Biyernes, Disyembre 13, 2019 – Maagang nagising si Wacky dahil sa mga tunog ng notification galing sa kanyang celpon. Ika 28th kaarawan niya ngayong araw kaya't marami ang nag greet sa kanya ng mga birthday greetings kabilang ang kanyang pinakamamahal na girlfriend.
"Hmmmm alam ko buenas ang araw na ito, ni minsan hindi pa ako natalo sa sugal pag kaarawan ko!" ito ang mga salitang namutawi sa kanyang mga bibig habang inuunat niya ang katawan sa kanyang malambot na kama.
"Hello babe, kamusta ang tulog? Happy Birthday! Enjoy your day, see you soon. I love you." Ito ang mga matatamis na mensahe sa text ng kanyang magandang nobya na si Angie na kanyang katrabaho sa isang kilalang firm sa QC.
Isang kilalang abogado si Wacky sa isang kilalang firm sa QC. Mabait, matalino, di gaanong gwapo at isang kilalang adik sa sugal lalong lalo na sa casino itong baguhang attorney.
"Hmmmm, birthday leave ko ngayon kaya't pweding akong magsugal. 7pm pa naman ang dinner date ko at 8pm pa naman ang party sa bahay kaya't my time ako para maka pag poker. Click, click, click." nakangising tugon nito sa harap ng salamin habang inaayos ang sarili, at nag selfie muna bago maka punta sa isang sikat na casino.
Ika 9 ng umaga, bihis na bihis si Wacky. Executive look ito habang naka suot ng shades at neck and tie. Naka harap ito sa salamin habang naka selfie gamit ang mamahaling celpon. Talagang nagpapa pogi ito sa kanyang pink suit with tie kahit di gaanong ka gwapuhan saka sinend sa kanyang nobya. Kinuha ang kanyang susi ng sasakyan at bumaba ng hagdan.
"Sir, Happy Birthday! Ang pogi natin ah!" pakunwaring tugon ng kanyang katulong na si Melay habang nagpapa cute ito sa hagdan.
"Maraming salamat. Okay na ba ang gagawing mga paghahanda mamaya? Ano pa ba ang kulang?" ito ang mga eksayted na tanong ni Wacky sa kanyang katulong.
"No problem na sir. Ready to party na mamaya! Put up na lang namin ang mga balloons at mga design. Tapos ok na din ang mga bibilhin sir." nakangiting tugon ni Melay sa kanyang boss.
Agad na tinungo ni Wakcy ang kanyang sasakyan at pinaandar ito. Excited ito para sa kanyang casino day. Alam niya kasi na pag birthday niya e stress free ito at kahit anong gusto niya ay pinagbibigyan siya ni Angie pwera na lang sa pambabae. My limitasyon din ito na ibinigay ng fiancée dahil hanggang 8pm lamang ito dahil may party na gagawin sa kanyang bahay.
Isang abogada si Angie at galing sa kilala at mayamang pamilya. Maganda, matalino, maputi at may balingkinitan na pangangatawan. Si Wacky naman ay galing sa mga abogadong angkan kaya't di madali sa babae na pakisamahan ang katipan. Pinag kasundo lamang ang mga ito pero dahil sa kasabihang bulag ang pag-ibig ay nagka mabutihan ang dalawa at nahantong sa pagmamahalan at dahil na din sa impluwensya ng kanilang mga magulang.
Maagang narating ni Wacky ang isang sikat na casino. Agad na sinalubong ito ng gwardiya at pinag buksan ng pinto.
"Bossing, good morning! Happy Birthday po!" masayang nakangiting tugon ng gwardiya sa kanya.
"Aba, Ynel, naalala mo pala ang birthday ko! Ito pampa init ng katawan mamaya!" habang inaabot ang limang daang piso sa gwardiyang bumati sa kanya.
"Naku bossing! Maraming maraming salamat po! Birthday pa man din ng bunso ko! Saktong sakto to sa pambili ng pansit para sa handa niya mamaya!" nakangiting tugon ni Ynel sa kanyang boss.
"Aba, ganoon ba! Sige, ipanalangin mo mamaya na manalo ako para pati keyk at pang inuman ninyo mamaya ako na bahala! Selfie na muna tayo para pam paswerte!" masayang tugon nito sa gwardiya.
Agad na pumasok si Wacky sa casino. As usual maraming naka hilera na mga sugalero sa bawat area na kanilang paboritong tambayan.
Agad na tinungo ni Wacky ang kanyang paboritong laruing sugal ang – Poker. Nakangiti lamang ito sa taga balasa ng baraha sa kanyang paboritong laro.
"Sir, Happy Birthday!" bati sa kanya ng taga balasa ng baraha sa naturang casino.
"Maraming salamat. Hehehe, sana manalo ako ngayong birthday ko!" tugon nito sa naturang balasador.
Agad na nagsimula ang laro. Nakangiting tiningnan ni Wacky ang baraha. Flush agad ang nakuha nitong baraha.
Unang sabak pa lang ay nanalo na agad ito. Naging sunod sunod na ang swerte nito ng sinundan ng straight, full house at iba pang mga combinasyon ng baraha na agad ikinatuwa nito. Medyo malaki laki na din ang kanyang panalo dahil sa sunod sunod na combinasyon ng kanyang baraha.
"Pag sinuswerte ka nga naman!" naka ngiting binibilang ni Wacky ang kanyang mga panalo. Saktong sakto rin ang pag ring ng kanyang celpon.
"Babe, nasaan ka na? Daanan mo ako sa mall. May binili ako sa iyo! I love you." text message sa kanya ni Angie habang masayang binabasa ito.
"Sige, babe wait mo ako diyan." reply nito sa katipan habang masayang naka selfie sa perang napanalunan.
"Oh, ito Ynel, okay na ba itong 1500? Pandagdag inuman niyo yan sa mga tropa mo at pang regalo na din sa anak mo!" masayang ibinigay nito sa gwardiyang may anak na ka birthday niya din nitong araw.
Masayang masaya ang gwardiya habang inalalayan ang bagitong abogado sa sasakyan.
"Bossing malaking tulong na ito. Maraming maraming salamat po! Timing mag out na din ako para maka uwi na!" masayang tugon ng gwardiya.
Agad na pinaandar ni Wacky ang kanyang sasakyan. Dahan dahang pina atras niya ito at ini align sa kalsada ng biglang…
Blaaag, blaaaagag, shrrrrriiiiieeeeek, screeeeeeechhhhh. Ito ang malakas na tunog na narinig sa mga sasakyan. Sinalpok ng mabilis na kotse ang sasakyan ni Wacky. Yupi yupi ito at wasak na wasak ang unahan. Parang sinagasaan ito ng isang truck dahil sa pagka wasak nito. Kalunos lunos ang sinapit ng mga biktima.
Ayon sa ulat, durog ang mukha ni Atty. Wacky Noguerra dahil sa lakas ng impact ng pagka bangga ng pulang sasakyan na minamaneho ni Jongie Sanchez. Lasog lasog din ang katawan ni Jongie dahil sa lakas ng impact sa banggaang naganap. On the spot ang dalawang biktima dahil sa lakas ng impact ng banggaan.
Agad na kinunan ni Ynel ng litrato ang mga pangyayari. Kahit ito man ay na shock dahil sa nangyari ay hindi ito nag dalawang isip na kunan ng litrato ang mga pangyayari para na rin sa police report kung ito'y hihingiin.
Nanlulumo sa balitang natanggap ang mga kamag anak ni Wacky lalong lalo na ang fiancée na si Angie. Di ito matanggap ang nangyari sa katipan.
Habang tinitingnan ni Ynel ang mga litrato sa kanyang celpon ay nangilabot ito sa nasaksihan. Napatayo pa lalo ang balahibo nito ng makita nito ang kamukha ni Atty. Noguerra sa kabilang daan na kumukuha din ng picture sa banggaang naganap.
Naka pink shirt with tie ito, habang nakangiti na kinukunan ang banggaang naganap. Di nagkakamali si Ynel na si Atty. Noguerra ang nasa kanyang celpon na nakunan dahil matagal na niya itong kilala.
Makalipas ang ilang araw, ipinakita niya ito sa fiancée ni Atty. Noguerra at nangilabot din sa nakita. Kahit ito ay hindi din makapaniwala dahil ito ang suot niya na sinend sa kasintahan bago ito pumunta sa casino.
Magpa hanggang ngayon ay di pa rin mapatunayan kong totoo ngang si Atty. Noguerra ang nakunan sa picture na kumuha din ng kanyang actual na kamatayan.
=====WAKAS=====