"MOM? Why can't i see?!" Natataranta kong saad at kinapa ang kinaroroonan ng aking ina.
"Anak? I'm sorry." Umiiyak na saad nito. Bakit? Ano bang nangyari?
Ang naalala ko lang ay may binigay na juice saakin si Manang Letty. Tapos pagkagising ko wala na akong makita. Wala namang nakatakip sa mata ko.
"Tell me what happened! Mom, please!" Maluha luha kong pamimilit. Hinaplos niya ang aking pisngi at tinuyo ang mga luha dito.
"We donated your eyes to your brother. Alam mong di namin pwedeng hayaan na di siya makakita. Dahil siya ang magmamana ng kompanya." Paliwanag niya.
Napahinto ako dahil doon. Di ko kayang maproseso ang mga narinig ko. Tinabig ko ang kamay ni Mommy at nahiga. Why do i deserve this?
"Nak, sorry na! Please, wag kang magalit."
Bakit ganon? Mahal ko sila pero ito yung ginawa nila saakin. Ipinalit nila ang kalagayan namin ni Kuya. Di ba ako nararapat na magmana ng kompanya namin? Bakit si kuya nalang lagi ang inaalala nila? Ni minsan hindi nila ako inalala. Kung ano ang mararamdaman ko at kung ano ang gusto ko.
"Mom? Leave!" Malamig na tugon ko. Wala na akong pakealam kung magmukha akong rude sakanila.
"No, i will stay anak." She insist.
"I SAID LEAVE! NOW!" Sigaw ko na halos dumagundong sa bawat sulok ng kwartong ito. Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto.
I sighed. What a nightmare! Kahapon lang nakikita ko pa ang mundo at liwanag. Tapos biglang nagbago. Puro kadiliman ang aking nakikita.
Lumipas ang ilang oras ng narinig ko na may pumasok. Nararamdaman kong hindi ito si Mommy. Maybe a nurse, i think.
"Ito po yung gamot niyo for fast recovery." Isang baritonong boses ang aking narinig.
"Who are you?" Tanong ko rito. I am so confused. Kung maghahire sila Mom and Dad ng nurse. Bakit lalaki pa?
"I am your new nurse and bodyguard, my lady." Saad nito. Nurse? Bodyguard? Para saan pa?
"I don't need you. Pwede ka ng umalis. Ako nalang magsasabi sa parents ko." Utos ko dito. Di ko kailangan ng nurse at bodyguard. I will be rotten here in bed until i die.
"But you need to drink your medicine. If you want, i am just outside." Sabi nito. Mapilit lang? Hayst.
"Di ko sinabing lumabas ka ng kwartong ito. Ang gusto ko ay umalis ka na sa trabahong ito dahil di kita kailangan. Understand?!" Naiirita kong singhal dito.
"Nasa labas lang ako kung may kailangan kayo." Sabi nito at narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto.
What the? Bingi ba siya? Hayst. Nakakainis naman! Bat kasi may ganito pa?