CHAPTER 1
Lily's PoV
"La, sigurado po ba kayong okay lang sa inyong u-umalis a-ako? Pano na ka-kayo? Huwaaaaa!! Lolaaaaaa!!"
"Tss. Tong apo kong to. Oa sobra naknampucha."
"Eh kasi naman lola eee!!! Pano ka na kung aalis ako ha?! Sino mag-aalaga sayo?! Don't me Lola ha!"
"Dami mong sinabe, gagang to. Okay nga lang ako e! Di mo ba maintindihan? Tagalog na nga jusme! Ienglishin ko para sayo ha… "
"…Am I said me! Okay me? You gets? Okay me? Am tender care! Ano? Baka di mo pa maintindihan yun ha?"
"Medyo gets ko na po."
Buti na lang magaling mag-interpepreteter--- inpreteter?-----inprenteper?---ah basta! Magaling siya mag-paliwanag.
"Ngayon ire na gets mo na. Alis na shoo! Shoo! Hanapin mo lang itong address na to ha. Gaganda buhay mong punyeta ka sa Maynila, pramis. Kaya shoo na!"
Pinunasan ko ang mga luha ko. Sininghot ko na ang lahat ng uhog na lumabas.
Pano ko kaya maiiwanan si Lola dito? Siya na nga lang mayroon ako, iiwan ko pa siya…
Pinapangako ko! Na kapag nakapag-ipon na ako, dadalhin ko si Lola sa Maynila at magshashamping—shopeng?---shimpong?---ah basta! Bibili kami ng marami sa tyangge. Wala na rin kaseng panty si Lola, paubos na, kung hindi butas eh masikip. Ah! Pinapangako kong babalik ako sa kinagisnan kong bayang puno ng pagmamahal----
"Alis na Lily! Itong batang ire, ke-drama drama, di pa nga naliligo!"
"Lola Peach naman eh! Naligo kaya ako.."
"Tss. Sheyr mo lang! Mag-ayos ka na nga ng gamit mo! Magto-tongits pa ko ha! Babyeee!"
"Byee Lolaaa! Muah Muah chup chup"
"Daming alam, puro kajejehan! To talagang batang ire!"
"Anong jeje Lola?"
"Ah basta! Pang-milinyals lang yan."
"Ah ok…"
Sinarado na niya ang pinto. Papunta na sana ako sa kwarto kaso lang biglang bumukas uli ang pinto. Nagulat ako sa ginawa ng Lola ko…
Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit…
"Lola?"
"Jusko Apo! Mami-miss kita! Pakaingatan mo ang sarili mo roon ha? Huwag mong pababayaan ang iyong kalusugang punyeta ka!" Tuluyan na rin siyang napaiyak.
"Lola naman eee! Pinapaiyak uli ako!" Napaiyak na rin tuloy ulit ako.
"Magiingat ka dun ha? Wag mong ilagay ang sarili mo sa kapahamakan! Kung kailangan mo ng karamay, nandito lang si Lola Bhoxz Peach mapagmahal bente dos ha? Uwi ka lang dito agad. Mahal na mahal kita apo ko"
"Huwaaaaa! Lolaaaa! Mahal na mahal ko din po kayoooo! Magiingat rin po kayo dito ha?"
"Oo apo…Basta tawagan mo agad ako pag may nakita kang gwapo ha! Babye! Shoo! Alis na!"
"Opo Babye!"
Pinunasan ko ang luha ko at dumiretso sa kwarto upang kuhain ang gamit ko roon.
Nang makuha ko na ang gamit ko ay muli akong tumingin kay Lola Peach sa huling pagkakataon.
'Bye Lola. Aylabyow.'
Linilikot pa niya yung kamay niya nangangahulugang 'alis na'
Tumawa na lang ako at saka tinahak ang pintuan.
"Babye probinsya! Hello Maynilaaaa!"