"QHUEEN? Nandito na yung doctor mo." Saad ni Manang kasabay ng pagbukas ng pinto.
"Magandang araw sayo, Qhueen. Ako nga pala si Doc Santiago. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Bati at tanong ni Doc. Pakiramdam ko? Di ko nga alam kung mayroon pa ako non eh.
"Hell." Maiksi kong tugon. That's what i feel this past few days.
"How do you say so?" He asked.
"You know, i can't see. There's only darkness." I said in a low tone. I am afraid or a phobia of dark kaso kakaunti lamang ang may alam. Even my parents didn't know about that.
"Okay, pumunta lang ako dito para macheck-up ka." Sabi niya at inumpisahang check-up-in ako.
After a few minutes ay natapos na ito and he bid a goodbye. Nahilata nalang ulit ako sa higaan ako at tumingin sa kawalan. Tumingin? Kahit sa kawalan di ko kayang tumingin. Darkness is around me.
"Jewel? Anong nangyari? Anong sabi ng doctor?" I heard a man voice asking at alam ko na kung sino agad yun. Siya ba naman ang kasama ko lagi, sinong hindi ang magsasawa sa boses niya? But i got comfortable being with him. So okay lang sakin.
"Uhm, wala naman. Chineck up lang ako saka kinamusta." Paliwanag ko.
"Parang may gusto sayo yung doctor na yon ah." Sabi niya at ramdam ko ang pagkainis sa boses niya.
"Nababaliw ka na ba? Guni guni mo lang yon." Natatawa kong saad. Kung ano anong pinag iisip eh.
"No! I swear. May gusto sayo yon." Pagpupumilit niya. Hayst. Ang kulit talaga nito.
"Hay nako. Bahala ka na nga diyan. Matutulog na ako." Sabi ko at ipinikit ang aking mga mata. Lalong dumilim ang aking mga nakikita.
"Okay, sweet dreams." Saad niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa aking uluhan. Bakit ba ang hilig niya manhalik?! My heart can't stop beating faster. What to do?!