangkang takasan ang kanyang nakaraan at kalimutan ang pagkakakilanlan hanggang siya ay nahulog sa isang tao na mag papakita sa kanya Kung gano nga ba kadaya ang ginagalawang mundo.
VIEW MORE

Chapter 1 - My First Heartbreak

June 26, 1996 isang gwapong nilalang nanaman ang naidagdag sa listahan ng mga lalaking magpapatili sa mga kababaihan Kyler Sandoval ang pangalan. Syempre ako Yun! Bilang nag iisang anak lahat ng atensyon at pagmamahal ay sakin naka sentro. Ang tatay ko ay isang negosyante at ang nanay ko ay dating guro pero mas pinili niyang maiwan na lang sa bahay para mapagtuunan ako ng pansin.

Sa murang edad ko ay nakitaan nako ng husay sa larangan ng sining at pambihirang talino "binubuhat ko nanaman sariling bangko ko" pero totoo, maliit pa lang ako ay suki na ko ng iba't ibang patimpalak sa pagguhit man o pagbigkas ng tula. Yung tingin sakin ng mga tao dati ay isang anghel dahil sa angking talino at sa maaliwas na mukha na gwapo kahit saang anggulo. Pero sa kabilang banda ng mga nakamit ko sa murang edad ay ang masakit na palo ng aking ina sa tuwing hindi ko nasasagot ang mga tanong niya.

Ang ina ko ay mahigpit pagdating sa pag aaral tipong nasa baitang 2 palang ako aralin na ng baitang 4 ang pinag aaralan namin. Nung una hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang aking ina, hindi ko man naranasan ang makipaglaro ng tagu taguan at habulan sa labas ng bahay dahil sa kanyang pagiging istrikto. Si Mama ay babaeng hindi marunong ngumiti, madalang lang Kung makipag usap at hamak sa katarayan. Hindi siya yung taong maluho, magaling siya sa pag iimpok at lalong lalo na sa pagluto.

Isang araw aksidente kong nabasag ang isang bote na naka display katabi ng Picture frame ni mama. Dahil sa takot na malaman niya ay agad kong nilinis ang basag na bite sa sahig at itinapon ang lumang papel sa loob nito. Akala ko makakalusot ako, pag pasok na pag pasok palang ni mama sa kwarto ay agad niyang napansin na nawawala ang bote. Parang nag ibang anyo ang aking ina dala ng galit ng malaman na nabasag ko ang bote. "Diin ang botilya kag ang unod ya" Sambit ng aking ina sa hiligaynon na ang ibig sabihin ay nasan ang bote at ang laman nito. Sa takot agad ko namang itinuro na nasa basurahan sa likod ng bahay ang basag na bote kasama ang papel. Dali daling kinuha ni mama ang papel at kitang kita sa kanyang mukha ang takot at lungkot ng makuha ito. Namuo sa isip ko ang tanong na "ano Kaya Ang nakapaloob sa papel na yun". Nakalipas ang ilang linggo bumalik sa normal ang lahat, ilang araw ko rin naramdaman ang galit ni mama pero ganun talaga siguro kapag pinakaelaman mo ang bagay na hindi sayo, nakakadurog ka ng ibang tao.

Di pa rin mawaglit sa isipan ko ang lumang papel na yun, dala ng mga tanong ay nagplano ako Kung pano makukuha ito nang hindi nalalaman ng aking mama. Alam ko na nasa bag niya ang ito nakalagay pero palaisipan sakin Kung pano ito makukuha dahil hindi naman siya lumalabas ng bahay. kadalasan ala 1 ng hapon pinapatulog ako ni mama para tumangkad raw ako, ang hindi niya alam pineke ko ang mahimbing kong pagtulog animoy isang tuta na naiihi dahil nananaginip Yun pala mata lng Ang nakasara. Nung nalaman ko na nakaidlip ang aking ina dali dali akong pumunta sa kwarto Mula sa Sala. Binuksan ko ang bag niya at binasa ang nakasulat sa lumang papel at dun ko nalaman ang lahat, ang katotohanan na pilit tinakpan ng nakaraan upang hindi masira ang kasalukuyan. Hindi ko naintindihan ang lahat ng salita dahil may mga nakalimbag sa Ingles at nasa baitang 3 pa lamang ako nun pero Isa lang ang naunawaan ko "biktima ang ina ko".

"Buligi nyoko" Ito ang unang salita na nakasulat sa papel na ang ibig sabihin ay tulungan nyo ako. Ang ina ko ay biktima ng panggagahasa at ang mas masakit ang may sala ay ang taong iniidolo ko pa si papa. "Wala sila nagpati" ibig sabihin ay hindi sila naniwala, nagsumbong ako pero binalewala nila- pagkakasalaysay ni mama sa sulat. Masakit isipin na mismong kadugo ng aking Ina ay hindi siya pinaniwalaan sa halip ipinakasal pa siya sa lumapastangan sa kaniya para takpan ang kahihiyan na dulot ng kaniyang dinadala.

Halos hindi ako makatayo sa aking nabasa pero dahil sa narinig ko ang aking ina na hinahanap Kung nasan ako, Dali Dali Kong ibinalik sa bag Ang lumang papel at pinunasan ang namumulang mata. "Din ka halin kag ngaa pula imo mata " San ka galing at bakit namumula ang magkabila mong mata, tanong ni mama. Natameme ako sa tanong ng aking ina at umiyak ng todo niyakap ko siya at sinambit ang salitang "palangga taka ma" Mahal Kita ma.

Naintindihan ko na Kung bakit mula noon ay hindi ko nakitang masaya o nakangiti man lang si mama, Hindi pala ganun kadali na pakisamahan ang taong tinanggalan ka ng dignidad at karapatan.