(After a few chapters, I decided to use my own language. Honestly, it is a bit hard for me to express myself in english.So please, bear with it. With all the love, Melody. )
There are traps here. I am certain about it.
Simple lang naman. Magbibigay sila ng isang tao-- ito ang magiging target mo. At ano ang gagawin? Make her/him break the rule.
Ako? Wala akong ginagawa. Ayokong sumugal. Tumakas lang naman ako sa dating buhay ko. Pero hindi ibig sabihin ay gusto ko nang makisali sa thrill-thrill na yun. I don't want to end up killed by the--geez. I don't even want to remember her.
And when you successfully done it, you will be awarded.
Royalty.
It's awful. Really.
Hindi ko alam kung bakit naaatim ng iba na mabuhay ng marangya dito kapalit ng panlilinlang, panloloko na umabot sa puntong mapaparusahan---mamamatay.
Pero wala ni' isa akong sinabihan. Baka mamaya ay ako na ang sumunod dahil sa pagkontra ko sa pamamalakad ng University.
"Hello Ven!" bati ni isang babae sa akin.
Makikita mo ang badges ng mga estudyante-- at duon mo mapapansin ang rankings nila.
At ang taing nasa harap ko, parang kailan lang... Magkasama pa kami nuon sa dorm. Pero ngayon, royalty na siya.
Hindi ko na yata maaatim na tawagin syang kaibigan sa dami nang namatay dahil sa kanya.
And the worst thing is...That's how they rank us!
"Hi Patricia." tawag ko.
Umismid ito sa akin.
"Call me Leigh. We're friends right." sabi niya.
"Ok. Leigh." simpleng sabi ko.
"I'll get going then. Wait... by the way, don't you want to try a mission? It's kinda fun." aya nito.
Muntik na akong kilabutan sa sinabi niya.
"No thanks." tanggi ko.
"Ok...Bye, see you around." sabi nito at nauna na.
Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Noooo! Please! Don't do it! don't kill him! Please!"
Dinig kong sigaw ng isang babae.
She's the 50th.
And I think. Tomorrow, there will be another case of suicide.
The woman, or what they call punisher, or death, kill only guys. But the woman? They killed themselves...
It's insane!
Para hindi marinig ang ingay ng makaawa ng babae ay isinuot ko ang earphones ko at inabala ang sarili sa pagbabasa.
Walang mangyayari sa 'kin as long as hindi ako makikisali sa anumang misyon o laro dito.
"Hi Miss." bati ng isang lalaki.
Naibaba ko sumandali ang librong aking binabasa at tumingin sa lalaking nagsalita.
Nakaramdam ako ng isang kaba na nagsisimula nang bumuo sa aking dibdib.
Mukhang simula na nang misyon para sa akin.
***
"I'm starting to enjoy it here."
"I agree with you. Para tayong nasa palabas!"
"It's thrilling!"
Bahagya akong napangiwi sa naririnig ko.
Hindi ako makapaniwala.
Gusto ko silang sampalin isa-isa, baka sakaling magising sila sa kahibangan nila. Kailan pa naging masaya ang pagkamatay ng maraming estudyante?!
Ako na lang yata ang nasa matinong pag-iisip dito!
Maya-maya ay may lumapag na tray sa harap ko.
"Can I sit here?" tanong ng lalaking gumuguli sa akin.
Naiinip na siguro dahil wala naman siyang makukuha sakin.
Nganga siya!
Naiirita ako sa mukha niya. Pero ang kulit-kulit kaya hindi ko na alam ang gagawin ko.
May nakita akong isang babaeng naghahanap din nang mauupuan. Kaso walang nagpapaupo sa kanya.
Makapal kasi ang suot nitong salamin. Halos mapunta na sa mukha ang buhol na sobrang itim. At napakaluwag pa ng suot. Pang matanda.
Typical weird nerd.
Pero nakahanap ako ng paraan para mapaalis ang lalaking ito.
"Sorry, Yna will sit here. Yna! dito ka." tawag ko sa kanya.
Nangunot ang noo nito at tinuro pa ang sarili niya.
Itatanggi yata na hindi ito ang pangalan niya pero inilingan ko siya at tiningnan ng masama.
Napahinga naman ako ng maluwag nang lumapit ito sa akin.
"Dito ka na. Sorry talaga Kuya." sabi ko sa lalaki.
Ngumiti naman ito at umalis na.
"Sige na, umupo ka na." aya ko sa kanya.
Tumango naman ito at dahan-dahang umupo.
May nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Hindi sa pagiging wirdo niya. Pero sa... Basta! Hindi ko maipaliwanag.
"Anong pangalan mo nga pala? Pasensya ka na ah? Nangungulit kasi yung lalaking yun eh. Nagkataon naman na nakita kita kaya... sorry ah." paliwanag ko.
Ngumiti naman ito.
Hindi ko alam pero, kinilabutan ako dito.
"Ok lang. I'm Jamara." pakilala nito.
Ok lang I'm Jamara.
Ok lang I'm Jamara.
Ok lang I'm Jamara.
Nagpaulit-ulit ito sa isip ko. Jamara...
Pamilyar...Sobrang pamilyar.
Umiling-iling ako para alisin ang nararamdaman ko.
"I'm Tanica Vega." pakilala ko naman.
"Nice to meet you. Pero, mauuna na ako sayo, Gave." saad niya.
Napakunot ang noo ko. Gave?
They usually call me Nica, or Ven. But Gave?
Unusually familiar. But creepy.
That girl must be hiding something.
***
"Class dismiss."
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at lumabas ng classroom.
Sumunod na rin ako at nag-unat unat.
Sa paglalakad ko papuntang dorm ay may nakita akong nakakuha ng interes sa akin.
Dahil sa kuryosidad ay sinundan ko kung san siya pupunta.
"Hi Babe." bati ng isang lalaki.
"I missed you." sabi ulit nito.
Hindi sumagot ang babar ngunit hinatak ang kwelyo ng lalaki at hinalikan ito.
Mas lumalim pa ang halikan nila hanggang sa maglakbay na ang kamay ng lalaki sa katawan ng babae.
Nanlalaki ang mata ko. Mabilis ang tibok ng puso ko.
"I love you, Ara."
Hindi sumagot ang babae at pinagpatuloy nila ang kanilang ginagawa hanggang sa sumampa na ang babae at pinulupot ang kanyang binti sa baywang ng lalaki.
Hindi ko na nakayanan kaya tumalikod na ako.
I can't believe I just saw Jamara--completely different person.
***
Hindi ako mapakali sa pagtulog ko. Dahil ang nerd na si Jamara ay nakikipa---
Umiling-iling ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa room.
Ngunit ang nakakagulat ay ang pamilyar na kumpol ng mga tao.
Isang kaba ang namuo sa aking dibdib. Dahil baka may nakakita sa kanila kagabi. At ngayon...
Dali-dali akong nakisingit sa mga tao at nakita ang lalaking kahalikan nya.
Napatakip na lang ako sa bibig ko sa gulat dahil hindi ako nagkakamali.
Ngunit isang bagay ang ipinagtataka ko.
Wala si Jamara...
Hindi siya umiiyak o nagmamakaawa sa lalaki.
At matapos man ang ilang linggo ay hindi pa rin napabalita ang kanyang pagpapakamatay.
Isang konklusyon ang nabuo sa isip ko. Kasama si Jamara sa mga estudyanteng tumatanggap ng misyon. At ang lalaking iyon ay ang kanyang biktima.
Namutla ako sa realisasyon... Isang patibong. Isang panlilinlang.
Looks can really deceive.