Ako si Andy, isang hopeless romantic. Di maka-move on sa first love na si "Macmac" kaya kahit ang dami ng naging boyfriend eh walang nagtagal. Pagkagising ko ng 7am, April 01, 2014, maaliwalas at napakagandang araw. Yung best friend kong baliw na si Kimberly may pinakilalang guy at panay ang text.
"Bhest, busy ka?"
"Hindi naman, bakit?"
"May ipapakilala ako sayo. Wala ka namang jowa diba?"
"Edi ikaw na may jowa. Naku, aga mo mam-prank ha. Ikaw na in love Kay Pits"
"Hala, di ito prank bhest. May ipapakilala ako sayo, pinsan ko. Mabait yun."
"Gwapo ba?"
"Mabait nga."
"HAHAHA! Baka hoodlum yan ha?"
"Hindi bhest, depende kasi sa mata ng tao Yung gwapo. Hahaha! O ano game? Bigay ko number mo?"
"Ikaw bahala."
At dahil April Fool's Day hindi agad ako naniwala. Then she gave my phone number to him. Tofer ang pakilala nya, makulit at masaya kausap. Nagkapalagayan ng loob, magkasundo sa maraming bagay.
"Hello po, I'm Tofer. Khim's cousin. Andy, right?"
"Hi, yeah! Khim's bestfriend."
"Will you join the pool party next month? Birthday kasi ng cousins din namin Kaya they're planning to gather."
"Depende. Maa-out of place lang kasi ako dun eh. Hahaha!"
"Why?"
"Puro sila may jowa. Hahaha!"
"Ay, ganon? Ako din naman wala. Kaka-break lang namin 3 months ago. Hahaha! So, team single tayo nun."
"Ay, ang taray! Parehas tayong galing sa break up. Hahaha! Kaya pala todo pilit sila."
"Pilit na ano? Na maging magkakilala tayo? Hehe."
"Medyo, kasi we're the same. Hahaha!"
"The same, broken hearted with the wrong one."
"Malay mo, makita na natin ang right one."
"Sana..."
Tams sya, PUPian naman ako. Magkalapit lang kami ng university. 2 years ang age gap namin pero age doesn't matter sa isang hopeless romantic. Paborito namin ang love rock music particularly ang Parokya ni Edgar at Sponge Cola. Parehas mahilig sa movie at magsine, at mag-explore sa foods and music. Ilang araw matapos ang kulitan at kwentuhan sa cellphone we decided to meet at SM Bacoor (Cavite). Malinaw na malinaw pa sa akin ang araw na yun... Yun na pala ang araw na mag-uumpisa ang lahat...