Chapter 3 - CODE #1 : PART TWO

Lorraine Point of View (POV)

Napatingin ako sa hawak na palakol. Ito yung sinipa ko kanina na mukhang hindi nakuha ni Santa. Were just lucky to have a weapon pero hindi ko parin halos masikmura na ang bagay na ito ang pumatay sa pamilya ko. Ayaw ko sanang hawakan o kahit gamitin man lang pero wala akong choice. I need this in order to fight that fucking Santa Claus!

"Noona sasama ako."

"No. Stay here at bantayan mo si mommy."

Nandito kami ngayon sa secret base. It's a hidden place na kadugtong ng aking kwarto. No one knows how to open this secret base except for me kaya ito ang pinaka-safe na lugar sa bahay namin. Aside from it ay hindi basta-bastang malalaman ng taong hindi pa kailanman nakapasok sa kwarto ko.

"How about you? Aalis ka ng ikaw lang mag-isa!? You know how dangerous it is Noona!" Alexis anxiously yell.

"Sshhhh.." I put my forefinger in my lips, a sign to minimize his voice. "Kaya ko ang sarili ko. Hihingi ako ng tulong o maghahanap ako ng bagay na makatutulong sa atin. Ililigtas ko kayo ni Mommy..."

"Sasama ako sayo. Tutulong ako sa paghahanap ng tulong."

Umiling ako, "Listen Alexis. Kung tayong dalawa ang aalis paano si mommy? Iiwan mo siya sa ganyang lagay?" I look Mom nawala parin sa sarili. "She's in pain Alexis. Tayong tatlo ang nasasaktan pero...si Mommy ang pinaka-nasaktan sa atin kaya please stay by her side.." Pinigilan ko ang sariling maiyak. Ayaw kong umiyak...hindi dapat ako umiiyak lalo na sa lagay namin ngayon...

Nagsimulang tumulo na naman ang luha ni Alexis. Umiiling-iling siya at nanginginig pa. "I know Noona.....I know....pero...paano ka? Hindi ka marunong lumaban... paano kapag nakita ka ni Santa? Paano kapag...kapag...kapag---"

"Just trust me." Putol ko sa sinabi niya.

Wala sa sarili si Mommy dahil hindi niya matanggap ang pagkawala ni Angelica, Angeline at Daddy. Sobra siyang nasaktan at nabigla sa pangyayari kaya di niya matanggap. Ganun rin naman ang nararamdaman ko pero mas nangingibabaw sa akin ang pagsisisi. Nagsisi ako dahil walang akong nagawa para mailigtas sila, nagsisi akong natayo lang dun habang pinanood ang kaganapang iyun. Pero kung iiyak lang ako sa tabi at walang ibang gagawin kundi sisihin ang sarili sa nangyari ay paano kami makakaligtas dito?

Lalaki si Alexis pero masiyado pa siyang bata. I'm the eldest so I should be the one to handle this situation. Hindi dapat ako maging lampa lalo na sa sitwasyong ito. I may not know martials and I don't physically know how to fight but I mentally do.

"I.. trust you... " Napipilitang aniya. "Please come back alive."

Sumilay ang ngiti sa aking labi, "I will."

Bago tuluyang umalis sa Secret Base ay nagpa-alam muna ako kay Mommy kahit hindi siya tumugon. Nang tuluyang nakalabas ay maingat kong sinirado ang secret base.

Nilibot ko ang paningin sa kabuohan ng kwarto at tsaka maingat na nag-hanap ng cellphone o kahit anong gadget na makakatulong sa amin pero wala akong nakita. Napapikit ako sa sobrang inis. No choice...

Pinapakalma ang sarili at paulit-ulit na humugot ng malalim na hininga. Bumaling ako sa pinto at lumapit dito. Maingat kong binuksan ang pinto at nakahinga ako ng maluwag ng hindi nakagawa ng ingay. Nakatulong rin ang malakas na tugtog sa TV na parang sirang plaka na paulit-ulit.

Maingat at ultimo paglalakad ko ay walang ingay. Pinapakiramdaman ko ang paligid habang palinga-lingang tumitingin. Nang nakarating sa dining area ay nahagip sa mata ko ang cellphone. Agad akong nabuhayan at nagmadali lumapit dito pero agad rin akong nanlumo ng walang signal. May signal ang uptown village kaya bakit walang signal itong cellphone? Posible kayang may kinalaman si Santa dito? Posible bang planado ni Santa ang kaganapang ito? Hindi kaya...hindi lang ang pamilya ko pinatay niya? Ang mga tao sa village?

Napawak ako sa sentido dahil biglang sumakit ang ulo ko sa naisip. Sana lang nagkamali ako...

Agad akong napalingon sa likod ng may narinig na kaluskos. Mabilis na tibok ang aking puso. Pigil hininga kong nilibot ang paningin sa paligid at tsaka lang ako nakahinga ng maluwag ng walang Santa Claus na nagpakita. Napra-praning na yata ako...

"You better watch out~

You better not cry~

You better not try~

I'm telling you why~"

Kinalibutan ako sa kanta na narinig. Mahina pero naririnig ko ang kanyang pagsabay sa kanta. Boses lalaki iyun at sigurado akong si Santa Claus ang kumanta. Hindi ko alam kung saan galing iyun pero rinig na rinig ko kaya dahil sa labis na takot at pagkabiglang naramdaman ay mabilis akong nagtago sa ilalim ng mesa. But that was the dumbest move I ever made dahil salamin ang mesa namin kaya kitang-kita ako dito! Fuck! Shit!

Pilit kong kinakalma ang sarili kahit nanginginig ang buo kong katawan. Calm down! Calm down! I should calm down!

Nang tuluyan ng nakalma ang sarili ay inilibot ko ang paningin sa buong dining area at ng walang nakita ay saka pa ako lumabas pero paglabas ko ay may biglang---

"Bloody Christmas.." Mahina pero nakakakilabot ang tinig nito.

Nagsitayuan ang mga balahibo at pigil hininga na lumingon sa likod kung saan nanggaling ang tinig pero wala akong nakitang Santa Claus!

I hold the axe tightly at pinakiramdaman ang paligid. He's here, he spoke and he sang kaya sigurado akong nandito siya. Pinaglalaruan niya ako. Bakit kailangan niya pa ng ganitong palabas? Bakit hindi siya magpakita at patayin ako? Bakit kailangan niya pa akong paglaruan? Dahil ba nasisiyahan siyang nakikitang takot na takot ako? Well Fuck him!

Tumalikod ako at mabilis na naglakad palabas. I roughly open the gate at lumingon ako sa likod. Tatakbo na sana ako ng nakita ko si Santa pero agad akong natigilan ng nakatayo lang ito sa pinto ng bahay namin at mukhang wala akong balak na habulin. May hawak siyang palakol at nakatabingi ang kanyang ulo na para bang pinag-aaralan ako. Ilang segundo muna siyang nakatayo dun at tsaka pumasok ulit sa bahay.

Hindi ko siya maintindihan. Wala siyang balak na habulin ako? Bakit?

At tsaka may dala ulit siyang palakol, ilang palakol ba ang meron siya?

.........

Third Person Point of View (POV)

Tila'y nawalan ng pag-asa si Lorraine. Kaya ba hindi siya hinabol ni Santa? Kaya ba hinayaan siya nitong maka-alis?

Tama siyang planado ang kaganapang ito pero hindi niya sukat akalain na posibleng mangyari ito. Umalis siya dahil umasa siyang may makakatulong sa kanila kahit isa man lang pero wala. Lahat ng taong nakita niya ay puro na bangkay! Walang signal kaya hindi siya makakahingi ng tulong sa labas. Hindi rin mabubuksan ang malaking antigong gate dahil bukod sa di niya alam kung paano ay hindi rin gumagana ang kahit anong switch na pindutin niya.

Nanlulumo siyang napaupo ng kawalan. Naiiyak siya sa labis na takot at kawalan ng pag-asa. Luhaan siyang napatingin sa bangkay ng guard na pugot ulo at naliligo sa sariling dugo. Hindi na siya natakot at wala na siyang nararamdamang pandidiri dito. Sa dami ba namang nakita niyang ganito ang sitwasyon ay mukhang nasanay na siya. Halos lahat kasi ng tao dito ay pinugutan ng ulo, mayroon namang hindi pero mukhang nilason ang pagkamatay nito. Hindi niya halos akalain na sa iisang Santa Claus ay nangyayari ang lahat ng ito! Wala man lang bang magawang lumaban dito? Ganun lang ba kalakas ang kakayahan ng Santang iyun para makagawa ng karumal-dumal na kaganapang ito?

Gusto niyang sumuko pero nangingibabaw sa kanya ang kagustohang mailigtas si Alexis at kanyang ina. Hahanap siya ng paraan. May ibang daan palabas sa village na ito pero sobrang delikado ang daang iyun.

Ang Uptown Village ay masiyadong malaki pero konti lang ang naninirahan dito. Madaming puno at maraming pasikot-sikot na daan at kung hindi mo alam ito ay tiyak na maliligaw ka.

Kahit delikado ay yun lang ang naisip na solusyunan ni Lorraine pero hindi siya aalis ng mag-isa lang. Masiyadong malayo at baka pagbalik niya ay napatay na ni Santa si Alexis at kanyang ina. Alam niyang safe sila dun pero mabuti ng naninigurado. Isasama niya sila!

Tumayo siya at nagsimula maglakad pabalik sa bahay nila. Marahan siyang pumasok at maingat ang kanyang paglalakad habang palinga-linga sa paligid. Walang ingay at sobrang tahimik ay ultimo pag-hinga niya ay naririnig. Mukhang pinatay ni Santa ang tunog sa TV.

Biglang may kumalabog ng malakas kasabay ng paghiyaw ni Alexis. Galing ito sa kwarto niya!

Mabalis siyang tumakbo at tumigil ang kanyang mundo ng nakita kung paano hinampas ni Santa ng palakol si Alexis.

"Alexis!"

Wala sa sarili siyang tumakbo kay Santa at gamit ang kanyang hawak parin na palakol ay malakas niya itong hinampas pero naka-ilag si Santa Claus! Kung paano ito nagawa ay hindi niya alam!

Napatingin si Lorraine sa dalawang nakahandusay na katawan sa sahig at naliligo sa sariling dugo. Pugot ang ulo ng kanyang ina habang si Alexis ay wakwak ang tiyan at nakadilat ang mata.

Gumunaw ang mundo niya sa nakita. Nanginginig ang kanyang katawan at nanlalambot ang kanyang tuhod. Napaluhod siya at hamagulgol sa iyak. Wala na naman siyang nagawa para mailigtas ang mga ito. Wala siyang kwenta. Nasan ang sinabi niyang ililigtas ito? Nasan!?

"Who are you? Paano mo nalamang nandito sila nakatago?" Naiiyak na tanong niya habang nakayuko ang ulo.

Mala-demonyo itong humalakhak, "Simple lang. Dahil alam ko ang lugar na ito, Lorraine."

Napa-angat ng tingin si Lorraine. Tinignan niyang ang pagkuha ni Santa sa suot nitong balahibo. Nang tuluyang natanggal ay hindi siya nakapaniwala sa nakita. She felt familiarity nung una niya itong nakita pero binalewala niya. She doesn't give a damn about who is it. Ang tangi niya lang iniisip ay makaligtas sila dito kahit ang mommy niya lang at si Alexis pero wala na ito. At wala siyang nagawa sa pagkamatay ng dalawa.

"Paano mo nagawa to?" She coldly ask.

"Clean-out." Diretsong sagot nito.

Walang siyang naintindihan at wala rin siyang balak na intindihin. Gusto niyang magalit at murahin ito ng paulit-ulit pero para saan pa? Pinatay na nito ang pamilya niya pati narin ang mga tao sa village. Masiyadong malaki ang galit na nararamdaman niya para dito. Hindi lang mura at galit ang dapat iganti dito kundi kamatayan mismo.

"Hayop ka. Pinagsisihan kong nakilala kita. Paano mo nagawang pugutan ng ulo si Tita Laica? Ang sarili mong ina?"

Sumilay ang ngisi nito at tila ba'y nag-iisip. "Hmmm...Nanay ko ba talaga yun? Sa pagkakatanda ko kasi ay hindi siya naging ina kailaman sa akin."

"Ano bang ginawa namin sayo para patayin mo kaming lahat?" Tiim bagang na tanong ni Lorraine.

"Sa akin, wala. Pero kay boss meron."

"Boss?" Di niya mapigilan magtaka.

"You don't have to know. Trabaho lang ang ginawa ko, walang personalan. Well except dito..." Kabit-balikat pa nitong sagot.

"Patayin mo na ako." Walang emosyon na sambit niya.

"No way. Pakikinabangan pa kita hanggang sa magsawa ako tsaka pa kita papatayin."

"Fuck you!" Malutong niyang mura.

Lumapit ito sa kanya. Umupo sa harapan at pinantay ang kanilang mukha. Ngumiti ito at marahas na hinawakan ang panga niya. Aalisin niya sana ito pero mahigpit itong nakahawak sa kanya.

"Sinadya ko talagang hinuli ka dahil babayaran mo pa ang atraso mo sa akin. Baka nakakalimutan mong iniwan mo ako para lang sa lintik na kolehiyong iyan! Mahal natin ang isa't isa Lorraine pero dahil lang diyan ay nagbago ka. Ikaw nalang ang meron ako but you left me. You're just like them. Walang kwenta..." Madilim ang mata nitong nakatitig sa kanya.

Matapang niya rin itong tinitigan, "At nagsisi akong minahal kita. Hindi na ikaw ang Thomas na kilala ko. O simula't sapul kilala nga ba talaga kita?"

Ngumisi ito, "Kilala mo ako, nagbago lang talaga. " At mapusok na siniil ang labi niya.

Hindi paman maka-react si Lorraine ay may pinasok na itong likido sa bibig niya. Kinagat muna nito ang babang labi niya bago inalis at nagsalita.

"Don't worry it's not a poison. Gaya nga ng sabi ko pakikinabangan muna kita. Now sleep honey..."

Gusto niya itong hampasin ng palakol ng paulit-ulit at baliin ang buto nito pero nanghihina siya. Nanlalabo ang kanyang paningin at napapikit sa sobrang antok na naramdaman. Fuck!