Maagang gumising si Ben para puntahan ang kanyang maliit na manukan. Bitbit ang kanyang mainit na kape ay tinungo nya agad ito. Pakanta kanta pa ito ng kanyang paboritong theme song: Manok na Pula (Napadaan sa Sabungan, may nagsisigawan, Nung aking tingnan manok na pula mukhang matapang). Malapit na kasi ang sabungan sa kanila kaya maaga itong nagigising para sa kanyang mga manok. Kinokondisyon nya kasi ito para mas mataas ang tsansa na manalo sa sabung. Malaki laki di kasi ang ipinupusta nito.
Si Ben ay isang sabungero. Marami ang kanyang manok na panabong na inaalagaan. Sa lahat ng manok niya, ang paborito niya ang ay ang kanyang mga manok na pula.
Minsan, nag aaway ang mag asawang Sonia at Ben dahil napapabayaan na niya ang kanyang obligasyon sa asawa at sa nag iisang anak na lalaki na si Benson. Imbes kasi na asawa niya ang hinihimas, e mas inuuna pa nya ang kanyang manok na himasin at kausapin. Napapabayaan na niya ang kanyang mga tungkulin sa kanyang anak na maging isang ama. Dahil dito ay natuto na din si Benson na magsabong at magsugal. Ika nga kong ano ang puno ay siya rin ang bunga, na mas lalong kina inisan ni Sonia.
Araw ng Sabado ng mayroong sabong sa kanilang lugar. Mag isang tinungo ni Ben ang sabungan bitbit ang kanyang manok na pula na panabong. Dinig na dinig nya ang hiyawan ng mga sabungero dito. Mas lalong na excite pa ito nang pasok sa timbangan ang manok at mayroon agad na makakalaban.
Oras na nang laban ng manok ni Ben. Medyo kinakabahan pa ito dahil malaki laki ang pusta nya dito. Ipinusta din kasi nito ang kupit niya sa bulsa ng kanyang misis na 2 libong piso! Butil butil na pawis ang tumulo sa katawan nito ng magsalpukan na ang kanyang manok na pula laban sa puti. Di maalis sa kanya ang kaba ng matamaan ang manok nito sa pakpak, pero agad naman nakabawi at nasapol ang kalaban sa dibdib nito na agad ikinamatay.
Di magkamayaw na sigawan ang dumagundung sa loob ng sabungan. Tuwang tuwang si Ben ng iniabot sa kanya ang siyam na libong piso na panalo. Bitbit nito ang kanyang manok na pula na daplis lang sa pakpak ang tama nito. Nakangisi ito dahil alam niyang matutuwa naman ang kanyang misis sa dalang pera at tiyak na makaka iskor na naman sya nito.
Umuwi si Ben pagkatapos ng laban ng kanyang manok. Habang nasa kalagitnaan na sya ng paglalakad, ay hinarang ito ng kanyang kaibigang si Manuel. Tinutukan ito ng patalim sa leeg saka nagdeklarang holdap. Nakiusap pa ito sa kaibigan ngunit di ito nakinig. Kailangan daw din nito makabayad sa utang niya kaya kinakailangan nito ng pera. Nagpang buno ang dalawa, sa kasamaang palad ay nasaksak si Ben na kanyang ikinamatay. Walang nakasaksi sa pagpatay kay Ben kaya agad na kinuha ni Manuel ang dala nitong pera at umalis sa pinangyarihan.
Nagising si Ben sa isang lugar na ngayon niya lang napuntahan. Puro puti ang paligid nito. Para siyang nasa ulap at marami ang nakapila dito. Sa unahan nito ay tanaw niya ang isang lalaki na may katandaan na at may hawak na manok. Nang marating na niya ang lalaki ay tinanong nito ang pangalan niya. Sya daw si San Pedro, at biglang natakot si Ben. Totoo ngang patay na siya. Bago pa magsalita si San Pedro, ay agad nagsalita si Ben.
"Senyor, nakikiusap po ako, sana po ay pagbigyan nyo po ako na makabalik sa lupa", ang saad na nagmamakaawang si Ben. Tiningnan siya ni San Pedro saka sinagot na di na maaari dahil minsan lang mabuhay sa mundo na isang tao.
Nagmamakaawa talaga si Ben at sinabi nito na gusto niyang makita at makasama pa ang kanyang asawa at anak. Dahil doon ay napa isip si San Pedro. May paraan pa pero di na sa pagiging tao ang sagot nito kay Ben. Pwedi kang bumalik pero di na bilang isang tao. Napaisip si Ben ng matagal at napangisi ito sa sinabi ni San Pedro. Nagmamakaawa ito na kung pwd ay gawing itong manok na pula na panabong.
Dahil doon ay di nagdalawang isip pa si San Pedro, at ginawa nga ang kahilingan ni Ben. Bumalik si Ben sa lupa bilang tandang, ang kanyang inimungkahi ay sinunod ni San Pedro. Isa na siyang manok na pula.
Inilibing si Ben na walang nakakaalam kung sino ang pumatay dito. Tanging paghihinagpis lamang ang nadama ng kanyang asawa at anak. Kahit sabungero ito e mahal na mahal ito ng kanyang asawa't anak.
Lumabas si Benson sa kanilang bahay, at nakita nito ang manok na pula. Akala niya ay naka takas ang manok niya kaya binitbit ito at tinali ulit. Tuwang tuwa si Ben ng hawakan at kunin sya ni Benson. Kahit naging manok na pula sya, at least ay makakasama at makikita nya pa rin ang kanyang mag iina.
Makalipas ang ilang buwan, nahihirapan na si Aling Sonia sa pagbabadyet ng kanyang kita. Isa siyang mananahi at sa panahong ito ay matumal na ang nagpapatahi sa kanya. Si Benson naman ay manang mana sa kanyang ama na mahilig mag sabong at magsugal, minsan malaki laki din ang naiiuwi nito sa kanyang ina pero mas madalas ito matalo.
Isang araw, may piyesta sa kabilang barangay at mayroong sabong na magaganap. Agad na kinuha ni Benson ang manok na pula na nagkataon na si Ben. Hinimas himas nya ito at kinausap na sana manalo ito sa laban mamaya. Agad naman nahintakutan si Ben dahil ito ang magiging unang laban nya na mayroong tare. Pa minsan minsan kasi ay pinapa spar din ito ni Benson at nakita niya ang kakayahan ng manok na pula.
Di magkamayaw na hiyawan ng marating ni Benson ang sabungan. Marami na ang mga sabungero ang nandoon. Agad na kinilo na itong bitbit na manok ni Benson saka hinanapan ng kalaban. Nagkataon naman na ang manok ni Manuel ang makakalaban ni Ben.
Masasakit na tingin lamang ang binitawan ni Ben sa pumatay sa kanya. Nag iisip ito ng paraan para makaganti ito sa pumatay sa kanya.
Habang hinihintay na ng lahat ang salpukan, ay umakyat na sa entablado ang mga taga bitaw ng manok. Si Manuel ang bibitaw ng kanyang talisayin na manok. Kita ni Ben ang nakangising pumatay sa kanya habang hinahagod na manok na dala. Agad na nagsimula ang sabong. Umatake ang manok na talisayin, na agad naman inilagan ni Ben. Lumampas ito kay Ben na parang patalikod ang pagkalampas at saka inatake at binanatan nito ng malulutong na palo. Sapol ang talisayin na manok ni Manuel. Patay agad ito. Napangiwi naman ito sa nakitang pangyayari. Tuwang tuwa naman si Ben sa pagkapanalo ng pulang manok nito.
Akmang kukunin na sana ng sentensyador ang namatay na manok na ibibigay kay Benson, nang makawala si Ben sa kamay nito. Hinabol nito si Manuel saka pinalo ng malulutong na sipa. Tawanan pa ang mga sabungero sa nangyari. Maraming dugo ang umagos sa mga paa ni Manuel dahil sa tama ng tare ng manok. Agad naman ulit pina ulanan ng palo ni Ben si Manuel na nasapol ang leeg nito. Bumaon ito saka nawakwak ang leeg nito na agad naman ikinamatay nito. Natulala ang lahat sa nangyari. Di makakibo ang sentensyador sa nakita. Natatakot ito na kunin ang manok na pula. Pati si Benson ay di rin makapaniwala sa nangyari. Nakapatay ng tao ang manok niya. Agad na nagsipulasan ang mga sabungero sa loob ng sabungan.
Lumapit ang manok kay Benson. Kahit na natatakot ay kinuha nya ito at hinubad ang tare na puno ng dugo ni Manuel. Iniuwi ni Benson ang manok na pula dala ang kanyang panalo. Kinuwento niya sa mga kaibigan ang mga nangyari sa sabungan. Di sila makapaniwala, nang biglang sumabat ang matandang kapitbahay nila Benson na isang sabungero at pinatotohanan nito ang nangyari. Sinabi nito na nagkataon lang siguro iyon at napagkamalang manok si Manuel.
Sa ngayon, inalaagaan pa rin ito ni Benson. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng swerte. Ni minsan ay hindi pa ito natalo sa sabungan.
Nakamit na din ang hustisya ni Ben. Di na ulit nangyari pa ang ganoon insidente.
======WAKAS======